4. Introduksiyon
Noong 490 BCE, ang Athens at Sparta ay nakaharap
sa isang napakalaking hamon: ang potensyal na
pananalakay ng matatag at makapangyarihang
Persiano.
Bagaman maaaring maging mapanganib ang ganitong
sitwasyon, nagtagumpay ang mga ito sa
pamamagitan ng pagkakaisa sa isang kilalang yugto
ng kasaysayan na kilala bilang Digmaang Persiano.
5. SanhingDigmaan
Ang hidwaang ito ay nagsimula nang sakupin ng mga Persiano
ang Ionia, isang rehiyon sa gitnang Turkey na dating tirahan ng
mga Griyego.
Nagkaroon ng pag-aalsa ang mga Griyego laban sa mga
Persiano. Bilang tugon, nagpadala ang Athens ng kanilang mga
barko at hukbo upang suportahan ang kanilang mga
kababayan.
Nasupil ni Darius I ang pag-aalsa, pinangako niya ang
paghihiganting gagambala sa mga Griyego, na humantong sa
ilang labanan sa pagitan nila.
8. LabanansaMarathon
(490BCE)
Ito ang nagmarka ng umpisa ng Digmaang
Persiyano.
Sa labanang ito, ang mga taga-Athenas ay nanalo
laban sa mga Persiyano sa pamamagitan ng
kanilang hukbong hoplite na may disiplina at
gumamit ng estratehiyang oplite phalanx sa
kanilang pakikipaglaban.
11. Labanansa
Thermopylae
(480bce)
Sa loob ng sampung taon mula nang ang Labanan sa
Marathon ay nagdaan, si Xerxes I, anak ni Darius, ang
nanguna sa hukbong Persiyano na may estratehiyang
Phalanx sa kanilang pangalawang pagsalakay sa Athens
kung saan naganap ang Labanan sa Thermopylae (480
BCE). Sa makitid na daang dumaan sa Thermopylae Pass,
matagumpay na naipigil ng mga Spartan ang pagpasok ng
mga Persiyano. Sa kabila nito, ang mga Griyego ay natalo
dahil sa isang pagtatraydor na Griyego na nagbigay ng
impormasyon tungkol sa lihim na daanan sa paligid ng
pasilyo, na nagresulta sa pagsunog ng Athens.
13. LabanansaSalamis
(480BCE)
Sa panahong ang mga Spartan ay nakikipaglaban
sa Thermopylae, nagkasundo ang mga taga-
Athenas na iwan ang lupa at maghanda para sa
pakikidigma sa dagat sa maliit na daungan sa isla
ng Salamis, kung saan naganap ang Labanan sa
Salamis (480 BCE). Sa okasyong ito,
nagtagumpay ang mga taga-Athenas sa
pangunguna ni Themistocles.
15. Labanansa
Thermopylae
(480bce)
Sa taong 479 BCE, hinarap ng nagkakaisang hukbo ng
mga Griyego ang mga Persyano sa Labanan sa Plataea.
Natapos ang Digmaang Persyano sa pagkatalo ni Xerxes.
Ang pagkabigo ng mga Persiano sa labang ito ang
nagdulot ng pagtatapos ng kanilang pagsalakay sa
Europa, at nagresulta sa kalayaan ng mga lungsod sa
Ionia mula sa kamay ng mga Persiano..
16. Epektong
Digmaang
Persyano
Sa pagtatapos ng Digmaang Persiyano, ang lahat ng
lungsod-estado sa Greece ay nakaramdam ng bagong
kalayaan at naging tiwala sa kanilang kakayahan sa
pagdepensa ng kanilang bansa. Upang mapanatili ang
kaligtasan ng buong Greece, nagkasundo ang mga Griyego
na magtatag ng alyansa, ang tinatawag na Delian League.
Sa mga sandaling ito, ang Athens ay unti-unting umangat
bilang pangunahing estado ng grupo. Sinimulan nilang
ituring ang kanilang kapwa lungsod-estado bilang mga
nasasakupan at itinuring ang buong alyansa bilang isang
bansa. Inatasan ng mga taga-Athenas ang kanilang sarili
bilang pinakamakapangyarihang lungsod-estado sa ilalim
ng Imperyong Athenian. Ipinagdiriwang ang panahong ito
bilang Gintong Panahon ng Athens dahil sa tagumpay na
naabot ng Athens sa ilalim ng pamumuno ni Pericles.