際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
ANG SINING NG
PAGSASALITA
Inihanda ni: Andrew B. Valentino
MAG-USAP TAYO... (USAPAN BLG. 1)
 Joy: Magandang umaga po, G. Valentino. Natutuwa po kami at
pinaunlakan ninyo ang aming paanyaya sa workshop na ito.
 G. Valentino: Magandang umaga din naman Joy. Isang malaking
karangalan para sa akin ang inyong paanyaya.
 Joy: Mabuti po naman. Siya nga po pala, malugod kong ipinakikilala
sa inyo si Engr. Jefferson Molino, ang aming coordinator.
 G. Valentino: Kamusta po kayo Engineer Molino?
 Engr. Molino: Mabuti naman. Ikinagagalak ko po kayong makilala.
 Clerk: Mawalang-galang na po. Ikinalulungkot ko pong maputol ang
inyong usapan. Engineer, may tawag po kayo sa telepono.
MAG-USAP TAYO... (USAPAN BLG. 2)
 Roberto: Hoy, Pare! Anong ginagawa mo rito sa palengke? Kilala mo
pa ba ako?
 Lito: Roberto! Ikaw nga ba? Bat naman hindi. Kumusta ka na?
 Roberto: Mabuti. Si Alice nga pala, ang aking kumander.
 Lito: Magaling ka talagang pumili. Bilib ako sayo. E, mukha yatang
marami kayong pinamimili. Ano bang meron?
 Alice: E, birthday bukas ng aming panganay. Mayroon kaming
kaunting handa. Sana makapunta kayong mag-anak.
 Lito: Salamat! Hayaan mot pipilitin naming makarating. O, sige
punta muna ko dito sa bilihan ng isda.
PAGSASALITA
 tumutukoy sa pag-uusap ng dalawa o higit pang tao:
ang nagsasalita at ang kausap (Badayos 2010)
 isang makrong kasanayan na ginugugulan ng tao ng
halos 30% ng kaniyang panahon.
 ginagamit ito sa ibat ibang paraan:
>simpleng pakikipag-usap
>pag-uulat o pagbabalita
>pagtatalumpati
>pakikipagdebate o pakikipagtalo
>pakikipanayam
>pakikipagtalakayan
MGA SALIK SA PAGSASALITA
 GAMIT NG WIKA
 ANYO NG WIKA
 KAANGKUPAN NG SASABIHIN
 KAGYAT NA PAGTUGON
 ANG PAKSA
PAANO NAGIGING MABISA ANG
PAGSASALITA?
 MALAWAK NA KAALAMAN
 KASANAYAN
 TIWALA SA SARILI
PAGTATALUMPATI
BAHAGI NG TALUMPATI
 PAMBUNGAD  panimulang bahagi ng
pagtawag ng pansin ng mga tagapakinig.
 PAGLALAHAD  ito ang katawan ng talumpati
na naglalaman ng diwa ng paksang tinatalakay.
 PANININDIGAN  sa bahaging ito
ipinamamalas ang pangangatwiran hinggil sa
isyu.
 PAMIMITAWAN  ito ang wakas ng talumpati
na kinakailangang mag-iwan ng kakintalan sa
tagapakinig.
URI NG TALUMPATI AYON SA PAMAMARAAN
 DAGLIAN  talumpating hindi pinaghandaan o
biglaan ang paglalahad ng mga ideya sa isang
partikular na isyu.
 MALUWAG  may maiksing panahon ang
mananalumpati na maghanda at mag-isip ng
kaniyang sasabihin o bibigkasin sa publiko.
 PINAGHANDAAN  talumpating isinulat at
binabasa sa publiko.
URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN
 MANLIBANG  binibigkas sa mga salu-salo pagkatapos
ng kainan upang aliwin ang mga tagapakinig.
 MAGPABATID  binibigkas sa mga panayam at
nagbibigay ng mga bagong impormasyon o ideya.
 MAMUKAW  talumpating humahamon sa isip at
damdamin at magbigay inspirasyon sa mga tagapakinig.
 MANGHIKAYAT  layuning umakit ng mga tagapakinig
upang panigan o aniban sa kaniyang adhikain.
 MANURI  talumpating nagsasaad ng mga hindi kanais-
nais na gawaing nais isiwalat.
SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI
 TINDIG
1. Tumayo ng matuwid ngunit hindi naman katigasan.
2. Bahagyang paghiwalayin ang mga paa.
3. Iwasang maging estatwa.
4. Kumilos at lumakad ng may postura.
SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI
 TINIG
1. Iangkop ang paglakas at paghina ng tinig sa ideyang
nakapaloob sa talumpati.
2. Maging matatas at malinaw sa pagbigkas ng mga
salita.
3. Gawing kasiya-siya at nagbabago-bago ang tinig.
4. Tuwirang mangusap sa madla.
5. Iwasang gumamit ng mapagkunwaring pananalita na
maaaring magbigay ng alinlangan sa mga nakikinig.
6. Iwasan ang pagaralgal na boses.
SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI
 MUKHA
1. Tumingin sa mata o mukha ng mga nakikinig.
2. Iangkop ang ekspresyon ng mukha sa damdamin at
kahulugan ng mensahe sa talumpati.
3. Ipakita ang mukha sa madla.
SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI
 KUMPAS
1. Dapat na maging natural ang pagkumpas. Hayaan ang
damdaming gumawa nito.
2. Ibagay ang kumpas sa salitang binibigkas.
3. Iwasan ang matuwid na bisig at siko habang nagkukumpas.
4. Ang mahusay na kumpas ay nagmumula sa balikat patungong
daliri.
5. Hindi dapat gumamit ng maraming kumpas gayundin naman
iwasan ang wala ni isa man.
6. Hindi dapat isagawa ang pagkumpas na parang nagwawalis.
7. Ang kanang kamay ay ginagamit sa pagkumpas kung nauuna
ang kanang paa sa pagtayo gayundin naman sa kaliwang kamay
kung nauuna ang kaliwang paa sa pagtayo.
8. Kung dalawang kamay ang gagamitin sa pagkumpas, tiyaking
magkapantay ang mga paa.
SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI
 MGA URI NG KUMPAS
 Palad na Itinataas Habang Nakalahad  nagpapahiwatig ng dakilang
damdamin
Kamiy nananalig sa Iyong kapangyarihan, Dakilang Bathala.
 Nakataob na Palad at Biglang Ibababa  nagpapahayag ng marahas
na damdamin
Huwag kayong padala sa simbuyo ng inyong damdamin.
SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI
 MGA URI NG KUMPAS
 Palad na Bukas at Marahang Ibinababa  nagpapahiwatig ng
kaisipan o damdamin
Ibig kong malinawan ang mga bagay na may kinalaman sa
naganap na kaguluhan.
 Kumpas na Pasuntok o Kuyom ang Palad  nagpapahayag ng
pagkapoot o galit o pakikilaban.
Ipagtanggol natin ang ating bayan laban sa mga
mapagsamantala!
SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI
 MGA URI NG KUMPAS
 Paturong Kumpas  nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at
panghahamak.
Sino kang huhusga sa aking pagkatao?
 Nakabukas na Palad na Magkalayo ang mga Daliri at Unti-Unting
Ikukuyom  nagpapahayag ng matimping damdamin
Hindi ko akalaing unti-unti siyang papatayin ng kanser na ilan
taon niya ring nilabanan!
SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI
 MGA URI NG KUMPAS
 Bukas na Palad na Paharap sa Nagsasalita at Ilalagay sa Bahagi
ng Katawan na Binibigyang-Diin  pagbibigay-pansin sa bahagi ng
katawan ng nagsasalita
Ang puso koy tigib ng kaligayahan sa mga sandaling ito.
 Bukas na Palad na Paharap sa Madla  nagpapahayag ng pagtanggi,
pagkabahala at pagkatakot.
Huwag nyo akong subukan!
SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI
 MGA URI NG KUMPAS
 Kumpas na Pahawi o Pasaklaw  pagpapahayag ng pagsaklaw o
pagbubuo o paglalahat sa isang diwa, tao, bagay o lugar.
Nilupig ang bayan, inalis ang karapatan ng mga mamamayan at
niyurakan ang pagkatao nating lahat!
 Marahang Pagbaba ng Dalawang Kamay  nagpapahayag ng
kabiguan o pagkasawi.
Wala na. Wala ng pag-asa ang bayang ito!
TANDAAN:
T U N O G
TANDAAN:
Tiwala sa sarili ang kailangan upang ang
kasanayan sa pagsasalita ay maging ganap
na talento at abilidad ng isang tao
habambuhay.
TANDAAN:
Umpisahang linangin ang talasalitaan o
bokabularyo sa malawak na pagbabasa.
TANDAAN:
Nasa paglinang ng kasanayan sa
pagsasalita ang kagalingang
pangkomunikatibo ng isang tao.
TANDAAN:
Organisado at masistemang balangkas ng
konsepto at ideya ang kailangan sa isang
mahusay na talumpati.
TANDAAN:
Gawing rotinaryo ang pagsasalita sa
harapan ng maraming tao.
MARAMING SALAMAT PO!

More Related Content

Ang Sining ng Pagsasalita

  • 1. ANG SINING NG PAGSASALITA Inihanda ni: Andrew B. Valentino
  • 2. MAG-USAP TAYO... (USAPAN BLG. 1) Joy: Magandang umaga po, G. Valentino. Natutuwa po kami at pinaunlakan ninyo ang aming paanyaya sa workshop na ito. G. Valentino: Magandang umaga din naman Joy. Isang malaking karangalan para sa akin ang inyong paanyaya. Joy: Mabuti po naman. Siya nga po pala, malugod kong ipinakikilala sa inyo si Engr. Jefferson Molino, ang aming coordinator. G. Valentino: Kamusta po kayo Engineer Molino? Engr. Molino: Mabuti naman. Ikinagagalak ko po kayong makilala. Clerk: Mawalang-galang na po. Ikinalulungkot ko pong maputol ang inyong usapan. Engineer, may tawag po kayo sa telepono.
  • 3. MAG-USAP TAYO... (USAPAN BLG. 2) Roberto: Hoy, Pare! Anong ginagawa mo rito sa palengke? Kilala mo pa ba ako? Lito: Roberto! Ikaw nga ba? Bat naman hindi. Kumusta ka na? Roberto: Mabuti. Si Alice nga pala, ang aking kumander. Lito: Magaling ka talagang pumili. Bilib ako sayo. E, mukha yatang marami kayong pinamimili. Ano bang meron? Alice: E, birthday bukas ng aming panganay. Mayroon kaming kaunting handa. Sana makapunta kayong mag-anak. Lito: Salamat! Hayaan mot pipilitin naming makarating. O, sige punta muna ko dito sa bilihan ng isda.
  • 4. PAGSASALITA tumutukoy sa pag-uusap ng dalawa o higit pang tao: ang nagsasalita at ang kausap (Badayos 2010) isang makrong kasanayan na ginugugulan ng tao ng halos 30% ng kaniyang panahon. ginagamit ito sa ibat ibang paraan: >simpleng pakikipag-usap >pag-uulat o pagbabalita >pagtatalumpati >pakikipagdebate o pakikipagtalo >pakikipanayam >pakikipagtalakayan
  • 5. MGA SALIK SA PAGSASALITA GAMIT NG WIKA ANYO NG WIKA KAANGKUPAN NG SASABIHIN KAGYAT NA PAGTUGON ANG PAKSA
  • 6. PAANO NAGIGING MABISA ANG PAGSASALITA? MALAWAK NA KAALAMAN KASANAYAN TIWALA SA SARILI
  • 8. BAHAGI NG TALUMPATI PAMBUNGAD panimulang bahagi ng pagtawag ng pansin ng mga tagapakinig. PAGLALAHAD ito ang katawan ng talumpati na naglalaman ng diwa ng paksang tinatalakay. PANININDIGAN sa bahaging ito ipinamamalas ang pangangatwiran hinggil sa isyu. PAMIMITAWAN ito ang wakas ng talumpati na kinakailangang mag-iwan ng kakintalan sa tagapakinig.
  • 9. URI NG TALUMPATI AYON SA PAMAMARAAN DAGLIAN talumpating hindi pinaghandaan o biglaan ang paglalahad ng mga ideya sa isang partikular na isyu. MALUWAG may maiksing panahon ang mananalumpati na maghanda at mag-isip ng kaniyang sasabihin o bibigkasin sa publiko. PINAGHANDAAN talumpating isinulat at binabasa sa publiko.
  • 10. URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN MANLIBANG binibigkas sa mga salu-salo pagkatapos ng kainan upang aliwin ang mga tagapakinig. MAGPABATID binibigkas sa mga panayam at nagbibigay ng mga bagong impormasyon o ideya. MAMUKAW talumpating humahamon sa isip at damdamin at magbigay inspirasyon sa mga tagapakinig. MANGHIKAYAT layuning umakit ng mga tagapakinig upang panigan o aniban sa kaniyang adhikain. MANURI talumpating nagsasaad ng mga hindi kanais- nais na gawaing nais isiwalat.
  • 11. SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI TINDIG 1. Tumayo ng matuwid ngunit hindi naman katigasan. 2. Bahagyang paghiwalayin ang mga paa. 3. Iwasang maging estatwa. 4. Kumilos at lumakad ng may postura.
  • 12. SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI TINIG 1. Iangkop ang paglakas at paghina ng tinig sa ideyang nakapaloob sa talumpati. 2. Maging matatas at malinaw sa pagbigkas ng mga salita. 3. Gawing kasiya-siya at nagbabago-bago ang tinig. 4. Tuwirang mangusap sa madla. 5. Iwasang gumamit ng mapagkunwaring pananalita na maaaring magbigay ng alinlangan sa mga nakikinig. 6. Iwasan ang pagaralgal na boses.
  • 13. SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI MUKHA 1. Tumingin sa mata o mukha ng mga nakikinig. 2. Iangkop ang ekspresyon ng mukha sa damdamin at kahulugan ng mensahe sa talumpati. 3. Ipakita ang mukha sa madla.
  • 14. SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI KUMPAS 1. Dapat na maging natural ang pagkumpas. Hayaan ang damdaming gumawa nito. 2. Ibagay ang kumpas sa salitang binibigkas. 3. Iwasan ang matuwid na bisig at siko habang nagkukumpas. 4. Ang mahusay na kumpas ay nagmumula sa balikat patungong daliri. 5. Hindi dapat gumamit ng maraming kumpas gayundin naman iwasan ang wala ni isa man. 6. Hindi dapat isagawa ang pagkumpas na parang nagwawalis. 7. Ang kanang kamay ay ginagamit sa pagkumpas kung nauuna ang kanang paa sa pagtayo gayundin naman sa kaliwang kamay kung nauuna ang kaliwang paa sa pagtayo. 8. Kung dalawang kamay ang gagamitin sa pagkumpas, tiyaking magkapantay ang mga paa.
  • 15. SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI MGA URI NG KUMPAS Palad na Itinataas Habang Nakalahad nagpapahiwatig ng dakilang damdamin Kamiy nananalig sa Iyong kapangyarihan, Dakilang Bathala. Nakataob na Palad at Biglang Ibababa nagpapahayag ng marahas na damdamin Huwag kayong padala sa simbuyo ng inyong damdamin.
  • 16. SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI MGA URI NG KUMPAS Palad na Bukas at Marahang Ibinababa nagpapahiwatig ng kaisipan o damdamin Ibig kong malinawan ang mga bagay na may kinalaman sa naganap na kaguluhan. Kumpas na Pasuntok o Kuyom ang Palad nagpapahayag ng pagkapoot o galit o pakikilaban. Ipagtanggol natin ang ating bayan laban sa mga mapagsamantala!
  • 17. SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI MGA URI NG KUMPAS Paturong Kumpas nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at panghahamak. Sino kang huhusga sa aking pagkatao? Nakabukas na Palad na Magkalayo ang mga Daliri at Unti-Unting Ikukuyom nagpapahayag ng matimping damdamin Hindi ko akalaing unti-unti siyang papatayin ng kanser na ilan taon niya ring nilabanan!
  • 18. SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI MGA URI NG KUMPAS Bukas na Palad na Paharap sa Nagsasalita at Ilalagay sa Bahagi ng Katawan na Binibigyang-Diin pagbibigay-pansin sa bahagi ng katawan ng nagsasalita Ang puso koy tigib ng kaligayahan sa mga sandaling ito. Bukas na Palad na Paharap sa Madla nagpapahayag ng pagtanggi, pagkabahala at pagkatakot. Huwag nyo akong subukan!
  • 19. SANGKAP SA ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI MGA URI NG KUMPAS Kumpas na Pahawi o Pasaklaw pagpapahayag ng pagsaklaw o pagbubuo o paglalahat sa isang diwa, tao, bagay o lugar. Nilupig ang bayan, inalis ang karapatan ng mga mamamayan at niyurakan ang pagkatao nating lahat! Marahang Pagbaba ng Dalawang Kamay nagpapahayag ng kabiguan o pagkasawi. Wala na. Wala ng pag-asa ang bayang ito!
  • 21. TANDAAN: Tiwala sa sarili ang kailangan upang ang kasanayan sa pagsasalita ay maging ganap na talento at abilidad ng isang tao habambuhay.
  • 22. TANDAAN: Umpisahang linangin ang talasalitaan o bokabularyo sa malawak na pagbabasa.
  • 23. TANDAAN: Nasa paglinang ng kasanayan sa pagsasalita ang kagalingang pangkomunikatibo ng isang tao.
  • 24. TANDAAN: Organisado at masistemang balangkas ng konsepto at ideya ang kailangan sa isang mahusay na talumpati.
  • 25. TANDAAN: Gawing rotinaryo ang pagsasalita sa harapan ng maraming tao.