1. I : PANIMULA O INTRODUKSYON
Ang "ANAK" ay isang pelikula noong 2000 na handog ng Star Cinema para sa
mga OFW (Overseas Filipino workers) sa iba't-ibang dako ng mundo.Sa natatanging
pelikula na ito na sumikat sa takilya ay pinagbibidahan nina Vilma Santos at
Claudine Baretto. Noong 2000, ang pelikulang ito ang pinakatanyag na pelikula sa
kasaysayan ng pelikula sa industriyang Pilipino dahil sa laki ng binatak nito sa
takilya.
A : PAMAGAT NG KWENTO
" Anak "
B : MAY AKDA
Ricardo Lee at Raymond Lee
C : DIREKTOR
Rory B. Quintos
II : BUOD
Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho
sa Hong Kong bilang domestic helper. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera
sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binangggit niya
na ginagawa nya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.
Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at
ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.
Nagsimula sa isang masayang mag-anak, nagkawatak watak ang buhay ng mga
anak ni Josie magmula ng yumao ang kanilang ama na syang kasama nila sa bahay.
Dito nagsimulang masuklam si Carla (Claudine Baretto) sa kanyang ina. Nagpadala
sila ng sulat sa inang nasa Hong Kong upang malaman ang nangyari at nang sya'y
umuwi. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat dahil sya ay kinulong ng
kanyang amo sa loob ng kanilang bahay nang sila'y lumipad sa Estados Unidos ng
isang buwan. Nabasa ni Josie ang sulat pagkaraan ng isang buwan, ngunit hindi pa
rin siya pinayagan ng kanyang among umuwi kahit magmakaawa pa siya.
Pagkaraan ng ilang taon, umuwi na rin si Josie. Nagawa nya ito dahil
itigil na nya ang kanyang trabaho sa Hong Kong. Nagnanais siyang magtayo ng
isang negosyo na kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan. Namuhunan silang tatlo
ng taksi para ipasada sa kalsada. Masaya ang kanyang pagbalik pagkaraan ng anim
na taong pangungulila. Gayunpaman, naharap nya ang matabang na pagsalubong ng
mga anak. Si Daday, ang bunso, ay hindi sya kilala. Si Michael (Baron Geisler)
ay mahiyain at walang kimi at si Carla, na hindi man lang ginagalang ang ina at
iniitsa-pwera lamang.
Ninais ni Josie na makuha ang simpatiya ng mga anak sa pamamagitan ng mga
pasalubong. Hindi ito tinanggap ni Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-unti
nakikita ni Josie ang mga bisyo at karanasan ni Carla, paninigarilyo, tattoo,
paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. Dagdag pa dito ang
pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang
mga anak. Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at iniwan siya ng isa sa mga
kasosyo niya dahil nagastos niya ang perang ibabahagi sana niya.
Sa sunud-sunod na problema ni Josie, gusto na sana niyang sumuko.
Pinagtatabuyan siya ni Carla. Lumala pa ang alitan ng lumayas si Carla sa bahay
at lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nang mawala ang iskolarship ni Michael,
nagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil ang dami na ng kanyang binabayaran.
Dahil dito, napahiya sa Michael sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya.
Lumayas din si Michael.
Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang
inimpok na salapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik
sa Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong, napuno si Josie sa
pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos nya
ang lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang
mga mata ni Carla sa katotohanang sya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang
mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa pagpapalalo nya sa kanyang
bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang
nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon,
naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo sya
sa kanilang tabi.
III : PAGSUSURI
2. A : URI NG PELIKULA
Ito ay isang uri ng pelikula na panglipunan. Ipinapakita nito ang
takbo ng buhay ng isang tao o pamilya sa isang lipunan.
B : KAANYUAN NG PELIKULA
* TEMA
Ang pelikulang Anak ay patungkol sa isang ina, bilang Overseas
Filipino Worker, na napilitang umalis ng bansa upang mabigyan ng maayos na buhay
ang kanyang pamilya.
* PAKSA
Ang pelikulang ito ay tumatalakay sa importansya ng pamilya at
trabaho.