3. Isang napakalaking
responsibilidad ang paglalahad ng
balita, dahil maaari itong sumira o
bumuo o ayon na rin sa
tungkuling ginagampanan ng
pahayagan
KATUTURAN NG BALITA
4. KATUTURAN NG BALITA
Ulat na maaaring pasulat o
pasalita ng mga bagay na naganap
na, nagaganap o magaganap pa.
5. KATUTURAN NG BALITA
Anumang mahalagang
impormasyon na nasasalig sa
napapanahong pangyayari o di-
karaniwang nagaganap at may
kahulugan sa mga mambabasa.
6. Ang anumang hindi mo nalalaman
ngayon ay maituturing na balita,
anumang bago o kapaki-pakinabang
sa iba ay mahalagang malaman ng
tao.
-Turner Catledge, The New York Times
7. KATANGIAN NG BALITA
1. Ganap na Kawastuhan bawat pahayag,
pangalan, edad, petsa, tirahan at
pangyayari ay tumpak
2. Timbang naglalaman ng mahahalagang
detalye hinggil sa tunay na pangyayari
3. Walang Kinikilingan hindi nagtataglay ng
personal na opinyon ng manunulat, dapat
na isulat ang dalawang panig ng istorya
4. Kaiklian at Kalinawan dapat maikli at
malinaw dahil ang pangunahing layunin nito
ay magpabatid
9. AYON SA NILALAMAN
Pang-agham at Teknolohiya
Halimbawa:
OYSI isinulong ang magandang kalidad ng
tubig
Once we alter the water cycle, we suffer
the consequences, pahayag ni Vicente S.
Paragas, Exec. Director ng National Water
Resources Board (NWRB) tungkol sa tema ng
7th Annual Meeting at Scientific Converntion
ng Oustanding Young Scientist Inc.
10. AYON SA NILALAMAN
Pampalakasan o Pang-isports
Halimbawa:
Nilampaso ng Philadelphia ang
Orlando sa iskor na 78-70 sa naganap na
championship noong Sabado sa sariling
home court ng Orlando magic.
11. AYON SA NILALAMAN
Pangkaunlarang Komunikasyon
- isang uri ng marketing at public
opinion research na ginagamit sa
paglinang ng mabisang komunikasyon o
ang gamit ng komunikasyon upang
mapalawig ang pangkaunlarang sosyal
13. 1. Batay sa Tala
Kung ang pinagbabatayan ng balita
ay mga talang nakalap mula sa
talaan ng pulisya, ospital at iba
pang ahensya.
AYON SA PINAGBABATAYAN
14. Halimbawa:
Ayon sa talang inilahad ng PAG-
ASA, 20 katao na ang natukoy na
namatay at walo pa ang nawawala dahil
sa landslide na naganap sa Koronadal
bunsod ng Bagyong Lorenzo.
15. AYON SA PINAGBABATAYAN
2. Batay sa aksyon
Ang manunulat / mambabalita
ay naroon mismo sa lugar na
pinangyarihan ng aksyon o
pangyayari.
16. Halimbawa:
Sama-sama nating tatahakin ang
tuwid na daan dahil kayo ang boss ko!
Iyan ang tinuran ni Pangulong
Noynoy Aquino sa kanyang ikatlong
State of the Nation Address o SONA na
kasalukuyang ginaganap sa Upper
House.
17. 3. Batay sa Talumpati
Kung ang pinagkukunan ng
datos ay ang talumpati ng mga
kilalang tao.
AYON SA PINAGBABATAYAN
18. Halimbawa:
Giyerang nukleyar, mabilis na
pagtaas ng populasyon sa kapaligiran,
ang mga ito ang tatlong pangunahing
panganib na nakaamba sa
sangkatauhan ngayon. Ito ang pahayag
ni Gng. Nora de Leon, research Division
Chief ng National Pollution Control
Commission, kaugnay ng pagdiriwang
ng Environmental Consciousness Week
sa Mataas na Paaralang Clarion.
19. 4. Batay sa pakikipanayam
Kung ang mga datos ay nalikom
sa pamamagitan ng pakikipanayam
sa mga taong sangkot o may alam
sa pangyayari.
AYON SA PINAGBABATAYAN
20. Halimbawa:
Nangako si Dr. Lumen
Paras, tagapamahal ng Division of City
Schools, Manila na tutulong na makalikom ng
pondong pampagawa ng annex ng Manila
High School upang makatugon sa lumalaking
bilang ng mag-aaral.
Ginawa ng tagapamahala ang pangakp
sa panayam na isinagawa noong mini-press
conference sa naturang paaralan, Setyembre
15.
22. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
ng
Mabisang Pamatnubay:
1. Gumamit ng payak na pangungusap.
Halimbawa:
Gagampanan ni Karen
Maneja, patnugot ng Golden Fork, ang
papel na bida sa dulang Hamlet ni
Shakespeare na itatanghal sa susunod
na buwan.
23. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
ng
Mabisang Pamatnubay:
2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan
sa mga tanong na Ano, Sino, Saan,
Kailan, Paano at Bakit sa isang
pangungusap lamang.
Halimbawa:
Buksan ang aklat sa pahina 9.
24. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
ng
Mabisang Pamatnubay:
3. Huwag uliting gamitin ang
mahalaga o di-karaniwang salita sa
isang pangungusap.
Halimbawa: (palarawan)
Ang malinis na batis na
kanilang pinaliliguan ay may
malilinis na batong may
kadulasan.
25. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
ng
Mabisang Pamatnubay:
4. Iwasan ang pag-uulit ng mga
sugnay, parirala at mga iba pang
katulad nitong gramatikong
kayarian.
Halimbawa:
Apat na pasahero sa jeep ang
tumilapon dahil sa banggaang naganap sa
Shaw Boulevard. Ang apat na pasahero sa
jeep ay malubhang nasugatan.
27. Mga Hakbang/Gabay sa Pagsulat ng
Balita
1. Isulat kaagad ang balita matapos
makalap.
2. Itala ang mga datos ayon sa
pababang
kahalagahan.
3. Unahing itampok ang
pinakamahalagang datos bilang
pamatnubay.
28. Mga Hakbang/Gabay sa Pagsulat ng
Balita
4. Ibigay ang buong pangalan ng taong
awtoridad o pinagkunan ng datos at
kaniyang katungkulan. Sa muling
pagbanggit sa kanya ay gamitin na
lamang ang G. at apelyido ng lalaki at
Bb. o Gng. at apelyido ng babae o
anumang titulo na angkop sa kanya.
29. 5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.
6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.
7. Gawing maikli ang talata.
8. Gumamit ng mga payak na salita.
9. Gawing maiikli ang pangungusap at pag-iba
ibahin ang haba nito.
Mga Hakbang/Gabay sa Pagsulat ng
Balita
30. 10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan
kaysa sa balintiyak.
11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa
magkahiwalay na talata.
12. Ilahad ang dalawang panig ng mga taong
sangkot sa balita.
13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang 9
at gawing tambilang ang 10 pataas.
Mga Hakbang/Gabay sa Pagsulat ng
Balita