16. Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang napahahalagahan ang
natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa
at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat-
etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig) ,
nasusuri ang kondisyong heograpiko sa
panahon ng mga unang tao sa
daigdig ,naipaliliwanag ang uri ng
pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig
19. Batay sa iyong mga sagot sa itaas na
gawain, ano ang iyong mabubuong
kahulugan ng heograpiyang pantao?
20. HEOGRAPIYANG PANTAO
Saklaw ng heograpiyang pantao
(human geography) ang pag-aaral
ng wika, relihiyon, lahi, at
pangkat-etniko sa ibat ibang
bahagi ng daigdig.
22. Wika
Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng
isang kultura. Nagbibigay ito ng
pagkakakilanlan o identidad sa mga taong
kabilang sa isang pangkat.
23. Ang wika ay ipinagkaloob ng Diyos sa atin
at ipinamana pa sa mga sinaunang tao sa
mundo at ito ang ginagamit natin upang
magkaunawaan at magkaintindihan ang
bawat tao sa mundo.
May 7,105 buhay na wika sa daigdig na
ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao.
24. Tinatayang may 136 language
family sa buong mundo. Ang mga
pamilya ng wikang ito ay
nagsasanga-sanga sa iba pang
wikang ginagamit sa ibat-ibang
bahagi ng daigdig.
25. Mga Katangian ng Wika
1. Dinamiko nagbabago ito kasabay ng
pagbabago ng panahon at
pandaigdigan na pagbabago.
26. Mga Katangian ng Wika
2. May sariling kakanyahan hindi
mahahanap sa ibang wika ang mga
katangian ng isang wika.
27. Mga Katangian ng Wika
3. Kaugnay ng wika ang kultura ng isang bansa ang
sining, panitikan,
karunungan, kaugalian, kinagawian, at paniniwala
ng mga mamamayan ang
bumubuo ng kultura. Ang pangkat ng mga taong may
angking kultura ay
lumilinang ng isang wikang naaangkop sa kanilang
mga pangangailangan sa
buhay.
33. Nagmula ito sa salitang religare na
nangangahulugang buuin ang mga
bahagi para maging magkakaugnay
ang kabuuan nito.
34. Bawat relihiyon ay may kaniya-
kaniyang kinikilalang
Diyos na sinasamba. Kadalasan ang
mga paniniwalang nakapaloob sa mga
aral at turo ng relihiyon ay naging
basehan sa pagkilos ng tao sa kaniyang
pamumuhay sa araw-araw.
35. Dahil sa mga paniniwalang
nakapaloob sa sistema ng isang
relihiyon, ay nagiging batayan ito
ng pagkilos ng tao sa kaniyang
pang-araw araw na pamumuhay.
36. Kahit ang ating mga ninuno ay
mayroon nang sistema ng mga
paniniwala na nagsisilbing-gabay
sa kanilang pamumuhay.
37. Ngunit hindi ito katulad ng mga
relihiyon sa kasalukuyan na may
organisado at sistematikong mga
doktrina.
38. Sa kasaysayan ng daigdig, naging
malaki ang bahaging ginampanan
ng relihiyon sa buhay ng tao,
bilang indibidwal at kasapi ng
isang lipunan.
39. Naging malaking salik ito sa
pagtatag at pagbagsak ng mga
kaharian, at pagkasawi ng
maraming buhay.
40. Dahilan din ito ng pag-unlad at
pag-iral ng mga kultura. Hanggang
sa kasalukuyan, nananatiling
malaking bahagi ng buhay ng tao
ang relihiyon.
52. Isang batayan
nito ang race o lahi na tumutukoy
sa pagkakakilanlan ng isang
pangkat ng mga tao, gayundin ang
pisikal o bayolohikal na katangian
ng pangkat.
53. Maraming eksperto ang bumuo ng
ibat ibang klasipikasyon ng mga
tao sa daigdig, ngunit marami rin
ang nagsabing nagdulot ito ng
kontrobersiya sapagkat maaaring
magpakita rin ito ng maraming
diskriminasyon.
54. Sa kabilang banda, ang salitang
etniko ay nagmula sa salitang
Greek na ethnos na
nangangahulugang mamamayan.
55. Ang mga miyembro ng
pangkat etniko ay pinag-uugnay ng
magkakatulad na kultura, pinagmulan,
wika, at relihiyon kaya naman
sinasabing maliwanag ang kanilang
sariling pagkakakilanlan.
56. Tinatawag din na pangkat
etnolingguwistiko ang mga pangkat-
etniko dahil karamihan sa mga ito ay
gumagamit ng iisang wika. Mayroong
ibat ibang pangkat etnolingguwistiko
sa daigdig.
57. Halaw sa datos na sinulat ni Minahan
noong 2014, ang Han Chinese na may
tinatantiyang populasyon na 1.4 bilyon
ang pinakamalaking
pangkat-etniko sa buong daigdig.
58. Ito ay sinundan ng mga Arabs na may
populasyong 450 milyon (Nydell,
2005), at ang pangatlo ay ang Bengalis
na may populasyon na 230 milyon
(Ethnologue 2014).
60. Dalawang Batayan ng Paghahating
Etnolingguwistiko
1. Wika sumasalamin sa pangunahing
pagkakakilanlan ng isang pangkat.
61. Dalawang Batayan ng Paghahating
Etnolingguwistiko
2. Etnisidad ang pagkakapareho ng
isang pangkat batay sa wika,
tradisyon,
paniniwala, kaugalian, lahi at
saloobin.
62. Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng wika at
etnisidad bilang dalawang batayan ng
paghahating Etnolingguwistiko?
63. Mga Pamprosesong Tanong:
2. Bakit mahalaga ang wika at
etnisidad bilang batayan ng
paghahating
Etnolingguwistiko?
64. Mga Pamprosesong Tanong:
3. Paano mo maipapakita ang
pagmamahal sa iyong sariling wika
bilang tanda
ng iyong pagkakakilanlan
73. Gawain 7: Wika Ko Mahal Ko
Panuto: Basahin at unawin ang tanyag na
pahayag ni Dr. Jose Rizal tungkol sa
pagmamahal sa sariling wika na ipinapakita sa
ibaba. Pagkatapos, sagutin
ang mga gabay na katanungan. Gawin ito sa
sagutang papel.
Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika
ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.
74. Mga gabay na tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig na
mensahe sa pahayag ni Jose Rizal?
75. Mga gabay na tanong:
2. Ano ang iyong mahihinuha
tungkol sa paglalarawan ni Jose
Rizal sa isang
tao na hindi marunong magmahal
ng sariling wika?
76. Mga gabay na tanong:
3. Bakit mahalaga ang
pagmamahal sa sariling wika?
77. Mga gabay na tanong:
4. Paano mo maipapakita ang
pagmamahal sa sariling wika?
78. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing
mabuti ang tanong sa bawat bilang
at piliin ang letra ng tamang
sagot.Isulat ang inyong mga sagot
sa sagutang papel.
79. 1. Ano ang tinutukoy na
pagkakatulad at pagkakaiba ng
mga tao sa isang bansa o
rehiyon batay sa wika?
A. etniko C. etnolingguwistiko
B. etnisidad D. katutubo
80. 2. Ano ang pangunahing batayan sa
pagkilos ng tao sa kaniyang pang-
araw-araw
na pamumuhay?
A. etniko C. lahi
B. etnisidad D. relihiyon
81. 3. Alin sa sumusunod ang hindi
saklaw sa pag-aaral ng
heograpiyang pantao?
A. lahi C. teknolohiya
B. relihiyon D. wika
82. 4. Ano ang pinakamatandang
relihiyon sa daigdig at
pangunahing paniniwala sa
bansang India?
A. Budhismo C. Islam
B. Hinduismo D. Shintoismo
83. 5. Anong saklaw ng heograpiyang
pantao ang itinuturing na kaluluwa
at nagbibigay pagkakakilanlan o
identidad ng isang pangkat?
A. lahi C. relihiyon
B. Pangkat-etniko D. wika
84. 6. Alin sa mga pangunahing pamilya ng
wika sa daigdig ang may pinakamaraming
gumagamit?
A. Afro-Asiatic C. Indo-European
B. Austronesian D. Niger-Congo
85. 7. Ano ang iyong mahinuha sa mga datos sa
talahayanan?
A. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa
Kristiyanismo
B. Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong
Kristiyanismo
C. Nangunguna ang Kristiyanismo sa may
pinakamaraming naniniwala
D. Halos magkatulad ang dami ng naniniwala sa
Hinduismo at Budismo
86. 8. Batay sa talahanayan, ilang
bahagnan ang bumubuo sa non-
religious group?
A. 7.10% C. 11.67%
B. 11.44% D. 15.00%
87. 9. Anong relihiyon ang may
pinakamaraming tagasunod sa
buong mundo?
A. Budismo C. Islam
B. Hinduismo D. Kristiyanismo
88. 10. Alin sa sumusunod na konsepto
ang tumutukoy sa pangkat ng tao
namay iisang kultura o
pinagmulan?
A. etniko C. paniniwala
B. lahi D. wika
89. 11. Anong saklaw ng heograpiyang
pantao ang tumutukoy sa
kalipunan ng mga
paniniwala at ritwal ng isang
pangkat?
A. etniko C. relihiyon
B. lahi D. wika
90. 12. Alin sa sumusunod ang hindi
nag-uugnay sa mga miyembro ng
pangkat
etniko?
A. klima C. relihiyon
B. pinagmulan D. wika
91. 13. Anong relihiyon ang
pinaniniwalaan ng mga Arabo?
A. Budismo C. Islam
B. Hinduismo D. Judaismo
92. 14. Alin sa mga pangunahing
relihiyon sa mundo ang may
pinakamaliit na
tagasunod?
A. Budismo C. Islam
B. Hinduismo D. Kristiyanismo
93. 15. Ano ang mahalagang papel na
ginampanan ng wika sa tao?
A. Ito ay susi ng pagkakaintindihan.
B. Sisikat ang tao kung marami ang wika.
C. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang
lahat ng wika.
D. Yayaman ang tao pag may maraming
alam na wika.