2. Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa sinaunang panahon,
ang Timog Asya ay tumutukoy sa subkontinente ng India.
Sa ngayon, binubuo ito ng maraming bansa, kabilang ang
· India
· Pakistan
· Bangladesh
· Afghanistan
· Bhutan
· Sri Lanka
· Nepal at
· Maldives
Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspetong heograpikal at kultural kung ihahambing sa
ibang panig ng Asya. Dahil dito, madalas ding tawagin ang lugar na ito
bilang subkontinente ng India. Kahit pa ang rehiyong ito ay nahihiwalay sa Silangang Asya
dahil sa Himalayas.
Sinasabing mahirap lubusang mabatid ang matandang kasaysayan ng India lalo pa’t ang
malaking bahagi nito ay hindi itinala ng mga sinaunang Indian. Maaaring makahukay ang
mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga sinaunang Indian subalit hanggang
sa kasalukuyan ay hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng
pagsulat ng matandang kabihasnan ng India.
4. Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang
sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Ang mga labi ng dalawang lungsod
sa Indus River ay natagpuan ng mga arkeologo noong dekada 1920, ang lungsod
na Mohenjo-Daro at Harappa. Ang mga lugar na ito, gayundin ang lipunang nabuo rito,
ay kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000 B.C.E.
Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at
Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating
India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa
kasalukuyan, tinatayang mahigit sa 1000 lungsod at pamayanan ang natatagpuan dito,
particular sa rehiyon ngIndus River sa Pakistan.
Indus River – sa baybayin na ito umusbong ang kabihasnan sa
India.
.
Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang
kilala sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa wala itong iniwang mga tala at larawan at tila
hindi nangailangang ipagmalaki ang kanilang mga ginawa. Isa pang katakataka ay ang
kawalan ng mga naiwang monument o istruktura mula sa sinaunang India na maaaring
maihalintulad sa zigurrat ng Mesopotamia at pyramid ng Egypt.
Sa kasalukuyan, ang India ay isa lamang sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung
susuriin, ang buong tangway ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang
namumukod-tangi sa iba.
6. Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang
sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Ang mga labi ng dalawang lungsod
sa Indus River ay natagpuan ng mga arkeologo noong dekada 1920, ang lungsod
na Mohenjo-Daro at Harappa. Ang mga lugar na ito, gayundin ang lipunang nabuo rito, ay
kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000 B.C.E.
Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at
Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating
India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan,
tinatayang mahigit sa 1000 lungsod at pamayanan ang natatagpuan dito, particular sa
rehiyon ngIndus River sa Pakistan.
Indus River – sa baybayin na ito umusbong ang kabihasnan sa
India.
Ang tubig ng ilog dito ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa
katimugang Tibet. Ito ay may habang 1000 milya na bumabagtas sa Kashmir patungong
kapatagan ng Pakistan.
Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay nagging mahalaga sa
pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan
ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa
at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
Daang-daang pamayanan ang matatagpuan sa lambak-kapatagan ng Indus sa pagsapit ng
3000 B.C.E. ang karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at may
maayos na mga kalsada. Sa sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-
irigasyon at mgaistrukturang pumipigil sa mga pagbaha.
7. ANG PANAHON VEDIC
Indo-European – ang makabagong wika tulad ng Hindi at
Bengali ay nag-ugat dito.
Samantala, dinala nila sa India ang
Sanskrit – ang wikang klasikal ng panitikang Indian.
Arya – ang salitang ito ay isang terminong linguistic.
Sa kalaunan, ang katagang ito ay ginamit upang
tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi.
– ay nangangahulugang “marangal” o “puro” sa wikang
Sanskrit.
Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamalagi at pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at
hilagang-kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag naVedas.
Vedas – ay isang tinipong akda ng mga himnong pandigma,
mga sagradong ritwal, mga sawikain at salaysay.
Masasaksihan sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula sa pagitan ng 1500
B.C.E. hanggang 500 B.C.E.. Ang mga panahong ito ay tinatawag din bilang Panahong Vedic.
Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasa’y mga lalaki at mapandigma) at
kulturang pinangingibawan ng mga lalaki. Ang kanilang kaparaanan ay unti-unting umangkop sa
mga diyosa at kultura ng sinaunang India. Sa pagsapit ng1100 B.C.E., tuluyang nasakop ng mga
Aryan ang hilagang bahagi ng India.