AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahahalagang Pangyayari At Mga Epekto Nito Sa Naunang Mga Pag-Aalsa Laban Sa Kolonyalismong Espanyol.pptx
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahahalagang Pangyayari At Mga Epekto Nito Sa Naunang Mga Pag-Aalsa Laban Sa Kolonyalismong Espanyol.pptx
1. Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga
Pilipino sa mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa
naunang mga pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol
AP5PKB-IVh-6/ Pahina 55 ng 120
3. Balitaan – pag-usapan ang mga kasalukuyang
pangyayari sa paligid sa pamamagitan ng isang pag-
uulat
Pangkatin ang mga mag-aaral at hayaan ang bawat
pangkat na gumawa ng isang maikling awit o rap o
jingle na may kaugnayan sa nakaraang pinag-aralan.
4. Pagpapamalas ng awit/rap/jingle ng bawat pangkat sa gabay ng guro.
4. Magpakita ng 2 video clip kung saan ay sa isa ay nagtagumpay ang
paghihimagsik o ng pakikibaka laban sa mga kastila at sa isa naman ay
hindi nagtagumpay ang naging paghihimagsik. Itanong ang mga
sumusunod:
a. Ano ang dahilan ng kanilang pakikibaka?
b. Laban kanino ang kanilang pakikibaka?
c. Batay sa iyong napanood, nagtagumpay ba sila sa kanilang
pakikibaka? Bakit?
d. Maliban sa iyong napanood, anu-ano pa kaya ang iba pang mga
maaring maging dahilan kung bakit ang pakikibaka ay hindi
nagtatagumpay?
5. Sabihin sa mga mag-aaral na sa loob ng 5 araw ay pag-aaralan ng
klase ang mga pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga Pilipino sa
mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa naunang mga
pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol.
6. Ilahad ang aralin sa pagsasagot sa mga tanong sa Alamin Mo, LM,
pahina _____
Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng
kanilang mga kasagutan.
Bigyan ng meta cards ang bawat nabuong pangkat at hayaang
paghiwalayin nila ang mga pag-aaklas kung ito at nagtagumpay o kaya
naman ay kung hindi ito nagtagumpay.
7. Pag-uulat ng bawat pangkat ayon sa gabay ng
guro.
Pagtatalakay at pagsusuri sa ulat ng bawat
pangkat.
8. Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na mga gawain sa
Gawain Mo mula sa LM, pp. _____.
9. Gawain A
Anu-ano ang mga dahilan kung bakit ang mga pag-aalsa
at mga rebolusyong sinimulan ng mga Pilipino ay
kadalasang hindi nagtatagumpay?
1.
2.
3.
4.
5.
10. Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga
Pilipino sa mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa
naunang mga pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol
AP5PKB-IVh-6/ Pahina 55 ng 120
12. Gawain B
Magbigay ng halimbawa sa mga dahilan ng pag-aalsa na nasa ibaba.
Tukuyin ang pinagugatan ng kanilang pag-aalsa
Relihiyon
1.
2.
3.
Paggawa at Buwis
4.
5.
13. Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga
Pilipino sa mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa
naunang mga pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol
AP5PKB-IVh-6/ Pahina 55 ng 120
14. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na
makabuo ng isang maikling dula na nagpapakita
kung papaano nagsimula ang pag-aaklas at kung
ano ang naging kinahinatnan ng pag-aaklas at
kung anu-ano ang mga naging dahilan kung bakit
hindi ito naging matagumpay o hindi.
15. Pagsasadula ng mga pangkat ayon sa gabay ng
guro.
Pagtatalakay at pagsusuri sa mga dula ng
bawat pangkat.
16. Gawain C
Iguhit sa patlang ang kung tama ang pahayag at naman
kung hindi.
____1. Isa sa dahilan ng pagkabigo ng mga rebolusyonginilunsad ng
mga Pilipino ay ang kanilang hindi pagkakaisa.
____2. Ang mga heneral ng mga kilusan ng rebolusyon ay pawang
bihasa at magagaling sa paghawak ng armas.
____3. Maliban sa mga kalalakihan ay may mga kababaihan din na
kasapi ng katipunan at kasama rin sa mga pakikidigma.
____4. Nakapagpapalakas ng loob ng iba pang rebolusyonaryo kapag
nalalaman nila na nagtagumpay ang ibapang rebolusyonaryo sa mga
karatig bayan.
____5. May mga reboljusyong naging matagumpay ang mga Pilipino.
17. Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga
Pilipino sa mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa
naunang mga pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol
AP5PKB-IVh-6/ Pahina 55 ng 120
18. Talakayin kasama ng mga mag-aaral kung anu-
ano ang mga kadahilan upang maging
matagumpay ang mga naganap na pag-aaklas
o rebolusyon gayundin ang mga dahilan kung
bakit karamihan sa mga ito ay hindi naging
matagumpay.
19. Pasagutan sa mga mag-aaral o sa bawat
pangkat ang mga sumusunod na graphic
organizer upang matukoy kung anu-ano ang
mga mabuti at hindi mabuting pangyayari na
naging dahilan upang maging matagumpay o
hindi ang kanilang pag-aaklas.
20. Gawain D
Ipaliwanag sa maikling pangungusap o talata ang pagbabago sa
kamalayan na naidulot ng mga sumusunot na salita o kaisipan o
pangyayari sa mga Pilipino.
a. Pagbubukas ng Suez Canal
b. Paglaki ng Middle Class
c. Pagdating ni Gobernador-Heneral dela Torre sa Pilipinas
d. Sekularisasyon
e. Pagbitay sa GOMBURZA
21. Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga
Pilipino sa mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa
naunang mga pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol
AP5PKB-IVh-6/ Pahina 55 ng 120
22. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo, pp. ___ ng LM.
Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan Ko sa pp. ___ ng LM.