2. 1. MOTIBASYON
Hindi mapasusubalian na ang motibasyon ay napakahalagang salik sa
matagumpay na pagkatuto
Sa isang klase na halos magkakapantay ang antas ng karunungan ng
mga mag-aaral , pakaasahan na may mas higit ang pagtatagumpay sa
pag-aaral dahil mataas ang kanilang motibasyon.
4. A. Pagkagusto na makahalubilo sa isang kultura ng mga tao na
Filipino ang sinasalita. Integratibong motibasyon ang tawag dito.
B. pag-asam na makatuntong sa isang kolehiyo o Pamantasan o
di kayay pagkakaroon ng isang trabaho na mataas ang pasahod
dahil sa alam na wika. Motibasyong instrumental ang tawag
dito.
C. Pagkagusto na makatanggap ng mga papuri o pagkilala mula
sa kapwa mag-aaral o mga guro.
5. B. Motibasyong instrinsik
Itoy likas na kagustuhan sa pagkatuto ng isang wika.
Hal. Ang isang mag-aaral na galling sa isang pamilya na may positibong
saloobin sa wikang Filipino ay maaasahang magkakaroon nang ibayong
interes sa Filipino at magkakaroon ng pagkakagusto upang masterin ang
wika.
6. 2. ANG MGA GURO
Pagbibigay ng impormasyon at paglalahad ng kaalaman
Paglalaan ng patnubay at tulong ng mga mag-aaral upang pagsanayan ang
natamong kaalaman
Pagbibigay ng angkop na pagganyak sa pamamagitan ng paglalaan ng ibat-iba at
nakawiwiling gawain na magbibigay ng pagkakataon upang magamit ang wikang
natutuhan;
Pagbubuo ng mga makabuluhang gawain at pagtitiyak na magagawa ng mga mag-
aaral ang gawain sa isang kaligiran na walang pangamba o pagkabahaka;
7. Binibigyan sigla ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigat ng mga
papuri.
Palagiang may ginagawang pagtataya at ebalwasyon sa pagkatuto ng mga
mag-aaral sa wika.
8. 3. Ang mga Mag-aaral
Rubin at Thompson (1983) Katangian ng isang magaling na estudyante
ng wika. Itoy ang mga sumusunod:
1. Nagagawa niyang manghula hinggil sa kayarian ng wikang pinag-
aaralan at sinusubukan niya ang mga ito sa pamamagitan ng
pangangalap at pag-iipon ng mga impormasyon sa isang mabisang
paraan.
2. Mataas ang kanyang motibasyon upang makipagtalastasan at
humahanap siya ng mga posibleng istratehiya para maparating sa
iba ang kanyang naiisip o nadarama.
9. 3. Hindi rin niya pinipigilan ang kanyang sarili na makipagsapalaran sa
paggamit ng wika
4. Humahanap siya ng mga pagkakataon upang magamit ang wika at
nangunguna siya sa pagsisimula ng isang usapan sa kanyang guro at
mga kaklase at palagiang sinasamantala ang mga pagkakataong
makapagsalita sa klase.
10. 4. Mga Istilo sa Pagkatuto
Ang mga istilo sa pagkatuto ay tumutukoy sa mga kaparaanang higit
na gusto ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
(Willing) ay nagsabi na ang isang guro na sensitibo at isinasaalang-
alang ang mga gusting istilo sa pag-aaral ng mga estudyante ay
makatutulong sa pagkakaroon ng isang matagumpay at mabisang
pagkatuto.
11. Uri ng Mag-aaral at Mga Gustong Istratehiya sa Pag-aaral
Mag-aaral na . Concrete
Mag-aaral na Komunikatib
Mag-aaral na authority oriented