1. RAMON DUTERTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Guadalupe, Cebu City
REVISED WORKSHEET IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 7-ASYA:PAGKAKAISA SA GITNA NG PAGKAKAIBA-IBA
Pangalan : __________________________________ Grado at Pangkat:____________________Petsa: ______________
MARKAHAN I/MODYUL 1-Heograpiya ng Asya
Aralin1- Karangiang Pisikal ng Asya
Matapos mong matuklasan ang iyong mga pang-unang kalaaman sa aralin ay atin namang lilinangin ang mga
kaisipang ito sa pamamagitan ng mga ilalatag na teksto at ibang pang materyales na mapagkukunan mo ng mga
impormasyon. Ang pangunahing layunin mo sa bahaging ito ay matutunan at maunawaan ang mga mahahalagang
impormasyon at kaisipan ukol sa konsepto ng Asya, mga paghahating pangrehiyon nito, ang heograpiya at katangiang
pisikal ng Asya, at ang iba't-ibang pananaw sa kontinenteng ito. Gamit ang mga malilikom mong kaalaman, inaasahang
magkakaroon ka ng kabatiran tungkol sa katangiang pisikal ng Asya, at kung gaano kahalaga ang heograpiya at pisikal
na katangian ng Asya upang mabuo ang kabihasnan nito. Ating simulan ang paglinang!
Gawain 4: Cluster Map
Mahalagang pagtuunan ng pansin sa iyong pag-aaral ukol sa Asya ang pag-aaral din ng pisikal na katangian ng
mundo sapagkat malaki ang epekto nito sa kilos at gawain ng tao. Ito ay ang heograpiya. Ang bawat salik nito ay naka-
pagbigay impluwensya sa pagbuo at paghubog ng kabihasnan ng mga Asyano at patuloy na humuhubog sa kanilang
kabuhayan. Pagmasdan mo ang iyong paligid. Alin sa mga nakikita o nararanasan mo ang maituturing mong bahagi ng
pisikal na katangian ng daigdig? Sagutin mo ito sa pamamagitan ng isang concept map o kaya'y cluster map.
Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig.* Kontinente ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa
daigdig. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng lokasyon ng isang kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng
*latitude (distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator) *longitude (mga distansyang angular na
natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian) nito. Ang *Equator ay ang zero-degree latitude at humahati sa
globo sa hilaga at timog na hemisphere nito, at ang *Prime Meridian naman ay ang zero-degree longitude. Nasasakop
ng Asya ang mula 10属 Timog hanggang 90属 Hilagang latitude at mula 11属 hanggang 175属 Silangang longitude.
Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa daigdig. Sa kabuuang sukat nitong mahigit 17 milyong
milya kwadrado (humigit kumulang na 44,936,000 kilometro parisukat), katumbas nito ang pinagsama-samang lupain
ng North America, South America, at Australia, at halos sankapat (村) lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong
() bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.
Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan, at Silangang Asya. Heograpikal
at kultural na sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang -alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural
na aspeto.
Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan,
Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia) Mongolia at Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang
Central Asia o Inner Asia.
Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at Europa. Dito nakalatag
ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait), Gulf States (Yemen, Oman, United Arab
Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran, Israel, Cyprus, at Turkey.
SaTimog Asya matatagpuan ang India; mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan at Bangladesh; mga
bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives.
Ang Timog-Silangang Asya ay nakilala bilang Farther India at Little China dahil sa impluwensya ng mga
nasabing kabihasnan sa kultura ng nito. Ang rehiyong ito ay nahahati sa dalawang sub-regions: ang mainland Southeast
Asia (Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia) at insular Southeast Asia (Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei,
Singapore, East Timor).
Ang Silangang Asya ay binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea, at Taiwan
HEOGRAPIYA
2. MGA KONTINENTE KABUUANG SUKAT
(KILOMETRO KWADRADO)
ASIA 44, 486, 104
AFRICA 30, 269,817
NORTH AMERICA 24, 210, 000
SOUTH AMERICA 17, 820, 852
ANTARCTICA 13, 209, 060
EUROPE 10, 530, 789
AUSTRALIA 7,862,789
KABUUAN 143, 389, 336
Pagsusuri ng Mapa at Teksto
Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakanyahan ng Asya. Mahalagang maunawaan
mo na ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba't- ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos na
nakakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano. Sa iyo ngayo'y ilalahad ang ilang mga mahahalagang kaisipan at
pahayag hinggil sa kapaligirang pisikal ng Asya. Suriin mo ang mga ito upang makapaglahad ng kasagutan sa mga
pamprosesong tanong.
Matatagpuan sa Asya ang iba't-ibang uri ng anyong-lupa gaya ng mga sumusunod:
Bulubundukin o hanay ng mga bundok. Pinakatanyag dito ay ang Himalayas na may habang umaabot sa 2,414 kilometro
o 1,500 milya. Ang Hindu Kush (Afghanistan), Pamir (Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan), Tien Shan
(Hilagang Asya), Ghats (Timog Asya), Caucasus (Azerbaijan, Georgia, Russia at Armenia) at ang Ural (Kanlurang Asya) ay
ilan din sa mga bulubundukin ng Asya.
Bundok. Ang Mt. Everest na nakahanay sa Himalayas ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na
may taas na halos 8,850 metro. Pangatlo naman ang Mt. Kanchenjunga (8,586 metro) na nasa Himalayas din.
Bulkan. Dahil sa ang Insular Southeast Asia ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire, tinatayang nasa humigit ku-
mulang 300 aktibong bulkan ang nasa Asya tulad ng Semeru, Krakatoa, Fuji, Pinatubo, Taal at Mayon.
Talampas o ang kapatagan sa itaas ng bundok. Ang Tibetan Plateu na itinuturing na pinakamataas na talampas sa buong
mundo (16,000 talampakan) at tinaguriang "Roof of the World" ay nasa Asya. Ang talampas ng Deccan na nasa kati-
mugang bahagi ng Indo-Gangentic Plain ng India ay kilala rin.
Disyerto. Ang Gobi Desert na siyang pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo, ay isa lamang sa
mga disyertong matatagpuan sa Asya. Makikita din dito ang mga disyerto ng Taklamakan, Kara Kum, at mga disyerto sa
Iraq, Iran, Saudi Arabia at India.
Kapuluan o Arkipelago. Pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng Indonesia, ang pinakamalaking archipelagic
state sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang na 13,000 mga pulo, ang Pilipinas at ang Japan.
Pulo. Umaabot sa 770 libong milya ang kabuuang sukat ng mga pulo sa Asya at kabilang dito ang Cyprus, Andaman, Sri
Lanka, Maldives, Borneo, Taiwan, at marami pang iba.
Tangway o Peninsula. Lupain din ng mga tangway o anyong lupang nakausli sa karagatan ang Asya. Tinatayang nasa
tatlong milyong milya kwadrado ang sukat nito. Ilan sa mga ito ay ang Turkey, Arabia, India, Korea, at Yamal.
Kapatagan. Halos sangkapat (村) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan. Ang Indo-Gangentic Plain at malaking bahagi
ng Timog Silangang Asya ay bahagi nito.
Lubhang napakahalaga ng bahaging ginampanan ng mga ilog sa Asya. Ang mga baybay-ilog ng Tigris at
Euphrates, Indus, at Huang Ho ay siyag nagsilbing lunduyan ng mga sinaunang kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa
buong daigdig. Maraming mga ilog ang kapakinabangan sa tao gaya ng Lena, Ob, Ganges ( ang sagradong ilog ng mga
Hindu sa Varanasi, India), Brahmaputra, Yangtze, Amur, Jordan, Chao Phraya, Mekong, Irrawady at Salween.
Apat na katangi-tanging lawa ang matatagpuan sa Asya: Ang Caspian Sea na pinakamalaking lawa sa mundo; ang
Lake Baikal na siyang pinakamalalim na lawa,; ang Dead Sea na pinakamaalat na anyong tubig sa buong daigdig; at ang
Aral Sea, ang pinakamalaking lawa sa Asya. Gaya ng iba pang anyong tubig sa Asya, ang mga lawang ito ay nakapagdulot
din ng paghubog sa uri ng pamumuhay ng mga naninirahan dito.
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa mga kaisipan at konseptong naihayag sa itaas, ano ang masasabi mo sa Asya bilang kontinenteng biniyayaan
ng mayamang anyong lupa at anyong tubig?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
2. Paano kaya umaayon ang mga Asyano sa iba't-ibang katangiang pisikal na ito ng Asya? Ihayag ang iyong hinuha.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________