1. Ang mga Uri ng Pagbasa
Palaging sinasabi sa aklat na ito na ang pag-alam sa layunin ng pagbasa ay mahalaga
sapagkat nakabatay sa layunin ang uri ng pagbasang gagawin. At ito ay ang:
Pinaraanang pagbasa (Skimming).
Mabilis na pagtingin sa teksto upang makuha ang punong ideya o ang mga
importanteng impormasyon.
-Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng KABUUANG TEKSTO
Nangangailangan din ito ng Organisasyon ng mga Ideya.
Kailangan mong tukuyin ang Pananaw at layunin ng manunulat sa kanyang
pagsulat
-Dapat alam mo ang balangkas ng pagkakasunod-sunod ng kabuuang teksto.
Halimbawa nito ay ang mabilisang pagbasa ng balita, madaliang pagbalik-aral sa
leksyon o mga tala (notes) at pagsanguni sa mga anunsyo o billboard sa mga daanan.
Hal. Pagpili ng librong bibilhin sa aklatan, marahil ay iniiskim muna natin ang mga
paimbabaw na detalye nito bago tayo makapagdesisyon kung bibilhin ba natin ito.
Pahapyaw na pagbasa (Scanning).
Mabilisang pagtingin sa mga tala o teksto na may layuning kuhain ang impormasyon
o detalye o bagay na kailangan.
-Uri ng pagbasa na kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa
Materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi ng salita o keyword,
Pagamagat at subtitles.
Ang layunin nito ay hanapin ang SPESIPIKONG IMPORMASYON na itinakda bago
bumasa. Kailangan ng BILIS AT TALAS NG MATA sa paghahanap ng tiyak na
impormasyon
Ang mga halimbawa nito ay pagkuha ng pangalan at telepono sa directory,
pagsulyap sa mga pamagat ng mga nakahilerang aklat sa aklatan o shelf at pag-tiyak
sa sangkap ng isang produkto o pagkain.
-Sa binasang aklat o story at tinanong ko kayo kung sino ang mga tauhan sa binasa,
Yun lang ang hahanapin nyo at babasahin
Maria clara, Capitan Tiago, Simoun, father Irene, crisostomo Ibarra, at iba pang mga
tauhan.
-Pagbabasa ng mga reviewers bago ang pagsusulit.
2. Ekstensibong pagbasa
Ito ay tumutukoy sa malawakang pagbabasa na karaniwang ginagawa ng mga
mananaliksik at manunulat na inaasahan din sa mga mag-aaral lalo na kung sila ay
sumusulat ng pananaliksik papel, ulat at analitikal na sanaysay.
Tumutukoy sa pagbabasa ng walang tiyak na focus o layunin
Maaaring ikaw ay nagbabasa ng ibat ibang babasahin ng walang malinaw na layunin
Katulad ng sanaysay na nagsusuri: book review, panunuring pampanitikan at
pampelikula.
Pagbabasa ng magazine habang nagpapalipas ng oras.
Komiks at iba pang mga babasahin
Intensibong pagbasa.
Ito ay masidhing pagbasa. Maingat at masusi ang pagbasa upang matiyak ang mga
detalyeng kinukuha mula sa teksto. Ang ganitong uri ng gawain ay mararanasan sa
paggawa ng citation at referencing.
Pagbabasa nang malawakan para sa isang partikular na pokus o layunin. Ito ay
kolektibong pagbabasa ng mga teksto para makahanap ng mga impormasyong
tutugon sa isang suliranin o paksa
Hal. Pagbabasa ng mga reperensyang gagamitin sa isang pananaliksik
So dito ay may isang mahalagang dahilan kung bakit ang isang tao ay kulektibong
nagbabasa ng ibat-ibang akda or teksto. Masasabi nating intensibo ang pagbabasa
kapag hal. Kailangan natin ng reperensya , sangunian na susuporta sa isang partikular
na layunin na kailangan nating masagot. Intensive reading ang kadalasan nating
ginagamit sa pananaliksik.
Parehong malawakang pagbabasa
Ibig sabihin ito yong anyo ng pagbabasa na hindi lang nakapokus sa isang akda or
teksto