Ang araling ito ay naglalaman ng mga impormasyon batay sa bahagi ng panalita. Ilalahad dito ang kahulugan at kahalagahan nito sa pagbuo ng pangungusap. Bukod pa dito, tatalakayin din ang kahulugan at paraan ng paggamit isang simuno sa pangungusap. Gayundin ang pag-alam sa kahulugan ng panaguri at mga uri nito.
1 of 3
More Related Content
ANG SIMUNO AT PANAGURI.pdf
1. PAMANTASAN NG FATHER SATURNINO URIOS
PROGRAMA NG SINING AT AGHAM
SANGAY NG PANGKATAUHAN
LUNGSOD NG BUTUAN
MGA ARALIN SA BALARILA SA WIKANG FILIPINO
ANG SIMUNO AT PANAGURI
Tinatawag na pagpapanaguri ang pangungusap na may simuno/sabyek/tapik/paksa at
panaguri/koment/predikeyt. Ang simuno ang pinag-uusapan. Ang panaguri ang nagsasaad ng
tungkol sa simuno.
ANG SIMUNO
Napag-aralan na sa dakong una ng aklat na ang ang ay nagpapakilala sa simuno at
ipinakita na rin ang mga panghalili sa mga iyon na mga panghalip panao at pamatlig.
Maaaring pariralang nominal (pangangalan at panghalip), pang-uri, pandiwa, pang-abay,
eksistensyal o pangukol ang simuno. Pinangungunahan ito ng marker na ang. Parirala ang tawag
sa lipon ng mga salitang walang simunot panaguri.
a. Pariralang Nominal
Nagkaisa ang mga taong-bayan.
b. Pariralang Pang-uri
Kailangan ang matalino.
c. Pariralang Pang-ukol
Awa ang nasa Diyos.
d. Pariralang Eksistesyal
Mabuti rin ang may sasakyan.
e. Pariralang Pandiwa
Madali ang magsalita
2. f. Pariralang Pang-abay
Paghandaan natin ang bukas.
(Itinuring na ring parirala ang isang salita dahil sa pagbabalangkas ng mga pangungusap makikita
ay pang-ilalim na istruktura noon sa hindi talagang iisang salita iyon.)
ANG PANAGURI
Maaaring pariralang berbal o di-berbal ang panaguri ng pangungusap.
a. Pariralang Di-berbal
Tinatawag na pariralang di-berbal ang mga pariralang pangalan o panghalip,
pang-uri, pang-abay, pang-ukol at eksistensyal.
1. Pariralang Pangngalan
Anawnser si Rey Langit.
2. Pariralang Panghalip
Ikaw ang may sala.
3. Pariralang Pang-uri
Masino psi Demy
4. Pariralang Pang-ukol
Pariralang Pang-ukol
5. Pariralang Pang-abay
Patalikod ang lapit niya
6. Pariralang Eksistensyal
Mayroon naman pala kayo.
3. Inihanda ni:
Donna Delgado Oliverio, MATF
Instructor
Father Saturnino Urios University
A.Y. 2020-2021, 1st Semester
Ang mga araling ito ay sinaliksik at inayos upang magsilbing gabay ng mga mag-aaral na
kumukuha ng GE 114 Balarila ng Wikang Filipino. Ilang mga impormasyon ay hinalaw sa ibat ibang
aklat na ginamit ng guro para sa asignaturang ito.
MGA SANGGUNIANG AKLAT:
Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City.
Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila
City.
Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon
City.
Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City.
_______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City.
_______________.2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City.