4. .Makinig na mabuti sa kuwento ng guro. Kapag ang
narinig na tunog o ingay ng hayop ay mataas, itaas ang
dalawang kamay mo ; kapag mababa ang tunog, ilagay
ang mga ito sa kandungan mo.
Tunog ng mga Hayop
Pupunta sa bukid si Asi. Magdadala siya ng
pagkain ni Tatay. Nakita siya ni Wacky sa may
hagdanan.
Aw! Aw! Aw! (Mataas). Parang sinabi ni
Wacky, Ingat ka sa paglalakad.
5. Tunog ng mga Hayop
Nagpapatuka ng mga bibe si Nanay.
Kwak! Kwak! Kwak! (mababa) Narinig niya ang
putak ng inahing manok. Nangitlog pala.
Tak-tak-putak! (mataas)
Nasalubong niya ang kambing.
Me-e-e! Me-e-e! (mababa)
Narinig niya ang ibon sa puno.
Twit! Twit! Twit! (mataas)
Nakarating na sa bukid si Asi. Masaya ang
Tatay. Masaya rin si Asi dahil marami siyang
narinig na mga tunog ng hayop.
Nasiyahan ka ba sa pagkilos?
Tama ba ang kilos mo ayon sa tunog na narinig?