1. ANG MGA MINOANS
Ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa CRETE mga 3100 B.C.E. o Before the Common Era.
Tinawag itong KABIHASNANG MINOAN batay sa pangalan ni HARING MINOS.
PAGKAKAKILANLAN NG MINOAN
Kilala ang mga ito bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya.
Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat.
MAGAGALING DIN SILANG MANDARAGAT.
KNOSSOS- kinikilala na isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete.
DAHILAN NG PAG-UNLAD NG KABUHAYAN NG MGA MINOAN
Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa
paligid ng Aegean.
APAT NA PANGKAT NG TAO
1. ang mga maharlika
2. mga mangangalakal
3. mga magsasaka
4. ang mga alipin.
Sila ay masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan.
Maging sa palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan.
Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa
boksing.
PAGBAGSAK
Nagwakas ito nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak
sa buong pamayanan.
ANG MGA MYCENAEAN
KARAGATANG AEGEAN- ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean.
DORIAN- isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga
Mycenaean.
IONIAN- isang pangkat naman ng tao na mayroon dinkaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa
timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean.
IONIA- Pamayanang itinatag ng IONIAN.
DARK AGE o madilim na panahon natumagal din nang halos 300 taon.
Naging palasak ang digmaan ng mga ibat ibang kaharian.
Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan.
Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.
2. ANG MGA POLIS
POLIS- kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika at politiko.
ACROPOLIS O MATAAS NA LUNGSOD
matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kayat ito ang naging sentro ng
politika at relihiyon ng mga Greek.
AGORA- ang ibabang bahagi naman ay tinawag pamilihang bayan.
Napapaligiran ng mga pamilihan at iba pang mga gusali
Ano-ano ang mga karapatang tinatamasa ng mga lehitimong mamamayan ng isang lungsod-
estado?
Ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang karapatang bomoto, magkaroon ng ari-arian, humawak
ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte.
Ano-ano ang responsibilidad ng isang mamamayan sa lungsod-estado?
Sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng
digmaan.
Bakit mahalaga ang pakikipagkalakalan para sa mga Greek?
Mula sa pakikipagkalakalan sa ibat ibang panig ng daigdig, natutuhan ng mga Greek ang mga bagong
ideya at teknik.
Mula sa mga Phoenician ay nakuha nila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi naman ng
kanilang sariling alpabeto.
Ginamit din nila ang mga teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng mas malalaki at
mabibilis na barko.
Sa mga Sumerian naman ay namana nila ang sistema ng panukat.
Mula naman sa mga Lydian ay natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya sa
pakikipagkalakalan.