Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnansa daigdig
1 of 21
Downloaded 307 times
More Related Content
Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnansa daigdig
2. Umunlad ang mga karanasan ng
tao sa larangan ng pamumuno,
paglinang ng mga kaalaman at
kasanayan, at maging sa
kanilang pakikipagugnayan sa
isat isa upang matubunan ang
kanilang mga pangangailangan.
3. Halos lahat ng mga sinaunang kabihasnang naitatag ng
tao ay sumibol malapit sa mga lambak ilog. Mga lupain
kung saan matatagpuan ang matabang lupain at
malapit sa pinagmulan ng ilog.
Ang mga ilog ay napagkukunan ng pagkain at inumin
para sa tao at alagang hayop.
Mataba ang mga lupa sa mga lugar na malapit sa ilog
dahil sa taunang pagtaas ng tubig na nag-iiwan ng mga
mineral na nakatutulong sa mga pananim.
Ginagamit ang daloy ng ilog upang gumawa ng
irigasyon at patubig para sa mga taniman.
Ginagamit din ito sa paglalakbay na nakatulong upang
lumago ang kalakalan at pakikipag-ugnayan sa ibat
ibang lupain.
4. Ang mga lungsod ang naging bunga ng paglaki ng populasyon ng
tao, paglakas ng kalakalan at pagdami ng pagkain, kung kaya
naging simbolo na rin ito ng pag-unlad.
Ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang maunlad na antas ng
kultura na may taglay na sumusunod na mga katangian:
- Matatag na pamahalaan
- Maayos na relihiyon
- May kasanayan ang bawat mamamayan tungo sa
pagtutulungan
- May ekstruktura ng tao sa lipunan o ibat ibang antas ng tao
sa lipunan
- May sistema ng panulat
Ang MESOPOTAMIA, EHIPTO, INDIA, at TSINA ang mga sinaunang
kabihasnan.
5. Sa Panahong Neolitiko, mga lagalag na tagapag-alaga ng
hayop o pastol ang nanirahan sa katimugang bahagi ng
Mesopotamia.
Nagtayo sila ng mga dam o irigasyon at mga dike upang
mapigilan ang pagbaha ng ilog sa kanilang sakahan.
Pagsasaka ang kanilang kabuhayan.
Naglagay sila ng kanal mula sa ilog patungong sakahan
sa hilagang lupain.
Nakihalubilo ang mga Sumerian sa mga magsasaka at sa
mga taga-Timog Mesopotamia, hindi naglaon tinawag na
Sumer ang lugar na tinirhan nila.
Ang ilog Tigis at Euphrates ay naging lungsod-estado.
6. Sa hilagang silangan ng Aprika, sa baybayin ng ilog Nile naitatag
ang sibilisasyon ng Ehipto.
Ang mga pamayanan sa Ilog Nile ay unti-unting napag-isa ni
Menes.
Noong 3100 BCE niya ito naisagawa.
Ang pamahalaan ni Menes ang unang dinastiya sa Ehipto.
Mayroong hindi bababa sa 30 na dinastiya ang Ehipto.
Bawat dinastiya ay may kanya-kanyang kapangyarihan hanggang
mapalitan o matanggal ang mga namumuno o hanggang sa wala
nang magmana upang mamuno.
Tumulong ang malalakas na dinastiya upang pagisahin ang buong
kaharian.
Nahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng Ehipto:
- Matandang Kaharian (2686-2181 BCE)
- Gitnang Kaharian (2040-1786 BCE)
- Bagong Kaharian (1570-1090 BCE)
7. Nagsimula ito sa pamumuno ni Paraon Menes.
Sa panahong ito itinatag ang isang sentralisadong pamahalaan sa
Ehipto.
Ang Lumang Kaharian ay tinatawag na Panahon ng Piramide
dahil nagsimula ang pagpapatayo ng bawat paraon ng libingan na
hugies piramide.
Ang unang piramide ay kay Paraon Djoser na baibaitang ang
disenyo na matatagpuan sa Saqqara.
Ang mga piramide ay patunay na mayroong matatag na
pamahalaan ang kabihasnan ng Ehipto.
Sa panahon ni Paraon Khufu o Cheops pinasimulan ang
pagpapagawa ng piramide na nagsisilbing libingan ng mga paraon.
Naging kahanga hanga ang likha noong sinaunang panahon kaya
ang Lumang Kaharian ay tinatawag na dakilang panahon ng mga
piramide.
8. Lumaganap ang kabulukan sa pamahalaan at
naubos lamang ang kaban ng bayan sa
pagpapatayo ng mga piramide.
Lumaganap ang kaguluhan, at nagpaligsahan
sa kapangyarihan ang mga maharlika.
Naganap ang maraming labanan hanggang sa
humina at nagkawatak-watak ang Matandang
Kaharian.
Ang huling hari ay napaalis sa trono at umupo
si Amenemhet I, isang malakas na lider mula sa
Thebes.
9. Ang Gitnang Kaharian ay nagsimula sa pamumuno ni haring
Mentuhotep II.
Sa panahong ito muling napagisa ang Ehipto at pinalakas muli ni
Mentuhotep II ang sentralisadong pamamahala at kalakalan.
Ang panahon ding ito ay tinatawag na Panahon ng Maharlika
dahil ang mga maharlika ang nagpakilos sa pamahalaan.
Si Amenemhet I ang nagpalago at nagpaunlad ng sibilisasyon ng
Ehipto, tumagal ito ng 250 na taon at nakilala sa kasaysayan.
Si Amenemhet I ang nagbigay-diin sa isang pananampalataya na
kumikilala sa iisang Diyos na si Amon.
Nagpatayo rin siya ng kuta upang magsilbing proteksiyon sa mga
posibleng mananalakay na magmumula sa silangan.
10. Pinasimulan din ang pagtatalaga sa anak na lalaki bilang katuwang
niya sa pamamahala(co-regent) sa katauhan ni Senusret I.
Pinalawak din niya ang ugnayang pangkalakalan sa Palestina,
Syria, at Crete sa Mediterranean kayat muling lumakas ang
kapangyarihan ng mga maharlika at pari.
Hindi nakayanan ng mga pinuno ng naunang dinastiya ang
pamamahala kung kayat ang mga hangganan ay unti unting
napasok ng mga taga-Nubia pagsapit ng ikalabintatlong dinastiya.
Noong 1640, namuno ang mga mananalakay mula sa Gitnang
Silangan sa lipunang Ehipsiyano.
Nagdala ng kaayusan at kaunlaran ang pamumuno ng mga Hyksos
sa loob ng 160 taon ngunit pinatalsik sila sa Ehipto sa isang
pagaalsa na pinamunuan ni Ahmose I ng Thebes.
Ang panalo ni Haring Ahmose I ay nagbigay daan sa
ikalabingwalong dinastiya at naghudyat sa pagpasok ng bagong
kaharian.
11. Matapos maitaboy ang mga Hyksos noong 1567 BCE, naitatag ang
bagong dinastiya at nagsimula na rin ang Bagong Kaharian sa
paghahari ni Ahmose I.
Muli niyang binuo ang Ehipto sa iisang kaharian sa ilalim ng
kabisera ng Thebes.
Nanumbalik ang kapangyarihan ng mga paraon na nagtaguyod sa
imperyo sa pamamagitan ng pananakop ng mga lupain.
Ito ang panahon ng pagpapalawak sa teritoryo ng Ehipto, kaya
tinawag ang panahon ng Panahon ng Imperyo.
Sa pamamagitan ng pangongolekta ng buwis at kalakalan,
yumaman ang imperyo ng Ehipto.
Si Reyna Hatshepsut na unang babaeng paraon na nagdala ng
katahimikan at kaunlaran sa bansa sa loob ng 19 na taon.
12. Si Thutmose III na pinalaki pa ng teritoryo nang sakupin ng
kanilang hukbo ang mga lupain hanggang sa ilog Euphrates sa
silangan at sa Nubia sa katimugan.
Nang umupo si Rameses II, ipinatayo niya ang lungsod ng Pi-
Rameses at mga gusali ng Abu Simbel at templo ng Ramesseum.
Nakipagdigma din siya sa mga Hittites ng Syria at kalaunan ay
nakipagsundo sa kanila.
Ang huling paraon sa ikalabingwalong dinastiya ay si Horemheb,
na namuno mula 1319 hanggang 1307.
Pinasimula niya ang pamumuno ng mga militar na paraon sa
ikalabinsiyam na dinastiya.
Kinalaunan, hindi nakayanan ng mga pinuno ng ikadalawampung
dinastiya ang unti-unting pagbagsak ng bansang Ehipto.
13. Ang Indus Valley ay matatagpuan sa rehiyon
sa Timog Asya o sa subkontinenteng India.
Ang subkontinente ng India ay malaki at
hugis trianggulo na umaabot sa Indian
Ocean.
Sa ngayon ito ay binubuo ng tatlo sa mga
bansang nagtataglay ng pinakamalaking
populasyon sa mundo, ang India, Pakistan,
at Bangladesh.
14. Ayon sa alamat, mayroong isang mahalagang pinuno na
nangangalang Yu na nagtayo ng kauna-unahang dinastiya sa
Tsina.
Ang dinastiyang ito ay tinatawag na Xia.
Kilalang-kilala ang kanyang pamumuno dahil sa kakayahan nitong
pigilan ang pagbaha ng tubig mula sa Yellow River.
Ginawang kabisera ni Yu at ng mga emperador ng Xia ang Erlitou,
isang lalawigan sa Timog Shansi.
Noong 3000 BCE, lumaki nang lumaki ang sakahan sa tabi ng Ilog
Huang Ho.
Isang lungsod ang naitatag at ang kabisera nito ay tinawag na
Shang.
Ang lupain ay pinamunuan ng iisang pamilya sa mahabang
panahon kung kayat ito ay tinawag na dinastiya ng mga Shang.
15. Sa loob ng 600 taon, hinubog ng Dinastiyang Shang
ang pamumuhay ng mga tao.
Nagsagawa ng bagong bayan ang hari ng Shang.
Ang mga naninirahan sa bayan ay katulong sa
pagtataboy sa mga kaaway na sumasalakay sa lupain
ng Shang.
Sila rin ang paminsan-minsang ginagawang mga
sundalong ipinadadala sa Digmaan.
Ang Dinastiyang Shang ay humina dulot ng korupsyon
ng mga sumunod na pinuno.
Hindi nagtagal ang kahinaan ng bansa ay naging daan
upang ito ay madaling nasakop ng mga pangkat ng tao
mula sa ilog Wei.
Ang mga taong ito ang nagtatag ng Dinastiyang
Zhou(Chou) noong 1027.
16. PHOENICIAN
Nasa timog-silangan ng Asya Minor ang Phoenicia.
Karamahin sa kanila ay mga manlalayag, tagagawa ng barko, at
mangangalakal.
Sinakop ng mga Phoenician ang mga bayan ng Simya, Zarephath,
Jubeil, Arwad, Byblos, Acco, Sidon, Tripolis, Tyre, at Berytus.
Ang mga Phoenician ay kilala rin bilang Sidonia Namalagi ang mga
ito sa Mediterranean noong 2500 BCE.
Noong 1800 BCE, sinakop ng mga taga-Ehipto ang Phoenicia at
nanatili sa mga ito ang pamumuno hanggang 1400 BCE.
Nang lumaon, ang mga Hittites ang nakatulong sa mga Phoenician
na maibalik ang kanilang kalayaan.
17. PALESTINA
Matatagpuan sa timog ng Phoenicia o sa kasalukuyang
kinaroroonan ng Israel, ang lupain ng sinaunang Hudyo.
Hebrew ang kanilang wika; isang wikang Semitiko na may
kaugnayan sa Phoenicia.
Ayon sa Bibliya, ang tagapagtatag ng Judaismo ay si Abraham na
namuno upang makarating sa Canaan ang mga tao sa pagitan ng
1900 at 1800 BCE.
Ayon sa Bibliya, isang dakilang lider na si Moses ang nagpalaya sa
mga Israelita mula sa pagkaalipin noong 1200 BCE.
Si David ang sumunod na namuno.
Binihag niya ang Israel at ginawa itong kabisera ng kanyang
imperyo.
Humina ang kaharian na naging daan upang madali itong nasakop
ng mga mananalakay.
772 BCE, sinakop ng Assyria ang lupain.
Nakilala sila sa kasaysayan na, Ten Lost Tribes of Israel.
18. HITTITES
Ang mga Hittites ay mga pagala-galang pangkat na
nagmula sa damuhang pook ng Gitnang Asya sa hilaga
ng Dagat Caspian at Dagat Itim.
Lumapit sila sa Mesopotamia noong mga 2000 BCE.
Noong 1200 BCE, nagapi nila ang isang pangkat ng
mga taga-disyerto.
Sa loob ng 450 na taon, naging makapangyarihan ang
mga Hittites sa Kanlurang Asya.
Naging susi ng tagumpay sa digmaan ng mga Hittites
ang kanilang paggamit ng mabibilis na chariot, at ang
kanilang kaalaman sa pagpapanday ng bakal upang
gawing pana, palaso, palakol, at espada.
19. PERSIANO
Noong 550 BCE, isang heneral sa Persia, ang
sumalakay sa kanyang mga kalapit na lupain ng Medes.
Ang gobyerno ng Persia tulad ng Assyria ay
pinamahalaan ng isang mahigpit na pinuno na
nagtataglay nang walang hanggang kapangyarihan.
Sa ilalim ni Haring Darius I na namuno mula 521
hanggang 486 BCE, naabot ng Persia ang kanyang
pinakamalaking hangganan.
Naitatag ang apat na lungsod ng Siusa, Ectabana,
Babylon, at Persepolis sa ibat ibang panig ng imperyo.
20. Ang Egypt ay nasa silangang bahagi ng kotinente ng Africa.
May lawak itong humigit kumulang sa 386,900 milya
kwadrado(1,002,000 kilometro kwadrado).
Nasa kanlurang bahagi nito ang bansang Libya, ang sudan sa
timog, at ang Israel sa hilagang-silangang.
Pinakamahabang ilog ay ang Nile River.
Ang lambak ng Nile River ang naging sentro ng sibilisasyon ng
Egypt.
Mahalaga sa buhay ng mga tao ang lambak nito na may habang
4,150 milya.
Ayon kay Herodotus, ang Ama ng kasaysayan, Biyaya ng Nile
River ang Egypt.
Dumadaloy ang ilog na ito patungong Mediterranean Sea.
21. Ang Nile ay nagsilbing instrumento ng transportasyon
ng mga tao.
Ang mayamang lambak nito ay nagbigay buhay sa mga
hayop at halaman sa paligid nito.
Hinahati ng Nile sa dalawang bahagi ang malawak na
disyertong talampas sa Egypt; ang kanlurang disyerto o
Sahara Al-Gharbiyah na nasa pagitan ng Nile of Libya
at ang Silangang Disyerto o Sahraash-Shargiyah na
sumakop sa Suez Canal, Persian Gulf, at Red Sea.
Nasa Egypt rin ang burol ng Itbay na malapit sa Red
Sea at ang Mt. Catherine na may taas na 8,668
talampasan.