7. Kung Ikaw Kaya?
Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa
daigdig noong sinaunang panahon. Pumili
sa mga kahon ng tatlong bagay na sa tingin
moy makatutulong sa iyong pang arw-araw
na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag
mo ang dahilan ng iyong pagpili.
11. 3. Kaya mo bang mabuhay sa
sinaunang panahong kung taglay mo
ang bagay na pinili? Ipaliwanag ang
sagot.
12. Sa aralin na ito, inaasahang maipapamalas ang
mga sumusunod na
kaalaman, kakayanan at pag-unawa at
pagsusuri ang kondisyong heograpikal sa
panahon ng mga unang tao sa daigdig,
nailalarawan ang mga katangian ng mga
unang tao sa daigdig,
13. napahahalagahan ang uri ng pamumuhay ng
unang tao sa daigdig, nailalahad ang yugto ng
pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao at
napapahalagahan ang mga pangyayari sa ibat
ibang yugto ng pag-unlad ng
sinaunang tao.
14. Batay sa makaagham na pag-aaral ng
pinagmulan ng tao, nakita ang
mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na
ang nakalilipas. Sila ang homo
species (homo na nangangahulugang tao)
nagtagumpay makiayon sa kanilang
kapaligiran at nagawang harapin ang mga
hamon ng sitwasyon noong sinaunang
panahon.
15. MAY TATLONG PANGKAT NG HOMO
SPECIES NA NABUHAY SA DAIGDIG AT
NAGING MGA NINUNO NG MGA
KASALUKUYANG TAO PAG ARALAN
NATIN ANG DIYAGRAM TUNKOL SA
TEORYA NG EBOLUSYON NG TAO MULA
SA PAGIGING APE HANGGANG SA
PAGLITAW NG HOMO SAPIENS.
18. Pagkaraang lumitaw ang mga Homo
species partikular ang Homo
habilis noong dakong 2.5 milyong taon
ang nakararaan, nagsimula na rin ang
Panahong Paleolitiko, ang unang yugto
sa pag-unlad ng kultura ng mga
sinaunang tao.
21. Mga Tanyag
na Prehistorikong Tao
Ang Homo Sapiens ang pinakahuling
species na ebolusyon ng tao, ang
Homo sapiens Neanderthalensis (circa
200,000 - 30,000 taon BP).
22. Higit na malaki ang utak ng Homo
sapiens kung ihahambing sa mga
naunang species kaya
nangangahulugan higit ang kanilang
kakayahan sa pamumuhay at paggawa
ng kagamitan.
23. May mga patunay na may kaalaman
ang Neanderthal sa
paglilibing samantalang ang Cro-
Magnon ay lumikha
ng sining ng pagpipinta sa kuweba.
30. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa
pamumuhay ng mga sinaunang
tao nang matutuhan nila ang paggamit
ng mga kasangkapan at sandatang yari
sa metal. Naganap ito dakong 4000
B.C.E. Inilalarawan sa susunod na
diyagram ang Panahon ng Metal.
33. Gawain: Tukuyin kung anong yugto ng
pag-unlad ng kultura naganap ang
bawat pangyayari sa bawat bilang.
Piliin ang titik ng tamang sagot
A. Panahong Metal
B. Panahong Neolitiko
C. Panahong Paleolitiko
44. 1. Ano ang mga katangian ng bawat
yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao?
45. 2. Ano ang mga patunay na may
naganap na pag-unlad sa kultura ng
mga sinaunang tao batay sa
kasangkapan, kabuhayan, at iba pang
aspekto ng pamumuhay?
46. 3. Ano ang iyong mabubuong
kongklusyon tungkol sa mga sinaunang
tao?
47. Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa
mga pangyayaring naganap sa ibat
ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang
tao sa tulong ng Ano Ngayon?
54. PAGTATAYA
Gawain: Basahin ng may pang-unawa
ang bawat pangungusap. Piliin ang
titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong
sagot sa iyong sagutang papel
55. 1. Ang panahon kung saan may
pinakamahabang yugto sa kasaysayan
ng katauhan.
A. Lumang Bato C. Panahon ng Metal
B. Bagong Bato D. Prehistoriko
56. 2. Ano ang kahulugan ng Homo habilis?
A. able man o handy man
B. Strong man
C. available man
D. faster man
57. 3. Saang panahon nalinang ang
paghahabi, paggawa ng alahas at
kutsilyo
A. Bagong Bato C. Panahon ng Metal
B. Lumang bato D. Panahaon ng Ginto
58. 4. Ang panahon kung saan tinatawag
din itong panahong Neolitiko.
A. Bagong Bato
B. Lumang Bato
C. Panahon ng Metal
D. Prehistoriko
59. 5. Ito ang uri ng pamayanan sa
panahon ng Lumang Bato.
A. Sakahan
B. Pangingisda
C. Pagmimina
D.Wala sa nabanggit
60. 6. Panahong gumamit ng paraan ng
pangangaso ang unang tao.
A. Lumang Bato
B. Bagong Bato
C. Panahong Metal
D. Prehistoriko
61. 7. Nagkaroon ng sistema ng pagsasaka
sa panahong ito.
A. Lumang Bato
B. Bagong Bato
C. Panahong Metal
D. Prehistoriko
62. 8. Sa panahong ito nakagagawa mula
sa tanso tulad ng espada, palakol,
punyal, martilyo, pana, at sibat .
A. Paleolitiko
B. Neolitiko
C. Metal
D. Prehistoriko
63. 9. Tinatawag din itong rebolusyong
agrikultural .
A. Paleolitiko
B. Neolitiko
C. Panahon ng Metal
D. Prehistoriko
64. 10. Sa panahong ito natuto silang
maglibing ng mga yumao sa loob ng
kanilang bahay.
A. Lumang Bato
B. Bagong Bato
C. Panahon ng Metal
D. Prehistoriko