ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
Aralin 1
Ibong Adarna: Tanging Lunas sa
Karamdaman ng Haring Fernando
Pinapahalagahan ng ng mga Pilipino ang
kanilang pamilya higit sa lahat.
Itinuturing na pinakapundasyon ng lipunang
Pilipino ang pamilya.
Malapit sa bawat isa ang mga kasapi ng
pamilya..
Lubhang mahirap para sa mga Pilipino ang
mawalay sa sariling pamilya.
Ang pamilyang nagmamahalan ay pundasyon
ng masaya at maunlad na lipunan.
Kung ang pamilya ay may pagdadamayan,
anumang problema ay nalulunasan.
Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
Noong unang panahon may isang hinahangaang hari sa Berbanya.
Haring Fernando
Sa kanyang pamamahala naging masagana ang kanilang
kaharian.
Ang kanyang mga utos at pasiya ay nararapat lamang para
sa bayan.
Ang kaniyang hatol ay labis niyang pinag-iisipan.
Siya ang kabiyak ni Donya Valeriana.
Mayroon silang tatlong anak
Don Pedro – ang panganay, makisig ang tindig.
Don Diego – ang sumunod kay Don Pedro na
sinasabing malumanay.
Don Juan – ang bunso
Sinikap ni Haring Fernando na bigyan ng tamang
edukasyon ang kanyang mga anak.
Ayaw niyang maging hungkag ang mga ulo nito.
Sa pagtuntong sa hustong gulang, tinanong ng hari ang mga anak
kung ano ang kanilang nais sa buhay – ang maging pari o maging
hari.
Maglingkod sa kaharian – kaya sinanay ng amang hari ang mga
anak sa paggamit ng sandata upang sa pagdating ng tamang
panahon ay kaya nilang maipagtanggol ang maunlad nilang
kaharian.
Isang gabi nanaginip nang masama si Haring Fernando.
Nililo at pinaslang ang kaniyang bunsong anak na si Don
Juan.
Ang bangkay ng kaniyang anak ay inihulog sa isang balon.
Labis na nabagabag ang hari sa panaginip kaya hindi na ito
makakain hanggang sa mangayayat.
Nagpatawag ng mediko o manggagamot ang kaharian.
Hindi nila matukoy ang kalikasan ng sakit ng
hari.
Labis ang dalamhati ng reyna at ng tatlong anak
dahil sa pagbagsak ng kalusugan ni Haring
Fernando.
Isang manggagamot ang nakatukoy sa
maaaring makapagpagaling sa hari.
Natukoy niyang isang masamang panaginip ang sanhi ng pagkakasakit
nito.
Natukoy ng manggagamot na ang awit ng isang mahiwagang ibon – ang
ibong Adarna – ang makapagpapagaling sa haring buto’t balat na.
Matatagpuan sa kabundukan ng Tabor ang ibong Adarna.
Humahapon ito sa Piedras Platas kapag gabi upang doo’y humimlay.
Hulihin ang ibon na siyang magpapagaling sa mahal na Haring Fernando.
Nang marinig ng hari, inutusan niya ang panganay na si
Don Pedro na hanapin at dalhin sa kaharian ang ibong
Adarna
Sumakay si Don Pedro ng kabayo
Tatlong buwan niyang tinahak ang kaparangan
Namatay ang kabayo kaya naglakad na lang siya
papuntang bundok Tabor
Nakita niya ang mayabong na punong kumikinang at
may natatanging mga dahon.
Nagpasiya siyang doon muna magpahinga.
Naghintay siya sa pagdapo ng mahiwagang ibon sa
Piedras Platas.
Lumipas ang magdamag si Don Pedro ay nakatulog
sa ilalim ng puno.
Nagkataong sa pagtulog niya’y dumating ang ibong
Adarna.
Pitong ulit na umawit ang ibon at pitong ulit din
itong nagpalit ng balahibo.
Sa pag-awit nito nagliwanag ang Piedras Platas.
Pagkaraan ng pag-awit ng ibong Adarna, ito’y
umipot muna at natakpan si Don Pedro at siya’y
naging bato sa kinasasadlakang puno.
Labis na nag-alala ang kaharian ng Berbanya sa
hindi pagbalik ni Don Pedro. Lingid sa kanilang
kaalaman ang kapalarang sinapit nito.
Sumunod na inatasan ng hari si Don
Diego
Nais niyang mahanap ang kapatid at makuha ang lunas
sa amang haring may sakit.
Tinahak niya ang parang, gubat, bundok, at ilog upang
matalunton ang Tabor.
Limang buwan siyang naglakbay, nahapo at namatay ang
sinasakyan niyang kabayo.
Sa paglalakbay, hindi niya batid na nasa Tabor na siya.
Doon niya namalas ang puno ng Piedras Platas na kumikintab
ang mga daho’t sanga at ang ugat nito’y ginto.
Sinipat niya ang puno at nakita niyang may bato sa ilalim nito
at ligid ang puno ng ginto.
Nahumaling siya sa ganda ng puno hanggang sa di niya
namalayan na maggagabi na.
Nagpahinga siya sa ilalim ng puno hanggang sa dumating ang
mahiwagang ibong Adarna.
Nabighani si Don Diego sa ibong iyon at natuwang may
mahuhuli na siyang lunas para sa amang hari na nagdurusa.
Umawit ang ibong Adarna at napapikit si
Don Diego sa lambing ng awit.
Napahimbing siya at naengkanto
Pitong ulit umawit ang ibon at pitong beses
nagpalit ng balahibo.
Pagkatapos umawit, muling umipot ang ibong
Adarna at napatakan si Don Diego at siya naging
bato.

More Related Content

Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna

  • 2. Aralin 1 Ibong Adarna: Tanging Lunas sa Karamdaman ng Haring Fernando
  • 3. Pinapahalagahan ng ng mga Pilipino ang kanilang pamilya higit sa lahat. Itinuturing na pinakapundasyon ng lipunang Pilipino ang pamilya. Malapit sa bawat isa ang mga kasapi ng pamilya.. Lubhang mahirap para sa mga Pilipino ang mawalay sa sariling pamilya.
  • 4. Ang pamilyang nagmamahalan ay pundasyon ng masaya at maunlad na lipunan. Kung ang pamilya ay may pagdadamayan, anumang problema ay nalulunasan.
  • 5. Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
  • 6. Noong unang panahon may isang hinahangaang hari sa Berbanya. Haring Fernando Sa kanyang pamamahala naging masagana ang kanilang kaharian. Ang kanyang mga utos at pasiya ay nararapat lamang para sa bayan. Ang kaniyang hatol ay labis niyang pinag-iisipan. Siya ang kabiyak ni Donya Valeriana.
  • 7. Mayroon silang tatlong anak Don Pedro – ang panganay, makisig ang tindig. Don Diego – ang sumunod kay Don Pedro na sinasabing malumanay. Don Juan – ang bunso
  • 8. Sinikap ni Haring Fernando na bigyan ng tamang edukasyon ang kanyang mga anak. Ayaw niyang maging hungkag ang mga ulo nito. Sa pagtuntong sa hustong gulang, tinanong ng hari ang mga anak kung ano ang kanilang nais sa buhay – ang maging pari o maging hari. Maglingkod sa kaharian – kaya sinanay ng amang hari ang mga anak sa paggamit ng sandata upang sa pagdating ng tamang panahon ay kaya nilang maipagtanggol ang maunlad nilang kaharian.
  • 9. Isang gabi nanaginip nang masama si Haring Fernando. Nililo at pinaslang ang kaniyang bunsong anak na si Don Juan. Ang bangkay ng kaniyang anak ay inihulog sa isang balon. Labis na nabagabag ang hari sa panaginip kaya hindi na ito makakain hanggang sa mangayayat.
  • 10. Nagpatawag ng mediko o manggagamot ang kaharian. Hindi nila matukoy ang kalikasan ng sakit ng hari. Labis ang dalamhati ng reyna at ng tatlong anak dahil sa pagbagsak ng kalusugan ni Haring Fernando.
  • 11. Isang manggagamot ang nakatukoy sa maaaring makapagpagaling sa hari. Natukoy niyang isang masamang panaginip ang sanhi ng pagkakasakit nito. Natukoy ng manggagamot na ang awit ng isang mahiwagang ibon – ang ibong Adarna – ang makapagpapagaling sa haring buto’t balat na. Matatagpuan sa kabundukan ng Tabor ang ibong Adarna. Humahapon ito sa Piedras Platas kapag gabi upang doo’y humimlay. Hulihin ang ibon na siyang magpapagaling sa mahal na Haring Fernando.
  • 12. Nang marinig ng hari, inutusan niya ang panganay na si Don Pedro na hanapin at dalhin sa kaharian ang ibong Adarna Sumakay si Don Pedro ng kabayo Tatlong buwan niyang tinahak ang kaparangan Namatay ang kabayo kaya naglakad na lang siya papuntang bundok Tabor Nakita niya ang mayabong na punong kumikinang at may natatanging mga dahon. Nagpasiya siyang doon muna magpahinga.
  • 13. Naghintay siya sa pagdapo ng mahiwagang ibon sa Piedras Platas. Lumipas ang magdamag si Don Pedro ay nakatulog sa ilalim ng puno. Nagkataong sa pagtulog niya’y dumating ang ibong Adarna. Pitong ulit na umawit ang ibon at pitong ulit din itong nagpalit ng balahibo. Sa pag-awit nito nagliwanag ang Piedras Platas.
  • 14. Pagkaraan ng pag-awit ng ibong Adarna, ito’y umipot muna at natakpan si Don Pedro at siya’y naging bato sa kinasasadlakang puno. Labis na nag-alala ang kaharian ng Berbanya sa hindi pagbalik ni Don Pedro. Lingid sa kanilang kaalaman ang kapalarang sinapit nito.
  • 15. Sumunod na inatasan ng hari si Don Diego Nais niyang mahanap ang kapatid at makuha ang lunas sa amang haring may sakit. Tinahak niya ang parang, gubat, bundok, at ilog upang matalunton ang Tabor. Limang buwan siyang naglakbay, nahapo at namatay ang sinasakyan niyang kabayo. Sa paglalakbay, hindi niya batid na nasa Tabor na siya.
  • 16. Doon niya namalas ang puno ng Piedras Platas na kumikintab ang mga daho’t sanga at ang ugat nito’y ginto. Sinipat niya ang puno at nakita niyang may bato sa ilalim nito at ligid ang puno ng ginto. Nahumaling siya sa ganda ng puno hanggang sa di niya namalayan na maggagabi na. Nagpahinga siya sa ilalim ng puno hanggang sa dumating ang mahiwagang ibong Adarna. Nabighani si Don Diego sa ibong iyon at natuwang may mahuhuli na siyang lunas para sa amang hari na nagdurusa.
  • 17. Umawit ang ibong Adarna at napapikit si Don Diego sa lambing ng awit. Napahimbing siya at naengkanto Pitong ulit umawit ang ibon at pitong beses nagpalit ng balahibo. Pagkatapos umawit, muling umipot ang ibong Adarna at napatakan si Don Diego at siya naging bato.