1. Nobela ni Andres Cristobal Cruz Inihanda nina: Arjona, Bantog, De Guzman, Dela Cruz, Dimapilis, Jimenez, Murao, Regulano, Valdez, Vicencio (III-ADN)
2. ay ang mga gumaganap sa isang istorya. Sa mga tauhan umiikot ang istorya at sila rin ang nagbibigay kulay sa mga pangyayaring nagaganap. (pindutin ito)
3. VICTOR FLOR ALMA Aling Sion Lukas Tatong Bamban, Pilo, Paeng Gasti Mister Fuertes Misis Fuertes Pocholo Monching Minnie Tonyo Chabeng Dolores Pasing Nick Mang Siyano Go Chan Mang Simon Konsehal Paking Opreng Mister Del Pilar Josefa Tiyo Selmo Mang Mentong Estong PINOY JEOPARDY
4. Isang taga-Tundo na maaari nating ilarawan bilang isang taong “idealist” o di kaya’y “optimistic” dahil siya ay naniniwalang ang magulo at mahirap na Tundo ay may langit din o katumbas na kaginhawaan. Mabait, palabiro, simple o karaniwang tao, at masipag Mapagmahal sa pamilya lalo na sa kanyang ina Hindi ganoong nabiyayaan sa buhay lalo na sa kayamanan Siya ay ay umiinom paminsan-minsan at naninigarilyo din Isa siyang working student. Siya ay nagtatrabaho sa isang palimbagan at isa namang graduating student na may kursong Bachelor of Secondary Education. Matapos ang kolehiyo ay nakapagtrabaho siya sa Torres High School bilang isang substitute teacher Labis niyang pinahahalagahan ang kanyang prinsipyo tungkol sa pagbibigay pagmamahal sa sariling pinanggalingan o ang kanyang lipunang kinabibilangan.
5. Anak-mayaman ngunit piniling mamuhay ng simple Matalik na kaibigan ni Victor na katulad ni Victor ay isa ding working student at graduating student din sa kursong B.S.E. May suliranin siya sa kanyang ama at napagtagumpayan niya ito sa tulong ng kanyang naging asawa Sa kabila ng kayamanan na kanyang tinatamasa sa huli pinili niya manatili maging simple Natutong magsikap at maghanap ng langit sa kanyang daigdig dahil kay Victor Kagaya ni Victor ay may prinsipyo din siya na hindi kailangan tapak tapakan ang mahihirap Siya ay may talaarawan dahil ayaw niyang makalimutan ang mga bagay na nangyayari May malambot na puso lalo na sa kanyang nagawa para kay Dolores Naging asawa ni Victor sa huli at naging guro sa Torres High School
6. Isang magandang babae na noo’y nakatira din sa Tundo at dating kasintahan ni Victor Nakilala si Tonyo at lumisan na siya ng Tundo. Sila ay nagpakasal ngunit ito ay peke pala dahil may naunang asawa si Tonyo Nang mabuntis siya ay muli silang nagka-ugnayan ni Victor dahil kinailangan niya ng tulong Nagkaroon ng anak na lalaki kay Tonyo: Boy Anton Flores Hindi rin gaanong mayaman ngunit nakapagpatayo ng isang patahian
7. Ang tahimik na mapagmahal na ina ni Lukas at Victor Ang kanyang trabaho ay pananahi ng mga basahan. Namatay ang asawa nang mapaslang sa kanyang trabaho Tahimik lamang siya at marahan ang tinig ngunit ramdam na ramdam ng kanyang mga anak ang kanyang pagmamahal Bakas na bakas sa kanyang mukha ang hirap ng buhay sa Tundo Tanggap niya ang kalagayan nila at ang pagtatapos ni Victor ay nagbigay sa kanya ng napakalaking kaligayahan
8. Ang nakatatandang kapatid ni Victor na kahit lasinggero at siga ay mapagmahal na anak at kapatid. Kilalang-kilala sa Looban Mahigpit ang pagsasamahan nila ni Victor Siya ay isang lalaking mabarkada Walang permanenteng trabaho ngunit minsan ay may pinapasada siyang jeep
9. Isang weytres sa restawrang Intsik malapit kina Victor Sila ay nagkamabutihan ni Lukas
10. Mga kabarkada ni Lukas na laging tumutulong sa kanya Naging malapit na din kay Victor Sila ay masiyahin at palabiro
11. Napaghiraman nina Lukas at Tatong Bamban ng kotse na kanilang gagamitin upang ihatid si Victor sa kanyang graudation
12. Siya ang may-ari ng palimbagang pinapasukan ni Victor Mabait na amo na dumalo pa sa pagtatapos ni Victor
13. Pinsan ni Alma na malapit sa kanya Madalas sa kanya sinasabi ni Alma ang kanyang mga nadarama Ang kanyang ama ay ang Tiyo Selmo ni Alma at kapatid niya naman si Nick
14. May-ari ng opisina na pinasukan ni Alma Tiyuhin ni Alma Ang mga anak ay sina Minnie at Nick
19. Ama nina Alma at Pocholo Mahilig siya maglaro ng Poker May tinatagong lihim sa kanyang pamilya Nagkaroon ng anak sa dati nilang labandera na si Dolores Kahit na hindi din niya gusto ang mahihirap natanggap niya si Victor para kay Alma noong nabatid niya na si Victor lamang ang nagpapangiti dito
20. Ina nina Alma at Pocholo Madalas ay tinatadtad ang buhok ng mga hairclips Mahilig siya sa mga pagsasalo salo at kasiyahan Higit niyang pinahahalagahan ang ibang tao o mga sasabihin ng mga ito
21. Dating labandera nila Alma na nabuntis ni Mister Fuertes at binayaran na lamang upang umalis ito at manahimik Naging katulong ni Flor sa kanyang itinayo na patahian Mahirap lamang at naggaling sa isang malaking pamilya sa probinsya Pinagbayaran naman ni Alma kay Dolores ang mga naging kasalanan ng kanyang ama
22. Isang kamag-aral nina Flor at Victor na parati silang inaasar dahil sila ang mga paborito ng matandang dalaga nilang guro na si Miss Quilala Nakipagsuntukan kay Victor ngunit napigilan naman ito ni Tandang Siyanong Agwador
23. Dating kamag-aral ni Flor sa Torres High School Ginamit ni Flor ang kanyang pangalan upang makalabas ito sa kanilang bahay at makasama si Victor na manuod ng sine
24. Ama ni Flor Nagkaroon ng asawa na si Aling Tasing
25. Naging asawa ni Flor May naunang asawa bago pa si Flor Mahal niya si Flor ngunit hindi niya tinalikuran ang kanyang mga responsibilidad sa naunang pamilya
26. Tunay na asawa ni Tonyo May apat na anak kay Tonyo Maysakit, may alta presyon, at masama rito ang magkaanak pa. Tanggap na niya ang relasyon nina Tonyo at Flor at hindi niya papagitnaan ang dalawa sapagkat nakita niyang tunay na nagmamahalan ang isa’t isa.
27. Ang pinakatininti del baryo sa Looban; binati si Victor ng "Arya, Bata!" na ibig sabihin ay "Laban, Victor, Laban!" na minasama ni Victor Kasama siya sa mga sumorpresa kay Victor noong graduation niya Iba pang mga kasama sa sorpresa: Aling Carmen – nakatira sa katapat ng kanilang entreswelo Aling Inggay – may-ari ng bahay
28. Anak ni Mang Simon at nagsisilbing pinuno ng isang samahan ng mga kabataan na naitatag sa lugar nina Victor
29. Isang konsehal sa lugar nina Victor. Handa siyang tumulong sa mga taga-Looban dahil malaki ang maiitutulong ng kanyang mga kawang-gawa sa kayang imahe bilang isang pulitiko Siya din ay kaibigan nina Lukas at Victor at lagi niyang hinihiling sa kanila na ilakad siya sa Tundo
30. Bago kami mag-bukas ng isang katanungan, pipili muna ng tig-isang kinatawan ang grupo ng mga lalake at grupo ng mga babae Tatayo ang dalawa Malalaman kung sino ang mamimili ng box sa pamamagitan ng toss coin Ang unang magbuzzer ang siyang sasagot Kapag tama ang sagot ay madadagdag sa kanila ang puntos at kung mali naman ay hindi ito mababawas kung hindi ay madadagdag ito sa puntos ng kabilang grupo Sa mga susunod na box ang mamimili ay ang huling nakakuha ng tamang sagot
48. Cruz, A. C. (2008). Ang Tundo man may langit din. Quezon City: Ateneo de Manila University Press Pagsusuri: Ang Tundo man may langit din. (September 15, 2009). In markjan-markjan’s blogspot. Retrieved November 30, 2011, from http://markjan- markjan.blogspot.com/2009/09/pagsusuri-ang- tundo-man-may-langit-din.html Mga imahe mula sa Google. (n.d.) In Google. Retrieved November 30, 2011, from http://www.google.com.ph/