2. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
MELCS:
Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng ng globalisasyon
Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang;
1. Natutukoy ang mga anyo ng globalisasyon;
2. Nasusuri ang epekto ng globalisasyon sa buhay ng tao at sa
lipunan; at
3. Naipaliliwanag ang mga tugon sa pagharap sa epekto ng
globalisasyon.
3. I.SUBUKIN
Panuto:
ï‚¡ Para sa mga Offline
Piliin ang titik na kumakatawan sa wastong sagot. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel at ipasa sa FB Page ang larawan ng answer sheets
https://www.facebook.com/Answers-Only-JSHS-GR10-KI-106677934534068
ï‚¡ Para sa mga Online
Iclick ang link ng google forms at piliin ang wastong sagutin.
https://forms.google/w7P9sCQSJTqPFc3i9
ï‚¡ Para sa mga HINDI makaaccess sa internet o
4. II.BALIKAN
GLOBALIZATION CHEKLIST, IBIGAY MO
Upang matiyak kung natutuhan at naunawaan mo ang nakalipas na aralin,
narito ang isang gawain na susubok sa iyong kakayahan. Itsek ang limang
perspektibo o pananaw ukol sa globalisasyon.Isulat ang iyong sagot sa activity sheet
Globalization Checklist
1. ito ay mahabang siklo ng pagbabago
2. taal o nakaugat sa bawat isa
3. ito ay may limana wave o panahon
4. ang simula nito ay mauugat sa pangyayaring naganap sa
kasaysayan,
5. penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo
6. ito ay may anim na wave o panahon
5. II.BALIKAN
GLOBALIZATION CHEKLIST, IBIGAY MO
Upang matiyak kung natutuhan at naunawaan mo ang nakalipas na aralin,
narito ang isang gawain na susubok sa iyong kakayahan. Itsek ang limang
perspektibo o pananaw ukol sa globalisasyon. Isulat ang iyong sagot sa activity
sheet
Globalization Checklist
√ 1. ito ay mahabang siklo ng pagbabago
√ 2. taal o nakaugat sa bawat isa
3. ito ay may lima na wave o panahon
√ 4. ang simula nito ay mauugat sa pangyayaring naganap sa
kasaysayan,
√ 5. penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo
√ 6. ito ay may anim na wave o panahon
6. III.TUKLASIN
ï‚¡ NAUNAWAAN MO, ISULAT MO.
Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon sa susunod na pahina. Sagutan ang pamprosesong tanong.
Si Maria ay isang batang masayahin lagi lang siyang nasa loob ng bahay bilang pagsunod
o pagtalima sa utos na quarantine protocol ng pamahalaan. Hindi man siya makalabas ng bahay ay
masaya naman siya. Gamit ang kanyang cellphone ay nakakapaglaro siya, nakakausap niya ang
kaniyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan . Nalilibang niya ang kanyang sarili sa panunuod sa
kanilang smart TV ng mga palabas mula sa Netflix kung saan nakikita niya ang kaniyang idolong
artista. Kung siya naman ay nagugutom ay nag-oorder siya sa sa fast food gamit ang isang delivery
application. Sa pamimili naman ng mga pangangailangan sa bahay, hindi na nila kailangang
lumabas dahil gamit ang kanyang touch screen na laptop ay nag-oonline shopping sila ng kanyang
nanay. Tunay na nabago ang sistema ng pamumuhay ni Maria dulot ng globalisasyon.
7. PamprosesongTanong
1. Ano ang napansin mo sa mga gamit ni Maria?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano siya naiimpluwensiyahan ng mga ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Ganito ka rin ba? Paano mo ginawang kapaki-pakinabang ang iyong oras sa panahon ng
quarantine? ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
8. IV.SURIIN
Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang
pagdaloy o paggalaw ng tao, bagay, impormasyon
at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan
sa iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer,2011)
9. ANYO NG GLOBALISASYON
Mabilisang paraan
ng pagpapalitan ng
produkto at serbisyo
sa pagitan ng mga
bansa sa daigdig.
Ekonomiko a. Multinational companies
– kompanyang
namumuhunan sa ibang
bansa.
b. Transnational companies –
mga kompanyang itinatatag
sa ibang bansa ang kanilang
ibenebentang produkto at
serbisyo ay
pangangailangang lokal
Halimbawa: Coca Cola,
Toyota Motor, McDonald’s,
Unilever, Starbucks,
Seven-Eleven
Halimbawa: Shell,
Accenture, GlaxoSmith Klein
at TELUS International Ph
10. ANYO NG GLOBALISASYON
Positibo at
negatibong
epekto ng
pagdami ng
multinational at
transnational
corporations
a. Pagdami ng produkto at serbisyo na mapagpipilian
ng mga mamimili na naging dahilan upang bumaba
ang presyo nito
b. Nagkakaloob ng hanapbuhay
c. Pagkalugi ng lokal na namumuhunan dahil sa hindi
patas na kompetisyon
d. Pagsasara ng mga lokal na namumuhunan
e. Higit na paglakas at pagyaman ng multinational
companies at transnational companies
11. ANYO NG GLOBALISASYON
Outsourcing
• Ang outsourcing ay
ginagamit ng
malalaking pribadong
kompanya.
• Pagbili ng serbisyo ng
isang kompanya mula
sa isang kompanya na
may bayad
Dalawang Uri ng Outsourcing Batay sa Serbisyong Ibinibigay
1. BPO (Business Process Outsourcing)- ay isang
pamamaraan ng pangongontrata sa isang kompanya
para sa iba’t ibang operasyon ng pagnenegosyo.
Halimbawa: Accenture Inc., Telephilippines Inc., Coca-
Cola Far East Ltd, Convergys Philippines services Corp. at
iba pa.
2. KPO (Knowledge Process Outsourcing)-sumasaklaw sa
pagkuha ng mga serbisyong teknikal na kailangan ng
isang kompanya tulad ng pagsusuri sa mahahalagang
impormasyon, mga usaping legal at pananaliksik.
12. URI NG KOMPANYA NA NAKABATAY SA LAYO
AT DISTANSYA
• pagbili ng
produkto at
serbisyo ng isang
kompanya mula
sa ibang bansa
na may mas
mababang
kabayaran
Offshoring Nearshoring Onshoring
• pagbili ng
produkto o
serbisyo sa isang
kompanya sa
loob ng bansa
• pagbili ng
produkto at
serbisyo mula sa
kompanya sa
isang kalapit na
bansa
13. OFW BILANG MANIPESTASYON NG
GLOBALISASYON
Sila ang mga manggagawang Pilipino na nagtratrabaho at
nangingibang
bayan upang maghanapbuhay.
Ang pangingibang bayan ng mga OFW upang
maghanapbuhay ay nagdudulot ng implikasyon kung saan
marami ang nabibigyan ng hanapbuhay, nagpapasok ng dolyar,
nababawasan ang bilang ng mga propesyunal (Brain Drain na
manggagawa) at skilled workers (Brawn Drain) ng ating bansa
14. ANYO NG GLOBALISASYON
Teknolohikal
Pagbabago sa mabilis na
paggamit ng makabagong
teknolohiya na nagreresulta
ng malaking impluwensiya sa
pamumuhay ng tao,
tumutulong upang
mapagaan at mapabilis ang
mga gawain.
Ang paggamit ng cellular phones o
mobile phone ay pinasimulan ng maunlad na
bansa hanggang sa ito ay tinangkilik gamitin
ng buong mundo dahil sa kahagahan na
naipagkakaloob nito.
Batay kay Dr. Pertierra ang cellphone ay
nagsisilbing ekstensyon ng buhay ng
tao, ibig sabihin bahagi na ng buhay ng tao
ang cellphone dahil ito ang kagamitan
na pangunahing gamit natin sa mabilis na
pakikipagkomunikasyon
15. ANYO NG GLOBALISASYON
Sosyo-Kultural
Epekto ito ng pagkakapare-
pareho ng tinatangkilik ng bawat
bansa hindi lamang sa produkto
at serbisyo kundi maging pelikula,
artista, awitin at drama na
nagreresulta ng pagtangkilik sa
mga ideyang nagmumula sa
ibang bansa.
Epekto ng Globalisasyong Sosyo-Kultural
Positibong Epekto Negatibong Epekto
Nagkaroon ng
pagkakaisa ang
mga bansa.
Unti-unting nawawala
ang pagkakakilanlan
at kultura ng bansa
dahil sa impluwensya
ng kultura ng ibang
bansa.
16. ANYO NG GLOBALISASYON
Politikal
Paglawak ng pandaigdigang samahang
politikal, maging ito man ay sa pagitan ng
mga bansa, rehiyunal o pang-
internasyunal. Nagkakaroon ng
epektibong ugnayan ang bawat bansa na
nagreresulta ng mabilis na kalakalan,
paglaganap ng ideya at kalagayang
teknikal at migrasyon dahil sa
kasunduang bilateral at multilateral.
Epekto ng Globalisasyong Politikal
Positibong Epekto Negatibong Epekto
1. Nagkakaroon ng
pagtutulungan
ang mga bansa
dahil sa pagtatag
ng samahan.
2. Bumibilis ang
transaksyong
gobyerno ng
bawat bansa.
1. Mas lalong napaiiral
ang kapangyarihan
ng maunlad na
bansa sa mahirap
na bansa.
2. Sagabal sa pag-
unlad ng bansa
kung sariling interes
ang bibigyang-
pansin.
17. V. PAGYAMANIN
ï‚¡ Nilalarawan Sa Sitwasyon, Tukuyin Mo
ï‚¡ Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung anong anyo
ng globalisasyon ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat ang GE
kung Globalisasyong Ekonomiko, GT kung Globalisasyong Teknolohikal, GSK,
kung Globalisasyong Sosyo-kultural, at GP kung Globalisasyong Politikal.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
18. _________1. Masayang nag-uusap ang magkaibigan gamit ang kanilang bagong
cellphone.
_________2. Ang magkakabarkada ay libang na libang sa panunuod ng mga palabas sa
Netflix.
_________3. Mabilis na nakaorder ng pagkain si Edna gamit ang kanyang cellphone.
_________4. Ang isang bansa na tinamaan ng kalamidad o sakuna ay madaling
nakakabangon sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat bansa.
_________5. Si Ana ay bumibili ng kanyang pangangailangan sa pamamagitan ng
pag-order sa online.
19. VI. ISAGAWA
ï‚¡ Globalisasyon, Impluwensiya Sa Gawain Ko
Panuto: Isulat sa loob ng tsart kung paano ka naimpluwensiyahan
ng globalisasyon sa pagsasagawa ng mga sumusunod na gawain
at sagutan ang pamprosesong tanong. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
20. Gawain Impluwensiya ng Globalisasyon
1. Pagbili ng produkto
2. Paglilibang
3. Komunikasyon
4. Transportasyon
5. Gawaing Bahay
21. PAMPROSESONG TANONG:
1.Paano binago ng globalisasyon ang iyong buhay?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Nagdulot ba ito ng kabutihan sa iyo o hindi? Pangatwiranan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Sa palagay mo, ang globalisasyon ba ang susi upang makamit ang pag-unlad ng isang
bansa? Bakit? __________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________