2. Kakayahang makilala at
maunawaan ang sinasabi
ng kausap. (Yong, 1993)
Ito’y prosesong panloob na
hindi tuwirang nakikita
(Nicolas, 1988)
Kahulugan ng Pakikinig
3. Kahulugan ng Pakikinig
Ito’y isang kakayahan na matukoy
at maunawaan ang sinasabi ng iba.
Nakapaloob dito ang pag-unawa
sa wastong pagbigkas ng
nagsasalita, balarila, talasalitaan
at pagpapakahulugan.
4. Mga Hakbang sa Proseso ng Pakikinig
1. Pagbibigay- atensyon
ang tagapakinig ay nagbibigay ng
atensyon sa tagapagsalita.
5. Mga Hakbang sa Proseso ng Pakikinig
2. Persepsyon/ Pag-aakala
ginagamit ng tagapakinig ang isa o
higit pang mga pandama sa
pagtanggap ng verbal at di-verbal na
mga mensahe.
6. Mga Hakbang sa Proseso ng Pakikinig
3. Pag- iinterpret
Inuunawa ng tagapakinig ang
kahulugan ng mensahe na
ipinahahayag ng tagapagsalita.
Inaalam kung ano ang nais
ipahiwatig o iparating ng
tagapagsalita.
7. Mga Hakbang sa Proseso ng Pakikinig
4. Pagtasa/ Pag- ebalweyt
Tinitiyak ng tagapakinig kung dapat
paniwalaan ang tagapagsalita.
Nakataya dito ang kridibilidad ng
tagapagsalita.
8. Mga Hakbang sa Proseso ng Pakikinig
4. Pagtasa/ Pag- ebalweyt
isinaalang-alang ang mga
impormasyong dapat tandaan ng
tagapakinig.
9. Mga Hakbang sa Proseso ng Pakikinig
5. Pagtugon
 sa lebel na ito nagaganap ang
pagtugon o reaksyon sa mensahe o
sa tagahatid ng mensahe.
10. Mga Elementong Nakaiimpluwensiya
sa Pakikinig
1. Tsanel
Ito ay daan ng pakikipagtalastasan.
Ang ideya ay maipahatid sa
pamamagitan ng pagsasalita.
11. Mga Elementong Nakaiimpluwensiya
sa Pakikinig
2. Lugar
Ang malamig at tahimik na lugar ay
nakatutulong sa pakikinig. Ngunit
ang silid na masama ang
bentilasyon at maingay at may mga
upuang hindi maginhawang upuan
ay
makasasagabal naman sa mabuting
pakikinig.
12. Mga Elementong Nakaiimpluwensiya
sa Pakikinig
3. Oras
May mga oras naman na hindi
kahali-halina sa pakikinig. Kapag
dumarating na sa alas dose ang
panayam o talumpati kaya,
mapapansin na aliwaswas na ang
mga nakakanig.
13. Mga Elementong Nakaiimpluwensiya
sa Pakikinig
4. Edad
Mas maingay makinig ang mga
bata kaysa sa mga may edad na.
Mahusay ang memorya ng mga
kabataan ngunit higit naman
madali ang pag-unawa ng mga may
edad na sa napapakinggan nila.
14. Mga Elementong Nakaiimpluwensiya
sa Pakikinig
5. Pinag-aralan
Kapag may pinag-aralan ang
nakikinig, higit na may kakayahan
umunawa sa pinakikinggan.
15. Mga Elementong Nakaiimpluwensiya
sa Pakikinig
5. Pinag-aralan
Mayaman kasi ang kanilang
talasalitaan at marami silang
karanasang nabasa sa mga aklat na
nagagamit nila sa pag-unawa sa
kanilang mga napapakinggan.
16. Mga Elementong Nakaiimpluwensiya
sa Pakikinig
6. Kalagayang Sosyal
Higit na sanay makinig ang mga
taong may mataas na pinag-aralan
at kalagayan sa buhay. Palagi silang
nakakapakinig at nagbibigay iyon
sa kanila ng higit na kasanayan na
makinig.
18. Mga Elementong Nakaiimpluwensiya
sa Pakikinig
8. Kasarian
May iba’t ibang gustong pakinggan
ang mga babae at ganoon din
naman ang mga lalaki. Bibihira
lamang sa mga babae at lalaki na
may parehong paksang nais
pakinggan.
19. Mga Elementong Nakaiimpluwensiya
sa Pakikinig
9. Konseptong Pansarili
Nakadepende sa tagapakinig kung
paano niya bibigyan ng
pagpapakahulugan ang mga
mensaheng kanyang napakinggan.
20. 1. Marginal o Pasibo
 Pakikinig na ang pinakikinggan
ay di
gaanong napagtutuunan ng pansin
dahil sa ibang gawaing kanyang
isinasakatuparan.
Uri ng Pakikinig
21. 2. Atentibo
 Taimtim ang uri ng pakikinig na
ito.
Puno ng konsentrasyon,
inuunawang
mabuti ang mensaheng
pinakikinggan.
Uri ng Pakikinig
22. 3. Analitikal
 Tinatawag din itong pahusgang
pakikinig, ito ay may layuning
makapagbigay ng reaksyon,
magtaya o mag-evaluate kung
sapat , balido, mahalaga, at
karapat-dapat ang napakinggan.
Uri ng Pakikinig
23. 4. Kritikal
 Mapanuri ang uring ito ng
pakikinig. Pagkuha ito ng mensahe,
pagpapahalagang moral, pagpuna
sa pagkakatulad at pagkakaiba,
kalimitang ginagawa ito sa
pakikinig ng mga awitin, sermon ng
pari o pastor, parabula at pabula.
Uri ng Pakikinig
24. 5. Apresyatibo
 Mapagpahalagang tagapakinig ang
tawag dito. Nakikinig ang tao dahil
sa kanyang sariling kapasyahan.
Tulad ng pakikinig ng musika o
mga akdang panitikan.
Uri ng Pakikinig
25. 1. Pseudolistener
 Ito ay uri ng tagapakinig na
kunwari ay nakatingin sa kausap,
may patangu-tango pa at pangiti-
ngiti ngunit hindi naman pala ang
sinasabi ng nagsasalita ang
kaniyang iniisip kundi may ibang
naglalaro sa kaniyang
imahinasyon.
Mga Uri ng Masamang Tagapakinig
26. Mga Uri ng Masamang Tagapakinig
2. Selective Listener
Ito ay tagapakinig na kung ano
lang ang gustong pakinggan, iyun
lamang ang pakikinggan.
27. Mga Uri ng Masamang Tagapakinig
3. Ambusher
Ito ay tagapakinig na ang laging
tinitingnan ay ang magiging
pagkakamali ng tagapagsalita at sa
mga pagkakamali niya ito titirahin
o sisiraan.
28. Mga Uri ng Masamang Tagapakinig
4. Defensive Listener
Ito ang tagapakinig na kahit hindi
mo intensiyon na magsalita, lagi
niyang iniisip na sila ang
pinariringgan.Kaya bawat sabihin
mo, lagi silang naka-react sa iyo.
29. Mga Uri ng Masamang Tagapakinig
5. Insensitive Listener
Ito ang tagapakinig na walang
pakialam at manhid.
30. Mga Patnubay sa Mabisang Pakikinig
1. Maging handa sa pakikinig.
2. Magkaroon ng layunin sa
gagawing pakikinig.
3. Bigyang-pansin ang agwat o
pagkakaiba ng pagsasalita at
pakikinig.
31. Mga Patnubay sa Mabisang Pakikinig
4. Kilalanin ang mahahalagang
kaalaman o impormasyon.
5. Unawaing mabuti ang sinasabi ng
nagsasalita.
6. Iwasan ang pagbibigay ng puna
hanggang hindi pa tapos ang
nagsasalita.
32. Mga Hadlang sa Epektibong Pakikinig
1. Mental at emosyonal na
Ingay/gulo sa sarili at kalooban
2. Pagkawala sa Sarili, Lumilipad na
Diwa
3. Masyason kang madaldal.
4. Perseptwal na salamin.
5. Negatibong Pagtanaw