2. Sa bahaging Bisaya
ay may isang bundok
ng humahati sa
Silangan at Kanluran.
Ito ang bundok
Kanlaon.
3. Noong unang panahon, may isang
malupit na namiminsala sa mga
tao. Ito ay ang ulupong na may
pitong ulo. Nagbubuga ito ng
apoy. Wala itong patawad.
Waring walang makakagapi sa
ulupong na ito na nakatira sa
bundok. Marami na siyang
napatay dahil sa pagbubuga ng
apoy kapag nagagalit.
4. Kumunsulta si Haring Matog sa mga
pantas. May manggagamot na
nagmungkahing mag-alay sila sa ulupong
ng isang magandang dalaga upang matigil
ito sa pamiminsala.
Ipinaabot naman ng kura paroko sa mga
mamamayan ang balita. Sa takot ng mga
kababaihan na baka sila ang ialay ay
pinintahan nila ang kanilang mga muka.
Pumangit ang itsura nila dahil sa mga
pinta.
5. Makalipas ang isang buwan, bigong
bumalik ang pari. "Wala na pong
natitirang magandang dalaga. Nasunog
po ang kanilang mukha nang abuting sila
nang ibinugang apoy ng ulupong."
Nalungkot ang hari sapagkat maging si
Datu Sagay ay nagpatunay sa mga
ibinalita ng pari.
Tanging si Prinsesa Talisay na lamang
ang natitirang magandang dalaga rito.
6. Samantala, isang banyaga ang
nagkataong nakabalita sa pananalanta ng
ulupong. Inalok ng binata ang hari ng
kanyang tulong. Anito ay siya ang
pupuksa sa ulupong.
"Matapang ka, binata. Kung mapapatay
mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko
sa iyo ang kalahati ng aking yaman. At
ipakakasal ko rin sa iyo ang kaisa-isa
kong anak na si Prinsesa Talisay," may
paghangang wika ng hari.
7. Naglakbay si Laon, ang binatang
banyaga. Sa paglalakbay niya patungong
bundok ay nakasalubong niya ang isang
langgam.
"Hoy, Langgam! Ako si Laon. Pakisabi
mo kay Haring Langgam may utos ang
panginoon ninyong si Laon. Lahat ng
sundalong langgam ay papuntahin sa
bundok. Papatayin natin ang
namiminsalang salot na ulupong. Ito ay
para na rin sa ating kapayapaan."
8. Gayundin ang sinabi ni Laon
kay Haring Bubuyog at kay
Haring Lawin na handa ring
tumulong. Lahat sila ay
nagtungo sa bundok.
9. Doon naganap ang umaatikabong
bakbakan. Halos matabunan na
ang ulupong sa rami ng
umatakeng mga langgam.
Pinagkakagat nila ang ulupong.
Tinusok naman ng mga bubuyog
ang mga mata ng salot. Hindi
nila pansin ang ibinubugang apoy
ng ulupong. Patuloy sila sa laban
nila.
10. Samantala, sa kaharian ay hindi
mapalagay ang mga tao. Umiiyak si
Prinsesa Talisay. Humingi siya ng
tulong sa kanyang amain na si Datu
Sagay. Nagpasya si Datu Sagay na
sundan si Khan-Laon upang pigilan ito
sa iba pang binabalak. Ipinagsisigawan
naman ng mga tao na si Prinsesa
Talisay ang iaalay sa ulupong kapag
nabigo si Khan-Laon sa labanan.
11. Nakarating sa bundok si Datu Sagay at
ang kanayang mga kawal. Kitang-kita
nila na diniudukot ng lawin ang mga mata
ng halimaw at pinagtatagpas ni Khan-
Laon ang mga ulo ng ulupong.
Tuwang-tuwa nang bumalik sa kaharian
sina Khan-Laon at ang kanyang mga
kaibigan. Tuwang-tuwa rin si Datu
Sagay na ibinalita ang kagitingan ni
Khan-Laon.
12. "Ang lahat pong ito ay hindi ko
kayang gawin kung wala ang
aking mga kaibigan, Mahal na
Hari. Kaya ang hiling ko lamang
ay huwag silang patayin
sapagkat tulad din natin sila na
nilikha ng Diyos," pakiusap ni
Khan-Laon.
13. Agad namang ibinigay ng hari
ang kanyang ipinangako.
Ipinikasal din niya ang anak na
prinsesa kay Laon. Mula noon ay
masyadong nagsama ang mag-
asawa. Tinawag nilang Kanlaon
ang bundok bilang pagkilala sa
kabayanihan ni Laon.