際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
AP III - Ang mga Kabihasnan sa Amerika
Mga Unang Ugnayang Asya-Amerika
 Noong ika-13 siglo B. C. E., umusbong ang
pinakaunang kabihasnan sa Amerika  ang mga
Olmec sa kasalukuyang Mexico.
 Sa pagtatapos ng Ice Age, tinakpan ng mga glacier
ang malalaking bahagi ng North America at
Europe.
 Bering Strait  matatagpuan sa pagitan ng Asya at
North America na sinasabing isang dating tuyong
lupain na tila nagsisilbing tulay sa dalawang
kontinente.
Bering Strait
 Sa pagkatunaw ng mga glacier at pagkawala
ng mga tulay na lupa mula Asya, naputol ang
ugnayan ng mga tao sa Amerika mula sa iba
pang mga kabihasnang umusbong sa ibat
ibang panig ng daigdig.
Heograpiya ng Mesoamerika
 Ang Mesoamerica ay ang rehiyon mula sa
gitnang Mexico hanggang Central America.
 Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang
mga ilog ng Panuco at Santiago.
 Ang katimugang hangganan ay tumatakbo
mula sa baybayin ng Honduras at Atlantic
hanggang sa gilod o slope ng Nicaragua sa
Pacific at sa Tangway ng Nicoya sa Costa Rica.
AP III - Ang mga Kabihasnan sa Amerika
 Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang
malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El
Salvador at kanlurang bahagi ng Honduras.
 Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba ng
elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay
nagdudulot ng ibat ibang uri ng klima at
ekolohiya sa mga rehiyon.
 Sa aspetong kultural, ang Mesoamerica ay
nahahati sa dalawang bahagi. Una, saklaw nito
ang lupain mula sa gitnang bahagi ng Mexico
patungo sa kanluran at hilaga ng Isthmus of
Tehuantepec. Ikalawa, sakop nito ang rehiyon ng
Maya sa bahaging silangan at katimugan.
Ang mga Pamayanang Nagsasaka
(Bago 2000 BCE  1500 BCE)
 Ang mga sinaunang tao
sa Mesoamerica ay
nagtanim ng mais at iba
pang mga produkto sa
matabang lupain ng
Valley of Mexico noon
pa mang 3500 BCE.
 Sa pagitan ng 2000 BCE at 900 BCE, nagkaroon
ng mga pulitikal at panlipunang kaayusan.
 Sa maraming rehiyon, ang maliliit subalit
makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon
ng mga pinuno.
 Nagkaroon din ng ilang mga angkang
pinangibabawan ang aspetong
ekonomiko, pulitikal at relihiyon.
 Ang pinakakilala sa mga bagong tatag ng
lipunan ay ang Olmec.
Ang mga Olmec
(Circa 1500 BCE  500 BCE)
 Olmec  nangangahulugang rubber people
dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit
ng dagta ng mga punong rubber o goma.
 Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural.
Ang sistema ng irigasyon ay nagbigay-daan
upang masaka ang kanilang lupain.
 Sila rin ay nakagawa ng mga kalendaryo ay
gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may
pagkakatulad sa hieroglyphics.
 Nakalinang na rin sila ng ilang mga katangi-
tanging akda ng sining.
 Naunawaan na rin nila ang konsepto ng Zero
sa pagtutuos.
 Pok-ta-pok  panritwal
na larong tila
kahalintulad ng larong
basketball subalit ang
mga manlalaro ay
hindi maaaring
gumamit ng kanilang
mga kamay ang bolang
yari sa goma.
 Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglililok ng
mga anyong ulo mula sa mga bato na ang
karamihan ay umaabot sa 18 tonelada at taas
na 14 talampakan.
 Ang mga Olmec ay nakagawa din ng mga
istrukturang hugis piramide sa mga ibabaw ng
umbok ng lupa na nagsisilbing lugar-
sambahan ng kanilang mga diyos.
 Sentral ng paniniwalang Olmec ang hayop na
jaguar na pinakakinatatakutang maninila sa
Central at South America. Ang jaguar ay
naging simbolo ng paghahari sa mga
kabihasnan sa Mesoamerica.
 Dalawa sa mga sentrong Olmec ay ang San
Lorenzo at ang La Venta. Ang mga lugar na ito ay
mga sentrong pangkalakalan kung saan ang mga
produktong tulad ng jade, obsidian at serpentine
ay nagmumula pa sa malalayong lugar tulad ng
Costa Rica.
 Katulad ng iba pang mga kulturang umusbong sa
America, ang kabihasnang Olmec ay humina at
bumagsak. Sinasabing sila ay maaaring
nakihalubilo sa iba pang mga pangkat na
sumakop sa kanila. Gayunpaman, ang mga
sinaunang taong sumunod sa kanila ay nagawang
maitatag ang dakilang lungsod ng Teotihuacan.
Ang mga Teotihuacan
(200 BCE  750 CE)
 Teotihuacan  Nangangahulugang tirahan ng
diyos.
 Sa pagsapit ng 200 B. C. E., ang ilan sa mga lugar
sa Valley of Mexico ay naging mas maunlad dahil
sa ugnayang kalakalan at pagyabong ng
ekonomiya. Isa sa pinakadakila at pinakamalaking
lungsod sa panahong ito ay ang Teotihuacan.
AP III - Ang mga Kabihasnan sa Amerika
 Ang mga piramide, liwasan at lansangan ay
nagbigay ng karangyaan, kadakilaan at
kapangyarihan sa lungsod.
 Ang mga pinuno nito ay nagawang makontrol
ang malaking bahagi ng Valley of Mexico.
 Naging sentrong pagawaan ang lungsod at
nagkaroon ng monopolyo sa mahahalagang
produkto.
 Matagumpay na pinamunuan ng nobilidad
ang malaking bahagdan ng populasyon.
 Quetzalcoatl  kilala
rin bilang ang
Feathered Serpent
God, ang
pinakamahalagang
diyos ng mga
Teotihuacan.
Pinaniniwalaang sa
kanya nagmula ang
ibat ibang elemento
ng kanilang
kabihasnan.
 Noong 600 C. E., ang ilang mga tribo sa hilaga
ay sumalakay sa lungsod at sinunog ang
Teotihuacan. Mabilis na bumagsak ang
lungsod matapos ang 650 C. E. Ang paghina ng
lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa
karatig-lugar, tagtuyot at pagkasira ng
kalikasan.
Ang mga Maya
(1000 BCE  900 CE)
 Kasabay ng pagpapalawig ng Teotihuacan, ang
mga Maya ay nagtatayo ng kanilang sentrong
panrelihiyon sa Yucatan Peninsula kung saan
nagtatagpo ang Mexico at Guatemala sa
kasalukuyan.
 Malaiban sa nabanggit, dalawa pang mas
naunang sentrong Maya ang naitayo sa Uaxactun
at Tikal.
 Halach Uinic 
Nangangahulugang
tunay na lalaki. Mga
pinuno na nagpalawig ng
mga sentrong
panrelihiyon upang
maging lungsod-estado.
 Isang sistemang
agrikultural ang
pinasimulan din ng
Maya, ang pagkakaingin.
Ang pangunahing pananim
nila ay
mais, patani, kalabasa, avo
cado, chili
pepper, pinya, papaya at
cacao. Dahil sa
kahalagahan ng agrikultura
sa Maya, ang sinamba
nilang diyos ay may
kaugnayan sa
pagtatanim, tulad ng ulan
at mais.
 Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan
matapos ang 600 C. E. Subalit sa pagtatapos
ng ikalawang siglo C. E., ang ilang mga sentro
ay nilisan, ang paggamit ng kalendaryo ay
itinigil at ang mga istrukturang panrelihiyon at
estado ay bumagsak.
 Ayon sa ilang mga dalubhasa, maaaring ang
pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon
at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga
dahilan ng paghina nito.
Ang mga Aztec
(Circa 1325 BCE  1521 CE)
 Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na
nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at unti-unting
tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit
ng ika-12 siglo C. E.
 Ang salitang Aztec ay nangangahulugang isang
nagmula sa Aztlan, isang mitikong lugar sa
hilagang Mexico.
 Ang ekonomiya ng Aztec ay nakabatay sa
pagtatanim. Ang mga lupa sa paligid ng mga lawa
ay mataba subalit hindi lubos malawak para sa
buong populasyon.
 Chinampas  Mga artipisyal na pulo na kung
tawagin ay mga floating garden sa gitna ng
lawa.
 Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay
taimtim na umaasa sa mga pwersa ng
kalikasan at sinasamba ang mga ito bilang
diyos.
 Huitzilopochtli  Ang
pinakamahalagang
diyos ng mga Aztec. Ang
diyos ng araw.
 Tialoc  Diyos ng ulan.
 Quetzalcoatl  Ang diyos ng hangin para sa
mga Aztec.
 Naniniwala ang mga Aztec na kailangang
laging malakas ang mga diyos upang
mahadlangan nila ang masasamang diyos na
sirain ang daigdig.
 Sa pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula ang
malawakang kampanyang militar at
ekonomiko na mga Aztec.
 Tlacaelel  Itinaguyod
niya ang pagsamba
kay Huitzilopochtli.
 Ang mga Aztec ay
mahuhusay na mga
inhinyero at
tagapagtayo ng mga
istruktura tulad ng
mga kanal o aqua
duct, mga
dam, gayundin ng
sistema ng
irigasyon, liwasan at
mga pamilihan.
 Hernando Cortez 
Noong
1519, pinamunuan
niya ang
ekspedisyon ng
Espanya na
nanakop sa Mexico.
 Moctezuma II 
Ang pinuno ng mga
Aztec nang
dumating ang mga
Espanyol.
 Taong 1521, tuluyang bumagsak ang
Tenochtitlan. Sa pagsapit ng 1680, ang dating
tinatayang 1.2 milyong kataong naninirahan sa
dating sentrong Aztec ay naubos dahil sa
epidemya ng bulutong, pang-
aalipin, digmaan, labis na paggawa at
pagsasamantala. Sa kabuuan, tinatayang
naubos ng mula sa 85 hanggang 95 bahagdan
ng kabuuang katutubong populasyon ng
Mesoamerica sa loob lamang ng 160 taon.

More Related Content

AP III - Ang mga Kabihasnan sa Amerika

  • 2. Mga Unang Ugnayang Asya-Amerika Noong ika-13 siglo B. C. E., umusbong ang pinakaunang kabihasnan sa Amerika ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico. Sa pagtatapos ng Ice Age, tinakpan ng mga glacier ang malalaking bahagi ng North America at Europe. Bering Strait matatagpuan sa pagitan ng Asya at North America na sinasabing isang dating tuyong lupain na tila nagsisilbing tulay sa dalawang kontinente.
  • 4. Sa pagkatunaw ng mga glacier at pagkawala ng mga tulay na lupa mula Asya, naputol ang ugnayan ng mga tao sa Amerika mula sa iba pang mga kabihasnang umusbong sa ibat ibang panig ng daigdig.
  • 5. Heograpiya ng Mesoamerika Ang Mesoamerica ay ang rehiyon mula sa gitnang Mexico hanggang Central America. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Ang katimugang hangganan ay tumatakbo mula sa baybayin ng Honduras at Atlantic hanggang sa gilod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa Tangway ng Nicoya sa Costa Rica.
  • 7. Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador at kanlurang bahagi ng Honduras. Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba ng elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng ibat ibang uri ng klima at ekolohiya sa mga rehiyon. Sa aspetong kultural, ang Mesoamerica ay nahahati sa dalawang bahagi. Una, saklaw nito ang lupain mula sa gitnang bahagi ng Mexico patungo sa kanluran at hilaga ng Isthmus of Tehuantepec. Ikalawa, sakop nito ang rehiyon ng Maya sa bahaging silangan at katimugan.
  • 8. Ang mga Pamayanang Nagsasaka (Bago 2000 BCE 1500 BCE) Ang mga sinaunang tao sa Mesoamerica ay nagtanim ng mais at iba pang mga produkto sa matabang lupain ng Valley of Mexico noon pa mang 3500 BCE.
  • 9. Sa pagitan ng 2000 BCE at 900 BCE, nagkaroon ng mga pulitikal at panlipunang kaayusan. Sa maraming rehiyon, ang maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno. Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang aspetong ekonomiko, pulitikal at relihiyon. Ang pinakakilala sa mga bagong tatag ng lipunan ay ang Olmec.
  • 10. Ang mga Olmec (Circa 1500 BCE 500 BCE) Olmec nangangahulugang rubber people dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit ng dagta ng mga punong rubber o goma. Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. Ang sistema ng irigasyon ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain. Sila rin ay nakagawa ng mga kalendaryo ay gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics.
  • 11. Nakalinang na rin sila ng ilang mga katangi- tanging akda ng sining. Naunawaan na rin nila ang konsepto ng Zero sa pagtutuos. Pok-ta-pok panritwal na larong tila kahalintulad ng larong basketball subalit ang mga manlalaro ay hindi maaaring gumamit ng kanilang mga kamay ang bolang yari sa goma.
  • 12. Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglililok ng mga anyong ulo mula sa mga bato na ang karamihan ay umaabot sa 18 tonelada at taas na 14 talampakan.
  • 13. Ang mga Olmec ay nakagawa din ng mga istrukturang hugis piramide sa mga ibabaw ng umbok ng lupa na nagsisilbing lugar- sambahan ng kanilang mga diyos.
  • 14. Sentral ng paniniwalang Olmec ang hayop na jaguar na pinakakinatatakutang maninila sa Central at South America. Ang jaguar ay naging simbolo ng paghahari sa mga kabihasnan sa Mesoamerica.
  • 15. Dalawa sa mga sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at ang La Venta. Ang mga lugar na ito ay mga sentrong pangkalakalan kung saan ang mga produktong tulad ng jade, obsidian at serpentine ay nagmumula pa sa malalayong lugar tulad ng Costa Rica. Katulad ng iba pang mga kulturang umusbong sa America, ang kabihasnang Olmec ay humina at bumagsak. Sinasabing sila ay maaaring nakihalubilo sa iba pang mga pangkat na sumakop sa kanila. Gayunpaman, ang mga sinaunang taong sumunod sa kanila ay nagawang maitatag ang dakilang lungsod ng Teotihuacan.
  • 16. Ang mga Teotihuacan (200 BCE 750 CE) Teotihuacan Nangangahulugang tirahan ng diyos. Sa pagsapit ng 200 B. C. E., ang ilan sa mga lugar sa Valley of Mexico ay naging mas maunlad dahil sa ugnayang kalakalan at pagyabong ng ekonomiya. Isa sa pinakadakila at pinakamalaking lungsod sa panahong ito ay ang Teotihuacan.
  • 18. Ang mga piramide, liwasan at lansangan ay nagbigay ng karangyaan, kadakilaan at kapangyarihan sa lungsod. Ang mga pinuno nito ay nagawang makontrol ang malaking bahagi ng Valley of Mexico. Naging sentrong pagawaan ang lungsod at nagkaroon ng monopolyo sa mahahalagang produkto. Matagumpay na pinamunuan ng nobilidad ang malaking bahagdan ng populasyon.
  • 19. Quetzalcoatl kilala rin bilang ang Feathered Serpent God, ang pinakamahalagang diyos ng mga Teotihuacan. Pinaniniwalaang sa kanya nagmula ang ibat ibang elemento ng kanilang kabihasnan.
  • 20. Noong 600 C. E., ang ilang mga tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod at sinunog ang Teotihuacan. Mabilis na bumagsak ang lungsod matapos ang 650 C. E. Ang paghina ng lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa karatig-lugar, tagtuyot at pagkasira ng kalikasan.
  • 21. Ang mga Maya (1000 BCE 900 CE) Kasabay ng pagpapalawig ng Teotihuacan, ang mga Maya ay nagtatayo ng kanilang sentrong panrelihiyon sa Yucatan Peninsula kung saan nagtatagpo ang Mexico at Guatemala sa kasalukuyan. Malaiban sa nabanggit, dalawa pang mas naunang sentrong Maya ang naitayo sa Uaxactun at Tikal.
  • 22. Halach Uinic Nangangahulugang tunay na lalaki. Mga pinuno na nagpalawig ng mga sentrong panrelihiyon upang maging lungsod-estado.
  • 23. Isang sistemang agrikultural ang pinasimulan din ng Maya, ang pagkakaingin. Ang pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, avo cado, chili pepper, pinya, papaya at cacao. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim, tulad ng ulan at mais.
  • 24. Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 C. E. Subalit sa pagtatapos ng ikalawang siglo C. E., ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil at ang mga istrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak. Ayon sa ilang mga dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito.
  • 25. Ang mga Aztec (Circa 1325 BCE 1521 CE) Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at unti-unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C. E. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang isang nagmula sa Aztlan, isang mitikong lugar sa hilagang Mexico. Ang ekonomiya ng Aztec ay nakabatay sa pagtatanim. Ang mga lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos malawak para sa buong populasyon.
  • 26. Chinampas Mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden sa gitna ng lawa.
  • 27. Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga pwersa ng kalikasan at sinasamba ang mga ito bilang diyos. Huitzilopochtli Ang pinakamahalagang diyos ng mga Aztec. Ang diyos ng araw.
  • 28. Tialoc Diyos ng ulan. Quetzalcoatl Ang diyos ng hangin para sa mga Aztec. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos upang mahadlangan nila ang masasamang diyos na sirain ang daigdig. Sa pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang militar at ekonomiko na mga Aztec.
  • 29. Tlacaelel Itinaguyod niya ang pagsamba kay Huitzilopochtli.
  • 30. Ang mga Aztec ay mahuhusay na mga inhinyero at tagapagtayo ng mga istruktura tulad ng mga kanal o aqua duct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon, liwasan at mga pamilihan.
  • 31. Hernando Cortez Noong 1519, pinamunuan niya ang ekspedisyon ng Espanya na nanakop sa Mexico. Moctezuma II Ang pinuno ng mga Aztec nang dumating ang mga Espanyol.
  • 32. Taong 1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan. Sa pagsapit ng 1680, ang dating tinatayang 1.2 milyong kataong naninirahan sa dating sentrong Aztec ay naubos dahil sa epidemya ng bulutong, pang- aalipin, digmaan, labis na paggawa at pagsasamantala. Sa kabuuan, tinatayang naubos ng mula sa 85 hanggang 95 bahagdan ng kabuuang katutubong populasyon ng Mesoamerica sa loob lamang ng 160 taon.