for more comprehensive power point presentation in Social Studies email me at rbpsioneductech@gmail.com....
GOD BLESS
1 of 22
Downloaded 66 times
More Related Content
Bourgeosie
2. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
A. nasusuri ang paglakas ng mga bourgeosie;
B. napahahalagahan ang kanilang mga naging adhikain sa
pagsulong ng ideyang kalayaan at pagkakapantay-pantay sa
pamamagitan ng pangkatang gawain; at
C. nakagagawa ng talahanayan na nagpapakita sa kaibahan at
pagkakatulad ng palengke noong panahong midyibal at
kasalukuyan.
5. Sa kalagayang panlipunan ng Pilipinas, pinaniniwalaan ang
pinakamaliit na bilang na porsiyento ng populasyon ay ang mga
mayayaman (30%) na siyang nagmamay-ari ng malaking lupain at
kompanya. Samantala, ang masa naman ang siyang halos bumubuo
sa kabuuang populasyon (70%) na kadalasang umaasa sa mga
programang inilunsad ng pamahalaan. Ngunit huwag nating
kaligtaan na sa ating lipunan ay mayroon ding tinatawag na middle
class o mga propesyunal sa ibat ibang larangan. Sa
kasalukuyan, ang middle class na ito ay kilala bilang mga
propesyunal na guro, doktor, inhinyero, abugado at iba pa.
6. Sino naman kaya sa naging kasaysayan
ang mga middle class o bourgeosie sa
Europa?
Sila ba ay propesyunal o
mangangalakal?
7. Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang
pinahuhulaan mula sa gay na katanungan.
Isulat sa intong kuwaderno ang tamang sagot.
L-A-L-A-N-G-G-A-M-A-K-A-N
_____________________________
Sila ay nabibilang sa paggitnang-uri o bourgeois
Sila ay may hawak ng mga negosyo
Nagnais sila na tumaas ang kanilang kalagayan sa
lipunan kapantay ng mga maharlika at hindi ng mga
manggagawa at magbubukid
9. Kasabay ng pag-unlad ng mga bayan at lungsod sa
Europa, lumaganap ang mga gawaing pagbabago sa
pangkabuhayan.
Karamihan sa mga mamamayan ay tumigil sa pagsasaka at
sa halip ay nagpakadalubhasa sa paghahabi bg tela at
paggawa ng sapatos, mga alahas, at mga kasangkapan sa
bahay.
Nang dumami ang mga produktong likha ng mga
manggagawa, dumami rin ang mga tagapamahagi nito.
10. Ang kaganapang ito ang nagbunsod sa bagong uri ng mga
mamamayan na bumuo ng paggitnang-uring pangkat sa
lipunan na tinatawag na bourgeosie.
Naging makapangyarihan ang grupong ito ng mga
mangangalakal at negosyante.
Itinuring silang kapakipakinabang hindi lamang sa aspeto
ng kabuhayan, kundi maging sa pangangailangan din ng
mga hari.
Ang mga bourgeosie ay nagtustos ng mga pondong
kakailanganin ng mga hari para sa isasagawang digmaan.
12. Ang kapangyarihan ng mga bourgoesie ay unti-unting
yumabong nang bigyan sila ng hari ng posisyon sa
pamahalaan bilang katumbas ng kanilang boto at
representasyon sa konseho dahil sa kanilang pagpapautang
at pagtulong sa pag-unlad ng kaharian.
Bagamat nabigyan sila ng ganitong prebelihiyo sa konseho
ay hindi pa rin ito sapat upang kalimutan ng mga
bourgeosie ang kanilang pangarap at pagnanais na maalis
sa ikatlong estado na kinabibilangan ng mga ordinaryong
mamamayan at magbubukid.
13. Ipinilit ng mga bourgeosie na mapabilang sa ikalawang
estado na kinabibilangan ng mga mayayaman at mga
maharlika o noble.
Sa ganitong kalagayan ay ninais ng mga bourgeosie na
mabago ang kanilang estado na kinabibilangan sapagkat
nakikita nila ang kanilang kahalagahan sa pag-unlad at
paglago ng lipuanan.
Ang mga tinatamasang kapangyarihan ng mga bourgeosie
ay nagkaroon ng limitasyon.
14. Bagamat mayroon silang kayamanan at
edukasyon, tinutulan ng mga maharlika na mapasama sila
sa ikalawang uri, binigyang pansin ng bourgeosie ang
kaisipang pagkakapantay-pantay at kalayaan taliwas sa
kaisipang awtokratiko ng mga maharlika.
15. Suriin mo ang larawang nagpapakita
ng halimbawa ng mga taong kabilang sa
bourgeosie. Sagutin ang mga tanong sa
ibaba pagkatapos mong pag-aralan ang
larawan.
16. Ang larawan bang ipinakita ay masasabing
makatotohanan o tipikal na anyo ng
Panahong Midyibal?
Anong katangian ang tinataglay ng mga
mangangalakal sa larawang ipinakita?
Paano ipinapakita sa larawan ang
espesyalisasyon sa paggawa? (Ang
espesyalisasyon ay tumutukoy sa kakayahan
ng isang manggagawa o mangangalakal na
lumikha ng produlto batay sa kanyang
kakayahan.
17. May pagkakaiba ba o pagkakatulad
ang kalakalan noong Panahong Midyibal sa
kasalukuyang kalakalan mula sa ibang
bayan o palengke? Punan ang tsart ng
iyong sagot.
20. Ang bourgeosie ay ang paggitnang-uri ng lipunan na binuo
ng doktor, manunulat at iba pang propesyunal.
Noong ika-18 siglo, lumaki ang impluwensiya nila sa publiko
dahil ginamit nila ang kanilang propesyon upang
makagawa ng mga reporma sa pamahalaan at
mapalaganap ang pagkakapantay-pantay sa Europa.
Hinadlangan ng mga maharlika ang mga adhikain ng
bourgeoisie, naging mahalagang pangkat din ng
lipunan, bilang paggitnang-uri, ang bourgeoisie.
Napasimulan nila ang mga layunin tungo sa pagkakapantay-
pantay ng tao sa lipunan.
21. TAKDANG ARALIN
1. Ano ang ibig sabihin ng Merkantilismo?
2. Paano ito lumaganap sa Europa?
3. Ano ang naging kaugnayan nito sa
pagpapalawak ng teritoryo o kolonyalismo?
4. Paano ito naging daan sa paglitaw ng
sistemang kapitalismo?