3. Bilugan ang salitang nag-
uugnay sa mga
pangungusap na
nagpapakita ng relasyong
kondisyunal.
4. 1. Mamamasyal tayo bukas
kung matatapos mo ang
homework mo.
2. Kapag nagsikap ka sa
pag-aaral, magtatamo ka
ng magandang buhay.
5. 3. Maglalaro tayo sa labas
sakaling payagan ako.
4. Kung mag-iisip ka ng
negatibo, pasasakitin mo
lang ang ulo mo.
5. Ililibre kita bukas kapag
hindi mo ipagsasabi ang
sikreto natin.
7. Punan ng angkop na mga
salita ang bawat patlang sa
mga pangungusap. Piliin sa
loob ng panaklong ang
angkop na salita.
8. (nakakalito, malubha, tumangis,
nakakahiya, ikinagagalak)
a. ___ ang sakit nito at
ipinaliwanag ni Solampid.
b. ___ nang malakas ang
dalaga sa pagkamatay ng
kanyang ama.
c.Oo, ama,____ ko pong
gawin lahat ng kahilingan
mo.
10. Noong unang panahon,
may mag-asawang datu at bai
sa Agamaniyog na may isang
anak na babae na
nagngangalang Solampid.
Pinag-aral siya sa isang
paaralan sa Antara a Langit na
matatagpuan sa pagitan ng
langit at lupa.
11. Ipinadala siya upang
mag-aral ng Banal na
Quran, hanggang sa
umako siyang
napakagandang dalaga.
Naging guro niya si
Somesen sa Alongan.
12. Hingi nagtagal, nagkasakit
ang datu ng Agamaniyog.
Malubha ang sakit nito at
ipinaalam kay ni Solampid.
Umuwi si Solampid at
pinuntahan ang kanyang ama.
Oh ama, ano ang
nangyari sayo? ang nag-
aalalang tanong ng dalaga.
13. Sumagot sa kanya ang
ama, Mahal kong anak,
malapit na yata akong mawala
sa mundong ito. Gusto kong
basahin mo sa akin ang Quran
bago ako mamatay at huwag
mong kalilimutang mag-abuloy
sa mga mahihirap o magbigay
ng sadaka sa aking
pangalan.
14. Oo, ama, ikinagagalak
ko pong gawin lahat ng
kahilingan mo, ang sagot
ni Solampid. Umupo siya sa
tabi ng amang maysakit at
sinimulan niya ang pag-awit
ng bawat bersikulo ng
Quran.
15. Nang marinig ang kanyang
boses, tumigil ang ihip ng
hangin at ang mga dahon ay
tumigil sa paggalaw. Pati na rin
ang mga ibon ay tumigil sa
paglipad upang makinig sa pag-
awit ni Solampid. Pagkatapos
na mabasa niya ang Quran,
namatay ang kanyang ama.
16. Tumangis nang malakas
ang dalaga, Nanalangin ang
lahat sa kaisa-isa nating
Panginoon! Oh ama, bakit mo
kami iniwan sa mundong ito?
Umiiyak si Solampid patungo
sa kanyang ina at niyakap ito.
Umiiyak din ang lahat ng nasa
bahay.
17. Inihanda ang datu para sa
kanyang libing. Pagkatapos ng
pagdadasal, inilibing ang datu
sa Agamaniyog. Sumunod
naman ang pang-araw-araw na
dasal at pagkatapos, bumalik
na si Solampid sa Antara a
Langit.
18. Pagkatapos ng
ikasandaang araw mula
nang mamatay ang ama
ni Solampid, bumalik na
siya para sa isang
kaugaling sinusunod ng
kanyang ama.
19. Tinulungan ni Solampid ang
kanyang ina sa paghahanda ng
pagkain para sa mga bisita. Nang
mga oras na iyon, nanonood sa
kanya ang kanyang guro na si
Somesen sa Alongan at inihulog
niya ang isang sulat na may
larawan niya para kay Solampid.
Sinadya niyang ihulog ang mga ito
sa harap ni Solampid.
20. Kinuha ng baing
Agamaniyog ang sulat na may
larawan. Pumasok kagaad ito
sa kanyang silid at itinago ang
sulat. Bago niya itinago,
tiningnan muna niya ang
larawan ni Somesen sa
Alongan at humanga siya sa
kagandahang lalaki nito.
21. Abala naman si
Solampid sa paghahanda ng
pagkain para sa mga bisita
at pagkatapos ay pinakain
niya ang lahat ng mga
naroroon.
Para sa alaala ng
kanyang ama ang
paghahandang ito.
22. Pagkatapos ng lahat,
pumunta na si Solampid sa
lamin, ang tore ng prinsesa
upang matulog. Nanaginip siya
na may isang matandang lalaki
na pumunta sa kanya at
nagsabing, Solampid, hindi mo
ba alam na si Somesen ay
naghulog ng sulat at larawan
para sa iyo ngunit kinuha ng
inyong ina at doon itinago sa
kanyang kahon?
23. Gumising ka at buksan mo
ang kahon at kunin mo ang
sulat. Gumising si
Solampid at sinunod ang
sinabi ng matanda. At
natagpuan niya doon ang
sulat at larawan. Binasa
niya ang sulat.
24. Para sa ina ni Solampid ang
sulat at nagsasabing umiibig si
Somesen sa Alongan kay
Solampid at gusto rin niyang
pakasalan ito. Sinunog ni
Solampid ang sulat. Kinuha
niya ang larawan at dali-dali
siyang umalis ng bahay.
25. Nang dumating ang
kanyang ina, kaagad
namalayan niyang bukas ang
kanyang kahon. Nalaman
niyang wala na ang larawan at
sulat. Alam din niya na walang
ibang magbubukas ng kahon
maliban sa kanyang anak.
26. Pumunta siya sa lamin
ngunit wala na si Solampid.
Bumaba siya at nakita niya
itong papalayo na sa
torongan. Galit na galit ang
ina ni Solampid. Kumuha ito
ng kutsilyo at nagbalak na
patayin si Solampid.
27. Muntik na niyang maabutan ito
ngunit tumalon ito sa ilog.
Lumangoy siya hanggang sa
makarating sa kabilang dako
ng ilog. Lumakad siya nang
lumakad hanggang sa
makarating siya sa isang bahay
na may dalawang matanda.
28. Bingi ang isang matanda at bulag
naman ang isa. Pumasok kaagad
si Solampid sa bahay at nagtago.
Dali-dali niyang isinara ang
pinto. Maya-maya, dumating ang
kanyang ina, hinanap si
Solampid doon ngunit nabigo
siya. Hindi niya nakita si
Solampid kaya bumalik siya sa
kanilang bahay.
29. Pagkaraan ng ilang araw,
may tatlong magkakapatid na
binatang dumating sa bahay
na pinagtataguan ni Solampid.
Nagtago si Solampid sa silid
ngunit nakita rin siya. Nakinig
ang magkakapatid sa kanyang
kuwento at napagkasunduan
nilang ituring siya na kanilang
sariling kapatid.
30. Dahil sa natuklasan din nilang
may maganda itong boses,
pinakiusapan ang kanila
gurong si Rajah Indarapatra na
tanggapin si Solampid na isa sa
kanilang mga mag-aaral. Hindi
nagtagal umibig si Rajah
Indarapatra kay Solampid at
pinakasalan ito.
31. 1. Bakit maraming nabibighani
sa anak ng datu ng
Agamaniyog?
2. Ano ang pinakiusap gawin
ng datu sa kanyang anak na
gawin nito bago siya bawian
ng buhay?
32. 3. Isalaysay ang naging
pagtatagpo ni Solampid at
Somesen.
4. Sa inyong palagay, bakit
itinago ng kanyang ina ang
mga liham para sa kanya mula
kay Somesen?
33. 5. Paano nalaman ni Solampid
ang tungkol sa liham?
6. Isalaysay ang naging
pagtakas ni Solampid mula sa
kanilang tahanan.
7. Sino ang pinakasalan ni
Solampid?