2. Noong unang panahon sa
isang kaharian ay may
naninirahan na grupo ng
mga duwende. Masaya,
maayos at masagana
ang kanilang pamumuhay
sa kanilang kaharian.
Pinamamahalaan ito ni
Haring Gaston at Reyna
Lising at silay may
natatanging anak, si
Prinsipe Kanis.
3. Si Prinsipe Kanis ay alagang-
alaga at mahal na mahal ng
kanyang mga magulang kung
kayat hindi ito pinalalabas ng
kanilang kaharian sa
pangambang may mangyaring
masama rito. Mahal kong anak,
hindi ka maaring lumabas sa
ating kaharian sapagkat maaring
maraming mangyari sa iyo doon
at huwag na huwag kang pupunta
sa lagusan patungo sa mundo ng
mga tao dahil ang mundong iyon
ay mapanganib. wika ng
kanyang butihing amat ina.
4. Kung kayat isang araw ay napaisip ang
Prinsipe sa itsura at sa panganib na sinasabi
ng kanyang mga magukang. Kinagabihan ay nag
tungo siya sa lagusan patungo sa kabilang
mundo, ang mundo ng mga tao. Lumabas siya
ng walang kasama at sinuway niya ang mga
magulang. Sa kanyang paglabas ay nakakita
siya ng mga higanteng bagay at sa unang
pagkakataon ay nakakita siya ng tao. Nakita
niya si Maria na nagwawalis ng kanilang
bakuran. Napakaganda ng dilag na ito ngunit
napakalaki niya kumpara sa akin. Sambit ng
Prinsipe at siyay tunay na nabighani kay
Maria. Simula noon ay lagi na siyang lumalabas
ng kaharian upang makita lamang ang dalaga.
5. Isang araw ay kinausap siya ng
kanyang mga
magulang, Anak, nasa wastong
gulang ka na at nais na namin
na ikay maghanap ng iyong
magiging kabiyak. Mayroon na
po akong napupusuang babae.
wika ng Prinsipe. Tinanong ng
kanyang ina kung sno ito ngunit
ang sabi ng Prinsipe ay, Sa
takdang panahon ko na lamang
ho sa inyo sasabihin ni Ama
kung sino siya. sagot ng
Prinsipe sa ina.
6. Sa bawat paglabas ng Prinsipe sa
kanilang kaharian ay nag
babalatkayo ito bilang isang tao.
Sinuyo niya si Maria at ito ay
kanyang napasagot. Lagi siyang
nakikipagkita sa dalaga at masaya
siya pag sila ay magkasama.
Ibinalita niya ito sa kanyang mga
magulang ngunit nagalit ang mga
ito at sinabing hindi nila ito
kauuri, iginiit ng Prinsipe na ito ay
kanyang sobrang mahal at ito ang
kanyang nais makasama sa habang
buhay.
7. Hiniling ng Prinsipe na siyay gawing tunay na
tao, labag man sa kalooban ng kanyang mga
magulang ay pumayag ang mga ito. Pinainom ang
Prinsipe ng isang mahiwagang inumin at siya ay
naging isang ganap na tao. Ibinigay ni Reyna
Lising ang kanyang korona kay Prinsipe Kanis,
Ibigay mo ito sa iyong minamahal na babae, ito
ay napakahalaga sa akin at sanay inyo ding
pahalagahan. Niyakap at hinagkan ng Prinsipe
ang kanyang mga magulang at nag paalam na
upang mag punta na sa babaeng kanyang iniibig.
8. Agad niyang pinuntahan si
Maria upang ayain itong
magpakasal, ibinigay niya ang
korona ng kanyang ina kay
Maria ngunit sa liit nito ay
hindi ito nag kasya, kung
kayat inilagay na lamang ng
Prinsipe ito sa daliri ni Maria.
Ano ito? tanong ni Maria.
Napaisip ang Prinsipe kung ano
ba ang maaring itawag
dito, Ito ay isang singsing at
ito ay tanda ng pagmamahal at
pagpapahalaga ko sa iyo.
Inalinsunod ng Prinsipe ang
pangalan nito sa kanyang
ina, si Reyna Lising. Niyakap
9. Wakas!
Nilikha ni: Carmela Dawn B. Alagao
BEEd 3-1N
SY 2012-2013 Summer Term
Ipinasa kay: Ginoong Jeniffor Aguilar
Panitikang Filipino