1. Mga Isyu at Hamong
Pangkasarian
Naomi Fontanos
Executive Director
Gender and Development Advocates (GANDA) Filipinas
www.facebook.com/gandafilipinas
www.twitter.com/gandafilipinas
www.facebook.com/NaomiFontanosPage
www.twitter.com/NaomiFontanos
1
2. Layunin
Natatalaky ang mga uri ng
kasarian(gender) at sex at gender roles sa
ibat ibang bahagi ng daigdig
Tiyak na Layunin:
*Natutukoy ang pagkakaiba ng sex at
gender
*Naipapaliwanag ang oryentasyong sekswal
2
3. #chechen100
Mahigit 100 pinaghihinalaang gay Chechen ang inaresto at
ikinulong sa mga concentration camp; marami ay biktima
ng EJK
Sila ay binubugbog at sumasailalim sa electric shock
torture
Pinipilit silang umamin bilang gay at isumbong ang iba
pang kakilala nilang gay o may kaibigang gay
Masasabing nag-uugat ito sa pananaw na may kinalaman
sa sex, kasarian, at gender roles
4. SEX
GENDER ROLES
KASARIAN
4
ARALIN 1: KASARIAN SA LIPUNAN
Tumutukoy sa biyolohikal o
pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng
babae sa lalaki (WHO)
Tumutukoy sa panlipunanng
gampanin, kilos, at gawain na
itinatakda ng lipunan para sa
mga babae at lalaki (WHO)
Tumutukoy sa pamantayang panlipunan
(norms) na nagtatakda sa mga kilos o
gawaing mainam, katanggap-tanggap at
kanais-nais para sa isang tao batay
sa kanyang sex
5. Pag-iba ng kahulugan ng sex at kasarian
Dati ay walang pinagkaiba ang kahulugan ng sex
at kasarian
Nagsimula noong 1950s sa mga sikolohista sa
Estados Unidos at Inglatera
Sex ay tumutukoy sa katangiang pisikal; kasarian
sa katangiang sikolohikal o pagkilos
Sex ay biyolohiya; ang kasarian ay impluwensya
ng kultura
6. Sex Kasarian
May bayag ang lalaki
Mas malaki ang buto ng
lalaki
Sa Vietnam, mas maraming
lalaki ang naninigarilyo
Sa maraming bansa, ang
gawaing bahay ay
ginagawa ng babae
Ang babae ay may
buwanang regla
Sa Estados Unidos, mas
mababa ang kita ng babae
kaysa lalaki
Ang babae ay may suso at
ang suso nila ay may gatas
Sa Saudi Arabia, hindi
maaaring magmaneho ang
babae
7. Sex Kasarian
Panlahat (universal)
Medyo hindi nababago
Kategorya - babae o
lalaki
Katangiang pantay na
pinahahalagahan
Kultural/nakatali sa kultura
Nababago
Kategorya - feminine o
masculine
Katangiang may tatak ng
inekwalidad o di-
pagkakapantay-pantay
Biyo-pisyolohikal Sosyo-sikolohikal
8. PEMENISMO
-- ang organisadong pagkilos upang itaguyod ang
pagkakapantay pantay ng mga babae at lalaki sa
pulitikal, ekonomik, at kultural na larangan
-- layunin ng pemenismo ay ang pantay na karapatang
pantao ng lahat at proteksyon sa ilalim ng batas para sa mga
kababaihan
-- ito ay batay sa paniniwalang ang pang-aapi sa kababaihan
sa lipunan ay dulot ng patriyarka. Layunin ng peminismo na
wakasan ang patriyarka upang palayain ang mga kababaihan,
kalalakihan, at mga minorya (LGBT, PWD, IPs, etc.)
9. PATRIYARKA
Isang hirarkikal na panlipunang sistema ng pag-iisip
kung saan ang dominasyon o pangingibabaw ng
kalalakihan sa kababaihan sa lipunan ay nagdudulot
ng lantarang di pagkakapantay-pantay sa pulitikal,
ekonomik, at kultural na aspeto ng buhay. Nasa
kamay ng mga kalalakihan ang kapangyarihan sa
lahat ng mahahalagang institusyong panlipunan at
mahirap itong makamtan ng mga kababihan. Hindi ibig
sabihin nito na ang mga kababaihan ay lubos na
walang kapangyarihan, o lubos na walang karapatan,
impluwensya o pagkukunang yaman.
10. MGA LINALABANAN NG
PEMENISMO
-- tutol sa biological determinism o ang kaisipang ang gawi o
kilos ng tao ay likas at ipinapasiya ng kanyang genes,
sukat at laki ng utak, o iba pang katangiang biyolohikal
-- Geddes at Thompson (1889) ang mga babae ay nagiimbak ng
enerhiya (anabolic) habang ang mga lalaki ay gumagamit ng enerhiya
(katabolic) kayat mas angkop sa pulitika at pagtugon sa isyung panlipunan
-- 1970s, dahil sa buwanang regla, nagiging emosyonal ang mga babae;
hindi sila maaring maging piloto
-- dahil sa mas malaki ang corpus callosum ng babae, mas mahina siya
sa gawaing visual-spatial katulad ng pagbasa ng mapa
11. SABI NG PEMENISTA
Simone de Beauvoir,
Pranses na
intelektwal, pilosopo,
at manunulat. May
akda ng librong The
Second Sex na
nalimbag noong 1949.
One is not born a
woman, but
becomes one.
11
12. PEMENISMO SA IBAT IBANG PANAHON
Uri ng
Peminismo
Panahon Adhikain
First Wave huling bahagi ng
ika-19 siglo at
simula ng ika-20
siglo;
industriyalismo
pantay na kontrata; karapatan sa ari-
arian; paglaban sa pag-aari sa babae
bilang asawa; karapatan sa pagboto o
Womens Suffrage Movement
Second Wave 1960s 1990s kalayaan ng kababaihan o Womens
Liberation; pagwakas sa diskriminasyon
at sexismo; pagtaguyod ng karapatang
sibil at pulitikal ng kababaihan; CEDAW;
karapatang reproduktibo
Third Wave Gitnang bahagi
ng 1990s
postmodern o kritikal at interseksyunal
na pagtingin sa kasarian at sekswalidad
at ang kaugnayan nito sa lahi, uri,
sexual orientation, etc.
Fourth Wave Huling bahagi ng
1990s pataas
pagwakas sa karahasang sekswal, di-
pantay na sahod, ibat-ibang uri ng
opresyong panlipunan, etc.
13. GENDER ROLES SA PILIPINAS
Panahon Lalaki Babae
Pre-kolonyal
(Boxer Codex)
Maraming asawa;
maaaring makipag
hiwalay
Pagmamayari ng lalaki;
maaaring patayin pag
sumama sa ibang lalaki;
maaaring makipag
hiwalay
Espanyol Mas malawak ang mga
karapatan
Limitado ang mga
karapatan; maaaring
sumama sa pag-aalsa
Amerikano Pareho sa itaas Hindi lang para sa bahay
at simbahan; karapatang
bumoto (plebesito noong
Abril 30, 1937)
Hapones Pareho sa itaas Bahagi ng pag-aalsa
Kasalukuyan Pareho sa itaas Maybahay o may karera;
mas malawak ang mga
karapatan
14. GENDER ROLES SA IBANG PARTE NG MUNDO
Rehiyon Bansa Babae
Kanlurang Asya Lebanon (1952)
Syria (1949, 1953)
Yemen (1967)
Iraq (1980)
Oman (1994)
Kuwait (1985, 2005)
Nito lamang ikalawang bahagi ng
ika-20 siglo nang payagang
makaboto
Saudi Arabia Walang karapatang bumoto;
hindi maaaring magmaneho,
magbanko, makipagkita sa mga
lalaking di kapamilya, at lumabas
ng di takip ang buong katawan
maliban sa matat kamay
Afrika Egypt (1956)
Tunisia (1959)
Mauritania (1961)
Algeria (1962)
Morocco (1963)
Libya (1964)
Sudan (1964)
Nito lamang ikalawang bahagi ng
ika-20 siglo nang payagang
makaboto; maraming nabibiktima
ng female genital mutilation o
ang pagbabgo sa ari ng babae
na walang benepisyong medikal
15. SEX, KASARIAN AT PEMENISMO
-- sex ay ang biyolohikal na batayan (nature) ng
gender roles (nurture/culture); hindi nababago ang sex
pero maaring magbago ang gender roles (Gender is
socially constructed.)
-- ang sex (chromosomes, ari, hormones, katawan ng babae o
lalaki) ay ang pinagmumulan ng kultura sa pagbuo ng gampanin,
kilos, gawain, at mithiin ng tao na pinalalaganap sa pamamagitan ng
edukasyon, sosyalisasyon, media, at iba pa
-- ang kasarian ay pagkakakilanlan (identity), o grupo ng katangian
o gawain na tinataglay ng isang tao dahil sa kalikasan o kasanayan o
pagkatuto na pinagmumulan ng di-pagkakapantay-pantay
(inekwalidad), diskriminasyon, o panlipunang opresyon o pang-aapi.
18. ALPABETO NA SOPAS
LGBT/LGBTIQA
Inisyalismo para sa
Lesbian Gay Bisexual
at Transgender
(LGBT) or Lesbian
Gay Bisexual
Transgender Intersex
Questioning/Queer at
Allies
19. LESBIAN O LESBYANA
Isang babae na may
emosyonal at pisikal na
atraksyon sa kapwa
babae at kinikilala ang
sarili bilang lesbian;
Jane Lynch,
Amerikanang artista sa
Glee, isang palabas sa
telebisyon
20. GAY
Isang lalaki na may
emosyonal at pisikal na
atraksyon para sa
kapwa lalaki at kinikilala
ang sarili bilang gay.
Ginagamit din ang
salitang ito para sa mga
lesbyana sa labas ng
Pilipinas.
John Amaechi,
retiradong manlalaro ng
NBA
21. BISEXUAL
Isang tao na may
emosyonal at pisikal
na atraksyon para sa
lalaki o babae at
kinikilala ang sarili
bilang bisexual.
Lady Gaga
22. TRANSGENDER
Salitang naglalarawan sa mga
taong ang gender identity o
gender expression ay hindi
tradisyunal na kaugnay ng
kanilang sex assignment
noong sila ay pinanganak at
kinikilala ang sarili bilang
transgender;
Sila ay maaaring transsexual,
cross-dresser, o genderqueer
Justine Ferrer, ang unang
babaeng transgender sa
palabas na Survivor
Philippines
23. MGA TAONG TRANSGENDER
Cross Dressers o CDmga
taong nagbibihis gamit ang
damit ng kabilang kasarian.
Hindi nila binabago ang
kanilang katawan. Hal.Victoria
Prince, isang aktibistang CD sa
Amerika.
Genderqueersmga taong
itinatakwil ang gender binary o
ang konsepto na dalawa lang
ang kasarian. Minsathoseere are
only two genders. Naniniwala
ang ibang genderqueer na sila ay
walang kasarian (agender) o
kombinasyon ng kasarin
(intergender). Hal. Riki
Wilchins, isang manunulat.
24. Transsexualsmga taong ang
gender identity ay direktang
salungat sa kanilang sex
assignment noong sila ay
pinanganak. Marami pero hindi
lahat ng mga taong transsexual
ay binabago ang kanilang
gender expression at katawan sa
pamamagitan ng hormone
replacement therapy (HRT) ay
ibat ibang operasyong na parte
ng prosesong tinatawag na
transition. Hal. BB
Gandanghari, artista at Balian
Buschbaum, atletang Aleman.
MGA TAONG TRANSGENDER
25. SA PILIPINAS
Marami nang mga Pilipino ang tumatawag sa
kanilang sarili bilang
Lesbian/Gay/Bisexual/Transgender
Mayroong mga katutubong salita para sa sexual
orientation at gender identity katulad ng bakla,
bayot, bantut, tomboy, lesbyana, tibo,
vakler beki, bekimon, atbp.
Mahalagang respetuhin ang pagtawag sa sarili
26. MAHALAGANG TANDAAN:
Gender identity (pagkakakilanlang pangkasarian): malalim na
damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng
isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa
kanyang sex nang siyay ipanganak, kabilang ang personal
na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi,
kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano
ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera,
gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng
kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos
(Ang Mga Prinsipyo Ng Yogyakarta)
Sexual orientation (oryentasyong sekswal): kakayahan ng
isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring
katulad ng sa kanya (homosexual), iba sa kanya
(heterosexual), o kasariang higit sa isa (bisexual) (Ang Mga
Prinsipyo ng Yogyakarta)
27. TRADISYUNAL NA PAGTINGIN
Sex
Assignment
Lalaki Babae
Gender
Identity
Lalaki Babae
Gender
Expression
Masculine Feminine
Sexual
Orientation
Sa babae
lamang
Sa lalaki
lamang
Sexismopagtinging
ang isang kasarian ay
nangingibabaw sa iba
Heterosexismoang
pagakalang lahat ng tao
ay heterosekswal at
pagtalaga dito na likas
at normal na
sekswalidad ng lahat
Homophobia/biphobia
transphobiapagturing
o pagtingin sa mga
taong LGBT ng masama
28. Awit Tungkol Sa Pagiging Babae
Babae
Awit ng Inang Laya
Kayo ba ang mga Maria Clara
Mga Hule at mga Sisa
Na di marunong na lumaban?
Kaapihay bakit iniluluha?
Mga babae, kayo bay sadyang mahina?
Kayo ba ang mga Cinderella
Na lalake, ang tanging pag-asa?
Kayo nga ba ang mga Nena
Na katawan ay ibinebenta?
Mga babae, kayo bay sadyang pangkama?
Ang ating isip ay buksan
At lipunay pag-aralan,
Ang nahubog ninyong isipan
At tanggaping kayoy mga libangan
Mga babae, ito nga bay kapalaran?
Bakit ba mayroong mga Gabriela
Mga Teresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luhat awa?
Silay nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya.
Bakit ba mayrong mga Lisa
Mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka
At ngayoy marami nang kasama?
Mga babae, ang mithiin ay lumaya!
28
29. ARALIN 2: MGA ISYU SA KASARIAN
AT LIPUNAN
Diskriminasyon - ang anumang pag-uuri, eksklusyon,
o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng mga karapatan o kalayaan
Karahasan karahasang nangyayari dahil sa di-
pantay na relasyong kapangyarihan at batayang
inaasahan base sa kasarian; mga gawaing nagdudulot
ng pisikal, mental, o sekswal na sakit kasama ang
pagbabanta, pamimilit, at pagsikil kalayaan. Ito ay
paglabag sa karapatang pantao at isang uri ng
diskriminasyon.
29
30. Ayon sa GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership, and Action), ito ang Seven Deadly Sins Against Women:
Pambubugbog/pananakit
Panggagahasa
Incest at iba pang sekswal na pang-aabuso
Sexual harassment
Sexual discrimination at exploitation
Limitadong access sa reproductive health
Sex trafficking at prostitusyon
MGA ISYU SA KASARIAN AT
LIPUNAN
31. Istadistika nga karahasan sa kababaihan:
Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng
pananakit na pisikal simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas ng
pananakit na pisikal.
6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal
Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng
emosyonal, pisikal at/o pananakit na sekswal mula sa kanilang mga
asawa.
Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng
pisikal/seksuwal na pang-aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang sarbey,
65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.
MGA ISYU SA KASARIAN AT
LIPUNAN
32. MGA ISYU SA KASARIAN AT
LIPUNAN
-- kalayaang makapag-aral (Hal. Malala Yousafzai)
-- oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong
medikal, pabahay at maging sa edukasyon
-- panggagahasa laban sa mga lesbian; pagpatay sa
mga taong LGBT
-- domestic violence o karahasan sa loob ng tahanan
33. ARALIN 3: TUGON SA MGA ISYU SA
KASARIAN AT LIPUNAN
Ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay ang
aplikasyon ng mga batayang karapatang
pantao sa sexual orientation at gender identity.
Binuo ang 29 na karapatang pantao ng mga
eksperto noong Nobyembre 2006 sa
Yogyakarta, Indonesia.
Ito ay batay sa kaisipang LGBT rights are
human rights. (Ban Ki-Moon, dating Secretary
General ng United Nations)
33
34. Ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta
Prinsipyo 1
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG
PANTAO
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa,
anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat
na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
Prinsipyo 2
ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA
DISKRIMINASYON
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang
walang diskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa
proteksiyon nito, nang walang anumang diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na
iba pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasiyon at
titiyakin, para sa lahat.
34
35. Hunyo 2011 nagkaroon ang UN
Human Rights Council (UNHRC)
ng resolusyon para sa isang pag-
aaral ng mga paglabag sa
karapatang pantao base sa sexual
orientation at gender identity
2013 inilunsad ang kampanyang
UN Free and Equal
2014 nagkaroon ang UNHRC ng
resolusyong suportahana ang
pagkaka-pantay pantay ng mga
taong LGBT
June 2015 nagdesisyon ang US
Supreme Court para sa marriage
equality
2016 Nagtakda ang UN na isang
independent expert sa sexual
orientation at gender identity
36. CONVENTION ON THE ELIMINATION OF ALL FORMS
OF DISCRIMINATION AGAINST WOMEN (CEDAW)
International Bill for Women
Inaprubahan ng United Nations noon Disyembre 18,
1979, niratipika noong Agosto 5, 1981 at ipinatupad
noong Setyembre 3, 1981
Internasyunal na kasunduan na tumatalakay sa
karapatang pantao ng mga kababaihan sa aspetong
sibil, political, kultural, pang-ekonomiya, panlipunan, at
pampamilya.
36
37. RESPONSIBILDAD NG PILIPINAS BILANG
STATE PARTY
1.ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang
nagdidiskrimina;
2.ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon
at maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan
maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilan
karapatan;
3.itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng ibat ibang
hakbang kondisyon at karampatang aksiyon; at
4.gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga
isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa
kasunduan. 37
38. TUGON NG PILIPINAS SA ISYU NG
KARAHASAN AT DISKRIMINASYON
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay
isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan
at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga
biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga
lumalabag dito
Ang Magna Carta of Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008
upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan
at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at
lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga
pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o
CEDAW.
38
39. TUGON NG PILIPINAS SA ISYU NG
KARAHASAN AT DISKRIMINASYON
39
Nobyembre kada taon ay
isinasagawa ang 16 Days of
Activism to End Violence Against
Women habang kada Marso ay
ipinagdiriwang ang National
Womens Month Celebration.
Sa ibat ibang lugar naman ay may mga Anti-
Discrimination Ordinance o mga lokal na batas na
pinagbabawal ang diskriminasyon base sa sexual
orientation at gender identity.
41. Pagpasa Ng Anti-Discriminatin Bill
1999 Unang paghain ng
panukalang batas (18 taon)
Inihain muli sa ika-17
Kongreso
Maraming mambabatas na
sumusuporta nito sa
Kongreso habang ito ay
ihinain sa Senado ni Sen.
Risa
42. Bidyo Para Sa Anti-Discrimination Bill
#LoveEquality
#PassADB
42
43. Huling mungkahi
Aralin ang mga isyung pang-kasarian; maaaring mag-
imbita ng eksperto at gumamit ng ibat ibang kagamitang
panturo tulad ng bidyo, awit, balita, etc.
Buksan ang isip at puso sa mga isyung pang-kasarian
dahil may kinalaman ang kasarian sa lahat ng aspeto ng
buhay
Ang pag-aaral sa mga isyung pang-kasarian ay parte ng
hakbang tungo sa mapagpalayang batayang edukasyon!
44. SLMBs 10-point agenda
enrich curricular reforms
on anti-illegal drugs,
reproductive health, and
disaster preparedness.
I invite everyone to work
with us at the
Department of
Education towards
realizing our shared
vision of quality,
accessible, relevant and
liberating education for
all.
44