2. Luna L. Sicat
Kapanganakan: Enero 29, 1967
Natapos na kurso: AB (1990) and MA (1999)
Trabaho: Propesor sa U.P. sa Departamentong Filipino at Literaturang Filipino
Nakatapos ng Doctoral Degree sa Malikhaing Pagsulat
Parangal: Maraming akda niya katulad ng maikling kwento, sanaysay, tula at
mga kwento ay nagkamit ng mga parangal sa Carlos Palanca Award.
1996- Bago Mo Ako Ipalot
Isang mahusay na manunulat. Bata pa lamang siya ay namulat na ang kanyang
isipan sa paglikha ng isang akda. Ang kanyang magulang ay parehas magaling
na manunulat. Ang kanyang ama ay si Rogelio Sicat. Ang kanyang ina ay si
Ellen Sicat.
Kailan ba siya nawiling magsulat ng akda?
Natapos ang dula. Naalala ko ang palakpakan. Masayang masaya
ang ngiti ng tatay ko. Masaya rin ang mukha ng nanay ko. Nang lumabas kami
sa Little Theater, alam kong may nagbago sa akin. Gusto kong makasulat,
gusto kong magsulat. Nabuklat ang interes ko sa teatro, umuwi akong
punong-puno ng pangarap na balang araw ay susulat din ako. Bukod sa
pagsusulat, mahilig din ako noong magpinta. Gusto ko maging pintor noon,
kaya lang hindi ko na itinuloy. Ayaw ni Papa, ang sabi niya, Kung hindi ka
talaga sigurado sa talento mong yan sa drowing, huwag mo nang ituloy.
(Salaysay ni Luna Sicat)
mula sa aklat na Sarilaysay (Tinig ng 20 Babae sa Sariling Danas
Bilang Manunulat pahina 323-336)
4. Gabay na tanong:
Ano ang mensaheng nais
iparating ng awitin?
May kaugnayan ba ang
tema ng awit sa ating
susuriing tula? Pangatwiranan.
5. Pagbasa:
Pangkat I: Basahin nang may
damdamin ang taludtod bilang 1-6
Pangkat II: Basahin nang may
damdamin ang taludtod bilang 7-15
6. Pangkat I:
1. Hayaan mo muna akong magpaalam
2. Sinindihan mo na ang aking mitsa
3. Kayat titigan mo, hayaan mong
4. Kawayan ka ng naglalagablab kong kulay
5. At saka mo na ako ialay
6. Hindi ako manlalaban sa alon
7. Pangkat II:
7. Paminsan minsan dadalhin ako ng ihip
8. Patungo sa gilid at maaari mo
9. Na akong itulak papalayo
10. Kung nagliliyab ang aking kalamnan
11. Titigan mo na lang ang papalayong
12. Buntot ng kwitis na langit
13. At isipin mo na sa gabing ito
14. Ang liwanag at ang taludtod
15. Ay maligayang pinagsanib
8. Tula
Ang pagsulat ng tula ay naiiba sa
ibang sangay ng panitikan sapagkat
dito ay nangangailangan ng
masusing pagpili ng mga salita,
pagbilang ng mga pantig at
paghahanap ng magkakatugmang
mga salita upang maipadama ang
isang damdamin o kaisipang nais
ipahayag ng isang manunulat.
9. Elemento ng tula
1.Saknong- Ito ay isang grupo sa loob ng isang
tula na may dalawa o maraming linya (taludtod)
1.a. Sukat- Ito ay tumutukoy sa bilang ng
pantig sa bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan
ng pagbasa.
a. Sesura- hati sa bawat taludtod
2.b. Tugma- Sinasabing may tugma ang tula
kapag ang huling pantig ng huling salita ng
bawat taludtod ay magkakasintunog.
b. Tono/ Indayog- diwa at tunog sa
pagbigkas ng tula.
10. 2. Talinghaga- Tumutukoy sa paggamit ng
matatalinghagang salita at tayutay.
a.Tayutay- paggamit ng pagwawangis,
pagtutulad at pagsasatao upang ilantad ang
talinghaga sa tula.
3. Persona- tumutukoy sa nagsasalita sa tula.
4. Simbolismo- Ito ay tumutukoy sa mga
imahe sa tula.
5. Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na
salita upang masiyahan ang mambabasa gayon
din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
14. Paminsan-minsan dadalhin ako ng ihip
Patungo sa gilid at maaari mo
na akong itulak papalayo
Titigan mo na lang ang papalayong
Buntot ng kwitis sa langit
(Pagsasatao)
15. 3. Persona
Taong nagmahal na gusto ng
kumalas o bumitaw sa isang relasyon.
Taong lumisan na o yumao at
kinakausap ang mga iniwang pamilya o
minamahal sa buhay.
4. Simbolismo
mitsa, alon, buntot ng kwitis,
liwanag at taludtod, ihip ng hangin
16. 5. Kariktan
Ang manunulat ay gumamit ng mga
matatalinghagang pahayag at maririkit
ng salita upang mapukaw ang kawilihan
o interes ng mga mambabasa. Ang
angking ganda ng tula ay mapapalutang
sa paggamit ng piling at magagandang
salita.
17. Mensahe:
Hindi lahat ng paghihiwalay
Nakukuha sa kamatayan
May paghihiwalay na
Sanhi ng sariling pagpapasya