2. ay isang subrehiyon ng kontinenteng Asya na
nahahati sa dalawang rehiyong heograpikal: Ang
- Pangkontinenteng Timog Silangang Asya 0
Mainland Southeast Asia
- Pangkapuluang Timog-Silangang Asya o
Insular S0utheast Asia.
TIMOG-SILANGANG ASYA
3. Tumutukoy sa pag-aaral
ng mga katangiang pisikal
ng daigdig ang
pinagkukunang-yaman,
klima, at aspektong pisikal
ng populasyon.
HEOGRAPIYA
13. Mga Layunin
1. Natutukoy ang mga anyong lupa at tubig na makikita
sa Timog-Silangang Asya.
2. Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga anyong lupa
at tubig na maipagmamalaki ng Timog-Silangang Asya.
14. Mga Layunin
3. Nakapagbibigay ng kahalagahan at epekto ng
katangiang pisikal na Timog Silangang Asya sa
pamumuhay ng mga Asyano sa pamamagitan ng
gawaing Dugtungan na.
15. Kamangha-mangha ang mga lugar na
matatagpuan sa ibat ibang panig ng mundo,
lalot higit sa Timog-Silangang Asya. Ibat ibang
kaanyuang pisikal ang matatagpuan dito.
16. Tukuyin ang mga anyong
lupa at tubig na makikita
sa Timog-Silangang Asya
gamit ang apat na
larawan.
28. ILOG (RIVER)
Ito ay uri ng
katubigang karaniwang
nagmumula sa mga
kabundukan at
umaagos patungo sa
ibang ilog, lawa o
dagat.
29. MEKONG RIVER
Ito ang ika- 12
pinakamahabang ilog sa
mundo, ikatlong
pinakamahabang ilog sa
Asya at pinakamahabang
ilog sa Timog-Silangang
Asya.
30. MEKONG RIVER
May haba itong 4,189 km.
Nagmumula ito sa China
at dumadaloy sa limang
bansa sa Timog-Silangang
Asya- Myanmar, Laos,
Thailand, Cambodia at
Vietnam.
31. BULKAN (VOLCANO)
Ito ay bundok na
may katangiang
maglabas ng mainit
at nalulusaw na mga
bato mula sa
kailaliman ng
mundo.
32. MOUNT KRAKATOA
Ang pinakatanyag na
pagsabog ay noong
Agosto 26-27, 1883, isa
sa pinakamalakas na
pagsabog na naitala sa
buong daigdig sa
kasaysayan.
33. ALAM NYO BA?
Bahagi ng tinaguriang Pacific Ring of Fire
ang mga kapuluan sa dulong Silangan ng Asya.
Ito ay binubuo ng magkahanay sa aktibong
bulkan na pumapalibot sa Pacific Ocean. At
may 75% na mga aktibong bulkan sa daigdig.
34. ALAM NYO BA?
ang anumang paggalaw na nagmumula sa
mga aktibong bulkan sa Ring of Fire ay
maaaring maging sanhi ng pagyanig at
paglindol sa mga lugar na nasakop nito.
Kabilang sa mga bansang sakop ng sona ay
ang Korea, Japan, Pilipinas, Tsina at Indonesia.
36. PULO (ISLAND)
Ang Indonesia ang
pinakamalaking
kapuluan sa daigdig.
Ito ay binubuo ng may
18, 108 na pulo. Ang
Pilipinas ay binubuo
naman ng 7,641 na
pulo.
38. HKAKABO RAZI MOUNTAIN
Pinakamataaas na
bundok ng Myanmar.
May taas na 5,881-
meter (19,295 ft) at
siya ring pinakamataas
na bundok sa Timog
Silangang Asya.
41. TANDAAN
Ang kapaligiran ay may napakalaking
impluwensiya sa pamumuhay at paghubog ng
kabihasnang Asyano. Napakaimportante ang pag-
unawa sa pisikal na kapaligiran ng Asya. Ang mga
kaganapan sa kasaysayan at pagbabagong
kultural ay maaaring hatid at epekto ng
kapaligirang ginagalawan ng tao.