3. Nais kong ibahagi sa inyo
ang namagitan sa amin ng
aking itay isang gabi. Hinding-
hindi ko makakalimutan ang
gabing iyon. Malakas ang ulan
noon nguni't maalinsangan ang
simoy ng hangin.
4. Ako ay nagsusuklay sa aking silid,
katatapos ko pa lamang maligo at
nakatapis pa lamang noon . Narinig
kong kumakatok si Itay sa aking
pinto. Nang sagutin ko ang pagkatok
niya ay sinabi niya na kailangan daw
naming mag-usap at humiling na
papasukin siya.
5. Binuksan ko ang pinto at siya'y agad na
pumasok sa aking silid. Laking pagkagulat
ko nang isinara niya ang pinto. Hinawakan
ni Itay ang aking mga kamay, hinaplos niya
ang aking buhok, ang aking mukha,
pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa
aking kilay, sa aking mga pisngi,sa aking
mga labi.
6. Napasigaw ako. "ITAY, huwag, huwag!
Ako'y inyong anak! Utang na loob, Itay!
Nguni't parang walang narinig ang aking
Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang
ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking
mga mata dahil ayaw kong makita ang
mukha ng aking ama habang
ipinagpapatuloy- niya ang kanyang
ginagawa sa akin.
7. Naririnig ko si Inay sumisigaw
habang binabayo ang pinto at
nagpipilit na ito'y buksan, "Hayop ka!
hayop ka! Huwag mong gawin iyan
sa anak mo! Huwag mong sirain ang
kanyang kinabukasan". Subalit wala
ring nagawa si Inay, hindi rin siya
pinakinggan ni Itay.
8. Nanatili na lamang akong
walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na
lamang ang aking sarili sa anumang
gustong gawin ng aking Itay. Pagkalipas
ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking
Itay. Iniharap niya ako sa salamin at
ganoon na lamang ang aking
pagkamangha at pagkagulat sa aking
nakita.
9. Magaling naman
palang mag-make-up si Itay.
Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin
ang aking ama. Bakla pala siya. Labis
akong nagalak sa galing at husay ng
aking ama. Naisip ko na matutuwa ang
aking boyfriend dahil lalo akong
gumanda ngayon.
10. Niyakap ko si Itay at pareho
kaming napaluha sa labis na kagalakan.
Masaya na kami ngayon at nabubuhay
nang matiwasay.
Nagmamahal,
Berto
12. Layunin
Tumutukoy sa nais iparating at motibo
ng manunulat sa teksto. Mahihinuha ito
sa pamamagitan ng uri ng diskursong
ginamit sa pagpapahayag. Hal.
Naglalarawan ba ito o kaya ay
nagkukwento lang ng isang tiyak na
karanasan o sitwasyon?
13. Layunin
Maaari ding nangangatuwiran ito o
kaya naman ay hinihikayat ang
mambabasa na pumanig sa
opinyon o paninindigan niya. Sa
layunin, tinutukoy rin ang suliranin o
pangunahing tanong ng akda na
nais solusyunan ng may akda.
14. Damdamin
Ipinahihiwatig na pakiramdam ng
manunulat sa teksto. Maaaring
nagpapahayag ito ng kaligayahan,
tuwa, galit, tampo o kaya naman ay
matibay na paniniwala o panindigan
tungkol sa isang pangyayari o paksa.
15. Damdamin
Dahil sa damdamin na ipinahahayag ng
teksto, hindi naiiwasan na ito rin ang
nagiging pakiramdam ng mambabasa sa
pagbasa nito. Sa katapusan ng pagbasa,
maaari ding tasahin ng isang mambabasa
kung nagtagumpay ba ang manunulat na
iparamdam ang layunin ng teksto.