Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang Pilipino.pptx
1. BATAYANG KAALAMAN
SA MGA TEORYA SA
PANANALIKSIK NA
AKMA O BUHAT SA
LIPUNANG PILIPINO
IKAAPAT NA BAHAGI
2. NASYUNALISMO
Ang nasyunalismo ay tumutukoy sa isang sistemang
pampulitikal, panlipunan, at pang-ekonomiya na inilalarawan ng
pagsusulong sa interes ng partikular na nasyon upang higit na
makamtan ang layunin na makuha at mapanatili ang kaniyang
sariling soberenya o sariling pamahalaan.
Naglalayong panatilihin ang kultura ng isang nasyon sa
pamamagitan ng pagmamalaki sa lahat ng natamo ng isang bansa
at may kaugnayan sa patriyotismo.
3. MARXISM
Ito ay isang metodo ng sosyo-ekonomikong pagsusuri na kung
saan ay tinitingnan ang ugnayan ng klase (class relations) at
tunggaliang panlipunan (social conflict) gamit ang materyalistang
interpretasyon ng pag-unlad ng kasaysayan (materialist
interpretation of historical development) at ginagamitan din ng
diyalektikal na pananaw ng transpormasyong panlipunan o social
transformation.
Nag-ugat sa mga akda noong ikalabinsyam na daantaon ng mga
pilosopong German na sina Karl Marx at Friendrich Engels.
4. Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang yaman ng estado ay nagmula sa silid ng
mahihirap na ang kapalit ng pag-unlad ay ang paghihirap ng isa.
Ang puso ng argumento ng teoryang ito ang paniniwala na ang mahihirap na estado
ay pinagkaitan samantalang ang mayayaman naman ay pinagkakalooban sa
pamamagitan ng pagsasama sa mahihirap na pamamalakad ng mundo.
Ang paniniwalang ito o teorya ay isinilang o nag-ugat sa reaksyon sa teoryang
modernisasyon (naunang teorya ng pag-unlad na kung saan ipinakikita na ang
lipunan ay yumayabong gamit ang magkakaparehong hakbang sa pagsulong-
tungkulin ng isa na tumulong sa mga lugar na hindi makahulagpos sa kahirapan at
iahon sila sa nararapat na tatahaking landas ng pag-unlad sa pamamagitan ng ibat
ibang kapamaraanan katulad ng pamumuhunan, pagbabahagi ng teknolohiya, at higit
na malapit na integrasyon sa mundo ng kalakalan).
TEORYA NG DEPENDENSYA
5. Mainam na himayin ang pinag-ugatan ng kombinasyon ng mga salitang
bumubuo sa konsepto ng pantayong pananaw upang maiangkop ang
teoryang ito sa isang espisipiko o tiyak na pag-aaral. Ang salitang
pantayo ay binuo sa pamamagitan ng pagsasama ng salitang ugat na
tayo at unlaping pan na ang kalalabasang kahulugan ay mula sa amin-
para sa amin. Ito ay kabaligtaran ng konsepto ng pangkami na nabuo
sa pamamagitan ng pagsasama ng salitang ugat na kami at unlaping
pang na ang kagyat na kahulugan ay para sa nagsasalita at hindi
kasama ang nakikinig nito.
PANTAYONG PANANAW
6. Ayon kay Zeus (1997), napapaloob ang kabuuan ng pantayong
pananaw sa pagkakaugnay-ugnay ng mga katangian, halagahin,
kaalaman, karunungan, kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa
pamamagitan ng isang wika.
Ang pantayong pananaw ay isang deskriptibong konsepto na
tumutukoy sa anumang kalipunan na nagtataglay ng pinag-isa at
panloob na artikulo ng linggwistik-kultural na istruktura ng
komunikasyon at interaksyon ng kahalagahan ng pagkakaisa ng
layunin at dahilan ng pananatili.
7. 1. Dulog etic at emic;
2. Pag-unawa at pagpapaliwanag
3. Suliranin ng idolohiya.
TATLONG MAHAHALAGANG SANGKAP NG
PANTAYONG PANANAW
8. TATLONG MAHAHALAGANG SANGKAP NG
PANTAYONG PANANAW
Dulog etic at emic Sa mga disiplina na katulad ng
antropolohiya at agham panlipunan, ang emic at etic ay tumutukoy
sa dalawang sangay ng pananaliksik batay sa pananaw: ang emic
ay tinitingnan mula sa pangkat ng lipunan (social group) mula sa
perspektiba ng paksa o subject, samantalang ang etic naman ay
tinitingnan mula sa labas o sa perspektiba ng mga tagamasid.
9. TATLONG MAHAHALAGANG SANGKAP NG
PANTAYONG PANANAW
Pag-unawa at Pagpapaliwanag Ang pinakamahinang posisyon ay
ikinukonsider ang parehong paggamit ng terminong teoretikal at ang
paggamit ng emic sa mga diskurso ng pantayong pananaw basta ang
higit na nakararaming teksto ay nakasulat ng paggpapalitan ng berbal
na komunikasyon ay ginamitan ng Filipino.
Ang ganitong dulog o anyo ng panulat ay nakatangap na ng maraming
kritisismo dahil sa ang pagsulat ay ginagamitan ng Filipino
samantalang ang paraan ng pag-iisip ay nasa kategoryang banyaga.
10. TATLONG MAHAHALAGANG SANGKAP NG
PANTAYONG PANANAW
Suliranin ng idilohiya Ang panggitnang posisyon ay ang
pagbibigay ng pribilehiyo o prayoritasyon ng dulog emic laban sa
panghihiram o paglalaan ng konsepto, habang inilalayo ang huli sa
prinsipyo. Ang wika ng tekstwal na eksposisyon at nakasulat din
sa wikang Filipino.
11. SIKOLOHIYANG PILIPINO
Ang sikolohiya o dalub-isipan sa pangkalahatang pagkilala rito ay tumutukoy sa pag-aaral
ng kamalayan ng tao at sa tungkulin nito lalo na iyong nakakaapekto sa kilos.
Ang kay Enriquez (1994), ang Sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa siyentipikong pag-
aaral ng etnisidad, lipunan, at kultura ng tao at ang gamit nito sa sikolohikal na pagsasanay
ng katutubong karunungan na nag-ugat sa etnikong pamana at kamalayan ng mga tao.
Kaniyang espisipikong sinabi na:
Ang sikolohiya ay tungkol sa damdamit kamalayang nararanasan; sa ulirat na tumutukoy sa
pakiramdam sa paligid; sa isip na tumutukoy sa ugali, kilos o asal; sa kalooban na tumutukoy
din sa damdamin; at sa kaluluwa na siyang daan upang mapag-aralan din ang tungkol sa
budhi. (1974)
12. TATLONG ANYO NG SIKOLOHIYANG PILIPINO
(ENRIQUEZ, 1994)
Si Virgilio Enriquez ang siyang nagpakilala sa konsepto ng
sikolohiyang Pilipino. Ang kaniyang pinakamahalagang kontribusyon
sa larangang ito ay ang pagbibigay ng liwanag kung ano ang
Sikolohiyang Pilipino. Binigyang-liwanag ni Enriquez ang pagkakaiba-
iba ng konsepto ng mga sumusunod na anyo ng Sikolohiyang Pilipino.
1. Sikolohiya sa Pilipinas
2. Sikolohiya ng Pilipino, at
3. Sikolohiyang Pilipino
13. TATLONG ANYO NG SIKOLOHIYANG PILIPINO
(ENRIQUEZ, 1994)
1. Sikolohiya sa Pilipinas Kinasasangkutan ng lahat ng mga
sanggunian katulad ng mga pag-aaral, libro, at sikolohiya na
kinasasangkutan ng mga Pilipino.
2. Sikolohiya ng Pilipino -
3. Sikolohiyang Pilipino