9. Divergence ang dahilan kung
bakit nagkakaroon ng ibat
ibang uri o barayti ng wika
Paz, et. al. 2003.
10. Ang wika ay bahagi ng
kultura at kasaysayan ng bawat
lugar. Ito rin ay isang simbolismo
tungo sa pagkakakilanlan ng
bawat indibidwal.
Sa pamamagitan ng wika,
ay nailalabas o napapahayag
natin ang ating mga emosyon at
saloobin, masaya man o
malungkot. Ginagawa natin ito sa
pamamaraan ng pagsusulat,
pakikipagtalastasan at iba pa.
11. Ang wika ay bahagi ng bawat bansa at
pamayanan, sinasaklaw din nito ang kultura,
pamumuhay, at kasaysayan ng mga taong
naninirahan dito.
Dahil ang mga tao ay may pagkakaiba,
maging sa pagbigkas at pagsasalita ng wika
ay nagkakaroon din ng Barayti o variety sa
wikang Ingles.
Sinasaklaw ng Barayti ng wika ang
paraan kung paano binibigkas o sinasalita ng
mga tao ang nalalaman nilang wika.
11
14. 14
Barayti ng wika
dulot ng pagkakaiba ng antas ng
edukasyon, hanapbuhay o
trabaho, henerasyon ng
pagkabuhay o edad,
pamumuhay sa lipunang
kinabibilangan, at maging
lokasyon o heograpiya ng isang
lugar.
15. 15
Barayti ng wika
Ang pagkakaroon nito ay
bunga ng paniniwala ng mga
linggwistika na ang wika ay
heterogeneous o nagkakaiba-iba.
Dala ito ng nagkakaibang pangkat
ng tao na may ibat ibang lugar na
tinitirahan, interes, gawain, pinag-
aaralan at iba pa.
16. 16
Barayti ng wika
Set
ngmgalingguwistikaytem namay
kaparehong distribusyon. Maliit
nagrupo ng pormal o
makabuluhangkatangian na
nauugnaysa partikular na uri
ngkatangiangsosyo-
sitwasyunal.
23. Ito ang
pinakakaraniwang
Barayti ng wikang alam
at tanggap sa bansang
tulad ng Pilipinas.
Ginagamit ito sa tiyak na
lugar o rehiyon
Permanente
DAYALEK
24. Mga halimbawa ng Dayalek:
Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Baki ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
Tagalog = Nalilito ako
Bisaya = Nalilibog ako
Permanente
DAYALEK
25. bawat indibidwal ay may sariling
istilo ng pamamahayag at
pananalita na naiiba sa bawat isa.
Gaya ng pagkakaroon ng personal
na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolismo o tatak ng
kanilang pagkatao. Ito ay mga
salitang namumukod tangi at
yunik.
Permanente
IDYOLEK
26. Mga halimbawa ng Idyolek:
Magandang Gabi Bayan ni Noli de Castro
Hindi ka namin tatantanan ni Mike Enriquez
Hoy Gising! ni Ted Failon
Permanente
IDYOLEK
27. isang uri ng barayti ng wika na
nadedebelop mula sa salita ng mga
etnolonggwistang grupo. Dahil sa
pagkakaroon ng maraming pangkat
etniko sumibol ang ibat ibang uri ng
etnolek.
Taglay nito ang mga wikang nagiging
bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat
pangkat etniko.
Permanente
ETNOLEK
28. Mga halimbawa ng Etnolek:
Vakuul tumutukoy sa mga gamit ng
mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing
panahon ng tag-init at tag-ulan
Bulanim salitang naglalarawan sa
pagkahugis buo ng buwan
Permanente
ETNOLEK
29. kadalasang ginagamit sa loob ng ating
tahanan. Ito ang mga salitang madalas
na namumutawi sa bibig ng mga bata
at mga nakatatanda, malimit itong
ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan.
Permanente
EKOLEK
30. Mga halimbawa ng Ekolek:
Palikuran- banyo o kubeta
Silid tulogan o pahingahan- kuwarto
Pamingganan-lalagyan ng plato
Permanente
EKOLEK
32. Naipapangkat din ang mga tao ayon
sa kanilang personalidad, kasarian,
at katayuang socio-ekonomiko
nakabatay ang pagkakaiba nito sa
katayuan istatus ng isang gumagamit
ng wika sa lipunang kanyang
ginagalawan
Pansamantala
SOSYOLEK
33. Mga halimbawa ng Sosyolek:
Wa facemask girlash mo
Sige ka, jujumbagin kita!
Repapips, ala na ako datung eh
Pansamantala
SOSYOLEK
34. anyo ng wika batay sa uri at paksa
ng talakayan o larangang pinag-
uusapan, sa mga tagapakinig o
kinakausap o kaya sa okasyon at sa
iba pang salik.
Pansamantala
REGISTER
35. 1.Field o larangan
2.Mode o modo
3.Tenor
Pansamantala
May tatlong uri ng dimensyon ang
Barayting register.
36. 1. Field o larangan- ang layunin
at paksa nito ay naaayon sa
larangan ng mga taong
gumagamit
Hal.
Talakayan sa klase ng
International Affairs
37. 2. Mode o modo- paraan kung
paano isinasagawa ang uri ng
komunikasyon.
Hal.
Talakayan sa klase sa
Filipino
38. 3. Tenor- ito ay naaayon sa
relasyon ng mga nag-uusap.
Hal.
Klase sa Law School
39. ito ay barayti ng wika na walang
pormal na estraktura. Ito ay
binansagang nobodys native
language ng mga dayuhan. Ito ay
ginagamit ng dalawang indibidwal na
nag-uusap na may dalawa ring
magkaibang wika.
Pansamantala
PIDGIN
40. Mga halimbawa ng Pidgin
You go there sa ano there in the
banyo (English carabao)
Ako benta mga prutas sa New Year para
swerte. (Chinese na sumusubok mag-Filipino)
Whats up, madrang piporrrr
(Koreanong si Ryan Bang sa kaniyang programa)
Pansamantala
PIDGIN
41. mga barayti ng wika na nadedelop
dahil sa mga pinagha-halong salita
ng indibidwal, mula sa magkaibang
lugar hanggang sa ito ay nagging
pangunahing wika ng particular na
lugar. Ito ay pinaghalong ibat ibang
wika.
Pansamantala
CREOLE
42. Mga halimbawa ng Creole
Mi nombre- Ang pangalan ko
Di donde lugar to?- Taga saan ka?
Buenas Dias- Magandang umaga
Pansamantala
CREOLE
45. 45
KAHALAGAHAN
1. Napapaunlad ang wika sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga salitang gagamitin ng
isang lipunan
2. Napaparami nito ang ibat ibang katawagan ng
isang salita
46. 46
KAHALAGAHAN
3. Natutulungan nito ang mga tao na
makapamili ng mga salitang gagamitin sa
pinaka angkop na paraan
4. Napapalawak nito ang iskolarling
pananaliksik pangwika
47. 47
TANDAAN:
Ang pagkakaiba o Barayti ng wika ay maaring
maging daan ng pagkakaunawaan at pagkakasalungat
ng mga taong gumagamit ng wika. Ang mahalaga ay
matutuhunan ng bawat isa na galangin ang
pagkakaiba dahil salamin ito na ang wika natin ay
mayaman at dinamiko.
48. 48
Bakit mahalagang matutuhang tanggapin at
igalang ng isang tao ang ibat- ibang barayti ng
wikang ginagamit ng ibat- ibang tao sa paligid?
Sa paanong paraan maaring makatulong ang
ganitong pagtanggap?
Nilalaman- 20
Organisasyon-10