3. Napag-aralan sa nakaraangaralin na ang tao
ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kayat siya
ay tinawag na Kaniyang obra maestra. Ito ay
nangangahulugan na ang tao ay may mga
katangiang tulad ng katangiang taglay ng
Diyos. Naging malinaw sa iyo ang
pagkakaiba mo bilang tao sa hayop at naging
matatag ang iyong pagkaunawa upang
mabigyang direksiyon ang iyong kilos at
malinang kung sino ka bilang tao.
4. Sa modyul na ito, mauunawaan mo na ang
isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa
paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal. Inaasahan din na
ikaw ay makagagawa ng mga angkop na
kilos upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanan at maglingkod at
magmahal.
5. Mga
inaasahang
matutuhan ay
ang sumusunod
na kasanayan at
pagpapahalaga:
1. Napatutunayan na ang isip at kilos-
loob ay ginagamit para lamang sa
paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal. (EsP10MP-
Ib1.3).
2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos
upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanan at
maglingkod at magmahal. (EsP10MP -Ib-
1.4).
7. Para sa bilang 1 hangang 2
Si Arvin ay mahilig sa chocolate subalit nang nagkaroon
siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili
ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito.
1.Bakit kaya niArvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng
kaniyang damdamin?
a.ang tao ay may kamalayan sa sarili.
b.malaya ang taong pumili o hindi pumili.
c.may kakayahan ang taong mangatwiran.
d.may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.
8. 2. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng
tao sa sitwasyong ito?
a.ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang
makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin.
b.magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam
at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang
direksiyon.
c.kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang
kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit.
d.hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay
ng tao kaya nga ang tao ay natatangi
9. Para sa bilang 3 at 4
Nagkaroon ng pagsusulit si Andrie. Noong
una, nag-iisip siya kung mangongopya sa
pagsusulit o hindi. Napagpasiyahan niyang
hindi na mangopya. Napagtanto niyang
walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang
tagumpay. Mahalaga ang pagkakaroon ng
prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay.
10. 3. Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito?
a.ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang
gawin.
b.nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao.
c.ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa
bawat sitwasyon.
d.may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang
kilos.
11. 4. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na
gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ng tao sa sitwasyong
ito?
a.natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at
kilos-loob sa angkop na sitwasyon.
b.may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang
tama ang kaniyang isip at kilos-loob.
c.ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng
katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.
d.may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na
kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang
katotohanan, maglingkod, at magmahal.
12. 5. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon
dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon.
Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o
sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao
na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
a.nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo.
b.nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa.
c.napauunlad nito ang kakayahang mag-isip.
d.nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.
14. Maraming pagkakataon na nakagagawa ang
tao ng mga bagay na masasabing hindi
angkop sa kaniyang pagkatao. Maaaring ang
kilos niya ay bunga ng kanyang damdamin o
emosyon. Malaki ang nagagawa ng ibat
ibang sirkumstansiya sa pakikitungo ng isang
tao kung kayat may mga pagkakataong may
nagsasabing, natangay lang ako sa aking
damdamin o hindi ako nag-isip nang husto.
15. Ang kilos ng tao ay isinasakatuparan tungo sa
katotohanan. Dito kailangang malaman at
mauunwaan ang paraan at dahilan ng
pagkilos batay sa intellect. Ang tao ay may
kapangyarihan na pumili ng isasakilos ayon sa
nabuong hangarin na ang sukdulan na layunin
ay ang maidudulot na kabutihan.
16. Ang isip ang nagpoproseso upang umunawa
batay sa taglay na talino o karunungan at
kaalaman, ito ang intellect. Pagkatapos ng
ganitong pamamaraan, isang pasya ang
mabubuo, at kaya nitong utusan ang
katawan upang isakatuparan ang nabuong
pasya, ito ang will.
17. Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin,
paunlarin at gawaing ganap ang isip at kilos-
loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito
upang hindi masira ang tunay na layunin
kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao.
Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng
kaalaman at karunungan upang makaunawa
ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan
tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.
18. Naririto ang halimbawa upang lubos na maunawaan
ang talakay. Isang mag-asawang kapitbahay ang
lumabas upang tumulong nang Makita nila ang isang
ina na lumilipat sa maliit na tahanan sa kabilang
pintuan. Wala siyang kasama maliban sa dalawang
maliit na anak.Wala siyang katulong. Humantong sila
sa paggugol ng buong Sabado sa pagbubuhat ng mga
kahon, paglilinis ng sahig, at pag-aliw sa dalawang
batang anak na babae. Nang matapos ang trabaho,
inanyayahan ng ina ang bago niyang mga kapitbahay
sa hapunan nang sumunod na linggo upang ipakita
ang kaniyang pasasalamat.
19. Noong una tumanggi sila dahil kitangkita
naman na sapat lang ang pera ng babae. Ngunit
iginiit ito ng babae na may luha sa kaniyang
mga mata. Natanto ng mag-asawa na ang
pagtanggap sa kaniyang paanyaya ay
magbubunga ng higit na pagkakaibigan at
paggalang kaysa sa tanggihan ito dahil sa
kanyang sitwasyon. (Paglilingkod sa Kapuwa,
http://www.mormon.org/tgl/paglilingkod, July,
2014)
20. Kapag pinaglilingkuran natin ang iba,
napaaalalahanan tayo na walang anumang bagay
sa buhay na ito ang nagtatagal maliban sa
ugnayang nabuo natin sa ibang tao at walang mas
mabuting paraan para makaugnayan natin ang iba
kundi sa pagtutulungan lamang para sa
kabutihang panlahat.Tinatawag tayo ng Diyos na
tumulong sa kapuwa upang ipadama natin ang
pagmamahal sa kanila. Naranasan mo na bang
paglingkuran ang iyong kapwa? Ano ang iyong
naging pakiramdam?
21. Samakatuwid, magagawa ng taong
magpakatao at linangin ang mga katangian
ng kaniyang pagkatao dahil sa kaniyang isip
at kilos-loob. Nagkakaroon ng kabuluhan ang
buhay ng tao kung inilalaan ito sa
pagsasabuhay ng katotohanan, sa
pagmamahal, at sa paglilingkod sa kapuwa.
Sa palagay mo, patungo ka kaya rito?
23. PAANO IPINAKITA NG MGA KARAKTER SA
VIDEO ANG KAPANGYARIHAN NG
PAGGAMIT NG ISIP AT KILOS LOOB