Ang Ibat Ibang Gawaing Pansibiko sa Pamayanan at Bansa
1. Ang Ibat Ibang Gawaing Pansibiko sa
Pamayanan at Bansa
Araling Panlipunan 10 4th Quarter | Topic 5
Prepared by: Eddie San Z. Pe単alosa
2. Ang mga gawaing pansibiko (civic engagement) ay
pangkaraniwang hinahati sa tatlong (3) mga kategorya:
(1) Sibil;
(2) Elektoral;
(3) at Boses Pampolitika (Political Voice)
4. Sibil
Ang pagresolba sa mga suliranin sa komunidad ay tumutukoy sa
mabilisang pagtugon sa pangangailangan ng isang komunidad.
Nakapaloob sa boluntarismo para sa mga hindi electoral na
organisasyon ang pagtulong nang walang kabayaran, halimbawa, sa
mga pangkapaligirang organisasyon, sa mga serbisyon panlipunan
para sa mahihirap at matatanda, at may kinalaman sa mga bata at
kabataan.
6. Elektoral
Ang regular na pagboto ay nangangahulugan ng palagiang
pakikilahok sa local at nasyonal na halalan. Ang pagboto sa
isang mahalagang bahagi ng sibiko. Ang pagboto ay isang
dakilang kapangyarihan ng mga mamamayan ng bawat lipunan.
7. Elektoral
May kaugnayan din sa pagboto ang pakikisangkot sa mga
proseso ng halalan at maging ang panghihikayat at pang
iimpluwensiya sa ibang tao na bumoto sa pamamagitan
halimbawa ng pakikipagtalakayan sa kanila ukol sa mga partido
at kandidato.
9. Boses Pampolitika (Political Voice)
Ang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ay pakikipag-
ugnayan sa mga pampublikong lider upang humingi ng tulong
o magpahayag ng opinion.
Ang pakikipag-ugnayan sa print media ay pakikipag-ugnayan
sa mga diyaryo o magasin upang magpahayag ng damdamin sa
mga isyu.
10. Boses Pampolitika (Political Voice)
Ang pakikipag-ugnayan sa broadcast media ay maaaring sa
pamamagitan ng pagtawag sa mga istasyon ng telebisyon o
programa sa TV upang magpahayag ng damdamin, halimbawa
sa isang politikal na isyu.
Ang pakikisali sa mga protesta ay maaari ring kilalanin bilang
boses pampolitika.
12. Pagbubuwis
Ang isa pang mahalagang halimbawa ng pakikilahok sa
gawaing pansibiko ay ang pagbubuwis.
Ang buwis (tax) ay ang presyong binabayaran para sa isang
sibilisadong lipunan. Ang perang ibinibigay sa pagbubuwis ay
ginagamit ng estado para maisakatuparan ang marami nitong
pananagutan.