2. Lalawigan
Ito ay binubuo ng mga pamayanan,bayan at
siyudad.Ang mga taong nakatira sa isang lalawigan
ay mayroong magkakatulad na kultura, wika, at
kasaysayan. Ang ating bansa ay nahahati sa maraming
mga lalawigan. Mayroong 81 lalawigan ang Pilipinas.
4. Mapa
• Ang mapa ay isang patag na representasyon ng mundo. Mahalaga ito sa pag-
aaral ng heograpiya ng isang bansa. Malaki ang maitutulong nito sa pagtukoy
sa tiyak na lokasyon ng isang lugar. Naipakikita rin sa mapa ang iba’t ibang
anyong-lupa at anyong-tubig sa isang lugar. Mayroon ding mapa na
nagpapakita ng mga daan o ruta, tulay at paliparan sa isang lugar.
• Ang atlas ay isang aklat ng mga mapa. Matatagpuan sa atlas ang iba’t ibang uri
ng mapa, tulad ng mapang pangklima, mapang politikal, at mapang pisikal.
5. Mapang Pisikal (Physical Map)
• Inilalarawan sa isang mapang pisikal ang
topograpiya ng isang bansa o lugar. Ang
topograpiya ay tumutukoy sa pisikal na kapaligiran
ng isang lugar o bansa, kabilang ang mga anyong-
lupa at anyong-tubig nito
7. Mapang Pangkabuhayan (Economic Map)
• Inilalarawan sa isang mapang pangkabuhayan ang
mga uri ng pananim sa isang bansa o lugar.
Maaaring makita rin dito ang mga industriya,
trabaho, popular na produkto, at hayop na
karaniwang inaalagaan sa isang lugar.
9. Mapang Politikal (Political Map)
• Inilalarawan sa isang mapang politikal ang mga hangganan ng mga
teritoryong politikal. Ang mga teritoryong politikal ay tumutukoy sa mga
nasasakop na lugar at hangganan ng mga lalawigan, lungsod, at bayan.
Makikita rin sa mapang ito ang mga kabisera o kapitolyo ng mga lalawigan o
lungsod sa bansa. Ang kadalasang ginagamit na pananda sa kabisera o
kapitolyo ay o kaya ay .
.
13. Mga Pananda
• Ang pananda ay kumakatawan sa isang bagay. Malaking
tulong ang mga pananda sa paggamit ng mapa.
Kadalasang makikita ang mga ito sa gilid, sa ibaba, o sa
itaas na bahagi ng mapa.
15. Ang mga Pangunahin at Pangalawang
Direksiyon
• Ang mga direksiyon ay nakatutulong sa pagbasa ng mapa upang matukoy ang tiyak
na lokasyon ng isang lugar o bansa. May dalawang uri ng direksiyon—mga
pangunahin at pangalawang direksiyon.
• May apat na pangunahing direksiyon—ang hilaga (H), silangan (S), timog (T), at
kanluran (K).
• Matatagpuan naman sa pagitan ng mga pangunahing direksiyon ang bawat
pangalawang direksiyon. Ang mga pangalawang direksiyon ay: hilagang-silangan
(HS), timog-silangan (TS), timog-kanluran (TK), at hilagang-kanluran (HK).
17. Ang Compass
Rose
• Tingnan ang larawan sa gawing kaliwa. Ito ay
halimbawa ng compass rose na makikita sa mapa.
Ipinakikita ng sagisag na ito ang mga pangunahin
at pangalawang direksiyon. Ito ay ginagamit ng
mga manlalakbay upang malaman nila kung saang
direksiyon sila patungo hanggang sa marating nila
ang lugar na kanilang pupuntahan. Ginagamit din
ang compass rose upang madaling matukoy kung
tama ang tinatahak na ruta.