際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
ANG AKING PAG-IBIG
TULANG PANDAMDAMIN MULA SA ENGLAND
Isinalin sa Filipino Alfonso O. Santiago
Mula sa Ingles na How Do I Love Thee Sonnet 43
ni Elizabeth Barrett Browning
Mga Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula
B. Nasusuri ang mga elemento ng tula
C. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula
D. Nagagamit ang kasanayan at kakayahang sa malinaw at mabisang pagbigkas ng tula
E. Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
F. Nagagamit ang matatalinghagang salita sa pagsulat ng tula
A. Paunang Gawain
Anong mga salita o kaisipan ang maiuugnay sa salitang nasa loob ng puso?
1. __________________________________
2. __________________________________
3. __________________________________
4. __________________________________
5. __________________________________
PAG-IBIG
Basahin at Unawain:
Ang Pag-ibig ay isa sa mga damdaming likas sa tao. May ibat ibang uri nito:
1. Eros - Ito ay ang uri ng pag-ibig na nararamdaman sa taong ninanais makasama habambuhay.
Ito ay nararamdaman ng dalawang taong magsing-irog na nais makasama ang isa't isa hanggang
sa huli.
2. Philia  ito ay isang uri ng pag-ibig na nararamdaman sa isang kaibigan. Ang pagmamahalan
ng magkaibigan ay puno ng tiwala sa isat isa.
3. Storge  ang uri ng pag-ibig na nararamdaman sa bawat miyembro ng pamilya.
4. Agape  ang pag-ibig sa Diyos kung saan walang hinihinging kapalit. Ito ay pag-ibig na walang
kapantay.
Gawain 1: PAKINGGAN MO
Pakinggan ang awit sa Youtube Channel at sagutin ang mga tanong
pagkatapos.
https://www.youtube.com/watch?v=b00C1HkgMx4
IKAW
Yeng Constantino
Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang awit na iyong napakinggan?
2. Anong uri ng pag-ibig ang inilahad sa awit?
3. Ilahad ang mga damdaming naghahari sa awit?
4. Makatotohanan ba o hindi ang nilalaman ng awit?
Damdamin
Gawain 2: PAGHAMBINGIN MO
Ano ang Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Tula at Awit? Paghambingin ito ayon sa ibinigay na
pamantayan.
AWIT PAMANTAYAN TULA
Nilalaman
Paraan ng pagkakasulat
Paraan ng Pagbigkas
Epekto sa isip/damdamin
B. Paglalahad ng Aralin
Tunghayan ang Tulang Liriko ng tanyag na manunulat na si Elizabeth Barrett Browning ng
Inglatera (hango sa Sonnet 43) sa Youtube Channel at isagawa ang hinihinging kasunod na mga
gawain:
https://www.youtube.com/watch?v=9Ik3V7YZzMg
Ang Aking Pag-ibig
Gawain 3: BIGKASIN MO
Basahin muli ang tula sa pamamagitan ng pagbigkas dito nang malinaw at
damdamin.
ANG AKING PAG-IBIG
(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth
Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig koy katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwiray hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
Pag-ibig koy isang matinding damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong akoy isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing may lalong iibigin kita.
Alam mo ba na
ang tula ay isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin?
Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan.
Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita sa dapat na kaasalan ng
mga bata at kabataan, at naglalayong maipahayag ang karanasan, damdamin, pananaw, kabayanihan
at ang maigting na pagmamahal sa sariling bansa. Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at
pagbigkas ng tula ay nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon patungo sa
kasalukuyan
May apat na pangkalahatang uri ang tula:
Tulang Pandamdamin o Tulang Liriko,
Tulang Pasalaysay,
Tulang Padula, at
Tulang Patnigan.
Ang binasa mong tula ay isang soneto na nasa anyo ng tulang pandamdamin o
tulang liriko. Ang soneto ay isang uri ng tula na nagmula sa Italya na may labing-apat
na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.
May tiyak na sukat at tugma na kinakailangang isaalang-alang ng mga
manunulat. Malalim na pag-iisip at mayamang karanasan ang nakakaapekto sa isang
manunulat upang makabuo ng isang mahusay na likhang sining. Kung kayat ang mga
soneto ay kinapapalooban ng damdamin ng isang manunulat. Ang bawat taludtod nito
sa karaniwang damdamin at kaisipan ay nagpapakilala ng matinding damdamin.
Gawain 4: Paglinang sa Talasalitaan
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga matatalinghagang pahayag na nabasa sa akda. Gamitin ito
sa sariling pangungusap.
Matatalinghagang Pahayag KAHULUGAN SARILING PANGUNGUSAP
1. Laging nakahandang
pag-utus-utusan
2. Marunong umingos sa
mga papuri
3. Lumbay kong di
makayang bathin
4. Na ang pananalig ay di
masusupil
5. Malibing may lalong
iibigin kita
Gawain 5: SAGUTIN MO
1. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula?
2. Tukuyin ang magiging bunga ng pagkakaroon ng yunay na pag-ibig.
3. Paano ipinamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal sa
kaniyang tula?
4. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng karanasan sa paglikha ng tula
ng makata? Ipaliwanag ang sagot.
5. Ipaliwanag ang kaugnayan ng pahayag sa akda. Ang pag-ibig ay
buhay, ang buhay ay pag-ibig. Nabubuhay ang tao upang umibig at
magmahal sapagkat sapol sa pagkasilang, kakambal na ng tao ang
tunay na kahulugan ng pag-ibig.
Gawain 6: SURIIN MO
Suriin ang binasang tula ayon sa elementong taglay nito.
ANG AKING PAG-IBIGSUKAT
TUGMA TALINGHAGA
TONO
KARIKTAN
C. PAGPAPALALIM
Alam mo ba na...
isang katangian ng tula ang paggamit nito ng matatalinghagang pahayag o
pananalitang hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan nito? Karaniwan
itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng
mga mambabasa. Ang talinghaga ang nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari
at bagay-bagay na alam ng taumbayan. Ang talinghaga ang mismong larawan ng
kamalayan ng manunulat. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag
na patayutay o tayutay.
Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita,
kung kayat magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding
palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.
Mga Uri ng Tayutay:
1. Pagtutulad o Simile  isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa
pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Itoy
ng mga salitat pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anakiy,
at iba pa.
2. Pagwawangis o Metapora  naghahambing ng dalawang bagay ngunit
tuwiran ang ginagawang paghahambing
3. Pagmamalabis o Hyperbole  pagpapalabis sa normal upang bigyan ng
kaigtingan ang nais ipahayag
4. Pagtatao o personipikasyon  paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga
Gawain 7: TUKUYIN MO
Basahin ang sumusunod na paglalarawan. Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang
ginamit.
 Pagtutulad (Simile)
 Pagwawangis (Metaphor)
 Pagmamalabis (Hyperbole)
1. Ang mga mata niya ay tila mga bituing nangniningning sa tuwa.
2. Rosas sa kagandahan si Prinsesa Sarah.
3. Napanganga ang mga manonood sa pagpasok ng mga artista sa tanghalan.
4. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang pagpanaw.
5. Tila mga anghel sa kabataan ang mga bata.
6. Diyos ko! Patawarin mo sila.
7. Salaysay niya saksakan ng guwapo ang binatang nasa kaniyang panaginip.
8. O buhay! Kay hirap mong unawain.
9. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga.
10. Naku! Kalungkutan mo ay di na matapos-tapos.
Gawain 8: ISULAT MO
Sumulat ng sariling tula na may hawig
sa paksa ng tulang tinalakay. Sundin
ang format
 Bilang ng Saknong  5
 Sukat  lalabindalawahin
 May sariling pamagat
 Gumamit ng mga talinghaga
RUBRIKS SA PAGSULAT NG TULA
5  Mahusay
4  Katamtaman
3  Kailangang Paunlarin
A. Nilalaman
B. Paggamit ng Sukat at Tugma
C. Kariktan
D. Paggamit ng Talinghaga
Gawain 8: I-UPLOAD MO
Matapos mabuo ang sariling tula, subuking i-upload ito sa iyong FACEBOOK Account at
lumikom ng maraming LIKES!!
Mga Sanggunian:
 Filipino  Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015
 https://brainly.ph/question/512568#readmore
 https://www.stickpng.com/img/icons-logos-emojis/tech-companies/facebook-icon-with-like
 https://www.youtube.com/watch?v=b00C1HkgMx4
 https://www.youtube.com/watch?v=9Ik3V7YZzMg

More Related Content

Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)

  • 1. ANG AKING PAG-IBIG TULANG PANDAMDAMIN MULA SA ENGLAND Isinalin sa Filipino Alfonso O. Santiago Mula sa Ingles na How Do I Love Thee Sonnet 43 ni Elizabeth Barrett Browning
  • 2. Mga Pamantayan sa Pagkatuto: A. Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula B. Nasusuri ang mga elemento ng tula C. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula D. Nagagamit ang kasanayan at kakayahang sa malinaw at mabisang pagbigkas ng tula E. Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay F. Nagagamit ang matatalinghagang salita sa pagsulat ng tula
  • 3. A. Paunang Gawain Anong mga salita o kaisipan ang maiuugnay sa salitang nasa loob ng puso? 1. __________________________________ 2. __________________________________ 3. __________________________________ 4. __________________________________ 5. __________________________________ PAG-IBIG
  • 4. Basahin at Unawain: Ang Pag-ibig ay isa sa mga damdaming likas sa tao. May ibat ibang uri nito: 1. Eros - Ito ay ang uri ng pag-ibig na nararamdaman sa taong ninanais makasama habambuhay. Ito ay nararamdaman ng dalawang taong magsing-irog na nais makasama ang isa't isa hanggang sa huli. 2. Philia ito ay isang uri ng pag-ibig na nararamdaman sa isang kaibigan. Ang pagmamahalan ng magkaibigan ay puno ng tiwala sa isat isa. 3. Storge ang uri ng pag-ibig na nararamdaman sa bawat miyembro ng pamilya. 4. Agape ang pag-ibig sa Diyos kung saan walang hinihinging kapalit. Ito ay pag-ibig na walang kapantay.
  • 5. Gawain 1: PAKINGGAN MO Pakinggan ang awit sa Youtube Channel at sagutin ang mga tanong pagkatapos. https://www.youtube.com/watch?v=b00C1HkgMx4 IKAW Yeng Constantino
  • 6. Mga Tanong: 1. Tungkol saan ang awit na iyong napakinggan? 2. Anong uri ng pag-ibig ang inilahad sa awit? 3. Ilahad ang mga damdaming naghahari sa awit? 4. Makatotohanan ba o hindi ang nilalaman ng awit? Damdamin
  • 7. Gawain 2: PAGHAMBINGIN MO Ano ang Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Tula at Awit? Paghambingin ito ayon sa ibinigay na pamantayan. AWIT PAMANTAYAN TULA Nilalaman Paraan ng pagkakasulat Paraan ng Pagbigkas Epekto sa isip/damdamin
  • 8. B. Paglalahad ng Aralin Tunghayan ang Tulang Liriko ng tanyag na manunulat na si Elizabeth Barrett Browning ng Inglatera (hango sa Sonnet 43) sa Youtube Channel at isagawa ang hinihinging kasunod na mga gawain: https://www.youtube.com/watch?v=9Ik3V7YZzMg Ang Aking Pag-ibig
  • 9. Gawain 3: BIGKASIN MO Basahin muli ang tula sa pamamagitan ng pagbigkas dito nang malinaw at damdamin. ANG AKING PAG-IBIG (How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago) Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Kung paano kita pinakamamahal? Tuturan kong lahat ang mga paraan, Iisa-isahin, ikaw ang bumilang. Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin. Yaring pag-ibig koy katugon, kabagay Ng kailangan mong kaliit-liitan, Laging nakahandang pag-utus-utusan, Maging sa liwanag, maging sa karimlan. Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwiray hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri.
  • 10. Pag-ibig koy isang matinding damdamin, Tulad ng lumbay kong di makayang bathin Noong akoy isang musmos pa sa turing Na ang pananalig ay di masusupil. Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal, Na nang mangawala ay parang nanamlay Sa pagkabigo ko at panghihinayang. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at aking hininga! At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing may lalong iibigin kita.
  • 11. Alam mo ba na ang tula ay isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin? Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan. Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita sa dapat na kaasalan ng mga bata at kabataan, at naglalayong maipahayag ang karanasan, damdamin, pananaw, kabayanihan at ang maigting na pagmamahal sa sariling bansa. Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at pagbigkas ng tula ay nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon patungo sa kasalukuyan
  • 12. May apat na pangkalahatang uri ang tula: Tulang Pandamdamin o Tulang Liriko, Tulang Pasalaysay, Tulang Padula, at Tulang Patnigan. Ang binasa mong tula ay isang soneto na nasa anyo ng tulang pandamdamin o tulang liriko. Ang soneto ay isang uri ng tula na nagmula sa Italya na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod. May tiyak na sukat at tugma na kinakailangang isaalang-alang ng mga manunulat. Malalim na pag-iisip at mayamang karanasan ang nakakaapekto sa isang manunulat upang makabuo ng isang mahusay na likhang sining. Kung kayat ang mga soneto ay kinapapalooban ng damdamin ng isang manunulat. Ang bawat taludtod nito sa karaniwang damdamin at kaisipan ay nagpapakilala ng matinding damdamin.
  • 13. Gawain 4: Paglinang sa Talasalitaan Ibigay ang kasingkahulugan ng mga matatalinghagang pahayag na nabasa sa akda. Gamitin ito sa sariling pangungusap. Matatalinghagang Pahayag KAHULUGAN SARILING PANGUNGUSAP 1. Laging nakahandang pag-utus-utusan 2. Marunong umingos sa mga papuri 3. Lumbay kong di makayang bathin 4. Na ang pananalig ay di masusupil 5. Malibing may lalong iibigin kita
  • 14. Gawain 5: SAGUTIN MO 1. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula? 2. Tukuyin ang magiging bunga ng pagkakaroon ng yunay na pag-ibig. 3. Paano ipinamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal sa kaniyang tula? 4. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng karanasan sa paglikha ng tula ng makata? Ipaliwanag ang sagot. 5. Ipaliwanag ang kaugnayan ng pahayag sa akda. Ang pag-ibig ay buhay, ang buhay ay pag-ibig. Nabubuhay ang tao upang umibig at magmahal sapagkat sapol sa pagkasilang, kakambal na ng tao ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.
  • 15. Gawain 6: SURIIN MO Suriin ang binasang tula ayon sa elementong taglay nito. ANG AKING PAG-IBIGSUKAT TUGMA TALINGHAGA TONO KARIKTAN
  • 16. C. PAGPAPALALIM Alam mo ba na... isang katangian ng tula ang paggamit nito ng matatalinghagang pahayag o pananalitang hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan nito? Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa. Ang talinghaga ang nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan. Ang talinghaga ang mismong larawan ng kamalayan ng manunulat. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag na patayutay o tayutay. Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kayat magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.
  • 17. Mga Uri ng Tayutay: 1. Pagtutulad o Simile isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Itoy ng mga salitat pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anakiy, at iba pa. 2. Pagwawangis o Metapora naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing 3. Pagmamalabis o Hyperbole pagpapalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan ang nais ipahayag 4. Pagtatao o personipikasyon paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga
  • 18. Gawain 7: TUKUYIN MO Basahin ang sumusunod na paglalarawan. Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit. Pagtutulad (Simile) Pagwawangis (Metaphor) Pagmamalabis (Hyperbole) 1. Ang mga mata niya ay tila mga bituing nangniningning sa tuwa. 2. Rosas sa kagandahan si Prinsesa Sarah. 3. Napanganga ang mga manonood sa pagpasok ng mga artista sa tanghalan.
  • 19. 4. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang pagpanaw. 5. Tila mga anghel sa kabataan ang mga bata. 6. Diyos ko! Patawarin mo sila. 7. Salaysay niya saksakan ng guwapo ang binatang nasa kaniyang panaginip. 8. O buhay! Kay hirap mong unawain. 9. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga. 10. Naku! Kalungkutan mo ay di na matapos-tapos.
  • 20. Gawain 8: ISULAT MO Sumulat ng sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay. Sundin ang format Bilang ng Saknong 5 Sukat lalabindalawahin May sariling pamagat Gumamit ng mga talinghaga RUBRIKS SA PAGSULAT NG TULA 5 Mahusay 4 Katamtaman 3 Kailangang Paunlarin A. Nilalaman B. Paggamit ng Sukat at Tugma C. Kariktan D. Paggamit ng Talinghaga
  • 21. Gawain 8: I-UPLOAD MO Matapos mabuo ang sariling tula, subuking i-upload ito sa iyong FACEBOOK Account at lumikom ng maraming LIKES!!
  • 22. Mga Sanggunian: Filipino Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015 https://brainly.ph/question/512568#readmore https://www.stickpng.com/img/icons-logos-emojis/tech-companies/facebook-icon-with-like https://www.youtube.com/watch?v=b00C1HkgMx4 https://www.youtube.com/watch?v=9Ik3V7YZzMg