際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
MGA SITWASYONG
PANGWIKA
VERSUS
SITWASYONG PANGWIKA SA
TEXT
 Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS(short messaging
system) na lalong kilalang Text Message o Text ay isang
mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa.
 TEXTING CAPITAL OF THE WORLD Humigit kumulang
apat na bilyong text ang ipinadadala at natatanggap sa ating
bansa araw-araw.
 Higit na popular ang text kaysa sa pagtawag sa telepono o
cellphone dahil sa mas murang magtext kaysa sa tumawag
 Mas komportable ang taong magparating ng maiikling
mensaheng nakasulat kysa sabihin ito nang harapan o sa
pamamagitan ng pagtawag sa telepono.
Sa text ay hindi mo makikita ang
ekspresyon ng mukha o tono ng boses ng
taong tumatanggap ng mensahe.
Sa pagpindot din ng keypad ay nabibigyan
ng pagkakataon ang mga tao na burahin at
piliin ang mga salitang kanilang gagamitin.
ANO NGA BA ANG KALAGAYAN NG WIKA SA TEXT?
 Ikaw mismo kapag nagtetext ay malamang gumagamit ka ng
magkahalong Filipino at Ingles at pinaikling mga salita. Hindi
ba?
 Sa pagbuo ng mensahe sa text ,madalas ginagamit ang Code
Switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa
pagpapahayag.
 Madalas ding pinaiikli o binabago ang baybay ng mga salita
para mas madali o mas mabilis itong mabuo.
 160 characters lang kasi ang nilalaman ng isang padalahan ng
mensahe,kaya nangyayari ito para makatipid sa espasyo at
mapabilis ang pagpindot sa keypad ng cellphone.
Walang sinusunod na rule o tuntunin sa
pagpapaikli ng salita, gayundin kung sa
Ingles o Filipino ba ang gamit bastat
maipadala ang mensahe sa pinakamaikli
pinakamadali, at kahit papaanoy
naiintindihang paraan.
HALIMBAWA:
 OKAY- ok o k na lang
 Dito- d2 pinaghalo ang Ingles at Filipino at
saka dinadaglat
USONG-USO SA TEXT ANG PAGGAMIT NG MGA
DAGLAT BILANG SHORTCUT O PAGPAPAIKLI SA
MGA PARIRALA LALO NA SA INGLES.
AAP Always a Pleasure G2G Got To Go
AML All my Love GBU God Bless You
B4N Bye for Now IDC I Dont Care
BFF Best Friends Forever ILY I Love You
BTW By The Way LOL Laughing Out Loud
CUL8R See you Later OIC Oh, I see
HBD Happy Birthday OMG O My Gosh o O My God
EOD End of Discussion WTG Way To Go
J.K Just Kidding XOXO Hugs ang Kisses
Ang paraang iyon ng pagpapahayag sa text ay
nakapagdudulot ng kalituhan subalit itoy
tinatanggap ng lipunan bilang isang katangian
ng wika.
Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na
nagbabago at yumayabong at sumasabay sa
pagbabago ng panahon.
(Aralin 7)mga sitwasyong pangwika 2
SITWASYONG PANGWIKA SA INTERNET AT SA SOCIAL MEDIA
 Sa panahon ngayon mabibilang na lamang sa daliri ang tao
lalo na ang kabataang wala ni isang social media account
tulad ng facebook,twitter,Instagram atbp.
 Maging nakatatanda tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na
rin sa mga netizen na umaarangkada ang social life sa
pamamagitan ng social media.
 Maraming tumuturing ditong isang biyaya dahil naging daan
ito ng pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng
magkakaibigan o mga mahal sa buhay lalo na iyong malalayo
sa isat isa o matagal ng hindi nagkikita.
KUMUSTA?
 Tulad din ng sa text, karaniwan ang code switching o pagpapalit-
palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin ang
pagpapaikli ng mga salita o paggamit ng daglat sa mga post at
komento rito.
 Gayunpaman, dahil di tulad ng text o SMS na pribado o iisang
tao lang ang inaasahang makababasa, sa social media ay
mapapansing mas pinag-iisipan ang mga salita o pahayag bago
i-post dahil mas maraming tao ang maaaring makabasa nito.
 Sa post o komento ay madalas makita ang edited. Ibig sabihin,
may binago o inayos ang nag-post o nag-komento pagkatapos
niyang mabasa ang kanyang isinulat.
INTERNET
 Bagamat marami ng website ang mapagkukunan ng mga
impormasyon o kaalamang nasusulat sa wikang Filipino o Tagalog ay
nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito.
 Napakalawak at napakarami kasi ng mga taong konektado sa
internet na umaabot sa mahigit 3 bilyon sa buong mundo.
 Pilipinas=39,470 milyon katao(2015) at patuloy na dumarami nang
10% taon-taon.
 Bagamat nasa 39.43% na ito ng buong populasyon sa Pilipinas ay
nasa 1.35% lamang ng ito ang kabuuang bilang ng mga taong
konektado sa Internet sa buong mundo.
 Nananatiling Ingles ang pangunahing wikang ginagamit sa internet ito
man ay napanonood,naririnig o nababasa.
NASUSULAT SA WIKANG FILIPINO SA INTERNET.
 Dokumentong pampamahalaan tulad ng saligang batas,kautusang
pampamahalaan mula sa ibat ibang kagawaran, gayundin ang maraming
akdang pampanitikan, mga awiting nasusulat sa wikang Filipino maging
ang mga lumang awiting bayan na karaniwang laganap lamang sa
paraang pasalita, mga resipe,rebuy ng mga pelikulang Tagalog atbp.
 Ang mga babasahing nasusulat sa wikang Filipino ay hindi kasindami ng
ng mga babasahing nasusulat sa Ingles at maaaring hindi pa ito
nakasasapat sa pangangailangan ng mga mamamayan lalo na ng mga
mag-aaral na naghahanap ng impormasyon.
 Malaking hamon sa iyong nagbabasa o naghahanap ng impormasyon na
makatulong sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa mundo ng Internet.
Mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa
KALAKALAN
 Wikang Ingles ang madalas na ginagamit sa mga boardroom ng
malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa mga pagmamay-
ari o pinamumunuan ng mga dayuhan na tinatawag na
multinational companies.
 Wika sa mga Business Process outsourcing(BPO) o mga call
center lalo na ang mga kumpanyang nakabase sa Pilipinas
subalit ang siniserbisyuhan ay mga dayuhang customer.
 Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng
memo,kautusan,kontrata at iba ay Ingles ang gamit na wika.
 Gayunpaman,nananatiling Filipino ang gamit sa mga pagawaan
o production line, mga mall, mga restoran, mga
pamilihan,palengke at maging direct selling. Ito rin ang gamit sa
mga commercial
PAMAHALAAN
Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335,serye ng
1988
 Nag-atas sa lahat ng mga kagawaran
,kawanihan,opisina,ahensya at instrumentality ng
pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na
kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa
opisyal na mga transaksyon,komunikasyon, at
korespondensya.
 Pangulong Corazon Aquino-Malaki ang kontribusyon sa
paglaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan dahil hanggang sa
kasalukuyan ay nananatili ang mga pinasimulan niyang mga
inisyatibo sa paggamit ng wika.
 Pangulong Benigno Aquino III- nagbigay rin ng malaking suporta
at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng
paggamitniya nito sa mga mahahalagang panayam at sa mga
talumpating ibinibigay niya katulad ng SONA o State of the
Nation Address.
 Ito ay makabubuti upang maintindihan ng ordinaryong
mamamayan ang kanyang mga sinabi.
 Nagbibigay impresyon sa mga nakikinig na pinahahalagahan
niya ang wikang Filipino.
Maging sa mga opisyal na pagdinig sa
pamahalaan ay Filipino ang ginagamit
subalit hindi rin naiiwasan ang code
switching lalo na sa mga salitang teknikal
na hindi agad naihahanap ng katumbas
sa wikang Filipino.
(Aralin 7)mga sitwasyong pangwika 2

More Related Content

(Aralin 7)mga sitwasyong pangwika 2

  • 3. SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS(short messaging system) na lalong kilalang Text Message o Text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. TEXTING CAPITAL OF THE WORLD Humigit kumulang apat na bilyong text ang ipinadadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw. Higit na popular ang text kaysa sa pagtawag sa telepono o cellphone dahil sa mas murang magtext kaysa sa tumawag Mas komportable ang taong magparating ng maiikling mensaheng nakasulat kysa sabihin ito nang harapan o sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono.
  • 4. Sa text ay hindi mo makikita ang ekspresyon ng mukha o tono ng boses ng taong tumatanggap ng mensahe. Sa pagpindot din ng keypad ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na burahin at piliin ang mga salitang kanilang gagamitin.
  • 5. ANO NGA BA ANG KALAGAYAN NG WIKA SA TEXT? Ikaw mismo kapag nagtetext ay malamang gumagamit ka ng magkahalong Filipino at Ingles at pinaikling mga salita. Hindi ba? Sa pagbuo ng mensahe sa text ,madalas ginagamit ang Code Switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Madalas ding pinaiikli o binabago ang baybay ng mga salita para mas madali o mas mabilis itong mabuo. 160 characters lang kasi ang nilalaman ng isang padalahan ng mensahe,kaya nangyayari ito para makatipid sa espasyo at mapabilis ang pagpindot sa keypad ng cellphone.
  • 6. Walang sinusunod na rule o tuntunin sa pagpapaikli ng salita, gayundin kung sa Ingles o Filipino ba ang gamit bastat maipadala ang mensahe sa pinakamaikli pinakamadali, at kahit papaanoy naiintindihang paraan. HALIMBAWA: OKAY- ok o k na lang Dito- d2 pinaghalo ang Ingles at Filipino at saka dinadaglat
  • 7. USONG-USO SA TEXT ANG PAGGAMIT NG MGA DAGLAT BILANG SHORTCUT O PAGPAPAIKLI SA MGA PARIRALA LALO NA SA INGLES. AAP Always a Pleasure G2G Got To Go AML All my Love GBU God Bless You B4N Bye for Now IDC I Dont Care BFF Best Friends Forever ILY I Love You BTW By The Way LOL Laughing Out Loud CUL8R See you Later OIC Oh, I see HBD Happy Birthday OMG O My Gosh o O My God EOD End of Discussion WTG Way To Go J.K Just Kidding XOXO Hugs ang Kisses
  • 8. Ang paraang iyon ng pagpapahayag sa text ay nakapagdudulot ng kalituhan subalit itoy tinatanggap ng lipunan bilang isang katangian ng wika. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayabong at sumasabay sa pagbabago ng panahon.
  • 10. SITWASYONG PANGWIKA SA INTERNET AT SA SOCIAL MEDIA Sa panahon ngayon mabibilang na lamang sa daliri ang tao lalo na ang kabataang wala ni isang social media account tulad ng facebook,twitter,Instagram atbp. Maging nakatatanda tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na rin sa mga netizen na umaarangkada ang social life sa pamamagitan ng social media. Maraming tumuturing ditong isang biyaya dahil naging daan ito ng pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay lalo na iyong malalayo sa isat isa o matagal ng hindi nagkikita.
  • 11. KUMUSTA? Tulad din ng sa text, karaniwan ang code switching o pagpapalit- palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin ang pagpapaikli ng mga salita o paggamit ng daglat sa mga post at komento rito. Gayunpaman, dahil di tulad ng text o SMS na pribado o iisang tao lang ang inaasahang makababasa, sa social media ay mapapansing mas pinag-iisipan ang mga salita o pahayag bago i-post dahil mas maraming tao ang maaaring makabasa nito. Sa post o komento ay madalas makita ang edited. Ibig sabihin, may binago o inayos ang nag-post o nag-komento pagkatapos niyang mabasa ang kanyang isinulat.
  • 12. INTERNET Bagamat marami ng website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalamang nasusulat sa wikang Filipino o Tagalog ay nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito. Napakalawak at napakarami kasi ng mga taong konektado sa internet na umaabot sa mahigit 3 bilyon sa buong mundo. Pilipinas=39,470 milyon katao(2015) at patuloy na dumarami nang 10% taon-taon. Bagamat nasa 39.43% na ito ng buong populasyon sa Pilipinas ay nasa 1.35% lamang ng ito ang kabuuang bilang ng mga taong konektado sa Internet sa buong mundo. Nananatiling Ingles ang pangunahing wikang ginagamit sa internet ito man ay napanonood,naririnig o nababasa.
  • 13. NASUSULAT SA WIKANG FILIPINO SA INTERNET. Dokumentong pampamahalaan tulad ng saligang batas,kautusang pampamahalaan mula sa ibat ibang kagawaran, gayundin ang maraming akdang pampanitikan, mga awiting nasusulat sa wikang Filipino maging ang mga lumang awiting bayan na karaniwang laganap lamang sa paraang pasalita, mga resipe,rebuy ng mga pelikulang Tagalog atbp. Ang mga babasahing nasusulat sa wikang Filipino ay hindi kasindami ng ng mga babasahing nasusulat sa Ingles at maaaring hindi pa ito nakasasapat sa pangangailangan ng mga mamamayan lalo na ng mga mag-aaral na naghahanap ng impormasyon. Malaking hamon sa iyong nagbabasa o naghahanap ng impormasyon na makatulong sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa mundo ng Internet. Mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa
  • 14. KALAKALAN Wikang Ingles ang madalas na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa mga pagmamay- ari o pinamumunuan ng mga dayuhan na tinatawag na multinational companies. Wika sa mga Business Process outsourcing(BPO) o mga call center lalo na ang mga kumpanyang nakabase sa Pilipinas subalit ang siniserbisyuhan ay mga dayuhang customer. Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng memo,kautusan,kontrata at iba ay Ingles ang gamit na wika. Gayunpaman,nananatiling Filipino ang gamit sa mga pagawaan o production line, mga mall, mga restoran, mga pamilihan,palengke at maging direct selling. Ito rin ang gamit sa mga commercial
  • 15. PAMAHALAAN Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335,serye ng 1988 Nag-atas sa lahat ng mga kagawaran ,kawanihan,opisina,ahensya at instrumentality ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon,komunikasyon, at korespondensya.
  • 16. Pangulong Corazon Aquino-Malaki ang kontribusyon sa paglaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan dahil hanggang sa kasalukuyan ay nananatili ang mga pinasimulan niyang mga inisyatibo sa paggamit ng wika. Pangulong Benigno Aquino III- nagbigay rin ng malaking suporta at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamitniya nito sa mga mahahalagang panayam at sa mga talumpating ibinibigay niya katulad ng SONA o State of the Nation Address. Ito ay makabubuti upang maintindihan ng ordinaryong mamamayan ang kanyang mga sinabi. Nagbibigay impresyon sa mga nakikinig na pinahahalagahan niya ang wikang Filipino.
  • 17. Maging sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan ay Filipino ang ginagamit subalit hindi rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga salitang teknikal na hindi agad naihahanap ng katumbas sa wikang Filipino.