Araling Panlipunan 6 Quarter 3
Noong Hulyo 4, 1946 naging isang ganap na estado ang Pilipinas.
4 na elemento ng Estado.
Kahulugan ng Soberanya.
Katangian ng Soberanya
Aspekto ng Soberanya
-Panloob (Internal) at Panlabas (External) na Soberanya.
Karapatan ng bawat bansang malaya.
Pagtatanggol sa estado.
1 of 33
Downloaded 209 times
More Related Content
Ang Pilipinas bilang isang ganap na estado
2. Sagutin ang mga sumusunod:
1. Saang lugar sa Pilipinas dumaong ang tropa ni Hen. Douglas MacArthur
na kung saan ito ang naging tanda ng pagbabalik ng mga Amerikano sa
Pilipinas?
a. Mactan, Cebu b. Palo, Leyte c. Albay, Bicol
2. Ano ang dalawang siyudad sa Japan ang binomba ng mga Amerikano gamit
ang kauna-unahang Atomic Bomb?
a. Nagasaki at Hiroshima c. Hokkaido at Aomori
b. Nagoya at Tokyo
3. 3. Sino ang huling Hapon na Heneral na sumuko at naging tanda ng pagtatapos
ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas?
a. Hen. Tomuyoki Hinata c. Hen. Tomayuki Yamashita
b. Hen. Mabuchi Kou
4. Ilang taon ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas?
a. 47 b. 46 c. 48
5. Kailan ipinahayag ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas?
a. Hulyo 4, 1945 . b. Hulyo 4, 1946 c. Hulyo 4, 1944
5. Elemento ng Estado
1. Mamamayan o mga taong naninirahan sa bansa na siyang
nangangalaga, nagpapaunlad at nagtatanggol sa kalayaan ng bansa
2. Teritoryo o sakop na lupa, katubigan, himpapawid na bahagi ng
bansa na maaaring magamit ng mga mamamayan upang matugunan
ang kanilang pangangailangan
6. Elemento ng Estado
3. Sariling pamahalaan o samahang pampolitikang itinatag at
itinataguyod ng mga tao
4. Soberanya o ganap na kapangyarihan upang magpasunod at
magpakilos sa lahat ng mga tao at ari ariang sakop ng teritoryo ng
bansa
8. Kahalagahan ng Soberanya
Ito ang sukdulan o pinakamataas na kapangyarihan ng
isang estado o bansa na mag utos at pasunurin ang mga
tao/mamamayan
9. Katangian ng Soberaniya
Palagian o Permanente ito ay pangmatagalan at
magpapatuloy hanggang hindi nawawala ang estado
Malawak sumasaklaw ito sa lahat ng mga tao at
ari arian ng estado
10. Katangian ng Soberaniya
Di nasasalin ang kapangyarihan ng estado ay
pansarili lamang at hindi maaaring ilipat sa ibang
bansa
11. Lubos ang kapangyarihan ng estado ay ganap at
walang sinumang bansa o tao ang may
kapangyarihan dito.
Hindi ito maaaring umiral nang baha-bahagi lamang
Katangian ng Soberaniya
13. Panloob na Soberaniya
(Internal Sovereignty)
Tumutukoy sa kapangyarihan ng estado na magpasunod
sa lahat ng taong naninirahan sa teritoryong nasasakupan
nito
14. Panlabas na Soberaniya
(External Sovereignty)
Tumutukoy sa kalayaan ng estadong itaguyod ang lahat ng gawain
at naisin ng bansa nang hindi pinakikialaman ng ibang bansa
Kasama rin dito ang kapangyarihan ng bansang makipagkasundo
at makipag-ugnayan sa ibang bansa
17. Karapatan sa Kalayaan
Karapatan ng bawat estadong pangasiwaan o pamahalaan ang
sarili, ito man ay pang-ekonomiya, panlipunan o pampulitika
Walang ibang bansa ang maaaring manghimasok,
makialam at pumigil sa mga desisyon nito para sa bansa
18. Karapatan sa Pantay na
Pribelehiyo
ang bawat estado ay may pantay na karapatan, tungkulin at
pribelehiyo anuman ang kanilang laki, yaman at kulturang
mayroon
Walang kaparapatan ang malalakas na bansa na makialam
sa mga papaunlad na bansa
19. Karapatan sa Pantay na
Pribelehiyo
ang bawat estado ay may pantay na karapatan, tungkulin at
pribelehiyo anuman ang kanilang laki, yaman at kulturang
mayroon
Walang kaparapatan ang malalakas na bansa na makialam
sa mga papaunlad na bansa
20. Karapatan sa Saklaw na
Kapangyarihan
Ito ang karapatan ng estado na gumawa at ipatupad ang
mga batas at kautusan sa kanyang nasasakupan
Kasama rin dito ang karapatan ng estado na ipagtanggol
ang mga mamamayan nitong nagtatrabaho sa ibang bansa
21. Karapatan sa Pagmamay - ari
Karapatan ng bawat estado ang pagmamay-ari o pag-aangkin ng
lahat ng ari arian at bagay bagay na nasa kanyang teritoryo
Hindi magagamit ng ibang bansa ang mga yamang pagmamay-
ari ng isang estado ng walang pahintulot
22. Karapatan sa Pakikipag - Ugnayan
Karapatan ng bawat estado ang pagkakaroon ng malayang
pakikipag ugnayan sa ibang bansa
Kabilang din dito ang karapatang magpadala at tumanggap ng
mga pambansang kinatawan sa iabng bansa gaya ng mga
diplomat at konsul
23. Karapatan sa Pakikipag - Ugnayan
Kasama rin sa karapatang ito ang hindi tumanggap ng
mga kinatawang hindi karapat dapat o tinatawag na
persona non grata dahil sa mga paglabag nito sa mga batas
24. Pag usapan natin!
1. Ano ano ang mga karapatan ng isang bansang may soberanya?
2. Bakit kailangang magkaroon ng karapatan hindi lamang ang mga
mamamayan kundi maging ang mga bansa?
3. Sa iyong palagay, natatamasa ba ng Pilipinas ang lahat ng mga karapatang
nabanggit? Patunayan ang iyong sagot.
26. Artikulo II Seksiyon 4
Ang pagtatanggol sa estado ay pangunahing
tungkulin ng pamahalaan at sambayanang Pilipino
at sa ikatutupad ng tungkuling ito ang lahat ng
mamamayan ay maaaring utusan ng batas na
magkaloob ng personal na serbisyo o sibil sa ilalim
ng kondisyong itinakda
27. Panloob na Panganib
Tumutukoy sa ibat bang uri ng krimen, rebelyon at iba
pang uri ng paghihimagsik na nangyayari sa loob ng
teritoryo
Halimbawa nito ang mga isinasagawang kudeta at ang
suliranin tungkol sa mga Abu Sayaf, MILF at NPA
28. Panlabas na Panganib
Tumutukoy sa pagsakop at pagsalakay ng ibang bansa sa ating
bansa
Halimbawa nito ay mga teroristang nagpapasabog ng mga
eroplano, pangingidnap ng mga tao at turista at pagpapasabog
ng mga establisimyento
29. Artikulo II Seksiyon 3
ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang
tagapangalaga ng sambayanan at estado
30. Sandatang Lakas ng
Pilipinas
Pangunahing layunin nito ang tiyakin ang ganap na
kapangyarihan ng estado at integridad ng pambansang teritoryo
Tungkulin ng mga kasapi nito na panatilihing Malaya ang bansa
sa panloob at panlabas na panganib
31. Hukbong Katihan
(Philippine Army)
Ang mga kasapi nito ay tagapagtanggol ng bansa sa
digmaan o anumang uri ng rebelyon o paghihimagsik na
may layuning pabagsakin ang pamahalaan
Sila rin ang nagpoprotekta sa bansa at mamamayan laban
sa mga dayuhang mananakop
32. Hukbong Dagat
(Philippine Navy)
Ito ang sangay ng Sandatahang Lakas na nangangalaga at
nagbabantay sa ating mga katubigan at tinatawag ding bantay
dagat
Trabaho nilang magpatrolya sa ating mga karagatan araw at gabi
upang matiyak na walang illegal na dayuhang makapapasok sa
bansa
33. Hukbong Himpapawid
(Philippine Air Force)
Sila naman ang ating tanod sa himpapawid
Pinangangalagaan nila ang katahimikan sa ating papawirin
Sinisiguro nilang walang dayuhan o kaaway na maaaring
maging banta sa kapayapaan ng bansang daraan sa
himpapawid na sakop ng teritoryo ng Pilipinas