Aralin 9 Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece.pptx
1. Ang Klasikal na Kabihasnan ng
Greece
INIHANDA NI: Jay-Jasper P. Jamelo
2. Ang Klasikal na Kabihasnan ng
Greece
Ang Greece ang pinakatimog na bansa sa peninsula ng Balkan sa
may Timog Europe. Hinahangganan ito ng Albania, Republika ng
Macedonia at Bulgaria sa hilaga; Dagat lonian sa kanluran; Dagat
Aegean at Turkey sa silangan.
Ang Greece ay isang bulubunduking lupain na may lambak sa
pagitan at may mga ilog na dumadaloy sa mabatong baybayin.
Bulubunduking kalikasan ng Greece ang dahilan ng pagkakahiwa-
hiwalay ng mga pamayanan. Ang bundok ng Olympus sa hilaga ang
pinakamataas na bundok sa bansa na may taas na 2917 metro.
3. SINAUNANG GREECE
 Pericles - ang mahusay na heneral ng Athens. At sa kanyang
panahon naranasan ang demokrasya. Sa Greece nagsimula ang
konsepto ng demokrasya dito nagsimula ang sibilisasyon sa
kontinente ng Europe
 Malaki ang naiambag ni Pericles sa pag-unlad ng demokrasya sa
Athens
 Ang pakikipaglaban para manatiling malaya ang kanilang estado
ang maaring nagbunso sa mga Griyego na pagmalasakitan ang
kanilang mga karapatan at responsibilidad
 Makabagong agham ang tinuturing ugat sa mga obserbasyon sa
larangan ng pisika, matematika at medisina
4. SINAUNANG GREECE
 Lungsod-estado o polis ang uri ng pamayanan sa matandang Greece.
Ang polis ay salitang Griyego para sa city-state
 - Tinawag ito na polis sa kadahilanang ito ay malalaya, may sariling
pamahalaan ang bawat isa at ang pamumuhay ng mga tao ay
nakasentro sa iisang lungsod
• Magkakaiba ang lungsod-estado sa maraming bagay ngunit
magkakahalintulad sa pisikal na katangian tulad ng laki, populasyon,
pagkakaroon ng moog at publikong tagpuan
• Lahat ng lungsod-estado ay may moog na nakatayo sa Acropolis. Sa
Acropolis din nakikita ang mga templo at gusaling pampubliko.
• Acropolis - pinakamataas na lugar sa mga lungsod-estado kung saan
itinayo ng mga Greek ang kanilang mga templo.
5. May tatlong institusyong pulitikal ang
mga lungsod-estado:
Hari nasa kanya ang
kapangyarihan ng
pamamahala
Sanggunian
Kapulungan ng mga
mamamayang lalaki
Nagdedesisyon sa
mga kasong kaugnay
ng isang pamilya o
angkan
6. Nahahati sa tribo ang mga polis:
Dependents - ay
binubuo ng isa o higit
pang malalakas na
pamilya na m`ay
kasamang mga taong
umaasa
Phratry ang pangkat
ng pamilya ang
bumubuo sa isang
angkan at ang mga
angkan na kabilang sa
mga taong umaasa.
Hindi laganap sa
kaalaman nila ang
pagsulat at ang
panitikan ay inaawit o
binibigkas. Nagsimula
ang mga tribong
Griyego sa primitibong
kultura. Ang
matandang literatura
ng mga Griyego ay
binubuo ng mga awit,
balad at epiko.
7. Iliad at Odyssey isang epikong ginawa ng
isang bulag at manunulat na si Homer.
Naglalarawan din ito sa
mga Achaean noong
1100 BCE. Naging
batayan ito ng mga
mahahalagang
kaalaman sa buhay,
kaugalian at gawi ng
mga Griyego
01
Nagsasaad din ng
paniniwala at paraan ng
pagsamba ng mga
Griyego sa nabanggit na
panahon
02
Inilalahad sa epiko ni
Homer kung paano
inagaw ni Paris, isang
prinsipeng Trojan ang
napakagandang si
Helen na asawa ng
isang haring Griyego.
Nagpadala ang mga
Griyego ng
ekspedisyong pandagat
laban sa Troy.
Pagkatapos ng
mahabang panahon ng
digmaan, bumagsak ang
Troy sa kamay ng mga
Griyego.
8. Relihiyon
Wala silang mga banal
na utos na sinusunod
Ang kanilang mga
templo ay isa lamang
lugar na sa kanilang
paniniwala ay
binibisita ng mga
diyos at diyosa
Naniniwala sila na ang
mga diyos ay
nagtataglay ng
katangian ng mga tao
at katulad rin ng tao
sa maraming bagay.
Naniniwala sila na ang
kanilang mga diyos ay
naninirahan sa tuktok
ng bundok ng
Olympus sa Hilagang
Greece
Zeus - ang diyos ng
langit at itinuturing na
hari ng mga diyos, o
ama ng mga diyos at
ng tao.
Hera ang kapatid at
ang asawa ni Zeus
ang tagapananatili ng
kasal at nangangalaga
sa mga kababaihan
Poseidon kapatid ni
Zeus, ang diyos ng
dagatHades ang diyos
ng Underworld
9. Kinilala rin
ang mga anak
ni Zeus tulad
nina:
Athena diyos ng karunungan at birtud ng mga
kababaihan, siya ang tagapangalaga ng lungsod-
estado ng Athens
Aphrodite diyosa ng kagandahan at pagmamahalan
Apollo diyos ng liwanag, awit at tula. Siya ang simbolo
ng mabubuting birtud ng mga kalalakihan
Ang iba pang diyos ng mga Griyego:
• Hermes ang mensahero ng mga diyos at diyosa
• Eros diyos ng pag-ibig
• Dionysus diyos ng pertilidad
10. Panahon ng
Maharlika
Naging mahalaga ang mga maharlika dahil sila
ang nagbibigay ng mga kabalyero para sa lakas-
militar at sa kanila isinasangla ng mga magsasaka
ang lupa sa panahong walang ani.
Itinaguyod ng mga maharlika ang industriya at
pangangalakal upang magkaroon ng trabaho ang
mga manggagawa
Ang mga lungsod-estado ay kinontrol ng mga
maharlika nang halos 150 taon, mula 800
hanggang 650 BCE
Tinawag na aristokrasya ang pamahalaang umiral
sa mga panahong ito.
12. Ang Pagsasarili ng mga
Lungsod-Estado
 Dito nagkaroon ng kaisipan ang mga Griyego ang ideya ng sariling
pamahalaan
o Sariling Pamahalaan (self-government) - isang kaisipan na ang mga
mamamayan ay may karapatan at kakayahang pamunuan ang
kanilang estado.
 Maraming bagay at impluwensya ang nagbigay-daan sa pagkakaisa ng
Griyego tulad ng paggamit ng isang wika at ang paniniwalang nanggaling
sila sa iisang mundo kay Helen. At dahil dito, tinawag ng mga Griyego
ang kanilang sarili na Hellenes at ang kanilang bansa ay binasagang
Hellas.
13. Ang Pagsasarili ng mga
Lungsod-Estado
 Naghangad ang mga Griyego na manatiling malaya ang
kanilang lungsod-estado. Ang damdaming ito ang
nagtulak sa paghihiwalay na ito
o Nagkaroon ang mga polis ng sarili nilang mga batas
o Kalendaryo
o Pananalapi
o Sistema ng pagsukat at pagtimbang.
14. Ang Lungsod-Estado ng Sparta
Sinakop ng mga Dorian ang Greece mula sa
hilaga at tumulak patimog sa Peloponnesus
noong 1100 BCE.
Sinakop at nanirahan sa rehiyon ng Laconia
at ginawang kabisera ang lungsod-estado ng
Sparta.
15. Lipunang Spartan
 Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunan sa Spartan:
o Spartiate
Ang mga mamamayan at sundalo
o Perioeci
Mga mangangalakal at malalayang tao
o Helot
Aliping tagabungkal ng lupa. Hindi malaya ang mga helots.
Ginawang mga helots ang mga nasakop mula sa
Peloponnesus.
16. Pamahalaan
 Asambleya ng Mamamayan binubuo ng may edad tatlumpu pataas ang
humahalal sa mga opisyal ng pamahalaan
 Ang Konseho ng Matanda - binubuo ng dalawang hari at 28 miyembro
na pawang nasa edad na 60 ang nagpanukala ng batas at mga
patakarang pinagbotohan ng Asambleya ng Mamamayan
 Ang mga ephorate ang tunay na pinuno ng Sparta na inihahalal ng
Asambleya. Malaki ang ipinagkaloob na kapangyarihan sa mga ephorate
para mapangalagaan nila ang lungsod-estado ngunit ginamit nila ito sa
maling paraan.
 Ang layunin ng Sparta sa pamamahala ay iisa: ang magkaroon ng isang
mahusay na mekanismong militar. Kinailangan ng Sparta ang isang
magaling na hukbo upang mapalawak ang kanilang kapangyarihan.
17. Pamahalaan
 Ang bagong silang na sanggol ay sinusuri ng isang komite.
o Pinapatay ang sanggol kapag mahina. Iniiwan ito sa bundok at hinahayaang
mamatay.
 Pinapasok sa isang espesyal na pagsasanay sa gulang na pito.
o Nananatiling kasapi hanggang 18
o Sinasanay ang mga lalaki upang maging mahusay na mga mandirigma
 Sinasanay sa palakasan at pakikidigma, sinasanay silang magtiis sa
hirap at huwag magreklamo.
 Totalitaryanismo ang sistema kung saan kinokontrol ng pamahalaan ang lahat ng
aspeto ng buhay ng tao.
18. Ang Lungsod-Estado ng Athens
Lipunang Athenian
Tatlong pangkat ang
lipunan ng Athens.
Ionian - tinuturing na tunay
na mamamayan ng Athens
Metic hindi mamamayan ng
Athens subalit malayang
nakakakilos sa lungsod-
estado. Kabilang sa Metic
ang mga mangangalakal
Alipin
19. Lipunang Athenian
• Pamahalaan - Isang pamahalaang aristokrasya ang itinatag
sa Athens kung saan pinangkat sa apat na uri ng tao
 Arkon - ang tawag sa mayayamang pangkat na maaaring
maghalal ng mga mangangasiwa sa pamahalaan. Sila ang
gumagawa ng batas. Maglilingkod ang mga Arkon sa loob
ng isang taon.
21. Paghubog sa Demokrasya
 Naging arkon si Draco noong 621 BCE. Kinilala siya sa kanyang kodigo
ng batas na tinawag na Draconian Code
 Hindi naging madali ang kalagayan ng Athens sa pagdaraan ng
panahon. Yumaman ang mga Maharlika at mga Metic dahil sa
pangangalakal habang humirap naman ang mga maliliit na magsasaka
 Itinatag ni Solon ang Konseho ng Apat na Raan (Council of Four
Hundred) upang magkaroon ng check and balance sa pamahalaan.
 Nagkaroon si Pisistratus, isang mayamang aristokrato at kamag anak ni
Solon ng maraming tagasunod mula sa mababang pangkat ng tao sa
Athens Noong 507 BCE, naging makapangyarihan sa Athens si
Cleisthenes, isang mayaman at mataas na posisyon sa lipunan. Ang
pamahalaang pinairal niya sa Athens ay isang tunay na demokrasya.
22. Mga Digmaan sa Greece
 Ang Sparta, Athens at iba pang lungsod-estado sa Greece ay naitatag ng mga
kolonya sa mga baybayin ng Aegean
• Ang Bantang Panganib sa Greece ng mga Persiano
 Sinakop ni Cyrus, dakilang lider ng mga Persiano, ang Asya Minor at ang mga
lungsod-estado sa Greece sa mga baybayin nito noong 546 BCE. Ang mga
Digmaang Persiano Noong 521 BCE umupo sa trono si Darius. Sinimulan niya
ang kampanya laban sa isang mabagsik na tribo sa relihiyong malapit sa Ilog
Danube.
23. Labanan sa Marathon
Noong 491 BCE nagpadala si Darius ng
embahador sa ilang lungsod-estado ng Greece
upang hikayatin ang mga ito na tanggapin si
Darius bilang hari at kung sumang-ayon ang
mga pinuno ng mga lungsod-estado ay
hahayaan sila ni Haring Darius na panatilihin
ang kanilang pamahalaan, batas at relihiyon.
24. Labanan sa Thermopylae
 Makalipas ang 10 taon pagkaraan ng Labanan sa Marathon,
nilusob ni Xerxes na anak ni Darius ang Greece.
o Napakalaki ng hukbong inihanda ni Xerxes na ayon kay
Herodoutus.
o Nagtagumpay ang mga Persiano na makuha ang Thermopylae
sa kamay ng mga Spartan. Ngunit hindi nawalan ng loob ang
mga Thermopylae.
o Iniutos ni Themistocles, isang mahusay na heneral ng Athens
na lumikas sa isla ng Salamis kung saan muling natalo ang
mga Persiano.
o Iniutos ni Xerxes ang kanyang hukbo na bumalik sa Asya
Minor.
25. Kahalagahan ng
Pagtatagumpay ng mga Griyego
 Ipinakita ng mga digmaang ito ang paglalaban ng
kapanyarihan sa pagitan ng isang sibilisasyong
awtokratiko ng Persia at ng malayang pamahalaan
ng Greece.
 Ang pagkatalo ng mga Persiano ay
nangangahulugan ng pagyabong ng kulturang
Griyego na naging pundasyon ng sibilisasyon sa
Kanluran.
26. Ang Pamumuno ng Athens
 Sinimulan ng Athens ang hakbang tungo sa pagkakaisa ng
Greece
 Sinubukan ng Sparta na sakupin ang ibang lungsod-estado ngunit
hindi ito nagtagumpay.
o Ligang Delian - ang tawag sa paraan ng paghimok nila ng 200
lungsod-estado na bumuo ng alyansa.
 Sa pangunguna ni Pericles, tumibay ang demokrasya sa Greece
 Gumawa ng batas ang Asambleya nagdedesisyon ito ng
mahahalagang isyu. May check and balance sa pamahalaan
sapagkat nakokontrol ng Asambleya ang mga naihalal na heneral
o Di-tuwirang demokrasya (representative democracy) ang
pagbibigay diin ng kalayaan sa mga mamamayan na maghalal
ng kinatawan sa Asambleya.
27. Si Pericles ng Athens
 Ang naging tunay na pinuno ng Athens sa loob ng higit tatlimpung
taon mula 461 BCE hanggang 429 BCE.
 Kilala ang mga panahong ito ng Gintong Panahon ni Pericles
Kontrol ni Pericles ang Ligang Delian.
 Pinalawak niya ang partisipasyong pulitikal ng mga tao at
pinahintulutang maglingkod sa pamahalaan na may kaukulang
sahod.
 Natamasa ng mga Athenians ang kalayaan sa panahon ni
Pericles. Nagkaroon ng pagkakapantay-pantay ang lahat ng tao.
 Mga Reporma ni Pericles Nagkaroon ng partisipasyong pulitikal
ang mga mamamayan. Naging malaya ang mga Metic subalit
hindi sila mga tunay na mamamayan ng Athens gayundin ang
mga alipin.
28. Digmaang Peloponnesian
 Ang Corinth Hinangad ng Athens na pahinain ang karibal
nito sa komersyo Upang idipensa ang kanyang lungsod-
estado sa ambisyon ng Athens, naging kakampi ng Corinths
ang Sparta.
 Ang hidwaan ng Athens at magkaanib na Corinth at Sparta
ay nauwi sa digmaan na tumagal mula 431 hanggang 404
BCE.
 Itinuturing ng mga Athenian na barbaro ang mga Spartan at
ang tingin ng Spartan sa Athens ay sakim at gahaman sa
salapi.
29. Ang Paghina ng mga Lungsod-
Estado
 Sa pagitan ng 404 BCE at 371 BCE sumailalim ang lahat ng Griyego sa
kapangyarihan ng Sparta Bumuo ng alyansa ang lungsod-estado ng Thebes
laban sa Sparta
 Batid ng mga lungsod-estado na kailangan nila ng pagkakaisa ngunit bawat lider
ay naghahangad na makontrol ang anumang liga na nabuo sila.
 Si Philip ng Macedonia
o Noong 300 BCE, pinanirahan ito ng mga taong paladigma na pinamumunuan
ng malakas ng maharlika Noong 359 BCE, umupo bilang hari si Philip na
Macedonia Hinangad ni Philip na maging makapangyarihan upang makontrol
niya ang mga maharlika at ang mga mamamayan sa Macedonia.
30. Ang Pagsakop ng Greece
 Pagkatapos na maitatag ang pagkakaisa ng Macedonia ay pinalawak ni haring
Philip ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pananakop sa mga
kalapit na kaharian. Iba-iba ang pagtingin ng mga Griyego kay Philip ng
Macedonia
 Ang oposisyon sa Athens ay pinangunahan ni Demosthenes Ginamit ni
Demosthenes ang kanyang husay sa pagsasalita Natuon ang interes ng mga tao
sa pagkita ng mga salapi at paghahangad ng kasaganahan kaysa paglilingkod sa
pagtatanggol Si Alexander, Ang Dakila
 Naging isang kahangahangang lider ng Macedonia si Alexander.
 Aristotle, ang naging guro ni Alexander Mga Layunin ni Alexander Nilayon ni
Alexander na magtatag ng isang pamahalaang pandaigdig na siya ang pinuno
Meron siyang dalawang plano sa kanyang malaking imperyo.
o Una ay pagtayo ng mga bagong lungsod-estado at pagbabagong tatag sa
mga lumang syudad.
o Pangalawa, ang paghikayat ng pag-aasawa sa pagitan ng mga Macedonian,
Griyego at mga Egyptian. Ginamit ni Alexander ang mga taong kanyang
sinakop upang maglingkod sa pamahalaan at sa kanyang hukbo.
31. Ang Kulturang Hellenic
 Ang kultura na tinawag na Hellenic mula sa Hellen, bathala
ng mga Griyego. Sa panahong ito ay nagpatibay ang mga
kontribusyon ng Greece sa daigdig.
 Pamahalaan at Pulitika
o Ipinakilala ng Greece ang iba-ibang uri ng pamahalaan
tulad ng monarkiya na pinamumunuan ng hari,
aristokrasya na hinawakan ng mga maharlikang pamilya;
 oligarkiya o pamahalaan sa kamay ng iilang tao;
 diktatoryal o tranikal ang kapangyarihan;
 at demokrasya o pamahalaan ng mamamayan.
32. Ang Kulturang Hellenic
 Tula
o Pinaunlad ng mga Griyego ang tulang liriko.
o Ito ay tulang binigkas at sinasaliwan ng lira.
o Kilalang mga manunula sina Bacchylides ng Ceos at si Sappho
•
 Dula - Dalawang uri ang pagtatanghal na ginagawa ng mga Griyego:
o trahedya at komedya
o Trahedya isang dula na may malungkot na wakas samantalang
masaya ang katapusan ng komedya
o Komedya kadalasang ginagamit upang batikusin nang may
katatawanan ang ilan sa mga tauhan ng pamahalaan.
33. Arkitektura
 pinakamataas na antas ng sining ng mga
Griyego.Parthenon ginawa noong 447 BCE upang
parangalan ang diyosang si Athena
o may angkop na proporsyon at bawat gilid ng
templo ay nagdidisensyuhan ng makukulay na
iskultura
o sa loob ng templo ay makikita ang 70
talampakang istatwa ni Athena na yari sa bronse
34. Iskultura
 Phidias at Praxiteles
o Sila ang mga tanyag na iskultor ng Greece.
o Sila ang nagbigay buhay sa pag-ukit ng natural na hugis ng tao.
 Phidias ang naging tagapayo ni Pericles sa pag-aayos ng lungsod-
estado ng Athens
o siya ang gumawa ng rebulto ni Athena - ang estatwa ni Zeus at ang
templo ng Olympia ang pinakamahusay niyang obra maestra.
 Praxiteles nabuhay ng sandaang taon pagkamatay ni Phidias ay
gumawa ng kakaibang iskultura
o siya ang nakapaglarawan sa tunay na kagandahan ng pigura at
katawan ng tao.
35. Pilosopiya
 Sa panahong Heleniko, sinikap ng mga Griyego na paunlarin ang
pilosopiya upang mahanap ang kasagutan sa kanilang mga
katanungan tungkol sa daigdig at kahulugan ng buhay.
Socrates
 siya ang naging kritiko ng edukasyon sa Athens
 Ayaw niya na tatawagin siyang sophist (guro). Sa halip ay
ginagamit niya ang katawagang pilosopo(philosopher) na ang ibig
sabihin ay nagmamahal sa karunungan (lover of wisdom) Socratic
Method pinatanyag ni Socrates na naglalayong malinang ang
kakayahan ng mahusay na pagtatanong at pagsuri.
36. Pilosopiya
• Plato
 disipulo ni Socrates siya ang sumulat ng The Republic na
naglalarawan ng isang binalak na lipunan.
 Ayon sa kanya tatlo ang pangkat na dapat bumuo sa lipunan:
o Manggagawa ang may kakayahan sa produksiyo at sa kanila
nakasalalay ang pagbibigay ng pagkain ng tao
o Sundalo ang tagapagtanggol
o Pilosopo ang mag-iisip para sa kabutihan ng mga mamamayan
Aristotle tagasunod ni Plato sinulat niya ang aklat ng Politics.
 Nagpapaliwanag ito sa kabutihan at kasamaan ng
monarkiya, aristokrasya at demokrasya.
37. Medisina
Hippocrates
 Nagtayo siya ng ng isang paaralang medikal sa
pulo ng Cos noong 430 BCE.
 Tinuro niya ang pagsusuri at paghahanap ng sanhi
ng karamdaman sa halip na isisi ito sa mga diyos.
 Hippocratic Oath ang naging gabay ng mga doktor
at mag-aaral ng medisina hanggang sa
kasalukuyan
38. Kasaysayan
 Isa pang mahalagang anyo ng literaturang Griyego ay ang
pagsulat ng kasaysayan
 Herodotus tinuring na Ama ng Kasaysayan isinilang noong 484
BCE –
o Siya ang nagbigay ng malinaw na paglalahad ng mga
kaganapan sa mga Digmaang Persiano Thucydides
sinasalaysay ang digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta
noong 431 BCE. –
o siya ang naging modelo ng mga makabagong mananalaysay
dahil sa kanyang istilo ng pagsulat na walang halong
mitolohiya at alamat.
39. Kulturang Hellenistic
Panahong Hellenistic
 Sa panahong ito ay naging dominante ang tatlong
dakilang monarkiyang itinaguyod ng mga pinunong
sumunod kay Alexander, ang Dakila:
o Egypt sa ilalim ng mga Ptolemies,
o Syria sa pamumuno ng mga Seleucid;
o at ang Macedonia sa pagtataguyod ng
dinastiyang Antigonid.
40. Kulturang Hellenistic
• Sa panahong ito, ang relihiyon, sining at literatura sa Greece ay
ang pinagsanib na kultura ng Greece at Asya na tinaguriang
Greco-Oriental
 Nakapag-ambag ang kulturang Hellenistic ng dalawang paaralan
sa pilosopiya:
o Stoisismo ang pangangailangan ng tao sa relihiyon para
maging gabay sa pagtatamo ng kasiyahan - itinatag ito ni Zeno
o Epicureanismo ang relihiyon bagkus ay itinuro nito sa tao ang
pagpapakasaya sa buhay dahil hindi tiyak kung siya ay
mamamatay kinabukasan.
41. Syncretism
• Hebrew
• Sa panahong ito ay isinalin sa Griyego at Alexandria kung saan ang wikang ginamit sa Bagong
Tipan ay koine
Ang Pagbagsak ng Kabihasnang Helenistiko
 Lumaganap ang pang-aalipin at maraming mamamayan ang nawalan ng trabaho.
 Nabaon sa utang ang mga tao at kinapos ang pamamahalaan sa pondo
 Bumagsak ang ang ekonomiya at nagkaroon ng mga kaguluhang pulitikal na nagbigay-daan sa
pagsakp ng Imperyong Romano sa Greece.
 Libon
o siya ang nag disenyo ng templo ni Zeus.
o Tinangka niya na ang templo ay magkaroon ng tamang proporsyon di lamang sa taas nito
pati narin iba pang elemento nitong arkitektural.
 Euclid
o nakilala sa larangan ng matematika dahil sa kanyang aklat na Elements