1. ARALIN
PANLIPUNAN 8
Unang Markahan- Module 1: Katangiang
Pisikal ng Daigdig
Paksa 1 Katuturan at Limang Tema ng
Heograpiya
Paksa 2 Estruktura ng Daigdig
Cherry B. Lim
Subject Teacher
2. HEOGRAPIYA
Nanggaling ang terminong heograpiya sa
wikang Greek na geo o daigdig at graphia o
paglalarawan. Sa madaling salita, ang
heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-
aaral ng katangiang pisikal ng mundo.
4. Noong 1984 binanghay ang limang
magkakapareha na temang heograpikal na
pinangunahan ng National Council for Geographic
Education (NCGE) at ng Association of American
Geographers (AAG). Intensiyon ng mga temang ito na
gawing mas madali at simple ang pag-aaral ng
heograpiya bilang isang pagkontrol ng agham
panlipunan. Dahil sa mga temang ito, mas madaling
maintindihan ng tao ang mundo na kaniyang tinitirhan.
9. Ang daigidig ay may apat na hating
globo (Hemisphere): Ang Northern
Hemisphere at Southern Hemisphere na
hinahati ng Equator, at ang Eastern
Hemisphere at Western Hemisphere na
hinahati ng Prime Meridian.
Napakahina ng paggalaw ng mga plate na ito at umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at naging sanhi ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang makapagsasabi kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nag-iiba-iba sa paglipas ng panahon