2. Noong 612 BCE, Isa sila sa mga
sandatahang lakas ng nagpabagsak sa
mga Assyrian sa pamumuno ni
Nabopolassar.
Sa pagbagsak ng Nineveh, ang kapital ng
Syria, bumangon ang kabihasnang
Babylonian.
Muling itinayo ang lumang siyudad ng
Babylonia at muling ginawang kabisera ang
Babylonia.
3. Tinaguriang Ikalawang Imperyong Babylonian o
Imperyong Neo-Babylonian ng Mesopotamia.
Nang mamatay si Nabopolassar siya ay pinalitan
ni Nebuchadnezzar, ang pinakatanyag na pinuno
ng mga Chaldean.
Sa pamumuno ni Nebuchadnezzar, nilusob ng mga
Chaldean ang jerusalem. Sa loob ng mahabang
panahon naigupo ng mga Chaldean ang libo-
libong jew at dinala ang mga ito sa Babylonia
bilang mga alipin. Ang pangyayaring ito ay
tinawag na Babylonian Captivity.
!3
5. Pinrotektahan ang lungsod ng mga pader na may taas na
umaabot sa 300 talampakan at may kapal na 80 talampkan na
tinatawag na Ishtar gate.
Ipinagawa rin niya ang Hanging Gardens of Babylon para sa
kaniyang asawang si Amytis.
6. Ang mga Chaldean ay tinaguriang Stargazers of Babylon
dahil sa pagkahilig nila sa astronomiya.
Dahil dito natutuhan ng mga Chaldean ang manghula ng
kinabukasan ng tao.
Sa kanila nagmula ang kaalaman tungkol sa labindalawang
simbolo ng zodiac.
8. Nagmula sa lupain ng Persia (Iran)
Si Cyrus the Great ang unang namuno sa
mga Perisano.
Matagumpay niyang nasakop ang Babylon,
ang kabuuan ng Fertile Crescent at ang
buong kanlurang Asya mula sa Aegean
patungo sa hangganan ng Ehipto (Egypt).
Siya ay mapagbigay at mapagpaubayang
pamamaraan ng pamumuno. Pinalaya niya
ang mga Jew sa kanilang pagkakaalipin at
pinahindtulutang makabalik sa Palestine
9. Nang mamatay si Cyrus the Great siya ay
pinalitan ng kanyang anak na si Cambyses
na nagdugtong ng Ehipto (Egypt) sa
imperyo.
Matapos ang ilang panahon, Si Cambyses
ay pinalitan ni Darius the Great.
!9
10. Pinalawak ni Darius the Great ang imperyo
hanggang umabot ito sa timog at silangang
rehiyon ng Iran, lambak ng Indus sa India,
silangang bahagi ng Europa, hanggang sa
hilaga ng Black Sea at Caspian Sea.
Kinilala ang Persian bilang
pinakamakapangyarihang imperyo ng
sinaunang kabihasnan
11. Ipinagawa niya ang lansangang
nagdurugtong sa mga lungsod na saklaw ng
kaniyang imperyo. Ang lansangang ito na
nagmula sa lungsod ng Susa sa Persia at
nagtatapos sa Sardis ng Anatolia ay
tinaguriang Royal Road.
Hinati-hati niya ang kanyang imperyo sa
dalawampung lalawigang tinawag niyang
Satrapy. Bawat isang lalawigan ay may mga
namamahalang gobernador na tinawag
niyang Satrap. !11
12. Upang matiyak ang kaligtasan ng kaniyang pamumuno, siya ay
nagtalaga ng mga inspektor sa bawat lalawigan bilang mga
Mata at Tainga ng Hari na siyang nagmamanman sa kaniyang
mga itinalagang satrap sa bawat lalawigan.
Pinasigla niya ang kalakalan at pinasimulan ang paggamit ng
salaping barya o coinage na yari sa ginto at pilak.
Bunga ng kanyang matagumpay na pamumuno, siya ay
itinanghal bilang Hari ng mga Hari.
Nang mamatay si Darius the Great, siya ay pinalitan ni Xerxes,
ang kanyang anak.
Zoroastrianismo o Mazdaismo ang tawag sa relihiyon ng mga
Persia. Ito ay itinatag ni Zoroaster.
Si Ahura Mazda ang diyos ng katotohanan at si Ahriman naman
ang diyos ng kasamaan at kadiliman.
14. Ang mga Phoenician ay tinaguriang Dakilang Mangangalakal
ng Sinaunang Kabihasnan
Ang Alpabeto ay isa sa mga dakilang ambag ng mga
Phoenician. Ang alpabetong ito ay naipasa ng mga phoenician
sa mga Griyego na siya naman nagdala nito sa mga europeo.
Ito ang ginamit ng mga Hebrew sa pagsulat ng Lumang Tipan
(Old Testament) at siyang ginamit ng mga Arabian sa pagsulat
ng kanilang koran.
Ang punongkahoy ng Cedar ang katangi-tanging likas na
yaman sa kanilang lupain.
Ang mga Phoenician ay naging mga manggagawa at bihasang
manglalayag na nakipagpalitan ng produkto sa ibang lupain.
Ang pangunahing produkto ng mga Phoencian ay ang telang
lana na kulay lila na tanging mayayamang Griyego at Romano
lamang ang may kakayahang makabili.
15. Ang ginagamit na pangkulay sa lana ay nagmumula sa isang uri
ng shellfish na kung tawagin ay murex (suso).
Ipinagpapalit ipinagbibili nila ang telang lana sa metal na
ginagawa naman nilang mga kagamitan na kanila ring
ipinagbibili.
Ang mga Phoenician din ang kauna-unahang pangkat ng mga
taong gumawa ng babasaging bote.
17. Sa Palestine naninirahan ang mga Hebrew.
Sa simula pa lamang ng kanilang kasaysayan, ang mga
Palestinian ay kilala na bilang pangkat ng mga nomad o gala.
Ang mga Hebrew ay pinamumunuan ni Abraham, ang
tradisyonal na tagapagtatag ng Palestine.
Ginawang alipin ng mga Ehipsyano (Egyptian) ang mga Hebrew
at dumanas sila ng matinding hirap. Sa panahong ito nakilala si
Moses, ang nanguna sa mga Hebrew patungo sa lupang
pangako ni Yaweh. Ang paglisan ng mga Hebrew sa Ehipto
(Egypt) ay tinawag na Exodus.
Ang mga Hebrew ang nagpasimula ng monoteismo sa
kasaysayan ng daigdig. Sinasabing si Moses ang nagpasimula
ng pananampalataya kay Yaweh.
18. Pinaniniwalaang ibinigay ng Diyos kay Moses ang kanyang
Sampung utos sa Mount Sinai.
Ito ay nakapaloob sa Torah, ang isa sa limang aklat ng Mosaic
Law, ang kodigo ng batas ng mga Hebrew.
Ang kodigo ng batas na ito ay ipinapaliwanag ng mga guro na
tinatawag nilang propeta. Naniniwala ang mga propeta na sila
ang pinili ng Diyos upang maging tagapamalita ng mga banal
na utos sa sangkatauhan.