17. Matapos matutuhan ang pagsisikap ng mga
sinaunang tao, mapaunlad ang kanilang
pamumuhay, maiisip lamang na tuluyan
nilang nakamit ang mataas na antas ng
kalinangang kultural. Ito ang pagtatag ng
mga kabihasnang nagkaloob ng mga
dakilang pamana sa iyo at sa lahat ng tao sa
kasalukuyang panahon. Halina at pag-aralan
ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
19. Naka ugnay pa rin sa Most Essential Learning
Competencies ang ating objective for today.
Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo
at pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.
20. Sa bahaging ito, tatalakayin ang katuturan ng
kabihasnan at ang impluwensiya ng
heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan. Gayon din ang mahahalagang
pangyayari ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig. Susuriin din ang mga aspektong
humubog sa pamumuhay ng mga nanirahan
sa mga kabihasnang ito. Maging matalino sa
pagsagot ng mga gawain sa bahaging ito.
Simulan na natin
21. Paksa: Kabihasnan Katuturan
at mga Batayan
a. Magbigay ng kahulugan ng
salitang kabihasnan. Pakinggan
din ang ibibigay na kahulugan
ng mga kamag-aral.
22. b. Pansinin ang blank concept map.
Punan ito ng mga salitang may
kaugnayan sa kabihasnan.
KABIHASNAN
23. c. Batay sa nabuong
concept map, ano ang
iyong sariling
pagpapakahulugan ng
salitang kabihasnan?
24. d. Pag-aralan ang mga
larawan at sagutin ang
mga pampropsesong
tanong.
26. 1. Ano ang sinisimbolo ng
korona ng hari? Bakit mahalaga
ang bahaging ginampanan ng
mga pinuno at batas sa isang
sinaunang pamayanan?
27. 2. Ano ang kahulugan ng larawan
ng isda at palay sa aspektong
pangkabuhayan ng mga sinaunang
tao? Bakit mahalaga ang aktibong
kalakalan sa pagtaguyod ng
kabihasnan?
29. 4. Ano ang kahalagahan
ng sistema ng pagsulat
sa isang pamayanan?
30. 5. Ano ang sinisimbolo ng
gulong? Bakit malaki ang
pakinabang ng mataas na
antas ng agham at
teknolohiya?
31. 6. Ano-ano ang sinaunang
kabihasnang umunlad sa
daigdig, partikular sa Asya,
Africa, at America?
32. Sa puntong ito, malinaw na ang katuturan ng
kabihasnan at ang mga
batayan upang maituring na kabihasnan ang
isang pamayanan. Sa pagtalakay ng
mga sinaunang kabihasnan sa daigdig,
mahalagang talakayin ang bahaging
ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng
mga kabihasnan noong sinaunang
panahon.
43. Bilang pagtatapos, narito ang ilang
katanungan na tiyak ay iyong
masasagutan. Basahin mong
mabuti ang bawat katanungan at
piliin ang tamang sagot.
44. 1. Ang __________ ay tumutukoy
sa pamayanang maunlad at may
mataas na antas ng kultura.
A. imperyo
B. estado
C. lungsod
D. kabihasnan
45. 2. Ang mga pamayanan na naging
sentro ng kabihasnan ay nasa
__________.
A. dagat-ilog
B. lambak-kapatagan
C. lambak-ilog
D. tabing-dagat
46. 3. Ang kauna-unahang kabihasnan sa
daigdig ay ang Mesopotamia at ito ay
matatagpuan sa pagitan ng mga ilog
na ito,____________at___________.
A. Tigris ant Euphrates
B. Socrates at Plato
C. Alexander at Wegener
D. Pamana at Mendez
47. 4.Kung kabihasnang Mesopotamia ay
sa Ilog Tigris at Euphrates lumitaw, ang
Tsino ay sa Ilog Huang Ho, ang Egypt
ay sa Ilog _________
A. Indus River
B. Yellow River
C. Nile River
D. Red River
48. 5. Ang mga lambak-ilog ang karaniwang
pinag-usbungan ng mga sinaunang
kabihasnan. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ito ang pook kung saan sumilang ang mga
kabihasnan.
B. Patuloy pa ring pinakikinabangan ang mga
lambak-ilog.
C. Nagbibigay-sigla pa rin sa mga tao ang mga
ilog.
D .Malaki ang nagawa ng ilog para sa tao.