際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Mga Isyung
Pangkapaligiran
Paunang Pagtataya
Ang kapaligiran ay mahalagang
salik sa paghubog sa pamumuhay
ng mga mamamayan. Dito
nanggagaling ang mga hilaw na
materyales na pinagmumulan ng
mga produktong kinukonsumo ng
mga tao. Dito rin galing ang mga
kalakal na panluwas upang kumita
ang bansa.
PAKSA 1: Suliranin sa Solid Waste
 Binigyang-kahulugan ng Batas Republika
Bilang 9003 na kilala bilang Solid Waste
Management Act of 2000 ang solid waste
bilang mga itinapong basura na
nanggagaling sa mga kabahayan at
komersyal na establisimyento, mga non
hazardous na basurang institusyunal at
industriyal, mga basura na galing sa
lansangan at konstruksiyon, mga basura na
nagmumula sa sektor ng agrikultura, at iba
pang basurang hindi nakalalason.
Ayon sa National Solid Waste
Management Status Report (2008-
2018), ang municipal solid wastes
(MSW) ay nagmumula sa residensyal,
komersyal, institusyunal, at
instrustriyal na establisimyento. Ayon
sa ulat, pinakamalaking bahagdan nito
ay mula sa mga kabahayan (56.7%).
Nagkakaroon ng suliranin sa solid
waste sa bansa dahil sa ibat ibang
dahilan. Marami ang walang
disiplina sa pagtatapon ng basura.
Marami ang nagtatapon ng basura
mula sa tahanan kung saan-saan.
Nakadadagdag pa sa suliranin sa
basura ang kakulangan ng
kaalaman o di kayay di pagsunod
sa tinatawag na waste segregation
o pagbubukod ng basura lalo na
ang pagbubukod ng basura sa
pinagmulan nito.
Ang hindi maayos na
pagtatapon ng basura ay
nakaaapekto sa kapaligiran at
kalusugan.
Paglutas sa Suliranin ng Solid Waste
Pamamahala ng Basura sa Pilipinas
 Ang pamamahala ng basura (waste
management) ay tumutukoy sa wastong
pagkuha, paglilipat, pagtatapon o
paggamit, at pagsubaybay ng basura ng mga
tao. Isinasagawa ito upang mapangasiwaan
ng maayos ang mga basura para maiwasan
ang masasamang epekto nito sa kalusugan
at kapaligiran
Noong Enero 26, 2001 naging ganap na
batas ang Republic Act 9003 na kilala
bilang Ecological Solid Waste Management
Act of 2000. Nakasaad sa batas na ito ang
mga alituntunin sa wastong pamamahala
ng basura at pagpapatupad ng mga
programang nakatuon sa pakikiisa ng
bawat mamamayan upang mabawasan ang
basurang itinatapon
居 Pagtatatag ng National Solid Waste
Management Commission at ng
National Ecology Center
 Pagtatatag ng Materials Recovery
Facility
 Pagsasaayos ng mga tapunan ng
basura
Ang Materials Recovery Facility (MRF)
ay ang pinaglalagyan ng mga
nakolektang nabubulok na basura
upang gawing compost o pataba ng
lupa. Dito rin pansamantalang
inilalagak ang mga balik-gamit
(recyclables) na bagay tulad ng bote,
plastic, papel, lata, at iba pa.
Isinasagawa rin dito ang pagbubukod
ng mga basurang nakolekta mula sa
pinagmulan.
 Pagbubukod sa mga basurang nabubulok,
balik-gamit, special wastes at latak, o
tirang basura. Dapat magkakahiwalay ang
kanilang lalagyan.
 Pagsunod sa iskedyul ng pangongolekta ng
basura
 Pagkakaroon ng Materials Recovery
Facility (MRF)
 Kung may mga special waste o recyclable
dapat alam kung saan ito dadalhin o
pwedeng ibenta
Sa seksyon 48 ng batas na ito,
nakasaad na ipinagbabawal ang
pagtatapon o pagtatambak ng
anumang uri ng basura sa mga
pampublikong lugar
 Pagsusunog ng basura
 Pagpapakolekta o pagpayag sa pagkolekta
ng hindi pinaghiwa-hiwalay
 na basura
 Pagtatambak/pagbabaon ng mga basura
sa mga lugar na binabaha
 Walang paalam na pagkuha ng recyclables
na may nakatalagang mangongolekta.
AP 10 Lesson 2.pptx
AP 10 Lesson 2.pptx
 PAKSA 2: Pagkasira ng mga Likas na Yaman
 Sagana ang Pilipinas sa likas na yaman.
Malaki ang pakinabang na nakukuha ng
ating bansa mula rito. Maraming Pilipino
ang kumikita mula sa direktang paggamit ng
mga likas na yaman tulad ng pagtatanim at
pangingisda. Ito rin ang pinagmumulan ng
mga hilaw na materyales na ginagamit sa
pagbuo ng mga produkto sa ibat ibang
pagawaan o pabrika.
 Sa kabila ng pakinabang na nakukuha mula
sa mga likas na yaman, patuloy itong
nasisira at nauubos dahil sa mapang-
abusong paggamit dito. Ang pagtaas ng
demand dahil sa lumalaking populasyon,
hindi epektibong pagpapatupad ng mga
programa at batas para sa pangangalaga sa
kalikasan, at mga natural na kalamidad ay
banta rin sa likas na yaman.
1. Paghahawan ng Kagubatan o Deforestation
 Ayon sa lathalain na inilabas ng Senado ng
Pilipinas na pinamagatang Philippine Forests
At a Glance noong 2015, ang kagubatan ng
Pilipinas ay sumasaklaw ng mahigit sa kalahati
(57%) ng kabuuang kalupaan ng bansa noong
1934. Noong 2010, ito ay nabawasan at naging
23% o mga 6.8 milyong ektarya na lamang. Ang
datos na ito ay nakababahala dahil ipinapakita
nito na napakabilis ang pagkaubos ng ating
kagubatan.
Ang kagubatan ay isa sa pinakamahalagang
pinagkukunang yaman ng bansa. Hindi
lamang ito nagsisilbing tahanan ng ibat
ibang uri ng hayop kundi nagbibigay din
ito ng kabuhayan sa mga tao.
Nakatutulong din ito upang maiwasan ang
pagguho ng lupa, at nagsisilbing
proteksyon sa mga water sheds. Bukod sa
mga ito, nakatutulong din ang mga
kagubatan sa mitigasyon ng climate
change.
Ang pagkaubos o pagkasira ng
kagubatan ay may malaking
epekto hindi lamang sa forest
ecosystem kundi pati na rin sa
iba pang ecosystem na may
kaugnayan dito.
Dahil sa pagkasira ng kagubatan,
naging mas madalas ang mga
pagbaha at pagguho ng mga
bundok. Iniaanod ang mga lupa
mula sa pagguho patungo sa mga
daan, kabahayan, bukirin at sa
ibat-ibang anyong tubig.
Ang paglala ng mga suliraning dulot ng
climate change ay iniuugnay rin sa
deporestasyon dahil sa epekto nito sa
carbon cycle. Tumitindi ang init na
nararanasan dahil wala nang punong
nagbabalanse sa lamig at init. Ang mga
mahihirap na umaasa sa kagubatan ang
higit na apektado ng deforestation. Ang
patuloy na pagliit ng forest cover ay
nagpapaliit din sa pinagkukunan nila ng
kabuhayan
Mga Programa at Pagkilos Upang
Mapangalagaan ang Yamang Likas
AP 10 Lesson 2.pptx
AP 10 Lesson 2.pptx
AP 10 Lesson 2.pptx
Mga Batas Tungkol sa Pagmimina
Philippine Mining Act
Ito ay naisabatas noong 1995 upang
makapagbigay ng makabuluhang panlipunan
at pangkapaligirang kaligtasan mula sa
pagmimina kasama ang obligasyon ng mga
industriyang nagsasagawa nito. Ang batas na
ito ay nilikha upang masubaybayan ang
operasyon ng pagmimina sa buong bansa
kasabay ng pangangalaga sa kalikasan
Executive Order No. 79
Ipinatupad ito upang mapagtibay ang
proteksiyong pangkapaligiran,
masuportahan ang responsableng
pagmimina, at makapagbigay ng
karampatang revenue-sharing scheme
kasabay ng paglago ng industriya ng
pagmimina.
3. Pagku-quarry o Quarrying
Ang pagku-quarry o quarrying ay
ang paraan ng pagkuha ng mga
bato, buhangin, graba at iba pang
mineral mula sa lupa sa
pamamagitan ng pagtitibag,
paghuhukay, o pagbabarena.
 PAKSA 3: Climate Change
Ano ang Climate Change?
 Ang climate change ay tumutukoy sa
pagbabago ng klima sa buong mundo. Ito ay
naramdaman simula noong kalagitnaan ng
ika-20 na siglo. Ayon sa Climate Change at
Pagpapalayan (2014), ang ay ang abnormal
na pagbabago ng klima tulad ng pag-init o
paglamig ng temperatura, at tuluy-tuloy at
malakas na pag-ulan sa isang lugar.
 Dahilan ng Climate Change
 1. ang natural na pagbabago ng klima ng buong
mundo. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya
mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo at sa init na
nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng
temperatura o init sa hangin na bumabalot sa
mundo.
 2. Ang gawain ng tao na nakapagpapataas sa
konsentrasyon ng carbon dioxide at iba pang
greenhouse gases sa atmospera. Ilan sa mga ito ay
paggamit ng mga fossil fuels gaya ng langis at
coal, at ang pagputol ng mga puno na sanhi ng
pagkakalbo ng mga kagubatan.
Epekto ng Climate Change
Ang global warming o pag-init ng
temperatura ng mundo na siyang
palatandaan ng climate change ay
nagdudulot ng sakuna kagaya ng
heatwave, baha, malalakas na bagyo,
at tagtuyot na maaring magdulot ng
pagkakasakit at pagpakamatay
Nagkakaroon din ng suliranin sa
karagatan dahil sa tinatawag na coral
bleaching na pumapatay sa mga coral
reef na siyang tahanan ng mga isda at
iba pang lamang dagat. Nagdudulot din
ito ng pagbaba sa bilang ng nahuhuling
mga isda at pagkawala (extinction) ng
ilang mga species.
AP 10 Lesson 2.pptx

More Related Content

AP 10 Lesson 2.pptx

  • 3. Ang kapaligiran ay mahalagang salik sa paghubog sa pamumuhay ng mga mamamayan. Dito nanggagaling ang mga hilaw na materyales na pinagmumulan ng mga produktong kinukonsumo ng mga tao. Dito rin galing ang mga kalakal na panluwas upang kumita ang bansa.
  • 4. PAKSA 1: Suliranin sa Solid Waste Binigyang-kahulugan ng Batas Republika Bilang 9003 na kilala bilang Solid Waste Management Act of 2000 ang solid waste bilang mga itinapong basura na nanggagaling sa mga kabahayan at komersyal na establisimyento, mga non hazardous na basurang institusyunal at industriyal, mga basura na galing sa lansangan at konstruksiyon, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura, at iba pang basurang hindi nakalalason.
  • 5. Ayon sa National Solid Waste Management Status Report (2008- 2018), ang municipal solid wastes (MSW) ay nagmumula sa residensyal, komersyal, institusyunal, at instrustriyal na establisimyento. Ayon sa ulat, pinakamalaking bahagdan nito ay mula sa mga kabahayan (56.7%).
  • 6. Nagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa bansa dahil sa ibat ibang dahilan. Marami ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Marami ang nagtatapon ng basura mula sa tahanan kung saan-saan.
  • 7. Nakadadagdag pa sa suliranin sa basura ang kakulangan ng kaalaman o di kayay di pagsunod sa tinatawag na waste segregation o pagbubukod ng basura lalo na ang pagbubukod ng basura sa pinagmulan nito.
  • 8. Ang hindi maayos na pagtatapon ng basura ay nakaaapekto sa kapaligiran at kalusugan.
  • 9. Paglutas sa Suliranin ng Solid Waste Pamamahala ng Basura sa Pilipinas Ang pamamahala ng basura (waste management) ay tumutukoy sa wastong pagkuha, paglilipat, pagtatapon o paggamit, at pagsubaybay ng basura ng mga tao. Isinasagawa ito upang mapangasiwaan ng maayos ang mga basura para maiwasan ang masasamang epekto nito sa kalusugan at kapaligiran
  • 10. Noong Enero 26, 2001 naging ganap na batas ang Republic Act 9003 na kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Nakasaad sa batas na ito ang mga alituntunin sa wastong pamamahala ng basura at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pakikiisa ng bawat mamamayan upang mabawasan ang basurang itinatapon
  • 11. 居 Pagtatatag ng National Solid Waste Management Commission at ng National Ecology Center Pagtatatag ng Materials Recovery Facility Pagsasaayos ng mga tapunan ng basura
  • 12. Ang Materials Recovery Facility (MRF) ay ang pinaglalagyan ng mga nakolektang nabubulok na basura upang gawing compost o pataba ng lupa. Dito rin pansamantalang inilalagak ang mga balik-gamit (recyclables) na bagay tulad ng bote, plastic, papel, lata, at iba pa. Isinasagawa rin dito ang pagbubukod ng mga basurang nakolekta mula sa pinagmulan.
  • 13. Pagbubukod sa mga basurang nabubulok, balik-gamit, special wastes at latak, o tirang basura. Dapat magkakahiwalay ang kanilang lalagyan. Pagsunod sa iskedyul ng pangongolekta ng basura Pagkakaroon ng Materials Recovery Facility (MRF) Kung may mga special waste o recyclable dapat alam kung saan ito dadalhin o pwedeng ibenta
  • 14. Sa seksyon 48 ng batas na ito, nakasaad na ipinagbabawal ang pagtatapon o pagtatambak ng anumang uri ng basura sa mga pampublikong lugar
  • 15. Pagsusunog ng basura Pagpapakolekta o pagpayag sa pagkolekta ng hindi pinaghiwa-hiwalay na basura Pagtatambak/pagbabaon ng mga basura sa mga lugar na binabaha Walang paalam na pagkuha ng recyclables na may nakatalagang mangongolekta.
  • 18. PAKSA 2: Pagkasira ng mga Likas na Yaman Sagana ang Pilipinas sa likas na yaman. Malaki ang pakinabang na nakukuha ng ating bansa mula rito. Maraming Pilipino ang kumikita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman tulad ng pagtatanim at pangingisda. Ito rin ang pinagmumulan ng mga hilaw na materyales na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto sa ibat ibang pagawaan o pabrika.
  • 19. Sa kabila ng pakinabang na nakukuha mula sa mga likas na yaman, patuloy itong nasisira at nauubos dahil sa mapang- abusong paggamit dito. Ang pagtaas ng demand dahil sa lumalaking populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na kalamidad ay banta rin sa likas na yaman.
  • 20. 1. Paghahawan ng Kagubatan o Deforestation Ayon sa lathalain na inilabas ng Senado ng Pilipinas na pinamagatang Philippine Forests At a Glance noong 2015, ang kagubatan ng Pilipinas ay sumasaklaw ng mahigit sa kalahati (57%) ng kabuuang kalupaan ng bansa noong 1934. Noong 2010, ito ay nabawasan at naging 23% o mga 6.8 milyong ektarya na lamang. Ang datos na ito ay nakababahala dahil ipinapakita nito na napakabilis ang pagkaubos ng ating kagubatan.
  • 21. Ang kagubatan ay isa sa pinakamahalagang pinagkukunang yaman ng bansa. Hindi lamang ito nagsisilbing tahanan ng ibat ibang uri ng hayop kundi nagbibigay din ito ng kabuhayan sa mga tao. Nakatutulong din ito upang maiwasan ang pagguho ng lupa, at nagsisilbing proteksyon sa mga water sheds. Bukod sa mga ito, nakatutulong din ang mga kagubatan sa mitigasyon ng climate change.
  • 22. Ang pagkaubos o pagkasira ng kagubatan ay may malaking epekto hindi lamang sa forest ecosystem kundi pati na rin sa iba pang ecosystem na may kaugnayan dito.
  • 23. Dahil sa pagkasira ng kagubatan, naging mas madalas ang mga pagbaha at pagguho ng mga bundok. Iniaanod ang mga lupa mula sa pagguho patungo sa mga daan, kabahayan, bukirin at sa ibat-ibang anyong tubig.
  • 24. Ang paglala ng mga suliraning dulot ng climate change ay iniuugnay rin sa deporestasyon dahil sa epekto nito sa carbon cycle. Tumitindi ang init na nararanasan dahil wala nang punong nagbabalanse sa lamig at init. Ang mga mahihirap na umaasa sa kagubatan ang higit na apektado ng deforestation. Ang patuloy na pagliit ng forest cover ay nagpapaliit din sa pinagkukunan nila ng kabuhayan
  • 25. Mga Programa at Pagkilos Upang Mapangalagaan ang Yamang Likas
  • 29. Mga Batas Tungkol sa Pagmimina Philippine Mining Act Ito ay naisabatas noong 1995 upang makapagbigay ng makabuluhang panlipunan at pangkapaligirang kaligtasan mula sa pagmimina kasama ang obligasyon ng mga industriyang nagsasagawa nito. Ang batas na ito ay nilikha upang masubaybayan ang operasyon ng pagmimina sa buong bansa kasabay ng pangangalaga sa kalikasan
  • 30. Executive Order No. 79 Ipinatupad ito upang mapagtibay ang proteksiyong pangkapaligiran, masuportahan ang responsableng pagmimina, at makapagbigay ng karampatang revenue-sharing scheme kasabay ng paglago ng industriya ng pagmimina.
  • 31. 3. Pagku-quarry o Quarrying Ang pagku-quarry o quarrying ay ang paraan ng pagkuha ng mga bato, buhangin, graba at iba pang mineral mula sa lupa sa pamamagitan ng pagtitibag, paghuhukay, o pagbabarena.
  • 32. PAKSA 3: Climate Change Ano ang Climate Change? Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo. Ito ay naramdaman simula noong kalagitnaan ng ika-20 na siglo. Ayon sa Climate Change at Pagpapalayan (2014), ang ay ang abnormal na pagbabago ng klima tulad ng pag-init o paglamig ng temperatura, at tuluy-tuloy at malakas na pag-ulan sa isang lugar.
  • 33. Dahilan ng Climate Change 1. ang natural na pagbabago ng klima ng buong mundo. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo. 2. Ang gawain ng tao na nakapagpapataas sa konsentrasyon ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases sa atmospera. Ilan sa mga ito ay paggamit ng mga fossil fuels gaya ng langis at coal, at ang pagputol ng mga puno na sanhi ng pagkakalbo ng mga kagubatan.
  • 34. Epekto ng Climate Change Ang global warming o pag-init ng temperatura ng mundo na siyang palatandaan ng climate change ay nagdudulot ng sakuna kagaya ng heatwave, baha, malalakas na bagyo, at tagtuyot na maaring magdulot ng pagkakasakit at pagpakamatay
  • 35. Nagkakaroon din ng suliranin sa karagatan dahil sa tinatawag na coral bleaching na pumapatay sa mga coral reef na siyang tahanan ng mga isda at iba pang lamang dagat. Nagdudulot din ito ng pagbaba sa bilang ng nahuhuling mga isda at pagkawala (extinction) ng ilang mga species.