1. 1
Ikatlong Markahan Paksa: Pagpupunyagi ng mga
Pilipinong makamtan ang
Kalayaan
Bilang ng Araw /Sesyon: 20 araw
Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard):
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpupunyagi
ng mga Pilipinong makamtan ang kalayaan at ang kanilang
mga naging tugon sa mga hamon ng pagsasarili
Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard):
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga tugon
ng mga Pilipino na sumasang-ayon o sumasalungat sa
pagsupil ng kanilang kalayaan
Kakailanganing Pag-unawa (Essential Understanding):
Walang makahahadlang sa mga Pilipinong marubdob ang
pagmamahal sa bayan na ipagtanggol ang kanilang kalayaan
Mahalagang Tanong (Essential Question):
Paano tinugon ng mga Pilipino ang pagkabalam ng
inaasam na kalayaan?
Nauunawaan ng mag-aaral ang :
- Mga layunin sa pananakop ng mga Amerikano
- Mga patakaran at batas na sumupil sa nasyonalismong
Pilipino
- Mga patakarang pampulitika, pang-ekonomiya at
pangkultura na ipinatupad ng mga Amerikano sa bansa
(Pilipinisasyon, Malayang kalakalan at iba pa)
- Mga pagbabago sa edukasyon, kalusugan, lipunan,
imprasraktura
- Mga patakaran at batas na may kinalaman sa pagsasarili
ng mga Pilipino (Philippine Bill of 1902, Jones Law,
Ang mag-aaral ay:
Nakapagpapaliwanag nang malinaw sa mga
layunin ng mga Amerikano sa pananakop sa
Pilipinas
Nakapaglalahad ng mga patakaran at batas na
sumupil sa nasyonalismong Pilipino
Nakapagpapahayag ng kahalagahan at epekto ng
Pilipinisasyon sa mga Pilipino
Nakapagsusuri ng tunay na layunin ng Estados
Unidos sa Pilipinas
Napaghahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad
ng mga patakaran at batas na may kinalaman sa
ANTAS 1 (Resulta/Inaasahang Bunga)
2. 2
Tydings-McDuffie Law)
- Ang pagkakatatag ng Philippine Commonwealth bilang
paghahanda sa pamamahala sa sarili (self-rule)
- Mga layunin ng Hapon partikular sa pananakopsa Pilipinas
- Mga patakarang ipinatupad sa panahon ng mga Hapones
- Mga pangyayaring nagpapakita ng kagitingan ng Pilipino
upang mapalayang muli ang Pilipinas
pagsasarili ng mga Pilipino
Nakapagtataya ng mga suliranin ng Philippine
Commonwealth at kung paano tinugon ng mga ito
ang mga Pilipino
Nakapagpapahayag ng pananaw sa layunin ng
Hapon sa pananakop sa Pilipinas at ang
magkakaibang tugon ng mga Pilipino sa pananakop
na ito
Nakapaghahambing ng mga patakarang ipinatupad
sa panahon ng mga Hapones at mga Amerikano at
ang magkaibang tugon ng mga Pilipino sa
pananakop na ito
Nakapangangatwiran kung naging hadlang sa
paghahangad ng kalayaan ng mga Pilipino ang
naging pananakop sa kanila mula sa panahon ng
Amerikano hanggang sa panahon ng Hapon
3. 3
Inaasahang Pagganap
(Product/Performance):
Ang mag-aaral ay nakapagsusuring
kritikal sa mga tugon ng mga Pilipino sa
pagsupil ng kanilang kalayaan.
.
Pagpapatibay ng Antas ng Pag-unawa
(At the level of understanding):
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa pamamagitan ng:
Pagpapaliwanag (Explanation)
Patunayan kung nagpunyagi o hindi ang
mga Pilipinong makamtan ang kalayaan
at matugunan ang mga hamon ng
pagsasarili.
Interpretasyon (Interpretation)
Bigyang-puna ang mga naging tugon ng
mga Pilipino sa mga hamon sa
pagsasarili.
Paglalapat (Application)
Isulong ang mga gawaing
nagpapamalas ng pagpapahalaga ng
mga Pilipino sa kalayaan.
Sa Antas ng Pagganap
(At the level of Performance):
Pagtaya sa pagsusuring kritikal sa mga
tugon ng mga Pilipino sa pagsupil ng
kanilang kalayaan batay sa mga
sumusunod na kraytirya:
A. Kalidad ng impormasyon
B. Suporta ng datos sa pag-aanalisa
C. Organisasyon ayon sa kontekstong
pangkasaysayan
D. Konklusyon
ANTAS 2
4. 4
Perspektibo (Perspective)
Bigyang-katwiran: a) ang ginawang
pagpupunyagi ng mga Pilipinong
makamtan ang kalayaan; at b) ang
kanilang mga naging tugon sa mga
hamon ng pagsasarili.
Pagsasaalang-alang sa Damdamin ng
Iba (Empathy)
a) Ilagay ang sarili bilang isa sa mga
Pilipinong nagpunyaging makamtan ang
kalayaan. Pangatwiranan ang
pangunahing dahilang nagtulak sa iyong
sumama sa kilusang pangkalayaan; at
b) Kung nabubuhay ka na noong
nakamit na ng mga Pilipino ang
kasarinlan, sasang-ayunan mo ba ang
naging tugon nila sa mga hamon ng
pagasasarili.
Pagkilala sa sarili (Self-Knowledge)
a) Ipahayag ang damdamin mo sa
kahalagahang pangkasaysayan ng
pagpupunyagi, at b) ang kanilang mga
naging tugon sa mga hamon ng
pagsasarilI
5. 5
ANTAS 3
Gabay sa Pagtuturo-Pagkatuto ng Aralin :
A. Tuklasin (Explore)
Mga Mungkahing Gawain
Magpakita ng video clips/larawan/graphic organizer (at iba pa) na nagpapakita ng simbolo ng pananakop ng mga
Amerikano/Hapon sa mga Pilipino, o mga larawan ng mga Pilipinong nakipaglaban sa mga mananakop. Suriin at
hingan ng opinyon ang mga mag-aaral.
(Matapos magpakita ng video clips/larawan o graphic organizer, itanong sa mag-aaral, Kung ikaw ay si Emilio
Aguinaldo/Gregorio del pilar/Antonio Luna/Macario Sakay, Luciano San Miguel/ at iba pa, ano ang iyong
mararamdaman sa iyong pakikipaglaban sa mananakop?)
o Magkaroon ng maikling palitan ng pananaw ang mga mag-aaral sa kung paano nagkakaroon ng pagbabago ang
isang bansa batay sa ipinakitang video/larawan/graphic organizer.
o Iminumungkahi na isulat sa pisara ang mga kasagutan ng mag-aaral.
Sa bahaging ito, lilinangin ng guro ang dating kaalaman, karanasan, antas ng pag-unawa at
kasanayan ng mag-aaral tungkol sa pananakop ng mga Amerikano at Hapon at ipaugnay ito sa
Pagsupil ng Nasyonalismong Pilipino. Itanong ng guro ang Mahalagang Tanong Paano tinugon ng
mga Pilipino ang pagkabalam ng inaasam na kalayaan? Iminumungkahi na tanggapin ng guro ang
lahat ng sagot ng mag-aaral upang mataya kung gaano na ang alam nila sa araling ito. Inaasahan
ding lilinangin ang Anim na Aspekto ng Pag-unawa ng mag-aaral mula sa bahaging ito hanggang sa
bahaging Paglalapat.
6. 6
B. Linangin (Firm Up)
Tatlong Tanong:
Tanong 1: Ano ang naging tugon ng mga Pilipino sa patuloy na pagkabalam ng kanilang kasarinlan?
Tanong 2: Bakit ganito ang kanilang naging tugon?
Tanong 3: Ano ang kinahinatnan nito?
Sa bahaging ito, iminumungkahing gamitin ang Tri-Question Approach at iba pang
pangkatang gawain upang masuri/mataya kung ang nabuong Kakailanganing Pag-unawa ng
mag-aaral sa bahaging Pagtuklas ay tama/katanggap-tanggap. Iminumungkahi na maging
maingat ang guro sa di-pagtanggap sa mga maling Kakailanganing Pag-unawa. Sa Bahaging
ito, inaasahang naitama na (kung mayroon mang mali/di katanggap-tanggap) na
Kakailanganing Pag-unawa na dapat matutuhan ng mag-aaral. Inaasahang naiwasto na
(kung mayroon mang mali/di katanggap-tanggap na Kakailanganing Pag-unawa sa
pamamagitan ng mga makahulugan at mapanghamong gawain.
7. 7
Halimbawa:
Tanong 1: Ano ang naging tugon ng mga Pilipino sa patuloy na pagkabalam ng kanilang kasarinlan?
Sagot: 1.) _____________________________________________________________________
2.) _____________________________________________________________________
3.) _____________________________________________________________________
4.) _____________________________________________________________________
5.) _____________________________________________________________________
Tanong 2: Bakit ganito ang kanilang naging tugon?
Sagot: 1.) _____________________________________________________________________
2.) _____________________________________________________________________
3.) _____________________________________________________________________
4.) _____________________________________________________________________
5.) _____________________________________________________________________
Tanong 3: Ano ang kinahinatnan nito?
Sagot: 1.) _____________________________________________________________________
2.) _____________________________________________________________________
3.) _____________________________________________________________________
4.) _____________________________________________________________________
5.) _____________________________________________________________________
8. 8
Matapos ang talakayan tanungin ang mga mag-aaral ng kanilang naging damdamin . Sang-ayon ba sila sa naging
pagtugon ng mg Pilipino noon . Pangatwiranan.
Maaari ring magsagawa ng ibat ibang gawain tulad ng panel discussion, perspective-taking,roleplaying , considering
position at iba pa.
Iminumungkahi na gamiting gabay ang mga sumusunod na katanungan.
1. Paano masasabing huwad ang kalayaan ng bansa?
2. Makatwiran ba ang panghihimasok ng mga Amerikano sa Pilipinas? Paatunayan ang iyong sagot.
3. Ano ang pansariling interes ng Estados Unidos sa Pilipinas?
4. Anu-ano ang naging epekto ng ibat ibang Komisyong pinadala sa Pilipinas ng mga Amerikano?
5. Ano ang naging epekto ng patakarang Pilipinisasyon sa buhay ng mga Pilipino?
6. Bakit maraming Pilipino ang hindi nahikayat sa mga pangako ng mga Amerikano?
7. Suriin ang kalagayan ng mga Pilipino at suliraning kinaharap ng bansa sa ilalim ng pananakop ng mga
Hapones. Anu-anong pagbabago ang naganap sa pamumuhay ng mga Pilipino sa pananakop ng mga
Hapones? Paano umangkop ang mga Pilipino sa mga ito?
8. Paano nakibaka ang mga Pilipinong Gerilya sa mga Hapones? Ano ang HUKBALAHAP? Gaano
kahalaga ang bahaging ginampanan ng mga HUK sa pagpapalaya ng Pilipinas mula sa mga hapones?
9. Anu-ano ang mga aral na dapat matutuhan mula sa ibat ibang patakarang pinairal ng mga
Amerikano/Hapones?
10.Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong naramdaman sa ginawang pananakop ng mga Amerikano
/Hapones sa mga Pilipino? May mabuti ba itong naidulot sa iyong buhay ?
9. 9
Makapili O Makakano?
Magsagawa ng sarbey at papiliin ang mag-aaral kung sino sa dalawang bansang nanakop Amerikano o Hapon ang
mas higit na nakatulong upang umunlad ang Pilipinas kahit na isa lamang itong kolonya sa panahong yaon.
Pangkatin ang mag-aaral ayon sa kanilang kasagutan.
Hayaang magtala sila ng mga dahilan kung bakit iyon ang kanilang pinili.
Bigyan ng pagkakataon na ibahagi ang kanilang kasagutan.
Atasan ang mag-aaral na magtala at maging mapanuri sa mga kadahilanan
Bigyan ng formative test ang mga mag-aaral.
C. Palalimin (Deepening)
Sa bahaging ito pagtitibayin ang nabuong wastong Kakailanganing Pag-unawa ng mag-aaral sa pamamagitan ng
mapanghamong tanong/gawain upang silay magnilay, muling balikan ang mga natutuhan na, muling mag-isip at
baguhin ito kung kinakailangan. Dito magsasagawa ng pananaliksik tungkol sa mga naging epekto ng pananakop
ng mga Amerikano at Hapones sa mga Pilipino. Ihahanda ng guro ang mag-aaral upang mailapat ang kanyang
natutunan sa pagsasagawa ng Inaasahang Pagganap sa bahaging Paglalapat. Inaasahang tutugunan ng guro
ang pagiging kakaiba ng mag-aaral, ang kanyang kalakasan at kahinaan sa pamamagitan ng pagtututurong
kailangan/angkop sa kanya. Bigyan din ng pagkakataon ang mag-aaral na mataya niya ang kaniyang natutuhan
at kakayahan.
10. 10
Mga Mungkahing Gawain
Kapanayamin Mo
Atasan ang mag-aaral na magsagawa ng pakikipanayam/interbyu sa mga taong nakaranas ng digmaan at pananakop ng
mga Amerikano o Hapon. Gamit ang mga natutunang pag-unawa/kaalaman sa isinagawang pagtatalakayan sa bahaging
Pagpapatibay (Firm-Up) (Inasahang sa gawaing ito ay mapapalalaim pa ng husto ng mag-aaral ang kanilang pag-unawa
sa mga naging pagtugon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano at Hapon.
Tanong Ko Sagot Mo
Ipasagot sa mag-aaral, Ano kaya ang iyong gagawin kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng digmaan/pananakop?
Paano mo kaya ipagtatanggol ang ating bayan laban sa mga mananakop?
Anong mga katangian ng mga Pilipino noong panahon ng digmaan ang maituturing mong kahanga-hanga? Bakit?
Magbalitaan Tayo
Gumupit ng mga balita tungkol sa pagkilos ng ilang pangkat na humihingi ng danyos/bayad mula sa Japan kaugnay ng
pang-aabuso ng ilang Hapones sa mga Pilipinang comfort women noong ikalawang digmaang pandaigdig. Magbigay ng
sariling pananaw at ibahagi sa klase.
Maari ring isama sa balitaan ang mga pagbabagong naganap sa panahon ng pananakop at kung paano ito tinugon ng
mga Pilipino.
Iminumungkahing pagawain ng paglalahat ang mag-aaral.
Magbigay ng summative test.
11. 11
D. Paglalapat (Transfer)
Ang mag-aaral ay nakapagsusuring kritikal kung saang aspeto sa buhay ng mga Pilipino patuloy na makikita ang
impluwensya ng Amerikano at Hapon at ang naging tugon dito sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay/paggawa ng
collage, awit , poster at iba pa.
Mga Kakailanganing Kagamitan :
Video clips
Graphic Organizer
Papel, pentel pen at ibat ibang larawan
Babasahin tungkol sa Pagkamit ng kalayaan
Mga Kraytirya sa Pagtataya ng isinagawang panayam
Internet, www.wowphilippines.com;
Ang pagkaunawa ng mag-aaral ay maipahahayag sa pamamagitan ng mga gawain na nagpapakita ng mga
kahalintulad na mga sitwasyon sa tunay na buhay. Inasahan din na sila ay makikilahaok sa paghahanda,
pananaliksik, pagbuo ng kriterya o pamantayan sa pagtataya at sa pagsasagawa ng Inaasahang Pagganap
nakapagsusuri kritikal sa mga tugon ng mga Pilipino na sumasang-ayon o sumasalungat sa pagsupil ng
kanilang kalayaan.