5. C. Gamit ang mapa o globo, ipaturo sa mga bata
ang mga likhang guhit:
Prime meridian
International Date Line
Ekwador
North and South Poles
Artic Circles
Antarctic Circles
BALIK ARAL
6. ï‚¢ Maghanda ng apat na thermometer na
ipagagamit sa bawat pangkat. Pangkatin sa apat
ang klase at ipakuha ang temperatura sa silid-
aralan, sa isang silid na may aircon, sa labas ng
silid-aralan, at sa bagong kulong tubig.
PANGKATANG GAWAIN
7. PANGKAT #1- silid-aralan,
PANGKAT #2- sa isang silid na may aircon o sa
tanggapan ng punong guro,
PANGKAT #3- sa labas ng silid-aralan, at
PANGKAT #4- sa bagong kulong tubig
PANGKATANG GAWAIN
8. ï‚¢ a.Ano ang temperature ng silid aralan? Ng silid
na may aircon? Sa labas ng silid-aralan? Sa
bagong kulong tubig?
ï‚¢ b.Mataas ba ito o mababa?
ï‚¢ c.Ano ang nadarama kapag mataas ang
temperatura?
ï‚¢ d.Ano ang nadarama kapag mababa ang
temperatura?
ï‚¢ 3.Magpabalita sa harapan ng klase tungkol sa
klima ng bansa. Iugnay ang mga kasagutan ng
bata sa aralin.
PANGKATANG GAWAIN
10. KLIMA
ï‚¢ Ang klima ay ang pangkalahatang
kalagayan ng panahon sa isang lugar na
may kinalaman sa atmospera o hanging
nakapaligid sa mundo., temperatura o ang
sukat ng init o lamig ng paligid, at iba pang
nakakaapekto sa pamumuhay ng mga nilalalang
dito
11. TEMPERATURA
Ang Temperatura ay tumutukoy sa
nararanasang init o lamig sa isang lugar. May
katamtamang klima ang Pilipinas sapagkat
nararanasan sa bansa ang hindi gaanong init at
lamig. Karaniwang umaabot sa 31°C ang
pinakamataas na temperature at hindi
bumababa sa 23°C ang pinakamababang
temperatura. Ngunit dahil sa tintawag na
climate change nalalagpasan ang pinakamataas
na temperatura mula sa 37°C hanggang 40°C
kung panahon ng tag-araw sa bansa. Naitala ito
sa Lungsod ng Tuguegarao.
12. BALITA
ï‚¢ Pinakamainit na temperatura sa Dagupan
ngayong taon, naitala
ï‚¢ Naranasan sa Dagupan City kahapon,
Miyerkoles, ang maituturing na pinakamainit na
temperatura ngayong taon.
ï‚¢ Pumalo sa 37.8 degrees celsius ang temperatura
sa lungsod.
ï‚¢ Sa pakiramdam ng katawan o heat index,
umaabot ito sa 46 degrees celsius.
13. DAMI NG ULAN
ï‚¢ Ang dami ng ulan ay isa rin sa mga salik na may
kinalaman sa klima ng bansa. Nakabatay sa
dami ng ulang tinatanggap ng isang lugar ang
uri ng klimang nararanasan sa bansa. May apat
na uri ng klima sa sa bansa
14. ï‚¢ Ang temperatura at dami ng ulan ang mga salik na
may kinalaman sa klima ng bansa.
ï‚¢ Ang hanging monsoon ay ang paiba-ibang direksyon
ng ihip ng hangin kung saan mainit o malamig ang
lugar.
ï‚¢ Ang amihan ay malamig na hangin buhat sa
hilagang-silangan.
ï‚¢ Ang hanging habagat ay mainit na hangin buhat sa
timog-kanluran.
ï‚¢ May apat na uri ang klima sa Pilipinas ayon sa dami
ng ulan.
ï‚¢ Ang bagyo ay ang patuloy na paglakas ng hangin na
namumuo sa isang lugar. Kumikilos ito pakanan
papuntang gitna.
ï‚¢ May apat na babalang bilang ang bagyo ayon sa bilis
ng hangin sa bawat oras.
15. GAWAIN A
ï‚¢ Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Gamit ang
globo, isulat sa papel ang mga bansang may klimang
tropikal. Tatawagin ng guro ang bawat pangkat
upang magbigay ng bansang nailista nila. Isang
bansa lamang ang ibibigay ng bawat pangkat sa
tuwing magtatanong ang guro. Gagawin ito ng paulit-
ulit. Ang pangkat na hindi na makapagbibigay ng
sagot ay hindi na kasali sa laro.
ï‚¢ Kumuha ng kapareha. Sumulat ng limang maaaring
gawin ng mga naninirahan sa isang bansang tropikal
tulad ng Pilipinas. Ibahagi sa kapareha ang iyong
mga naisulat.
ï‚¢ Halimbawa: Maligo sa dagat lalo na kapag mainit
ang panahon.
16. ï‚¢ Kopyahin ang tsart sa sagutang papel. Isulat sa
unang hanay ang magagandang bagay na
nararanasan sa isang bansang tropikal at sa
ikalawang hanay naman ang hindi.
Maganda Hindi Maganda
18. MGA BABALA NG BAGYO
ï‚¢ Gumagamit ang Philippine Atmospheric,
Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA) ng mga babala ng
bagyo upang ipaabot sa mga mamamayan kung
gaano kalakas o kahina ang dating ng hanging
dulot nito. Ang mga babalang ito ay may bilang 1
hanggang 4.
19. ï‚¢ Babala Bilang 1. Kapag ang bilis ng hangin ay
nasa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras sa
loob ng 36 na oras.
ï‚¢ Babala Bilang 2. Kapag ang bilis ng hangin ay
nasa 60 hanggang 100 kilometro bawat oras sa
loob ng 24 oras.
ï‚¢ Babala Bilang 3. Kapag ang bilis ng hangin ay
nasa 100 hanggang 185 kilometro bawat oras sa
loob ng 18 oras.
ï‚¢ Babala Bilang 4. Kapag ang bilis ng hangin ay
hindi bababa sa 185 kilometro bawat oras sa loob
ng 12 oras.
MGA BABALA NG BAGYO
21. GAWIN MO
GAWAIN A.
ï‚¢ Gumawa ng mapang pangklima sa tulong ng
pangkulay. Kulayan ng pula ang mga bahaging
kabilang sa unang uri. Kulayaan ng dilaw ang
mga bahaging kabilang sa ikalawang uri.
Kulayaan ng asul ang mga bahaging kabilang sa
ikatlong uri. Kulayaan ng berde ang bahaging
kabilang sa ikaapat na uri.
23. ï‚¢ Pangkatang Gawain: Hahatiin ang mga mag-aaral sa
apat na grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng show me
board at ilalagay ang kanilang mga sagot. Itanong sa
mga mag-aaral.
a.Anong klima mayroon ang bansang Pilipinas?
b.Ano-ano ang dalawang panahon ng Pilipinas?
c. Ito ay tumutukoy sa lamig at init ng isang bansa o
lugar.
d.Lugar sa Pilipinas na tinaguriang the summer capital
ng Pilipinas.
e. Ano-ano ang mga lugar sa Pilipinas ang may mataas
na temperatura.
2.Magdaos ng ilang minutong pagbabalitaan hinggil sa
lagay ng pnahon.
24. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1.Ano ang epekto ng climate change sa temperature
ng bansa kung tag-init o tag-araw?
2. Paano nagkakaroon ng bagyo sa Pilipinas?
3.Bakit may mga lalawigan sa bansa na
nakararanas ng maulang klima sa buong taon?
4.Alam mo na may parating na malakas na bagyo.
Ano ang gagawin mo kung ang bahay ninyo ay
malapit sa baybayin? Bakit mo ito gagawin?
5.Ipaliwag ang katangian ng Pilipinas bilang
bansang archipelago.
25. TANDAAN MO
ï‚¢ Pangkatang gawain. Lumikha ng isang simpleng
awit na nagpapakita ng mga katangian ng
Pilipinas bilang isang bansang tropikal. Ibibigay
ng guro ang mga pamantayan sa paglikha nito.
26. ï‚¢ Ang temperatura at dami ng ulan ang mga salik na
may kinalaman sa klima ng bansa.
ï‚¢ Ang hanging monsoon ay ang paiba-ibang direksyon
ng ihip ng hangin kung saan mainit o malamig ang
lugar.
ï‚¢ Ang amihan ay malamig na hangin buhat sa
hilagang-silangan.
ï‚¢ Ang hanging habagat ay mainit na hangin buhat sa
timog-kanluran.
ï‚¢ May apat na uri ang klima sa Pilipinas ayon sa dami
ng ulan.
ï‚¢ Ang bagyo ay ang patuloy na paglakas ng hangin na
namumuo sa isang lugar. Kumikilos ito pakanan
papuntang gitna.
ï‚¢ May apat na babalang bilang ang bagyo ayon sa bilis
ng hangin sa bawat oras.
27. SAGUTIN ANG MGA TANONG. ISULAT SA
SAGUTANG PAPEL ANG LETRA NG
SAGOT.
1. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa?
A. Napakainit sa Pilipinas. C. Malamig at mainit sa
Pilipinas.
B. Napakalamig sa Pilipinas. D. Hindi gaanong mainit at
malamig sa Pilipinas.
2. Saang lungsod nakapagtala ng pinakamataas na temperatura?
A. Lungsod ng Tuguegarao C. Lungsod ng Tagaytay
B. Lungsod ng Baguio D. Metro Manila
3. Saang lalawigan nakapagtala ng pinakamababang temperatura?
A. Baguio C. Bukidnon
B. Tagaytay D. Benguet
4. Saan nagmula ang hanging nagpapaganda sa klima ng bansa?
A. Dagat Kanlurang Pilipinas C. Dagat Celebes
B. Karagatang Pasipiko D. Dagat Luzon
5. Aling lalawigan sa bansa ang nakararanas ng ikaapat na uri ng klima?
A. Bohol C. Catanduanes
B. Marinduque D. Camarines Norte
28. 6. Aling lalawigan ang hindi kabilang sa mga nakararanas ng ikalawang uri ng
klima?
A. Batanes C. Catanduanes
B. Quezon D. Camarines Sur
7. Anong uri ng klima ang may kalahating taon ng tag-araw at tag-ulan?
A. Unang uri C. Ikatlong uri
B. Ikalawang uri D. Ikaapat na
uri
8. Anong uri ng klima ang nararanasan ng mga tao sa lalawigan sa kanlurang
bahagi ng Cagayan at silangang Palawan?
A. Unang uri C. Ikatlong uri
B. IKalawang uri D. Ikaapat na
uri
9. Ito ay tumutukoy sa nararanasang init o lamig sa isang lugar.
A. Dami ng Ulan C. Temperatura
B. Klima D. Ekwador
10. Ito ay hindi pangkaraniwang pangyayari sa kalikasan.
A. Climate change C. humidity
B. Tropic of Cancer D. Monsoon
30. 1. Ang pilipinas ay may klimang tropical.
2. Matatagpuan ang pilipinas sa gitnang latitude.
3. May apat na uri ng klima sa bansa pilipinas batay sa
distribusyon ng ulan.
4. Ang hanging amihan ang nagdudulot ng mainit na hangin
na nanggagaling sa timog-kanlurang bahagi ng bansa.
5. Ang hanging habagat ang nagdudulot ng malamig na
hangin na nanggagaling sa hilagang silangang bahagi ng
bansa.
6. Ang panahon ay nararanasan sa loob ng isang araw.
7. Ang klima ay nararansan sa loob ng mahabang panahon.