2. LAYUNIN:
a) Malalaman ang ibat- ibang uri ng tayutay;
b) Makapagbigay ng pangugusap na ginagamitan
ng mga tayutay.
3. Ang tayutay (figure of speech) ay mga salita o
pariralang ginagamit upang maging mabisa at kaakit-
akit ang ating pagpapahayag.
4. MGA URI NG TAYUTAY
Pagtutulad (Simile)
Ginagamit ito sa tuwirang paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay, tao o pangyayari.
Ito ay ginagamitan ng mga salitang tulad ng,
gaya ng, atb.
Halimbawa:
Ang iyong mata ay mistulang kristal sa ganda.
5. Pagwawangis/ Metapora ( Metaphor)
Itoy tiyakang paghahambing pero HINDI
ginagamitan ng mga salitang gaya ng, parang, atb.
Halimbawa:
Ikaw ay dyosa ng kagandahan.
8. Pagpapalit- tawag (Metonymy)
- Metonymy- ang ibig sabihin ng meto ay
panghalili o pangpalit
Itoy paggamit ng mga salitang panumbas o
pampahiwatig ng kahulugan.
9. Halimbawa:
/Naghanda sila ng mga masasarap na pagkain
para sa mga bisita./
Naghanda sila ng magandang mesa para sa
mga bisita.
10. / Ang sanggol na isinilang ni Aling Maria ay malusog./
Ang anghel na isinilang ni Aling Maria ay malusog.
11. Pagpapalit- saklaw (Synechdoche)
Itoy maaaring gamitin sa pagbanggit ng bilang
sa pagtukoy sa kabuuan o maaari rin namang ang
isang taoy kumakatawan sa isang pangkat.
Halimbawa:
Siya ang Rizal sa kanilang pamilya.
Sampung bibig ang umaasa kay Pedro.
12. Pagtawag/ Panawag (Apostrophe)
Itoy paggamit ng mga salita sa pakikipag-
usap sa karaniwang bagay na tila totoong buhay at
tila nasa kanyang harapan ngunit wala naman.
14. Pagmamalabis (Hyperbole)
Ang mga salitang ito ay nagpapalabis sa
kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Bumaha ng luha sa mga baryong nasalanta ng
bagyo.
15. Pagtatambis (Antithesis)
Ang mga pahayag na ito ay bumabanggit ng
mga bagay na magkasalungat upang lalong
mangibabaw o mas lalong maging mabisa ang isang
natatanging kaisipan.
18. Pag- uyam (Irony/ Sarcasm)
Paggamit ng salitang mapangutya o mapang-
uyam bagaman tila masarap pakinggan kung
titingnan ang literal na kahulugan.
Halimbawa:
Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan
makikita.
20. Pagtanggi (Litotes)
Ang mga pahayag na ito ay karaniwang
ginagamitan ng panangging hindi upang bigyang-
diin ang makabuluhang pagsang- ayon sa sinasabi.
22. Paghihimig (Onomatopeia)
Paggamit ng mga salitang ang tunog ay
parang nagpapahiwatig ng kahulugan nito.
Halimbawa:
Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong
kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng
kalikasan.
23. Pagdaramdam (Exclamation)
Ang pagpapahayag na ito ay nagsasaad ni
masidhi o di- pangkaraniwang damdamin.
Halimbawa:
O, araw na lubhang kilabot! Araw na sinumpa
ng Diyos!