1. YUNIT I MGA BATAYAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS
KABANATA I: MGA BATAYAN NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS
ARALIN 1 EKONOMIKS AT IBA
PANG AGHAM- PANLIPUNAN
Ang Talon Maria Cristina ay nakapagdulot ng kaunlaran at nakadagdag ng kita
kahit na itoy kilala o tanyagna tanawin sa lungsod na nakapagbighani sa local at
dayuhang turista. Ito rin ay nagamit biglang tagapagtustos ng kuryente sa walumpong
porsiyentong kabuuang pangngailangan sa Rehiyon ng Mindanao.
Kapag naririnig mo ang salitang agham o siyensya, ano kaagad
ang pumapasok sa iyong isipan? Ang agham o siyensya ay isang
pag-aaral gamit ang sistematikong pamamaraan upang subukin
2. ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka (hypothesis) o
katanungang kinakailangang matugunan. May ibat ibang uri ng
agham na pinag-aaralan ang tao.
Kabilang na rito ang natural sciences na tumutukoy sa sistematikong
paraan ng pag-aaral sa kalikasan tulad ng biology, chemistry, at physics.
Mayroon ding tinatawag na exact science na tumutukoy naman sa
tugma at eksaktong pagtugon sa mga abstraktong tanong, lalo na kung
ang katanungan ay may kinalaman sa pagbilang at pagtutuos.
Ang agham na nauukol sa pag-aaral ng tao at lipunan ay tinatawag na
agham-panlipunan. Sa naunang dalawang uri ng agham (natural at
exact sciences), ang mga pagsubok ay ginagamitan ng controlled at
independent variables sa pag-eeksperimento upang makabuo ng mga
batayang kaisipan at makamit ang katotohanan. Sa aghampanlipunan,
hindi kailangan ng laboratoryo o eksperimento upang makuha ang
sagot sa bawat tanong tungkol sa tao at lipunan. Sa halip,
nangangailangan ito ng siyentipikong pamamaraan upang masusing
masiyasat at masuri ang isang teorya bago makabuo ng mahusay na
paliwanag sa mga pangyayari.
Ang Ekonomiks bilang Isang Agham
Kailangan ang pamamaraang siyentipiko upang maunawaan ang pag-
aaral ng ekonomiks.
Una, inaalam muna kung ano ang suliranin. Pangalawa, isasagawa ang
pagmamasid at pananaliksik tungkol sa suliranin. Pangatlo, bubuo
3. ng mga pansamantalang haka-haka o hypothesis. Pang-apat,
magkakaroon ng mga masusing pananaliksik, pagsisiyasat,
pakikipanayam sa mga eksperto, at iba pang katulad na gawain upang
makapangalap ng mga impormasyon na susubok sa katotohanan ng
binuong mga haka-haka. Panlima, kapag nailahad na ang mga nakalap
na impormasyon, masusi itong pag-aaralan upang makabuo naman ng
mga kongklusyon at pansamantalang kaisipan, konsepto, o teorya. Ang
mga teoryang pang-ekonomiko, na kaugnay sa mga batas, prinsipyo, at
modelo, ay isang paglalahat na batayan para sa mga pag-uugaling
pangkabuhayan ng indibidwal o ng institusyon.
Kawawa naman yung mga bata. Sa tingin ko, ilan lamang
Bakit sila hinahayaanng silang
kanilang mga magulang na
mahihirap sa ating bansa.
mamalimos? Halos
Upang
lahat ng nakikita ko sa mga
malaman ang tinatayang
lansangan ay mga
dami ng mahihirap sa bansa,
batangnagpapalimos. Talaga
kailangan angmasusing pag-
bang naghihirap na ang
aaral, pananaliksik, at
nakararaming Pilipino? paggawa ng estadistika.
4. Sa pag-aaral ng ekonomiks, hindi tinatanggap ang mga sagot na walang
matibay na batayan at estadistika. Kailangang malinaw ring nailalahad
ang pagbubuo ng mga patakarang pangkabuhayan para sa bansa.
Kaugnay nito, may dalawang uri ng pagtingin sa mga pangyayari sa
ekonomiks na isinasaalang-alangang positibong ekonomiks
at normatibong ekonomiks. May obhetibong pananaw ang positibong
ekonomiks samantalang subhetibo naman ang normatibong
ekonomiks.Balikan ang usapan nina Kassy at Eko. Batay sa mga
nabanggit, mas siyentipiko ang pananaw ni Eko dahil hindi niya
nilalahat ang katayuanng bansa sa kung ano lamang ang nasaksihan o
namasid sa paligid niya. Bagkus ay naghahanap pa siya ng sapat na
katibayan at batayan upang masabing nasa lugmok ng kahirapan ang
bansa. Ang mga sinambit ni Kassy ay mga halimbawa naman ng
pansariling opinyon o pananaw.Sa isang banda, may mga hindi
inaasahang pasubali (pitfalls) sa kung paano tinitingnan ng isang
ekonomista o estudyante ng ekonomiks ang mga pangyayaring
pangkabuhayan upang maging obhetibo ang kanilang kaisipan sa
pagtugon sa mga suliraning pang-ekonomiko. Isa sa mga pasubaling
ito ay maaaring nagmumula sa impormasyong nabasa sa mga
pahayagan o napakinggan sa ilang personalidad. Maaaring ang kanilang
sinabi ay ang pagpapataw ng dagdag na buwis ng pamahalaan sa kita
ng mga mamamayan ay pabigat sa kabuhayan. Dahil sa
impormasyong nalaman tungkol sa pangyayari, hindi nauunawaan ng
mga mamamayan na ang dagdag na buwis ay gagamitin
5. ng pamahalaan sa paglalaan ng pambansang badyet para sa mga
pangunahing programang pangkabuhayan sa bansa. Isa pa rin sa mga
pasubali na nakaaapekto sa pagtingin ng mga tao sa ekonomiks ay ang
pag-iisip na ang katotohanan tungkol sa isang partikular na pangyayari
lamang ay itinuturing bilang pangkalahatang katotohanan o sa madaling
sabi, Kung ano ang naranasan ng isang tao na pinaniwalaan niyang
totoo ay itinuturing agad bilang katotohanang nararanasan na rin ng
lahat. Hindi wasto ang kaisipang ito dahil hindi naman ganap na
nangyayari sa isang tao ang nangyayari sa iba o sa isang pangkat sa
kabuuan. Halimbawa, si Juan ay nagtitinda ng fishball sa kanilang
pamayanan at malakas ang kanyang kita mula rito. Dahil dito,
nagtinda rin ang kanyang kapitbahay ng fishball sa parehong lugar.
Mula sa ibinigay na halimbawa, masasabing inisip ng kapitbahay ni Juan
na siya ay kikita rin nang malaki mula sa pagtitinda ng fishball dahil sa
nakikita niyang nangyayari sa pagtitinda ni Juan. Ngunit sa katotohanan,
may kompetisyon nang namamagitan sa dalawang tindero ng fishball
na nakaapekto sa kita nilang dalawa. Ibig sabihin, maaaring hindi
kumita nang malaki ang kapitbahay ni Juan o maging si Juan ay
nabawasan na rin ng kita dahil dalawa silang nagaagawan ng mga
mamimili. Mayroon ding tinatawag na correlation at causation na
pananaw pang-ekonomiko. Ang correlation ay ang pagkakaugnay ng
mga pangyayari na hindi magkakatulad, samantalang ang causation
ay ang pagpapakita ng dahilan o pinagmulan ng
isang pangyayari. Ang halimbawa ng correlation ay kung umangat sa
pamumuhay si Manggagawa A, hindi nangangahulugang aangat din
ang buhay ni Manggagawa B. Hindi rin maaaring sabihin na kaya
6. umangat si Manggagawa B ay dahil kay Manggagawa A. Ang
halimbawa naman ng causation ay kapag tumaas ang presyo ng langis
sa pandaigdigang merkado, ang mga produkto nito tulad ng liquefied
petroleum gas (LPG) at gasolina ay magkakaroon din ng tiyak na
pagtaas. Sa puntong ito, mahalagang mapag-aralan ang ekonomiks
bilang isang agham upang maunawaan at malaman ang correlation o
causation ng mga pangyayari bago bumuo ng isang matibay na
batayang kaisipan.