2. Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay
nagsasaad ng katotohanan o opinyon.
Isulat ang letrang K kung ito ay may
katotohanan at O kung ito ay opinyon.
Gawin ito sa sagutang-papel.
___________ 1. Sa Pamahalaang
Komonwelt binigyang karapatan ang mga
kababaihan na bumoto at iboto.
___________ 2. Ang mga magsasakang di
makabayad ng utang ay pinaalis.
3. ___________ 3. Naitatag ang Surian ng
Wikang Pambansa sa panahon ng
Pamahalaang Komonwelt.
___________ 4. Si Sergio Osme単a, Sr.
ang tinaguriang Ama ng Wikang
Pambansa.
___________ 5. Si Elisa Ochoa ang
kauna-unahang babaeng naging
miyembro ng Kongreso sa Mababang
Kapulungan.
4. Panuto: Palitan ng letra ang
bawat bilang sa loob ng
kahon ayon sa
pagkakasunod-sunod ng
alpabetong Ingles upang
mabuo ang sagot. Gawin ito
sa sagutang-papel.
9. Sa maraming taong pakikipaglaban,
unti-unti nang nakararanas ng
kaunlaran at pagsasariling kalayaan
ang Pilipinas sa panahon ng
Pamahalaang Komonwelt. Sa
panahong ito inihanda ng
pamahalaan ang Pilipinas sa
pagsasarili.
10. Naudlot ang paghahanda ng kasarinlan ng
Pilipinas nang biglang dumating ang sigwa ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig at muli
itong naligalig. Pinangambahan ng maraming
Pilipino sa pangunguna na rin ni Pangulong
Quezon at ni Claro M. Recto, isang
makabayang lider, ang maaaring pagputok
ng digmaan at pagkasangkot ng Pilipinas sa
digmaang iyon.
11. Sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig noong Setyembre 1, 1939
nang simulang lusubin ng Alemanya o
Germany ang Warsaw, Poland bahagi
ng Europa sa pamumuno ni Adolf
Hitler na pinuno ng Germany.
Isinunod ni Hitler na sakupin ang
Norway, Denmark, Netherlands, at
Belgium.
12. Noong Hunyo 22, 1940 nasakop nila
ang France at binomba ang Britain.
Ngunit lumaban ang mga sundalo ng
British Royal Air Force at nailigtas ang
Britain sa mga Nazi. Habang sumisiklab
ang digmaan sa Europa noong 1939 ay
nakipagkasundo ang Hapon sa
Alemanya at Italya. Ang tatlong
bansang itoy tinawag na Axis Powers o
Lakas Axis.
13. Sa simula, walang balak ang Estados Unidos
na sumali sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ang plano ni Pangulong
Roosevelt ay tulungan lamang ang Inglatera
sa pakikihamok nito sa Europa, ayon sa
kasunduang Europe First Policy, at bilang
miyembro ng Allied Powers. Mula noong
magkaroon ng digmaang Tsina at Hapon na
nagsimula noong 1930, nangamba ang mga
bansa sa Asya na ang Hapon ay may layong
manakop ng mga bansa sa dulong silangan.
14. Ang mga kolonya ng Alemanya sa
Karagatang Pasipiko ay naisalin na sa
kamay ng Hapon kayat may pangamba ang
mga Amerikano na sasakupin din ng Hapon
ang Pilipinas sa sandaling masangkot sa
digmaan ang Estados Unidos.
Sa pagsakop ng Japan sa Tsina ang naging
sanhi ng pagkasangkot ng Estados Unidos
sa digmaan.
15. Pinutol ng Estados Unidos ang
kasunduang pangkalakalan sa Japan,
kaya nawalan ng magagamit na metal
sa paggawa ng mga kagamitang
pandigma ang mga Hapones.
Nangunguna sa Asya ang Japan sa
pagpapalawak ng teritoryo. Kilala ang
Japan bilang Energetic People.
16. Noong 1931 sinakop ng Japan ang
Manchuria. Pagkatapos ng anim na taon
isinunod niya ang bahagi ng China at
French Indochina o Indotsinang Pranses
(binubuo ito ng Myanmar, Laos,
Cambodia, Thailand, at Vietnam). Nang
masakop ng Hapon ang Indochina,
pinutol ng Estados Unidos ang
pagtutustos ng langis sa Japan.
17. Dahil dito nagpasya ang Japan na
makipagdigma sa Estados Unidos.
Iminungkahi ng Estados Unidos na ayusin
ang kanilang sigalot sa pamamagitan ng
patakarang dapat igalang ang kasarinlan ng
lahat ng bansa. Hindi tinanggap ng Hapon
ang mungkahing ito. Dahil sa mga naganap
na tensiyon sa pagitan ng Japan at Estados
Unidos, pinag-ibayo ng Estados Unidos ang
paghahandang militar sa Pilipinas at sa
ibang bansa sa Timog-Silangan Asya.
18. Itinatag ang United State Armed Forces in the Far
East o USAFFE sa pamumuno ni Heneral Douglas
MacArthur. Sa Pilipinas, binuo din ni Pangulong
Quezon ang Civilian Emergency Administration sa
bawat bayan at nagsagawa ng mga pagsasanay
militar para sa mga kabataan. Simula ng Digmaan sa
Pilipinas Nang sa gitna ng mga negosasyon sa
pagkakasundo, walang kaabog-abog na binomba ng
Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii na isang kolonya
ng Estados Unidos sa dagat Pasipiko, noong
Disyembre 7, 1941, araw ng Linggo, 7:44 ng umaga
(sa Pipinas ay 2:30 ng madaling -araw, Disyembre 8).
19. Ito ang pinakamalaking baseng
pandagat ng Estados Unidos sa
Pasipiko na nasa Hawaii. Nabigla
at nasindak ang mga Amerikano sa
pagkawasak ng base militar sa
Hawaii, at kulang-kulang sa 5,000
Amerikanong opisyal at marino
ang napinsala (namatay,
nasugatan, at nawawala).
20. Sa ginawang pataksil na pagbomba sa
Pearl Harbor sa Hawaii, kinabukasan nito,
ipinahayag ni Franklin D. Roosevelt,
pangulo ng Estados Unidos ang
pakikidigma sa Hapon. Sumagot ang
Hapon ng pakikidigma rin sa Estados
Unidos at ang Inglatera ay nagpahayag na
rin ng pakikidigma sa mga Hapon.
Pagkaraang ng apat na oras mula sa
pagbomba ng Japan sa Pearl Harbor,
21. sumalakay ang mga Hapon sa Pilipinas.
Binomba ng mga Hapon ang lungsod ng
Davao, Clark Air Field, Baguio, Aparri,
Nichols Air Base, at Sangley Point sa
Cavite. Nawasak ang maraming
eroplanong Amerikano, kayat namayani
ang mga Hapon sa himpapawid. Naging
malaya sila sa pagbomba sa maraming
lugar sa kapuluan na ikinabigla at
ikinagimbal ng lahat.
22. Pinasabog maging ang mga imbakan ng
gasolina ng Shell at Caltex. Unang dumaong
ang Hukbong Pandagat ng Hapon sa Aparri at
Vigan, sa Hilagang Luzon noong Disyembre 10,
1941. Sa mga sumunod na dalawang araw,
lumunsad naman sa Legaspi ang iba pang
puwersang Hapones. Noong Disyembre 20
nilusob nila ang Davao at ang pinakapunong
puwersang panakop ng mga Hapones ay
dumaong sa Lingayen at Leyte
23. noong Disyembre 22 sa pamumuno ni
Tinyente Heneral Masaharu Homma. Nang
sumunod na mga araw, patuloy na
dumadating ang mga Hapon sa ibat ibang
lugar ng bansa. Noong Disyembre 24 ang
Atimonan, at Mauban sa Tayabas (Quezon
na ngayon) ang kanilang binomba. Sinunod
nilang wasakin ang mga barko ng Hukbong
Pandagat ng USAFFE at
24. eroplano sa mga base militar.
Nakagigimbal ang malawakang
pambobomba at pagdating ng mga
Hapones, ngunit buong tapang na
nakipaglaban ang mga Pilipinong kawal na
kabilang sa USAFFE, kabalikat ang
hukbong Amerikano. Habang dumadaong
ang mga puwersang Japan, binomba at
dinurog ng mga eroplano nito ang US
Navy Yard sa Cavite, ang Nichols Air Base,
Fort Mckinley at ang Kampo Delgado sa
Iloilo.
25. Sa Batangas Airfield, naipakita ng mga
Pilipinong piloto na sina Kapitan Jesus
Villamor, Tinyente Cesar Basa, at
Tinyente Geronimo Aclan ang
kanilang kabayanihan sa
pamamagitan ng pakikipaglaban sa
himpapawid at pagpapabagsak ng
mga eroplano ng mga Hapones.
26. Pagdedeklarang Open City sa Maynila
Habang umaatras ang mga hukbong
USAFFE, patungo naman sa Maynila
ang puwersa ni Hen. Homma
pagkaraang umahon ang mga ito sa
Aparri at Lingayen. Naiwan sa Maynila
bilang tagapamahala sina Kalihim Jose
B. Vargas, Hukom Jose P. Laurel, at iba
pang mataas na
27. opisyal upang pangalagaan ang
kapakanan ng mga mamamayan doon sa
sandaling masakop ng Hapones ang
Kamaynilaan. Dahil sa kawalan ng
puwersang panghimpapawid at
pandagat, tuluyang nawalan ng paraang
ipagtanggol maging ng mga sibilyang
tagapamahala ang siyudad. Upang
mailigtas ang Maynila sa malaking
pinsala ipinahayag ni Hen. Douglas
28. MacArthur ang Maynila bilang Open
City noong Disyembre 26, 1941. Ibig
sabihin ay maaari nang sakupin ito
nang walang paglalaban upang
maiwasan ang pambobomba at
tuluyang pagkasira ng lungsod. Ngunit
hindi ito iginalang ng mga Hapones at
binomba pa rin nila ang Maynila noong
Disyembre 27.
29. Dahil dito marami ang nasawing sibilyan
at nasirang mga ari-arian. Sa gitna ng
ganitong kalagayan at kaguluhan,
nagpalabas ng isang mensahe kay Hen.
MacArthur si Pangulong Roosevelt ng
Amerika, Ipinangangako ko sa bayang
Pilipino na tutubusin ang kanilang
kalayaan at ang kanilang kasarinlan ay
itatatag at ipagtatanggol.
30. Mula sa hilaga at timog, malayang
nakapasok ang mga tropang Hapones at
sinakop ang Maynila. Tuluyan nilang
napasok ang loob ng Maynila noong Enero
2, 1942. Sa kanilang pagdating, nanalanta
ang mga Hapones, pinaslang pati ang mga
sibilyan at dinakip ang maraming
kalalakihan. Ikinulong ang mga bihag sa
Fort Santiago at sa ibat iba pang
malalaking gusali na ginawa nilang mga
garison o kulungan.
31. Nang masakop na ng mga Hapon ang
Maynila, hinirang nila si Jose Vargas
bilang Tagapangulo ng Komisyong
Tagapagpalaganap ng Pilipinas. Ang
komisyong ito ang siyang tumayong
pamahalaang sentral na ang gawain ay
ipahayag sa sambayanan sa
pamamagitan ng radyo ang mga
patakaran ng mga Hapones.
32. Sinasabing naghasik ng lagim ang mga
Hapones sa Maynila gayundin sa iba
pang bahagi ng kapuluan. Pinahirapan
nila ng todo ang mga Pilipino, ibat
ibang paraan ang kanilang ginawang
pagpapahirap sa mga ito. Dahilan sa
digmaan at sa paninikil ng mga
Hapones, naubos ang mga pagkain,
maraming nagutom at namatay, at ang
mga pamilya ay nagkahiwa-hiwalay.
33. Mangyari pa, ang mga sundalong USAFFE
ay nahiwalay sa kanilang mga pamilya sa
kanilang pag-atras patungong Corregidor
at Bataan. 13 CO_Q2_AP 6_ Module 5
Upang masagip ang Pamahalaang
Komoonwelt ng Pilipinas hinimok ni
Pangulong Franklin Roosevelt ng Estados
Unidos na umalis sina Pangulong Manuel
L. Quezon sa Pilipinas at tumungo ng
Australia.
34. Marso 26, 1942 umalis si Pangulong
Quezon kasama ang kanyang pamilya at
si Pangalawang Pangulong Sergio
Osme単a Sr. lulan ng Flying Fortress na
ipinadala ni MacArthur at lihim na
nagtungo sa Australia noong Pebrero
20, 1942. Si Hen. Douglas MacArthur ay
inutusang umalis ng Pilipinas upang
pamunuan ang Southwestern Pacific.
35. Noong Marso 17, 1942 mula Corrigedor
pumunta si MacArthur kasama ang
kanyang pamilya at mga opisyal sa
Australia. Ipinahayag niya sa kanyang
pag-alis ang mga katagang, I shall
return. Layunin ng Japan sa Pananakop
Sa pagsakop ng Japan sa Maynila,
naging dahilan upang maantala ang
pagkamit ng Pilipinas ng kasarinlan.
36. Sa paghahangad ng Japan na mapalawak
ang kanyang teritoryo, nagsimula siyang
manakop ng mga bansa sa Asya. Naghanap
ito ng mapagdadalhan ng kanilang
produkto at mapagkukunan ng mga hilaw
na materyales. Ngunit ang pangunahing
layunin nito ay ang magtatag ng bagong
kaayusan sa Asya na tinatawag na Greater
East Asia Co-Prosperity Sphere.
37. Gusto nilang mapasunod ang mga bansa sa
Asya sa kanilang pamamaraan ng
pagpapaunlad ng kabuhayan sa
pamamagitan ng pagtutulungan ng mga
bansa sa Asya. Dahil nais nilang sila ang
kikilalaning lider ng mga Asyano at
papaniwalain ang mga Asyano na ang Asya
ay para sa mga Asyano.
38. A.Panuto: Punan ng wastong letra ang
bawat kahon upang mabuo ang
salitang tinutukoy. Isulat sa sagutang-
papel ang buong salita.
1. Anong lugar ang ipinahayag ni
Douglas MacArthur na Open City?
41. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A.
Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang-papel.
Hanay A Hanay B
1.Dumaong sa Lingayen
at Leyte ang mga Hapones A. Disyembre 26,
1941 2. Pagtungo ni Pangulong
Quezon at kanyang pamilya
sa Australia B. Marso 17, 1942
2.Ipinahayag na Open
City ang Maynila C. Disyembre
22, 1941 4. Paglisan ni MacArthur sa
Pilipnas patungong Australia D. Marso
26, 1942
5. Lubos na sinakop ng mga
Hapones ang Maynila
42. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat
pangungusap o pahayag tungkol sa pananakop ng
mga Hapones. Isulat sa sagutang-papel ang Tama
kung wasto ang pangungusap o pahayag at Mali
naman kung hindi.
______1. Ipinahayag ng mga Hapones ang layunin
nilang palaganapin ang Samahan ng Kaganapan ng
mga bansa sa Kalakhang Asya (Greater Asia Co-
prosperity Sphere). ______2. Axis Power ang tawag
sa samahang kinabibilangang ng bansang Germany,
Italy at Japan.
43. ______3. Gumanti lamang ang Japan
sa pambobomba ng Estados Unidos.
______4. Dahil sa malakas na
puwersa ng USAFFE hindi nasakop ng
mga Hapones ang Maynila.
______5. Ipinahayag ni Hen. Douglas
MacArthur na Open City ang Maynila
upang madali sa mga Hapones na
wasakin ito.
44. _____6. Sa pangunguna ni Hen.
Douglas MacArthur nagsanib
puwersa ang hukbong Pilipino at
Amerikano upang maitatag ang
Asya Para sa mga Asyano.
_______7. Nais ng Japan na
kikilalaning lider ng mga Asyano
at papaniwalain ang mga Asyano
na ang Asya ay para sa mga
Asyano.
45. ______8. Kagimbal-gimbal man ang
pag-atake ng mga Hapones ngunit
buong tapang na lumaban ang mga
sundalong Pilipino at Amerikano
laban sa mga ito.
_____9. Hindi tumungo ng Australia
si Pangulong Quezon. _____10. Sa
pagbomba sa Pearl Harbor ng mga
Hapones, naging hudyat ito ng
pakikidigma ng Japan sa Estados
Unidos.