1. Ilang taon ang pananakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas?
333 taon 334 taon 335 taon
2. Gawaing pangsimbahan na nagsasagawa
ng pangangaral at pag-aaral ng mga
doktrina ng simbahan.
Katesismo Sakramento Eukarestiya
3. Ito ay sapilitang pagtatrabaho ng
lahat ng kalalakihan na may gulang
16 hanggang 60
Polo Y Servicio Reduccion
Encomienda Tributo
4. Sino ang mananakop na Espanyol na
nagtagumpay na sakupin ang Pilipinas para sa
Spain? Siya rin ang kauna-unahang gobernadora-
heneral sa panahon ng mga Espanyol.
Ruy Lopez de Villalobos Miguel Lopez de Legazpi
Alvaro de Saavedra
5. Ito ang tawag sa mga pamayanan na
naaabot ng tunog ng kampana ng
simbahan.
Encomienda Pueblo Reduccion
6. Ano ang pinakamahalagang pamana
ng Espanya sa Pilipinas?
Pueblo Kristiyanismo
Pagbabayad ng Buwis
7. Uri ng pari na karaniwang mestizo at
walang kinabibilangan na anumang orden
o samahang relihiyoso.
Paring regular Paring secular
Prayleng misyonero
8. Ang mga mamamayang nasa edad 19
hanggang 60 ay pinagbabayad ng walong
reales na buwis sa bawat taon hanggang sa
maging 12 reales ito. Ano ang tawag sa
pagbubuwis na ito na sinisingil sa mga
katutubo?
Falla Tributo Encomienda
9. Ano ang tawag sa pagbabayad ng isa at
kalahating real upang makaiwas sa Polo Y
Servicios o sapilitang paggawa?
Falla Tributo Polo
10. Ito ay isang pangkawanggawang
pundasyon na itinatag ng simbahan
upang tumanggap ng mga donasyon.
Tributo Obras Pias Hacienda
11. Ano ang tawag sa sapilitang pagpapatira
sa mga katutubo mula sa orihinal nilang
tirahan tungo sa bayan ng tinatawag na
pueblo?
Poblacion Reduccion
Encomienda
12. Ito ay Samahan ng mga pari o prayle na
mayroong tungkulin na mamuhay ayon
sa tuntunin o patakaran ng buhay. Ano
ito?
Misyonero Orden Patronato Real
13. Ano ang tawag sa ugnayan ng simbahan at
pamahalaan kung saan ang pamahalaan ay
may mahalagang papel sa pangangasiwa at
pagsuporta sa simbahan?
Orden Patronato Real Ayuntamiento
14. Sino sa mga sumusunod ang sa palagay mo
ang mas malaki ang papel na ginagampanan
sa tuluyang pagsakop ng Espanya sa Pilipinas
sa matagal na panahon?
Mga Espanyol Mga prayle
Mga kristiyano
15. Ano ang tawag sa teritoryong ipinagkatiwala
sa mga conquistador o mga Espanyol na
nakatulong sa pagpapagalaganap ng
pananakop ng Espanya?
Hacienda Encomienda
Pueblo Reduccion
16. Alin sa mga bansa sa Europa ang nanguna sa
pagtuklas ng ibang lugar o bansa sa mundo?
Espanya at India, Portugal at Espanya,
Italya at Espanya,
17. Ito ay isang kasunduan o tratado sa pagitan ng Portugal at
ng Espanya noong 1494, kung saan nagkasundo sila na hatiin ang lahat
ng mga lupain sa Mundo na nasa labas ng Europa para sa pagitan ng
dalawang mga bansa nila, na hjindi isinasaalang-alang kung sinuman
ang naninirahan na sa mga lupaing ito.
Kasunduan sa Saragosa
Kasunduan sa Portugal
Kasunduan sa Tordesillas
18. Sino ang pinuno ng mga katutubo sa Mactan na
nakipaglaban at nagtagumpay laban sa mga
Espanyol?
Rajah Kulambu Lapu-Lapu Andres
Bonifacio
19. Sino ang nagbigay ng pangalang Las Islas
Filipinas sa kapuluan ng Pilipinas bilang
parangal kay Haring Felipe II ng Espanya?
Antonio Pigafetta
Miguel Lopez de Legaspi
Ruy Lopez de Villalobos
20. Anong relihiyon ang nais ipalaganap ng mga
Espanyol kung kaya’t hinangad nilang manakop ng
ibang lupain?
Paganismo
Protestante
Kristiyanismo
Islam
21. Bakit nagkaroon ng kapangyarihang political ang
mga misyonerong katoliko sa pamahalaang
kolonyal? Piliin ang titik ng tamang sagot.
a. Dahil paborito sila ng Hari ng Espanya
b. Dahil sila ang kinatawan ng hari dito sa
Pilipinas
c. Dahil sa Patronato Real
d. Dahil hinirang sila ng hari bilang
encomiendero
22. Sinisimbolo ng kayamanan ang layuning ito ng
Espanya sa pagtuklas at pagsakop ng bagong
lupain.
a. Maibigay ang kasarinlan ng bansang sinakop.
b. Makakuha ng mga likas na yaman
c. Makamit ang karangalan ng bansa
d. Mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
23. Alin ang hindi bunga ng ekspedisyon ni Magellan?
a. Napatunayang bilog ang mundo
b. Maraming lupain ang natuklasan
c. Napatunayang mararating ang silangang bahagi
ng daigdig sa paglalayag pakanluran
d. Pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
24. Ang mga prayle ang siyang nangunang magpalaganap
ng Katolisismo sa kanayunan sa bansa. Sinuong
nila ang makakapal na kagubatan, matatarik na
kabundukan at mapanganib na mga lugar. Alin sa
mga sumusunod na misyonero ang hindi maituturing
na prayle?
Agustino Dominikano Franciscano Heswita
25. Ano ang tumutukoy sa isang patakaran
ng tuwirang pagkontrol ng malakas na
bansa sa isang mahinang bansa?
Imperyalismo Merkantelismo
Kolonyalismo