際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
DAHIL SA ANAK 
ni Julian Cruz Balmaceda 
Mga Tauhan ng Dula : 
Don Arkimedes 
Don Cristobal 
Manuel 
Rita 
Ang ayos ng tanghalan ay loob ng isang bahay-mayaman. Makikita sa loob ng 
bahay ang kasangkapang antik o sinauna. Ipalalagay rin na ang namamahay ay may 
ugaling mapaniwalain sa mga utos ng pananampalataya.Sa dakong kaliwa ng 
nanonood ay naroon ang silid ng may bahay. Sa dakong kanan ay may mga bintana, At 
sa dulong kanan ay isang pintong patungong labas. Sa dulong kaliwa ay may isa ring 
pintong patungo sa isang panig ng looban ng bahay. Pagkaangat ng tabing ay 
makikitang nangakaupo at nag-uusap ang magpinsang si Don Arkimedes at Don 
Cristobal. Si Don Arkimedes(suot pambahay) at Si Don Cristobal (suot panlakad). 
Don Cristobal: Liwanagin mo ang ating pinag-uusapan, primo, at kung 
makukuro mo ang magiging hanggay maaaring magbago ka 
ng isipin at palagay. 
Don Arkimedes: Ang lagay bay naparito ka upang ipagtanggol ang walang-hiyang 
iyan? 
Don Cristobal: Isipin mo, primo, na ang tinatawag mong walang-hiya ay tunay 
mong anak. Ang bugtong mong anak na iniwan sa iyo ng 
nasira 
Don Arkimedes:(Titindig at magpapahalata ng kapootan) .Primo.iyay 
hindi ko na anak , mula sa mga sandaling iyay maka-isip na 
gumawa ng napakalaking kasalanang gaya ng kaniyang 
ginawa siyay hindi ko na anak Siyay hindi karapat-dapat 
na magtaglay ng aking apelyido Si Manoling ay kahiya-hiya! 
Karima-rimarim! Isang malaking batik iyan sa lahi 
ng mga Lakambayan Oo, walang patawad ang kaniyang 
ginawa 
Don Cristobal:Huwag mong ipasupil sa iyong puso ang iyong isipAng 
nangyari sa inyong mag-amay nangyayari sa lahat 
Don Arkimedes: Nagkakamali ka, primohindi nangyari, kailanman sa aming 
lahi ang bagay na iyan  Oo talagang walang-hiya, walang 
turing.walang. 
Don Cristobal: Dahan- dahan
Don Arkimedes: Hindi, hindi ako makapagdahan-dahan, kapag naglalagablab 
ang aking isip sa galit Oo walang pinag-aralan, bastus 
Don Cristobal: Baka ipalagay tuloy ng mga kapitbahay na akoy siya mong 
minumura at tinutungayaw 
Don Arkimedes: Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako, 
pulaan man ako ng mga tao?Pagtawanan ako ng kahit sino 
walang kailangan Hindi bat ngayoy pinagtatawanan na 
ako, pinupulaan at pinipintasan ng bala ng nakakikilala sa 
akin? 
Don Cristobal : Natatalastas ko ang iyong ikinagagalit . Oo, hindi kita sinisisi 
 sa palagay koy may matuwid ka, datapwat lahat ay may 
kaniya- kaniyang hangganan Ang ginawa ng iyong anak ay 
isang bagay na di kataka-takang gawin ng kabataan ngayon 
 dahil sa kakapusan ng pagkukuro sa mararating 
Don Arkimedes: Primo alam mo na kung gaano ang pagtatangi ko sa iyo, 
kaya kung pinahahalagahan mo ang ating parang 
magkapatid na pagsasama ay hinihiling kong huwag na 
nating pag-usapan ang bagay na iyan (palipas.) Sapagkat 
makakain mo bang gawin sa iyo ng itinuturing mong bugtong 
na anak pa naman na ikaw ay dalhan ng isang apong ni di 
man lamang nagdaan sa simbahan? Kung sa bagay ,tayong 
lahat ay naging ama ang aking ama ay naging ama rin  
ang ama ng aking ninuno ay naging ama rin ang ama 
ng 
Don Cristobal: Oo, ang ama ng iyong ninuno ay naging ama rin. 
Don Arkimedes: Ngunit ni isa may di nagkaroon ng kapangahasang gaya ng 
kapangahasang ginawa ng aking mabait na anakSayang, 
sayang ang pagkakapagpaaral ko sa hayop na iyanOo, 
sayang! Walang education 
Don Cristobal: Ikaw rin ang masisisi sa nangyaring iyan at hindi ang anak mo 
lamang  Pinalaki mo sa malabis na layaw ang iyong anak. 
Nalimutan mo ang sabi ni Florante na--- 
Ang laki sa layaw, 
Karaniway hubad 
Sa hatol at munit sa 
aral ay salat
Don Arkimedes: Nakita mo na? Sa bibig mo na rin nagmumula ang 
pagbibigay sisi sa magulang, dahil sa kagagawan ng anak 
saka ngayon ay ikaw ang mamamagitan upang huwag kong 
pansinin at alintanain ang kaniyang kaalibughaan? 
Don Cristobal: Dapat mong malaman, primo, na ako man ay nagdaramdam 
din sa nangyari, kayat kinausap ko si Manoling at sinabi ko sa 
kaniya na ang kaniyang ginawa ay pangit napakapangit! 
Don Arkimedes : Kapangit-pangitanang sabihin mo! 
Don Cristobal : Oo, Pangit pa sa dilang pangitngunit ano ang sinabi niya sa 
akin? Tito Cristobal, ang sabi niya Ang nangyari ay 
nangyari na at hindi na natin maiuuli pa sa rati. Hindi ko 
maaaring itapon sa lansangan ang aking anak  At kung ang 
ginawa ng iyong anak, ay gaya ng ginagawa ng iba na ayaw 
kumilala sa laman ng kaniyang laman, at sa dugo ng kaniyang 
dugoano ang sasabihin mo? 
Don Arkimedes: Lalo ko siyang mapapatay Kung may pitong buhay man 
siyay uutasin kong lahat 
Don Cristobal: Mangyari pa kaya ngayon, si Manoling ay wala ng paraan 
at magagawa kundi ang magpasan ng tungkulin ng isang 
amaang sabi nga niya: ang nangyariy nangyari na. 
At tsaka sa ibig mo, primo agwelo ka na  isang bagong 
Arkimedes ang sumilang sa iyong angkan na siyang 
magpapakilos ng daigdig . 
Don Arkimedes: Agwelo? 
Don Cristobal: Mangyari, may apo ka na  at di apo sa pakinabang kundi 
apong tunay isang apong magdadala ng iyong pangalan 
Arkimedes Lakambayan Junior  
Don Arkimedes: Iyan ang hindi maaari. 
Don Cristobal: Kung ayaw ka ng Junior ay tatawagin nating Arkimedes 
Lakambayan, II, nalalaman mo bang ipinanganak ang iyong 
apo ng mismong araw ng iyong ika-50 kumpleanyos? 
Don Arkimedes: Basta kung ayaw kong ipamana sa kaniya ang aking ngalan 
at apelyido, ay ano ang kaniyang 
magagawa? Maiaalis baga sa aking ipagkait ko ang aking 
pangalan sa iba?
Don Cristobal : Diyan ka nagkakamali. Isang katutubong karapatan ng iyong 
apo na gamitin ang pangalang sa kaniyay ukol. Iyan ang 
kayamanan mong maaaring kunin sa iyo ng iba sa harap-harapan, 
at ikaw ay di makakikibo. At saka isa pa: Kasalanan 
ba ng iyong apo na ang maging ama niyay si Manuel, at ikaw 
ang maging nuno? 
Don Arkimedes: Matanong kita : sino ang kamukha ng bata? 
Don Cristobal :Ikaw sa isang dako 
Don Arkimedes: Ano ang ibig mong sabihin? 
Don Cristobal: Kamukha mo sapagkat kung makasigaw ay abot 
sa kapitbahay. 
Don Arkimedes:Demonyo! 
Don Cristobal: At kung tumawa..walang iniwan sa kanyang agwela sa ina. 
Don Arkimedes : Sa ina? Sa ina ni Rita? Ang labandera?Isang butil na 
lamang upang kalusin ang salop Oo.Iyan pa nga ang 
hindi ko malunok-lunok. Papasok sa silong ng bubong ng 
aking tahanan ang isang anak lamang ng 
labandera! Pasasaan ka, oo pasasaan ka? 
Don Cristobal: Diyan ka nagkamali ng panukat, primo. Kilala ko ang ina ni 
Rita. Oo, labandera nga, ngunit ikaw may hahanga sa 
babaing iyon noong nabubuhay.Sa kaniyang sariling 
pagsisikap at sa likod ng di kakaunting pagtitiis, kahit gapang , 
iginapang ang pagpapaaral sa kaniyang bugtong na anak, si 
Rita nga, at una ang Diyos, si Ritay nakatapos sa Normal 
School at nakapagturo sa paaralang bayan Datapwat diyan 
siya nakilala ng iyong anakNamatay ang kaniyang ina, at si 
Ritay naiwan sa piling ng kaniyang tiya, na halos sunod-sunod 
na parang organo ang mga anak. Si Ritay naalis sa 
pagtuturo, mula sa sandaling makilala ng mga pinuno ng 
paaralang bayan ang kaniyang kalagayan at ngayoy mag-ina 
silang sasagutin ng iyong anak 
Don Arkimedes: Samakatuwid, ang Ritang iyang anak ng labanderay. 
Don Cristobal: Isang babaing malinis, may puri, may dangalat maliban sa 
munting batik na nilikha ng kalikutan at kagandahang lalaki ng 
iyong anakay walang maisusurot sa kaniya ang
makasalanang lipunan ng mga tao. 
Don Arkimedes: Di kung gayon ay mag-iisang buwan na ang anak? 
Don Cristobal: Oo, isang buwan at labintatlong araw 
Don Arkimedes: At hindi pa nabibinyagan? 
Don Cristobal: Hindi pa, sapagkat ang ibig nilay magpakasal muna bago 
pabinyagan ang iyong apo 
Don Arkimedes: O, ay ano ang kanilang ginagawa? Bakit di pakasal kung 
pakakasal, at pabinyagan ang bata, upang lumaking moro at 
simaron 
Don Cristobal: Kung sa bagay kapwa nangasagulang maging si Manuel, 
maging si Ritangunit palibhasay ibig ni Manuel na 
mahugasan ang kaniyang pagkakasala, kaya ang hinihintay 
ay ang iyong pahintulot 
Don Arkimedes: Pahintulot? Aanhin pa ang pahintulot? Nang siya bay 
magtayo ng templo ay nangailangan ng aking pahintulot ? 
Komporme na akong siyay mag-asawa , kung ibig niya, 
upang mailigtas sa kasalanan ang kaniyang walang malay 
na anak ngunit kung ako pa ang magiging alkagwete na 
magbibigay ng pahintulot ay iyan ang hindi maaari.Sinabi 
mong silay may layang pakasal. Aber pakasal sila,at 
tapos ang kuwento. /Palipas/ Hindi ko sinisisi ang bata  
ang sinisisi koy ang amat ina  kaya kung ibig nilay 
pakasal sila, kahit makasanlibo at akoy di kikibo , sapagkat 
sinabi ko sa iyo na malaon nang nayari ang aking pasiya: 
akoy walang anak. Akoy nagkaroon ng isang anak na 
suwail, at ang suwail na yaoy malaon ko nang ipinagtulos 
ng kandila. 
Don Cristobal : BuenoKung mag-uulit tayo ng salitaan ay hindi na kita 
sasagutin. Naganap ko na ang aking tungkulin: Ang 
paalaalay gamut sa taong nakalilimot. anang kasabihan. 
Napaalaalahanan na kita, ngunit kung ikaw ang nagkukusang 
lumimot sa iyong tungkulin ay wala akong magagawa. 
Don Arkimedes: Pinasasalamatan kita, pinsan ngunit bago ka umalis, ay 
utang na loob sa iyo, kung makikita mo si Manoling, sabihin 
mo lamang na ibig ko siyang makausap. Kapag sa unang 
tanungan namin ay di sumagot sa akin ng tama  o 
nasirang Manoling siya o akoy hindi na si Arkimedes
Don Cristobal : Oo, nariyan lamang si Manolo . Tatawagin ko. (Tutungo sa 
may pinto at babalik)Ngunit ang paalaala ko lamang sa iyo  
Huwag mong kalilimutang si Manoling ay iyong anak. 
Don Arkimedes: Nalalaman ko. Oo hindi ko kalilimutan na siyay aking 
anak 
Don Cristobal: At hindi mo dapat pagbuhatan ng kamay 
Don Arkimedes: Bakit ko pagbubuhatan ng kamay? 
Don Cristobal: Nakikilala kita  kapag nagdidilim ang iyong isip ay 
gumagawa ka ng di mo nalalaman 
Don Arkimedes: Oo, nalalaman ko. 
Don Cristobal: At isaisip mo na ikaw man, at ako man ay nagdaan din tayo sa 
kabataan. 
Don Arkimedes: Pero, tatawagin mo ba, o ako ang tatawag? 
Don Cristobal: Oo, ako ang tatawag Ay, ArkimedesArkimedes! 
(Papasok sa pintong kanan, samantalay yaot dito sa buong bahay si Arkimedes na 
bulong ng bulong at kumpas ng kumpas.)

More Related Content

Dahil sa Anak

  • 1. DAHIL SA ANAK ni Julian Cruz Balmaceda Mga Tauhan ng Dula : Don Arkimedes Don Cristobal Manuel Rita Ang ayos ng tanghalan ay loob ng isang bahay-mayaman. Makikita sa loob ng bahay ang kasangkapang antik o sinauna. Ipalalagay rin na ang namamahay ay may ugaling mapaniwalain sa mga utos ng pananampalataya.Sa dakong kaliwa ng nanonood ay naroon ang silid ng may bahay. Sa dakong kanan ay may mga bintana, At sa dulong kanan ay isang pintong patungong labas. Sa dulong kaliwa ay may isa ring pintong patungo sa isang panig ng looban ng bahay. Pagkaangat ng tabing ay makikitang nangakaupo at nag-uusap ang magpinsang si Don Arkimedes at Don Cristobal. Si Don Arkimedes(suot pambahay) at Si Don Cristobal (suot panlakad). Don Cristobal: Liwanagin mo ang ating pinag-uusapan, primo, at kung makukuro mo ang magiging hanggay maaaring magbago ka ng isipin at palagay. Don Arkimedes: Ang lagay bay naparito ka upang ipagtanggol ang walang-hiyang iyan? Don Cristobal: Isipin mo, primo, na ang tinatawag mong walang-hiya ay tunay mong anak. Ang bugtong mong anak na iniwan sa iyo ng nasira Don Arkimedes:(Titindig at magpapahalata ng kapootan) .Primo.iyay hindi ko na anak , mula sa mga sandaling iyay maka-isip na gumawa ng napakalaking kasalanang gaya ng kaniyang ginawa siyay hindi ko na anak Siyay hindi karapat-dapat na magtaglay ng aking apelyido Si Manoling ay kahiya-hiya! Karima-rimarim! Isang malaking batik iyan sa lahi ng mga Lakambayan Oo, walang patawad ang kaniyang ginawa Don Cristobal:Huwag mong ipasupil sa iyong puso ang iyong isipAng nangyari sa inyong mag-amay nangyayari sa lahat Don Arkimedes: Nagkakamali ka, primohindi nangyari, kailanman sa aming lahi ang bagay na iyan Oo talagang walang-hiya, walang turing.walang. Don Cristobal: Dahan- dahan
  • 2. Don Arkimedes: Hindi, hindi ako makapagdahan-dahan, kapag naglalagablab ang aking isip sa galit Oo walang pinag-aralan, bastus Don Cristobal: Baka ipalagay tuloy ng mga kapitbahay na akoy siya mong minumura at tinutungayaw Don Arkimedes: Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako, pulaan man ako ng mga tao?Pagtawanan ako ng kahit sino walang kailangan Hindi bat ngayoy pinagtatawanan na ako, pinupulaan at pinipintasan ng bala ng nakakikilala sa akin? Don Cristobal : Natatalastas ko ang iyong ikinagagalit . Oo, hindi kita sinisisi sa palagay koy may matuwid ka, datapwat lahat ay may kaniya- kaniyang hangganan Ang ginawa ng iyong anak ay isang bagay na di kataka-takang gawin ng kabataan ngayon dahil sa kakapusan ng pagkukuro sa mararating Don Arkimedes: Primo alam mo na kung gaano ang pagtatangi ko sa iyo, kaya kung pinahahalagahan mo ang ating parang magkapatid na pagsasama ay hinihiling kong huwag na nating pag-usapan ang bagay na iyan (palipas.) Sapagkat makakain mo bang gawin sa iyo ng itinuturing mong bugtong na anak pa naman na ikaw ay dalhan ng isang apong ni di man lamang nagdaan sa simbahan? Kung sa bagay ,tayong lahat ay naging ama ang aking ama ay naging ama rin ang ama ng aking ninuno ay naging ama rin ang ama ng Don Cristobal: Oo, ang ama ng iyong ninuno ay naging ama rin. Don Arkimedes: Ngunit ni isa may di nagkaroon ng kapangahasang gaya ng kapangahasang ginawa ng aking mabait na anakSayang, sayang ang pagkakapagpaaral ko sa hayop na iyanOo, sayang! Walang education Don Cristobal: Ikaw rin ang masisisi sa nangyaring iyan at hindi ang anak mo lamang Pinalaki mo sa malabis na layaw ang iyong anak. Nalimutan mo ang sabi ni Florante na--- Ang laki sa layaw, Karaniway hubad Sa hatol at munit sa aral ay salat
  • 3. Don Arkimedes: Nakita mo na? Sa bibig mo na rin nagmumula ang pagbibigay sisi sa magulang, dahil sa kagagawan ng anak saka ngayon ay ikaw ang mamamagitan upang huwag kong pansinin at alintanain ang kaniyang kaalibughaan? Don Cristobal: Dapat mong malaman, primo, na ako man ay nagdaramdam din sa nangyari, kayat kinausap ko si Manoling at sinabi ko sa kaniya na ang kaniyang ginawa ay pangit napakapangit! Don Arkimedes : Kapangit-pangitanang sabihin mo! Don Cristobal : Oo, Pangit pa sa dilang pangitngunit ano ang sinabi niya sa akin? Tito Cristobal, ang sabi niya Ang nangyari ay nangyari na at hindi na natin maiuuli pa sa rati. Hindi ko maaaring itapon sa lansangan ang aking anak At kung ang ginawa ng iyong anak, ay gaya ng ginagawa ng iba na ayaw kumilala sa laman ng kaniyang laman, at sa dugo ng kaniyang dugoano ang sasabihin mo? Don Arkimedes: Lalo ko siyang mapapatay Kung may pitong buhay man siyay uutasin kong lahat Don Cristobal: Mangyari pa kaya ngayon, si Manoling ay wala ng paraan at magagawa kundi ang magpasan ng tungkulin ng isang amaang sabi nga niya: ang nangyariy nangyari na. At tsaka sa ibig mo, primo agwelo ka na isang bagong Arkimedes ang sumilang sa iyong angkan na siyang magpapakilos ng daigdig . Don Arkimedes: Agwelo? Don Cristobal: Mangyari, may apo ka na at di apo sa pakinabang kundi apong tunay isang apong magdadala ng iyong pangalan Arkimedes Lakambayan Junior Don Arkimedes: Iyan ang hindi maaari. Don Cristobal: Kung ayaw ka ng Junior ay tatawagin nating Arkimedes Lakambayan, II, nalalaman mo bang ipinanganak ang iyong apo ng mismong araw ng iyong ika-50 kumpleanyos? Don Arkimedes: Basta kung ayaw kong ipamana sa kaniya ang aking ngalan at apelyido, ay ano ang kaniyang magagawa? Maiaalis baga sa aking ipagkait ko ang aking pangalan sa iba?
  • 4. Don Cristobal : Diyan ka nagkakamali. Isang katutubong karapatan ng iyong apo na gamitin ang pangalang sa kaniyay ukol. Iyan ang kayamanan mong maaaring kunin sa iyo ng iba sa harap-harapan, at ikaw ay di makakikibo. At saka isa pa: Kasalanan ba ng iyong apo na ang maging ama niyay si Manuel, at ikaw ang maging nuno? Don Arkimedes: Matanong kita : sino ang kamukha ng bata? Don Cristobal :Ikaw sa isang dako Don Arkimedes: Ano ang ibig mong sabihin? Don Cristobal: Kamukha mo sapagkat kung makasigaw ay abot sa kapitbahay. Don Arkimedes:Demonyo! Don Cristobal: At kung tumawa..walang iniwan sa kanyang agwela sa ina. Don Arkimedes : Sa ina? Sa ina ni Rita? Ang labandera?Isang butil na lamang upang kalusin ang salop Oo.Iyan pa nga ang hindi ko malunok-lunok. Papasok sa silong ng bubong ng aking tahanan ang isang anak lamang ng labandera! Pasasaan ka, oo pasasaan ka? Don Cristobal: Diyan ka nagkamali ng panukat, primo. Kilala ko ang ina ni Rita. Oo, labandera nga, ngunit ikaw may hahanga sa babaing iyon noong nabubuhay.Sa kaniyang sariling pagsisikap at sa likod ng di kakaunting pagtitiis, kahit gapang , iginapang ang pagpapaaral sa kaniyang bugtong na anak, si Rita nga, at una ang Diyos, si Ritay nakatapos sa Normal School at nakapagturo sa paaralang bayan Datapwat diyan siya nakilala ng iyong anakNamatay ang kaniyang ina, at si Ritay naiwan sa piling ng kaniyang tiya, na halos sunod-sunod na parang organo ang mga anak. Si Ritay naalis sa pagtuturo, mula sa sandaling makilala ng mga pinuno ng paaralang bayan ang kaniyang kalagayan at ngayoy mag-ina silang sasagutin ng iyong anak Don Arkimedes: Samakatuwid, ang Ritang iyang anak ng labanderay. Don Cristobal: Isang babaing malinis, may puri, may dangalat maliban sa munting batik na nilikha ng kalikutan at kagandahang lalaki ng iyong anakay walang maisusurot sa kaniya ang
  • 5. makasalanang lipunan ng mga tao. Don Arkimedes: Di kung gayon ay mag-iisang buwan na ang anak? Don Cristobal: Oo, isang buwan at labintatlong araw Don Arkimedes: At hindi pa nabibinyagan? Don Cristobal: Hindi pa, sapagkat ang ibig nilay magpakasal muna bago pabinyagan ang iyong apo Don Arkimedes: O, ay ano ang kanilang ginagawa? Bakit di pakasal kung pakakasal, at pabinyagan ang bata, upang lumaking moro at simaron Don Cristobal: Kung sa bagay kapwa nangasagulang maging si Manuel, maging si Ritangunit palibhasay ibig ni Manuel na mahugasan ang kaniyang pagkakasala, kaya ang hinihintay ay ang iyong pahintulot Don Arkimedes: Pahintulot? Aanhin pa ang pahintulot? Nang siya bay magtayo ng templo ay nangailangan ng aking pahintulot ? Komporme na akong siyay mag-asawa , kung ibig niya, upang mailigtas sa kasalanan ang kaniyang walang malay na anak ngunit kung ako pa ang magiging alkagwete na magbibigay ng pahintulot ay iyan ang hindi maaari.Sinabi mong silay may layang pakasal. Aber pakasal sila,at tapos ang kuwento. /Palipas/ Hindi ko sinisisi ang bata ang sinisisi koy ang amat ina kaya kung ibig nilay pakasal sila, kahit makasanlibo at akoy di kikibo , sapagkat sinabi ko sa iyo na malaon nang nayari ang aking pasiya: akoy walang anak. Akoy nagkaroon ng isang anak na suwail, at ang suwail na yaoy malaon ko nang ipinagtulos ng kandila. Don Cristobal : BuenoKung mag-uulit tayo ng salitaan ay hindi na kita sasagutin. Naganap ko na ang aking tungkulin: Ang paalaalay gamut sa taong nakalilimot. anang kasabihan. Napaalaalahanan na kita, ngunit kung ikaw ang nagkukusang lumimot sa iyong tungkulin ay wala akong magagawa. Don Arkimedes: Pinasasalamatan kita, pinsan ngunit bago ka umalis, ay utang na loob sa iyo, kung makikita mo si Manoling, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap. Kapag sa unang tanungan namin ay di sumagot sa akin ng tama o nasirang Manoling siya o akoy hindi na si Arkimedes
  • 6. Don Cristobal : Oo, nariyan lamang si Manolo . Tatawagin ko. (Tutungo sa may pinto at babalik)Ngunit ang paalaala ko lamang sa iyo Huwag mong kalilimutang si Manoling ay iyong anak. Don Arkimedes: Nalalaman ko. Oo hindi ko kalilimutan na siyay aking anak Don Cristobal: At hindi mo dapat pagbuhatan ng kamay Don Arkimedes: Bakit ko pagbubuhatan ng kamay? Don Cristobal: Nakikilala kita kapag nagdidilim ang iyong isip ay gumagawa ka ng di mo nalalaman Don Arkimedes: Oo, nalalaman ko. Don Cristobal: At isaisip mo na ikaw man, at ako man ay nagdaan din tayo sa kabataan. Don Arkimedes: Pero, tatawagin mo ba, o ako ang tatawag? Don Cristobal: Oo, ako ang tatawag Ay, ArkimedesArkimedes! (Papasok sa pintong kanan, samantalay yaot dito sa buong bahay si Arkimedes na bulong ng bulong at kumpas ng kumpas.)