3. Nakapag-aaraltayo sa silid-
aralan. May mga upuan para sa
bawat mag-aaral. May
napagsusulatan ang bawat
upuan. May pisara rin sa silid-
aralan. Nagsusulat ang guro sa
pisara habang tayo ay tinuturian.
4. Nakababasa tayo ng mga
libro sa silid-aklatan.
Nakapagsusulat at nakapag-
aaral tayo rito. Nakagagamit
din tayo ng iba’t-ibang aklat
at mga kagamitan sa
pagkatuto sa silid na ito.
5. Iba’t-ibang pagkain at
inumin ang ating mabibili
sa kantina. Pumipila tayo
nang maayos upang
makuha natin ang ibig
nating kainin at inumin
dito.
6. Pumunta tayo sa klinika
kapag tayo ay nasaktan o
sumama ang ating
pakiramdam. Dito
nalalapatan ng lunas ang
ating kalagayan o
karamdaman.
7. Ginagamit natin ang
palikuran kung tayo ay
iihi, dudumi, o mag-
aayos ng sarili. Dapat
natin itong gamitin
nang maayos at
panatilihing malinis.
8. Epekto ng Kapaligiran
May iba’t-ibang bagay at
lugar sa ating paaralan. May
epekto sa ating pag-aaral
ang mga ito.
9. Makapag-aaral tayo
nang mabuti at tahimik
at kaaya-aya na
kapaligiran.
Mahirap mag-aral kung
maingay at magulo ang
kapaligiran.
10. Ligtas tayo sa malinis at
maayos na kapaligiran.
Malayo tayo sa aksidente
at sakit. Makapag-aaral
tayong mabuti kapag
ganito ang lugar.
Kapag marumi at
mabaho ang kapaligiran,
tayo ay nalalagay sa
panganib. Mahirap mag-
aral kapag ganito ang
paligid.