Antas ng wika - Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
1 of 10
More Related Content
Antas ng wika 2
1. Antas ng Wika
Ang salitang tinukoy ay isa lamang antas ng wikang
Filipino. Nagkakaroon ng antas o pagbabago ng salita dahil sa
panahon, lugar, o pagkakataon sa pagkakagammit.
Apat na pamantayan ng wika ayon sa sosyo-edukasyonal na
pangkat na ginagamitan ng wika:
1. Balbal (slang) ang pinakamababa. Kasama rito ang barbarismo
at kusupsyon sa tunog at kahulugan. Mga salitang nalikha at
ginagamit sa mga lansangan.
Halimbawa:
Ihaw, bebot, praning, yosi
Nagkaroon ng kategorisasyon ng mga salitang ginagamit ng
kabataan na masasabing nasa ilalim ng salitang balbal (Pebrero
23, 1995)
Binaliktad ang kategorisasyong ito ay may layong bumuo ng
sariling bokabularyo.
Halimbawa:
gat-bi bigat astig tigas
todits dito erap - pare
Nilikha ang kategorisasyon ay walang tiyak na pinagmulan.
Karaniwan itong maririnig kung kani-kanino at kung saan-
saan.
Halimbawa
2. paeklat maarte
hanep paghanga
espi esposo o asawang lalaki
Pinaghalo-halo ang kategorisasyong ito ay pinagsama-
samang salita at/o pantig ng salitang Ingles at Filipino.
Halimbawa:
In-nai-in - naaayon
kilig to the bones paghanga
Iningles ang kategorisasyong ito ng mga salita ay puro
Ingles ngunit naiiba ang kahulugan.
Halimbawa:
Jinx malas
Weird pambihira
Yes, yes, yo pagsang-ayon
Dinaglat ang kategorisasyong ito ay binubuo ng mga letra
ng mga salita o pariralang pinaikli.
Halimbawa:
SMB Style Mo Bulok
MU Mutual Understanding
ITALY I Trust and Love You
Gay Lingo o Bekimon ang kategorisasyong ito ay mga
salitang giinagamit ng mga bading sa lipunan na ginagamit
na rin sa karaniiwang pakikipagtalastasan. Binuo ito sa
3. pamamagitan ng pag-uugnay ng salita sa isang bagay, sikat
na tao, o nilalandian lamang ang pagbigkas.
Halimbawa:
chaka ang orihinal na salita ay Chanak mula sa
pelikulang Tiyanak. Bago pa itto nauso ginagamit na
ekspresyon ng mga bading ang Baby ni Janice na diyalogo
mismo sa nasabing pelikula upang ituro ang isang pangit
na tao. Sa paglipas ng panahon dahil sa naging sikat ang
pelikulang Chuckie na isang pangit na manika dito na
iniugnay ang salita.
ganetch ganito, pinalanding pagbigkas
Sincha o Cynthia nauso nang naging artista sa ating
bansa si Cynthia Luster. Dahil sa magkatunog ang Sino
siya? At Cynthia at kasagsagan ng kasikanatn ng artista
kaya ito ginamit ng mga bading. Di nagtagal ay naging
Sinetch Itey na nilandian na ang pagbigkas.
2. Lalawiganin Ang mataastaas ngunit ukol sa isang pook
lamang at sa katunayan ay isang diyalekto sa loob ng isang
wika.
Halimbawa:
ibad negra uyab - kasintahan
gamay- maliit
4. Tinatawag din itong dayalek na nakikilala hindi lamang sa
pagkakaroon nito ng set ng mga natatanging na bokabularyo
kundi maging sa punto o tono at sa istraktura ng pangungusap.
Sa madaling sabi ang wikang natatanging binibigkas sa sa ibat
ibang lugar ngunit may pagkakaiba sa paraan ng pagbigkas o
punto. Halimbawa nito ang wikang Tagalog ay may ibat ibang
dayalek sa ibat ibang lugar sa Katagalugan gaya ng Tagalog-
Cavite, Tagalog-Batangas, Tagalog-Manila, Tagalog- Quezon,
Tagalog-Bulakan at iba pa.
Gaya ng sa Tagalog, may sarisaring klase rin ang Ifugao ng
Amganad, Batad at Kianan; ang Subanon ng Tuboy-Salog, Siocon,
Lapuyan at Sindangan; ang Blaan ng Koronadal at Sarangani; at
ng marami pa pang ibang dayalekto.
Samadaling sabi, ang dayalek ang wikang pekulyar o katangi-
tangi sa isang lugar o rehiyon, kasama ang punto, bokabularyo,
o pagkakabuo ng mga salita.
Halimbawa:
Ala eh! ng Batangas
3. Kolokyal ang anyo ng wika na ginagamit sa mga impormal na
usapan. Kasama sa ganitong anyo ng wika ang lokal na idyoma,
balbal, o pinaikling pahayag na ginagamit sa isang partikular
na pangkat ng tao.
Halimbawa:
5. Tomguts na ako
Todits mo ipatong
Anong chickabells
Sa pag-aaral ng wika, may kinalamman ang lipunan sa pag-
unlad ng wikang Filipino. Sosyolek ang tawag dito na makauri o
makapangkat na paggamit ng wika batay sa kinabibilangan nito sa
lipunan. Bawat tao ay may uri, grupo o antas na kinabibilangan.
Ang pagpapangkat ay maaaring ibatay sa pagkakapareho ng trabaho,
antas ng edukasyon, uri ng pamumuhay, grupong kinaaaniban o
kahit ang laki o baba ng sweldo. Halimbawa, madalas na may taong
halong Ingles yaong mga nakatuntong sa kolehiyo. Kakaiba at
masasabing napakamalikhain naman ang lengguwahe ng mga bading.
Iba ang bolabukaryo ng mga istambay sa kanto kaysa sa doktor.
Matutukoy ang barayti o sarisaring klase nito sa pagkakaroon ng
kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika.
Tunghayan kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod
na pahayag ang pinagmulan ng mga ito:
a. Okray ang Ate Ving beki. Indiana Jones! Nakaka-Rita
Gomez!
b. Wow erap, ang tindi ng toma ko! Heaven!
c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.
6. d. Mag-malling na lang tayo ngayon at bukas na tayo
maglayb. Girl, bukas na lang tayo maglayb. Mag-
malling muna tayo ngayon.
e. Pare, gimik tayo a sa Mega. Me jamming dun, e.
Ang sosyolek ay puwede ring may okupasyunal na rehistro.
Ginagamit ito ng mga propesyunal batay sa kanilang larangan. Ang
mga termonong ginagamit sa bahaging ito ay hindi batid ng
nakararami ngunit malalaman moa gad ang kanilang trabaho.
bail, execute, hearing amend,
therapy toxic, laceration, imflammation, symptom
break even, capital, coercion, revenue, credit Ang mga salitang
nakatala sa itaas ay mga legal, medical at business jargon.
Ang jargon ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na
pangkat ng gawain o propesyon o displina.
Aang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa
karaniwan o sa ibang larangan. Gaya ng mga salitang ginagamit sa
palakasan o isports tulad ng tennis iba ang kahulugan nito sa
karaniwan:
ace, fault, love,
breakpoint, deuce, rally,
slice, advantage, service
Ang sumusunod na termino ay iba ang kahulugan o rehistro batay
sa larangan.
7. mouse (Computer, Zoology)
stress (Language, Psychology)
strike (Sports, Labor Law)
hardware (Business, Computer)
race (Sports, Sociology)
nursery (Agriculture, Education)
operation (Medicine, Military)
note (Music, Banking)
accent (Language, Interior Design)
server (Computer, Restaurant Management)
ETNOLEK wika mula sa etnolonggwistikong pangkat. Ang
etnolek ay mula sa salitang etniko at dayalek. Makikita
ang pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
Halimbawa:
vacuul isang gamit ng Ivatan na panakip sa kanilang ulo
proteksyon sa init o ulan.
vugi salitang ginagamit ng mga Ibanag, Ifugao,
Kankanay, Ilokano at Ivatan na ang kahulugan ang itlog ng
isda. nadedebelop mula sa mga salita ng mga
etnolonggwistikong grupo.
EKOLEK mga salitang binibigkas sa loob ng bahay
Halimbawa:
palikuran, banggerahan lutomng-bahay.
PIDGIN wikang walang pormal na estruktura.
8. Halimbawa: Ikaw bili isda. Naku, ako lugi negosyo.
Ang isang Intsik ay na di maalam sa wikang Pilipino ay
bumubuo ng pangungusap batay sa alam lamang nitong
salita. REJISTER o Rehistro ang pagkakaiba-iba ng
isang wika na ginagamit sa isang partikular na layunin o
sa isang partikular na tanawing panlipunan. Ginagamit ito
sa pagtukoy ng wika ayon sa gumagamit (Halliday,
McIntosh, at Stevents, 1994) Bawat pagsasalita o pagsulat
ng isang tao ay isang pag-uugnay ng kanyang sarili sa
ibang gtao sa lipunan o larangang kaniyang
kinasasangkutan. Sa paglipas ng panahon ang tao ay may
nabubuong konsepto, paniniwala at kultura. Nakalilikha
sila ng wika na sila lamang ang nakaiintindi tulad ng
Jejemon, SMS Language, at social media
language.(Seguir, Mingo, at Hissin, 2011) May tatlong
dimension ang register:
A. Field nakabatay sa layunin at paksa sa larangang
sangkot ng kominikasyon
B. Mode tungkol sa proseso kung paano isinasagawa ang
komunikasyon
C. Tenor kung para kanino ito o ayon sa relasyon ng mga
kalahok. Halimbawa: Register Larangan
Kahulugan
Composition musika piyesa
9. Komposisyon lengguwahe sulatin
Agham pinagsamang elemento
General military ranggo
General lengguwahe pangkalahatan
CREOLE nadedebelop ang pormal na estruktura mula sa
Pidgin na naging native sa isang partikular na lugar.
Halimbawa: Chavakano. Mula sa wikang Kastila na
nakasanayang gammitin at kalaunan ay kinilalanng native
sa Zambuanga na tinawag na Chavakano.
4. Ang Pamantayang Pangwika o Pormal Ito ang pahayag na
pinakamahusay at pinakamatayog na pamantayan sa paggamit ng
wika ng isang bansa. Naririto ang katangiang pambansa at
karangalang pambansa, gaya rin ng pambansang pilosopiya at
sikolohiya sa tuktok ng kagalingan.
Idyolek ang indibidwal na paggamit ng isang tao sa
kanyang wika. Partikular ito sa kanyang sarili.
Halimbawa:
May taong gumagamit nng siya sa halip na ito; may
laging nagsisimula sa bale o actually; may iba namang mura
ang itinutumbas sa tuldok.
Ang mga kilalang personalidad ay may tatak na
pagbigkas ng salita maging ang paggamit ng salita.
10. Halimbawa:
Si Mike Enriquez, Kris Aquino, Zenaida Seva, Noli de Castro
atbp.
Source:
http://www.academia.edu/6001666/Antas_ng_Wika
http://www.slideshare.net/jessicavduque/antas-ng-wika-28063693
https://www.wattpad.com/55905648-komunikasyon-sa-akademikong-
filipino-varayti-ng
http://tagaloglang.com/Basic-Tagalog/Ano-ang/mga-uri-ng-barayti-
ng-wika.html
https://prezi.com/8to0ajovioa4/rejister-ng-wika/
http://smhat116.blogspot.com/